Pagkahiga niya sa kama, sinubukan niyang humiga sa komportableng posisyon pero kahit saang posisyon, hindi siya makatulog. Sa sobrang init, hindi niya na nakayanan kaya siya tumayo para pumunta sa kusina. Kumuha siya ng malamig na tubig at uminom para malamigan ang kanyang katawan pati na rin ang ulo. Pagkatapos, sinubukan niya ng bumalik sa kwarto pero kahit anong gawin niyang paraan para makatulog,, hindi pa rin siya makatulog hanggang sa sumapit na ang hatinggabi. Napagdesisyunan na ni Estrella na pumunta sa kwarto ng asawa para doon na matulog. Pagpasok niya doon, nakita niya si Nicholas na gising pa pala. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong nito. Bakas din sa mukha nito na inaantok na. "Umm, sira kasi ang aircon sa kwarto ko, baka pwedeng makitulog muna ako sayo." Sagot ni Estrella. Tumaas ang kilay ni Nicholas. "Ayaw ko nga." Pagtataray niya. Napakamot ng ulo si Estrella na sobrang inaantok na. "Please? Sobrang init, hindi ako makatulog. Promise, ngayon lang 'to. B
Last Updated : 2024-09-30 Read more