Home / Romance / HIDDEN BONDS OF VENGEANCE / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of HIDDEN BONDS OF VENGEANCE : Chapter 51 - Chapter 60

87 Chapters

CHAPTER 51-ATTITUDE

"No." Tugon ni Estrella. Hindi inaasahan ni Clementine na maglakas-loob na tumanggi si Estrella kaya magsusumbong siya sa direktok. "Hintayin mo ako!"Hindi nagtagal, dumating mismo si Mr. Lopez"Estrella? What's the matter? Humihingi lang ng pabor sayo si Clementine."Tumayo si Estrella para kausapin ito, "Director, I didn't signed up for this para maging katulong. I'm here to manage their clothes." Pagmamatigas niya. Tumango ang director, "Pansamantala lang naman ito, Estrella. Alam kong medyo nakakahiya ito para sa 'yo. Personal kang hiniling ni Miss Diaz sa akin, at alam kong maasahan ka. Kahit na ako ang director ng palabas na ito, mahirap magsimula ng isang drama kung wala ang pondo ng mga investors, kaya tulungan mo lang ako at ililibre kita ng hapunan mamaya, okay?"Agad niyang nauunawaan ang direktor at magpapakumbaba nalang din siya sa mayabang na artista. "Okay, direk. I'm sorry." Nginitian siya ng direktok. "You don't have to apologize. It's okay."Sa sandaling umalis
last updateLast Updated : 2024-09-29
Read more

CHAPTER 52-RETALIATE

Sa wakas, naipadala na ni Nicholas ang kanyang mensahe. [Umalis ka kung hindi mo kaya.]Ginulong ni Estrella ang mga mata, akala niya ay mag-rereak ito pero wala din palang pakialam. Nag-type naman siya ng irerebat : [Wala ka talagang pakialam sa akin no?] Sa kabilang banda, nasa gym si Nicholas na nag-eehersisyo kasama si Alexis at nagitla siya nang sunod-sunod na tumunog ang phone nito. "Hmm, sinong ka-textmate mo d'yan?" Pakikiusyuso nito. Hindi naman siya sinagot ni Nicholas na nag-rereply sa phone tsaka binitiwan ulit at bumalik sa ginagawa. Maya-maya pa, nag-ring ulit ang phone ni Nicholas na kita niyang kumunot ang noo na nag-type sa phone. Sa sobrang chismoso ng isa, pasimple siyang sumilip sa likuran pero mabilis na pinatay ni Nicholas ang phone screen. "Sino 'yan?" Pangungulit niya. Umiling si Nicholas, "Wala nga."Nag-isip si Dr. Sanchez ng ilang sandali, naisip ang isang tao, at nahulaan, "Hmm, si Lauren?" Tiningnan siya ng masama ni Nicholas na nagbanggit ng pa
last updateLast Updated : 2024-09-29
Read more

CHAPTER 53-DARE

"Please, huwag ninyong isali ang pangalan ko dito. Itinuon niyo nalang ang pansin niyo sa inyong bida." Seryoso niyang sabi at sinubukan na huminahon. "Okay, hindi ka na namin guguluhin, pero kung ipapangako mong susunod ka lagi sa utos ko?" Tanong niya. Biyernes ngayon at dapat na nagpunta si Estrella kay Oliver para magtrabaho pero dahil bwisit din siya dito, pinili niya nalang na sumama kina Clementine para makatakas pero wala rin siyang takas sa mga pamamahiya nila sa kanya. "Sige." Pumayag nalang si Estrella sa gusto nito para manahimik na ang bunganga niya. Katabi niya naman ang isa sa mga staff na ayaw kay Clementine na si Julia. Naawa ito kay Estrella na nananahimik lang. Umalis muna si Estrella doon sa mesa at nagpunta sa comfort room, sumunod naman si Julia sa kanya. "Estrella, hindi ka dapat pumayag sa gusto niya. Mas lalong lalaki ang ulo nun. Ang yabang niya, eh umaasa lang naman siya sa pera ng ama. Kahit isa siyang magaling na artista pero wala siyang karapatan na
last updateLast Updated : 2024-09-30
Read more

CHAPTER 54-HIDE

Napalingon ang lahat at nakita ang isang matangkad at gwapong lalaki na suot ang isang black suit. Si Oliver Tan."Bakit siya nandito?" bulong ni Estrella sa sarili. Sa sobrang gulat, nagtago sa ilalim ng mesa. Humihiling na sana ay hindi siya mapansin ng lalaki. "Sino siya? Ang gwapo niya!" sabi ng isang babae.Noong huling welcome dinner na dinaluhan ni Estrella, halos hindi niya na makita si Oliver sa daan dahil pinalibutan ito ng mga kababaihan. Habang si Clementine ay nakilala na si Oliver Tan noong nakaraang buwan, kaya alam niya kung sino ito. Kamakailan lang, sinabi ng kanyang ama na dahil ayaw siyang pakasalan ni Nicholas, may pagkakataon na siyang makilala ang isang lalaki tulad ni Oliver na nasa tuktok ngayon, at hiniling sa kanya na pakasalan ang lalaki.Kung mapapakasalan niya si Oliver Tan, tiyak na magiging isa sa mga pinakamayamang pamilya ang pamilya nila, at magiging Mrs. Tan siya, mas lalong maiinggit ang lahat.Kung alam niya lang na wala siyang tyansa kay Nicho
last updateLast Updated : 2024-09-30
Read more

CHAPTER 55-GONE

Sa sandaling umalis si Estrella at Oliver sa pinto, agad na bumalik ang ingay ng mga taong nauupo sa mesa. "Matagal ko nang naririnig na malapit ang relasyon ni Mr. Tan at ni Estrella Chua na asawa ni Nicholas. Hindi ko inaasahan na sa sobrang close nilang dalawa handa si Mr. Tan na sunduin siya dito." Nawalan ng sigla ang mukha ni Clementine dahil sa mga nakita at narinig, at hindi niya mapigilan ang sarili na mag salita ng masama, "Hindi ko talaga ma-imagine kung papaano nangyari ito? Papaano nakilala ni Estrella ang isang malaking tao tulad ni Mr. Tan? Hindi ba niya ginagamit ang pangalan ng pamilya Chua para kumapit sa mga mararangal na tao? Narinig niyo naman ang rebelasyon sa party? Isa siyang mukhang pera na kahit saan lang kumakapit." Nasasayangan si Clementine sa pagkakataon na makipag-hook up kay Oliver at ang gusto niyang sisihin ay walang iba kung hindi si Estrella. Humalakhak nang malamig ang manager ni Clementine at sumang-ayon: "Ang kapal nga naman ng mukha niya
last updateLast Updated : 2024-09-30
Read more

CHAPTER 56-WEIRD

Nagising din si Yaya Merill at namutla sa takot nang malaman niyang nawawala si Nicholas sa loob ng mansyon. "Nasaan ba ang lalaking 'yun?" Pinagpawisan naman si Alexis dahil kailangan niyang gumawa ng palusot para kay Nicholas. "Subukan kaya nating tingnan sa hardin? Mahilig din kasi 'yun tumambay para lumanghap ng hangin." Tatlo silang nagtungo sa hardin ngayon at napatingin sa paligid. Parang tanga si Estrella at Yaya Merrill na nagpaikot-ikot kahit wala naman silang mahahanap na mukha ng lalaki doon. "Puryasantisima. Saan ba 'yun nagpunta? Malalagot talaga tayo kay Lola Conchita kung may mangyari sa apo niyang iyon." Nag-aalala naman si Estrella sa asawa. "Mabuti pa tumawag kaagad tayo ng pulis?" Suhestiyon niya. Naloka naman si Alexis na pinipigilan na matawa. "Wala pa ngang 24 hours, matatawag ka na ng pulis? Kumalma kayo, nandito lang 'yun." Sinubukan naman ni Estrella na kumalma, pero bigla niyang naalala na may naka-install pala na surveillance camera sa salas at naka-
last updateLast Updated : 2024-09-30
Read more

CHAPTER 57-ACTION

Naunawaan ni Estrella kalaunan na nagmamadali siya. Masyado siyang diretso sa pagtatanong. Sa dami ng mga apelyido, pinili niya ang Tan, na natural na magdudulot ng pagkalito sa mga tao.Nagkunwari siyang nahulaan, "Ano ka ba! Syempre kasosyo mo sa business ay mga inchik." Hindi napigilang matawa si Nicholas nang makita niyang nagkukunwari si Estrella na kalmado pero nanginginig na ang kamay nitong naka hawak sa kutsara. "Hindi mo pa nakikita iyon."Sa kaalaman ni Nicholas, hindi pa nito nakikilala ang totoong si Oliver Tan.Nawalan na ng lakas ng loob si Estrella na magtanong kaya itinikom niya na ang bibig. ***Nang makarating si Estrella sa set, medyo wala siya sa sarili. Ang tanging iniisip niya ay kung sino ba ang taong makikilala niya ngayong gabi?Si Oliver Tan nga ba ito?Kung sakaling si Oliver Tan ito, ano ang gagawin niya?"Estrella!"Nagitla siya sa malakas na boses ng isa sa mga staff, si Julie. "What happened? Kasing-lalim ng titanic ang iniisip mo." Napakamot si Est
last updateLast Updated : 2024-09-30
Read more

CHAPTER 58-ACCIDENT

Napansin ni Estrella na may mali nang itaas ng mga lalaki ang kanilang mga kamay. Ang dalawang lalaki ay may ganap na magkaibang istilo ng pakikipaglaban kaysa noong nag-practice sila kanina. Kahit na pareho ang kanilang mga galaw, ganap na naiiba ang kanilang lakas.Ang mga nanonood sa paligid ay sobrang namangha sa pag sisimula ng eksena, makikita nila na sobrang intense. Nasaksihan din nila kung gaano kagaling si Estrella na makipag-sabayan kaya naging maganda ang daloy ng filming. Sobrang tuwang-tuwa ang direktor sa likod ng camera, namangha siyang madiskubre ang talento sa pag-arte ni Estrella. Si Caleb naman sa gilid ay kinakabahan at nag-aalala na baka masugatan si Estrella. Nasa tabi niya si Miranda na kita niyang walang ganang manood at napapatingin minsan sa hawak na phone. Sa sumunod na minuto, napansin ni Estrella na parang sinasamantala siya ng dalawang lalaki na mukhang sinasadya na siyang tamaan at ramdam niyang ginagamit nila ang buong lakas. Hindi na maganda ang pa
last updateLast Updated : 2024-09-30
Read more

CHAPTER 59-JOIN

Bahagyang nagulat si Estrella, hindi niya pa ito ipinapaalam sa sekretarya. "Paano mo nalaman ito?""May nag-post ng maikling video sa internet.""Ganoon na lang muna. Titingnan ko." Binaba niya saglit ang tawag at binuksan ang account niya. Una, tiningnan niya ang listahan ng mga trending topic. Wala pa naman siya sa hot list kaya nakahinga siya ng maluwag dahil pwede pang maagapan. Pagkatapos ay nag-scroll pababa, nakita niya ang isang account na nag post ng video sa set.I-click niya ito, at ito ay isang video na halos isang minuto ang haba. Gayunpaman, medyo malayo ang camera at hindi masyadong malinaw ang mga pixel, kaya mahirap makita nang malinaw ang mukha ng tao.May ilang mga taong nagkomento sa video na nagtanong kung si Miranda Gomez ba ang babaeng nasa video. May nagsabi rin na maaring stunt double. Pagkatapos ay may iba't ibang haka-haka tungkol sa pagkakakilanlan ng lalaki sa video. Pumunta siya para iligtas si Miranda sa panganib.Pagkatapos ay nagkaroon ng iba't iban
last updateLast Updated : 2024-09-30
Read more

CHAPTER 60-PLAY

Bahagyang tumigas ang ekspresyon ni Clementine, pagkatapos ay ngumiti siya, "Huwag mong masyadong isipin iyon. Ang sabi-sabi ay hindi pala-ibig ni Nicholas na ipinakasal habang na-coma siya." Tumango si Estrella at hindi na nagsalita. Habang kumakain, napagtanto ni Estrella na si Robert pala ay ama ni Clementine at pinsan niya si Dr. Sanchez, na personal na doktor ni Nicholas, at napakagaling ng kanyang mga kasanayan sa medisina. Akala niya anak ng pamilya ng mga doktor si Alexis, pero hindi niya inaasahan na kapatid siya ng isang negosyante, hindi niya ito inaasahan. Sa hapag-kainan, hindi nakasali si Estrella sa paksa ng usapan ng mga lalaki. Ayaw niyang makipag-usap kay Clementine dahil galit siya dito. Nang makita niya ang mga hipon sa mesa at wala siyang magawa, nagsuot siya ng disposable gloves at nagsimulang magbalat ng hipon. Hindi niya namalayan, nabalatan na niya ang lahat ng hipon sa plato. Tumigil si Estrella sa pagbabalat ng hipon at napansin ang lahat sa mes
last updateLast Updated : 2024-09-30
Read more
PREV
1
...
456789
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status