"Pasensya na talaga kanina ate kung nadisturbo kita, hindi ko lang napigilan ang sarili ko dahil sa ginawa nila sayo." Paumanhin ni Caloy, tinapik ni Estrella ang kanyang batok at ngumiti ng mapait. "Huwag kang mag-alala, Caloy. Hindi na iyon mauulit pa, ang mahalaga hindi na tayo naghihirap tulad ng dati. At sana maintindihan mo rin kung bakit ko napagdesisyunan na bumalik dito sa bayan, gusto kong kunin ang hustisya para kay papa kaya sana huwag kang gagawa ng eskandalo na magdadawit sa pangalan ko, iiwas tayo na may makaalam sa tunay kong pagkatao. Naiintindihan mo ba iyon?" Seryoso niyang sabi at tumango si Caloy. "Pero papaano kung mayroon pa ring makaalam ate? Ayaw kong mapahamak ka ulit, hindi ko alam kung anong gagawin kung mangyayari iyon." Pag-aalala ni Caloy, kinakabahan siya sa pagdodoble-klara ng kapatid. "Kaya nga nag-iingat ako at sana ikaw din. Mag-isip ka nga ng mabuti, hindi tayo mabubulilyaso kung hindi ka mag-iiwan ng mga ebidensya. Kaya please lang, magpakalayo
Terakhir Diperbarui : 2024-09-25 Baca selengkapnya