Kapansin-pansin kay Oliver ang backless na evening gown ni Estrella at ang mapula nitong pisnge at mga labi. "Na-miss lang kita, we have a four-hour-a-week relationship. Natural, gusto kong pumunta sa welcome party mo."Bahagyang nagulat si Estrella, hindi inaasahan na narito talaga siya para sa kanya pero medyo pumintig ang taenga niya sa binanggit nitong four hour a week relationship. Napalingon siya sa paligid at sinigurado na walang ibang tao na makakakita sa kanila, "Mr. Tan, hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo. Pwede bang bumalik tayo sa labas." Ngumisi si Oliver, "May nasabi ba akong mali? Totoo naman ah." Naiinip si Estrella sa kanya, "Pinaalala ko sayo Mr. Tan na mayroon akong asawa at baka makita tayo ng ibang tao at kung ano pa ang isipin nila. Ayaw kong masira ang reputasyon mo na isang sikat na negosyante.""Nag-aalala ka ba na masira ang iyong reputasyon?""Pero ano ang narinig ko kanina? Totoo ba ang mga 'yun? Na nagpakasal ka sa isang matandang mayaman na si Mr
Last Updated : 2024-09-28 Read more