Pumait naman ang reaksyon ng mukha ni Estrella, nagpabango siya ng bonggang bongga pero sasabihin lang nito na masakit sa ilong, eh wala namaj siyang sinusitis. "Kung ayaw mo sa pabango ko, edi hindi na ako magpapabango sa susunod na ganito kalakas ang amoy." Sinulyapan ni Nicholas si Estrella na naglakad sa mesa at naghahanda ng kanyang almusal. Kita niyang sobrang seryoso ng mukha nito. "Sir Nicholas, si Madame Estrella po ang nagluto ng mga pagkain ngayong araw. Paniguradong magugustuhan mo ang mga ito dahil masarap siyang magluto." Sabi ni Yaya Merill. Namangha si Nicholas na marinig ang puri ni Yaya Merill. "Peor may iba po ba kayong nais na kainin?" Tanong pa ng katulong. "Hmm, gusto ko kumain ng chicken salad." "Alright, ako na bahalang gumawa." Tumango si Estrella tsaka naghanda ng gusto nitong putahe kaya mabilis siyang nagluto sa kusina. Matapos ang ilang minuto, inihanda ni Estrella na ang gusto nitong chicken salad sa kanyang mesa. "Gusto mo bang lagyan ko pa ng
Last Updated : 2024-09-30 Read more