Share

CHAPTER 35-ROLLING

Author: Leigh Obrien
last update Last Updated: 2024-09-27 20:29:59

Napaisip si Estrella na hindi niya nga sinipot ang asawa dahil napilitan siyang puntahan si Oliver.

"Tsaka bakit mo naman pinagsisihan na puntahan ako eh, pinigilan ko nga si Nathan na siraan ka?" Isa makahulugang tanong ni Oliver. "At ano bang koneksyon niyo ni Nathan para matakot ka sa gagawin niya?"

Bumilis ang tibok ng puso ni Estrella, "Sinabi ko na sayo na tutol siyang magkaroon ng asawa si Nicholas kaya gusto niya akong mapatalsik sa mansyon. Pati na rin ang asawa niya ay mainit ang dugo sa akin. Tsaka wala kaming koneksyon ni Nathan, sadyang hindi niya ako gusto na dumagdag sa pamilya nila."

Matapos nilang magbangayan, kaagad na pinabigay ni Oliver ang mga gawain ni Estrella na tatapusin niya ng dalawang oras. Saktong natapos si Estrella mga alas-nuebe ng gabi at kaagad siyang umuwi sa mansyon.

Alam niyang nagkulong si Nicholas sa kwarto na mayroong inaasikaso kaya dumeretso siya sa mga bata na naglalaro sa play room.

Umakyat naman si Yaya Merrill sa taas at ipinaalam ka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 36-TREAT

    Pareho nilang ramdam ang pagbagal ng ikot ng mundo at nanatili silang magkayakap. Hindi alam ni Estrella ang takot na naramdaman niya kanina habang si Nicholas naman ay hindi makapaniwala na handa siyang magbuwis buhay para maligtas siya. "Sir! Ma'am!" Pareho silang napabitaw nang marinig si Mang Alfred na papalapit sa kanilang direksyon. "Okay lang ba kayo?" Hingal na hingal ito na huminto sa kanilang harapan. Hindi alam ni Estrella at ni Nicholas kung sasabihing ayos lang dahil muntikan na silang kunin ni kamatayan. Huminto naman ang trailer truck at nilapitan sila ng driver nito. At sa sobrang galit na naramdaman ni Estrella tumayo siya mula sa pagkakandong kay Nicholas para pagsabihan ang driver. "Magdahan-dahan naman kayo sa kalsada! Muntik na kayong makapatay ng tao!" Sigaw niya rito. "Pasensya na po ma'am, nawalan po kasi ng preno ang truck." Paumanhin ng driver. Sinubukan naman ni Estrella na kumalma dahil alam niya ring hindi ito sinasadya ng driver. Sinapo niya ang noo

    Last Updated : 2024-09-27
  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 37-PAST

    Namamangha si Estrella sa side ng tito ni Nicholas dahil mababait ang mga ito, hindi siya nakakaramdam ng ano mang poot. "Pumasok na tayong lahat. May mga nakahanda ng pagkain para sa inyo." Masayang sabi ni Uncle Nelson. Maraming tao ang pumasok sa pinagmamay-arian nilang restaurant na napakaaliwalas, may mga eleganteng palamuti, at magandang fountain sa labas na atraksyon sa mga bisita. Pagpasok ng mag-asawa, magkatabi silang naupo sa mesa at nasa tapat nila si Nelson at ang asawa nitong si Rosanna. "Ang aking asawa ang nagluto nito para sayo, Nicholas." Sabi ni Nelson, nilagyan niya ng napakasarap na Kare-kare na isa sa mga paborito putahe ni Nicholas. "Amoy palang, masarap na." Nakangiting sabi ni Nicholas. Nagsimula ring kumain si Estrella at medyo nahirapan siya dahil gumagamit sila ng chopsticks, marunong siyang kumain gamit ito pero medyo sumasakit pa ang kanyang mga kamay. Napansin naman ni Rosanna na may benda ang kamay ni Estrella at parang nahihirapan sa pagkain. "M

    Last Updated : 2024-09-28
  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 38-SLEEP

    Parehong may lungkot sa kanilang mga mata habang inaalala ang kanilang mga ina. Hindi alam ni Nicholas na pareho sila ng pinagdaanan. Umiwas naman ng tingin si Estrella dahil ramdam niyang nagbabadyang tumulo ang kanyang mga luha. "Mabuti pa pumasok na tayo." Tumayo si Estrella at itinulak ang wheelchair ni Nicholas pabalik sa loob ng kanilang tinutuluyan na silid. Iisa lamang ang kama sa kwarto at hindi pwedeng paalisin ni Nicholas si Estrella dahil baka magtaka ang kanyang Uncle Nelson kung bakit hiwalay silang matulog na mag-asa. "Dito ako sa couch matutulog kaya huwag mag-alala." Sabi ni Estrella na kinuha ang isang unan. "Sige." Tugon ni Nicholas na walang pakialam kahit matulog man siya sa sahig. Iginulong ni Estrella ang mata at nahiga doon sa couch, ramdam niyang sumakit ang kanyang kabilang balikat kaya naghanap siya ng komportableng posisyon. Dahil hindi siya makatulog sa hinihigaan, naisipan niya nalang na maligo muna para presko ang tulog kaya nagpunta siya sa banyo.

    Last Updated : 2024-09-28
  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 39-MILK

    Nagising na sa wakas si Nicholas at nagitla siya na makitang yakap ang asawa. Kita niyang tulog pa ito. Unti-unti niyang itinanggal ang mga braso at ipinatong ang ulo ni Estrella sa unan. Bumangon siya at napatingin sa orasan, alas siete na ng umaga. Naiihi naman siya at naglakad deretso sa banyo, hindi na siya umupo sa wheelchair. Nagising din ulit si Estrella at napagtanto niyang wala na ang asawa sa tabi, lumingon siya at ang tanging nakita ay ang wheelchair na nasa gilid. Nagtaka siya kung nasaan ang asawa. Tumayo siya papunta sa banyo kung saan umiihi pa si Nicholas pero may kumatok sa pinto kaya binuksan niya muna ito."Good morning, Estrella!" Bati ni Tita Rosanna. Isinama siya nito papunta sa kusina para magluto ng umagahan. Pagkatapos umihi ni Nicholas, lumabas siya sa banyo at nakita na wala ang asawa. Umupo siya kaagad sa wheelchair at mag-isang lumabas sa kwarto. Nagpunta siya sa kusina at natagpuan si Estrella na kasama lang pala ang tiyahin. "Good morning!" Bati niya

    Last Updated : 2024-09-28
  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 40-REVEAL

    Hindi makapaniwala si Estrella na malamang katulad siya ni Oliver na allergic sa gatas. Muntik niya na talaga itong mapatay nang dahil lang sa cake. "I'm so sorry, hindi ko alam." Paumanhin ni Estrella. Dumating naman si Yaya Merrill sa kwarto para tingnan si Nicholas. "Anong nangyari?" Nagtataka ito na makita ang lalaki na namumula ang mukha. "Pinakain ko kasi siya ng cake na mayroomg gatas." Pag-aamin ni Estrella. Halos mabigla si Yaya Merrill dahil alam niyang allergic ito sa gatas tsaka wala siya kanina sa kusina dahil abala siya sa paglilinis sa pool. "Hindi ko talaga alam na allergic pala siya sa gatas. Nasa isip ko kasi na nangangailangan siya ng calcium sa katawann. Pasensya na talaga." Paliwanag ni Estrella. "Dios mio, Estrella! Hindi sana ito kumalat. Manatili sana itong sekreto dahil kung makaalam ang iba, maari itong gamitin ng kanyang kalaban sa kanya." Pakiusap ni Yaya Merrill. Agad na naunawaan ni Estrella ang sinabi ni Yaya Merill. "Huwag kang mag-alala, hindi k

    Last Updated : 2024-09-28
  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 41-SHAME

    Pumunta si Estrella sa gawi ni Theresita at inagaw ang microphone sa kamay niya. Hindi niya inaasahan na balak pala ni Janice na sirain ang reputasyon niya sa harap ng maraming tao pero kaya niyang depensahan ang sarili kaya magsasalita siya. Sinulyapan ni Estrella si Theresita at Janice bago nagsalita. "Sa mga narinig ninyo, wala ni isa ang tama."Medyo nawalan ng kumpyansa si Janice na mananalo sa gabing ito dahil mukhang malakas pa rin ang loob ni Estrella, hindi ito napano matapos ang mga panghihiya ni Theresita. "Ikaklaro ko lang po, hindi ako kailanman na kumuha ng pera ng ibang tao, lalo na kay Mr. Watson na inaamin kong aking naging asawa. At dala ko ang apelyido niya dahil nais niyang ihabilin ang kanyang yaman sa akin dahil wala siyang asawa at anak, ngunit may karapatan ang mga kapatid niya at hindi ko nagawang manalo sa korte. Oo, isa lamang akong caregiver sa Germany ngunit nagagawa kong buhayin ang nag-iisa kong anak na babae na hindi ko matukoy ang ama dahil napagsama

    Last Updated : 2024-09-28
  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 42-TWIST

    Kapansin-pansin kay Oliver ang backless na evening gown ni Estrella at ang mapula nitong pisnge at mga labi. "Na-miss lang kita, we have a four-hour-a-week relationship. Natural, gusto kong pumunta sa welcome party mo."Bahagyang nagulat si Estrella, hindi inaasahan na narito talaga siya para sa kanya pero medyo pumintig ang taenga niya sa binanggit nitong four hour a week relationship. Napalingon siya sa paligid at sinigurado na walang ibang tao na makakakita sa kanila, "Mr. Tan, hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo. Pwede bang bumalik tayo sa labas." Ngumisi si Oliver, "May nasabi ba akong mali? Totoo naman ah." Naiinip si Estrella sa kanya, "Pinaalala ko sayo Mr. Tan na mayroon akong asawa at baka makita tayo ng ibang tao at kung ano pa ang isipin nila. Ayaw kong masira ang reputasyon mo na isang sikat na negosyante.""Nag-aalala ka ba na masira ang iyong reputasyon?""Pero ano ang narinig ko kanina? Totoo ba ang mga 'yun? Na nagpakasal ka sa isang matandang mayaman na si Mr

    Last Updated : 2024-09-28
  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 43-RELIEVED

    Kung babalikan ang nakaraan, si Lauren De Silva ang piniling pakasalan ni Nathan dahil ito talaga ang kumuha ng kanyang puso pero nagbago ang lahat nang ahasin siya ni Janice Meneses na sobrang naiinggit sa kanila. Gumawa ng paraan si Janice para sirain si Lauren kaya sa gabi ng kaarawan nito, sinadya niyang lasingin silang mag-asawa at pagkatapos ay idinala niya sa ibang silid si Lauren na napagsamantalahan ng ibang lalaki. Pinagkatiwalaan naman siya ni Lauren tungkol sa sekreto na iyon na nagkaroon siya ng pakikipagtalik sa ibang lalaki at wala siyang alam na si Janice lang pala ang may pakana. Nagpaniwala si Lauren sa mga kasinungalingan ni Janice na siya mismong nanghihila sa kanya pababa. Si Nathan na nagising naman sa tabi ni Janice ay sobrang naguluhan kung anong nangyari sa pagitan nilang dalawa at pati siya ay nilinlang na siya ang nagtungo sa kwarto ni Janice. Ayaw talaga ni Nathan sa kanya dahil mas mahal niya si Lauren pero nagbago rin ang kanyang damdamin nang ibunyag

    Last Updated : 2024-09-29

Latest chapter

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 87-

    Kahit na hindi hinahawakan ni Ji Chengzhou ang mga babae, hindi ibig sabihin na hindi niya naiintindihan ang mga babae. Makikita niya kaagad kung ito ay hindi sinasadyang paglalantad o sinadyang pang-aakit."Alisin mo yan."Nag-pause sandali si Shilan Bai, at pagkatapos ay malumanay na sinabi: "Matagal ko itong inihaw, at nabasa ng langis ang aking mga kamay. Kapatid na Cheng, subukan mo naman."Habang nagsasalita, iniabot niya ang kanyang maputi na kamay sa harap ng kanyang mga mata. May ilang maliit na pulang tuldok nga sa likod ng kanyang kamay.Itinaas ni Ji Chengzhou ang kanyang mga mata, ang kanyang mga mata ay bumagsak sa mukha ni Bai Shilan na may hindi kilalang kahulugan, "Inaakit mo ba ako?"Hindi inaasahan ni Bai Shilan na magiging direkta si Ji Chengzhou. Bahagyang nagulat siya, at pagkatapos ay tumingin sa paligid na parang magnanakaw. Ang lahat ay nag-uusap at nagtatawanan, at walang nakatingin sa kanila.Tanggihan ito, ngunit samantalahin ang pagkakataon.Nag-atubili la

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 86-

    Sa barbecue, may isa na nakita si Estrella na lumapit at nagmadaling nagsabi, "Anuman ang gusto kainin ni Mrs. Ji, ihahain ko para sa iyo." "Salamat." Ngumiti si Estrella, "Kaya ko naman gawin ito mag-isa." "Ang amoy ng usok dito ay medyo matapang. Sabihin mo na lang ang pangalan ng putahe. Ihahain ko iyon sa sandaling ito at ibibigay ko sa iyo." Nalaman ni Estrella na ang dahilan kung bakit siya sinusuyo ay dahil siya ay asawa ni Nicholas. Nakita niya ito noong nakaraan, at halos lahat ng mga masamang tao ay sumusunod sa yapak nina Nicholas at Li Jinyan. Gayunpaman, siya ay nag-ihaw ng mga skewers para pakunin si Nicholas. Hindi niya ito gagawin sa iba, at hindi ito masyadong hindi tapat. "Talagang hindi ko kailangan, salamat." "Huwag kang magpakitang ikaw-ay, si Mrs. Ji siya at hindi niya naman tayo hinuhusgahan." Sinabi ni Bai Shilan ng may pagkainis. Kumurap ng bahagya si Zhao Wen, na may halong hiya at kaba sa pagkakaroon ng isang tao na nagsabi ng kanyang saloobin, "Eh...

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 85-

    Tiningnan ni Ji Chengzhou ang mabait na babae sa harap niya at sinabi, "Uminom ka." "Uminom?" Nagulat na tanong ni Estrella. Bahagyang itinaas ni Ji Chengzhou ang kanyang kilay, "Bakit, ayaw mo ba?" "Oo, siyempre ay pumapayag ako." Nagpakumbaba si Estrella, "Ako'y sobrang tuwang-tuwa." Agad na may dinalang dalawang baso ng champagne ang isa. Hawak ni Estrella ang baso ng alak at tinitigan ang seryoso at dignified na lalaki sa wheelchair. Naramdaman niya na talagang hindi maipredikta ang kanyang asal. Bakit nga ba siya pumayag? "Isang baso ng alak, isang baso ng alak..." Nagsimula na naman ang ingay. Yumuko si Estrella at iniabot ang kanyang kamay upang hakbangan ang braso ni Ji Chengzhou. Bigla niyang inilipat ang baso ng alak sa ibang kamay, pinaubaya na lamang niya itong walang laman, at tinitigan siya ni Estrella nang walang kamalayan kung bakit. Ang babae ay nakasuot ng mahabang palda na may V-neck ngayong gabi. Siya'y yumuko at medyo kita ang kanyang dibdib. Mula sa ang

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 84-

    Hindi nagsalita o gumalaw si Ling Ruonan, patuloy lamang siyang umiiyak. Tanging si Li Jinyan lamang ang narito, siya siguro ang dahilan. Hindi naglakas-loob si Ling Ruonan na magalit sa kanya, kaya hindi rin siya nagsasalita. Tumayo si Estrella. Hinawakan siya ni Ling Ruonan, "Saan ka pupunta?" "Pag-uusapan ko si Li Jinyan." Mariin na sinabi ni Estrella. Medyo nagulat si Ling Ruonan. Hindi niya inaasahan na isang babae na ilang beses pa lamang niyang nakasama ay magtatanggol kay Li Jinyan para sa kanya. Sa susunod na sandali, naisip niya na mabait si Estrella sa kanya dahil siya ay anak ni Ling Jinghang. Iniibig lang ni Estrella si Wujiwu. Biglang ngumiti si Ling Ruonan. Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha, ngunit ang mga dulo ng kanyang mga labi ay pumihit ng may pang-uuyam, "Ulol na fan." Binuksan ni Estrella ang kanyang bibig upang ipaliwanag, ngunit napagtanto na wala siyang maisasagot. Tumahimik siya ng ilang segundo bago sabihin, "Hindi ko papayagan na apihin ka ng s

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 83-

    "Wala itong kinalaman sa iyo." Ling Ruonan ay lumihis at sinalubong ang numero ng bahay sa kanyang tabi, nag-isip ng sandali, saka naglakad papunta sa elevator. Sumunod din si Estrella sa tingin ni Ling Ruonan at nakita na ito ay kwarto ni Mr. Oliver Tan. Pagkatapos ay hinabol niya ito at sinabi, "Wala ka pang kumain. Marahil hindi ka pa kumakain ng tanghalian. Puwede ba akong kumain kasama mo?" Binalewala ni Ling Ruonan ang kanyang alok. "Masama para sa iyong sikmura kung hindi ka kakain. Ako na ang bahala sa pagkain mo." Tuloy pa rin na binalewala ni Ling Ruonan at pumasok sa elevator. Nang makita niyang pumasok din si Estrella, napuno na ng pasensya ang kanyang puso. Iniabot niya ang kanyang kamay upang hadlangan ang pinto ng elevator at nagsabi ng malamig: "Kung gusto mo si Ling Jinghang, hanapin mo siya. Nanggugulo ka ba sa akin?" Nais sana sabihin ni Estrella na hindi niya gusto si Ling Jinghang at sinundan niya siya dahil iniingatan niya ito, ngunit wala siyang karapatang

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 82-SKEPTICAL

    Kinabukasan, nagising si Estrella na nagitla nang matagpuan na nasa sahig pala sila natulog buong gabi. "Bakit tayo natutulog dito sa sahig?" Napakamot sa ulo si Estrella na walang maalala. "Nahulog ka dito dahil sa sobrang likot mong matulog." Sabi ni Nicholas na nakahiga pa rin dahil inaantok pa. Walang maalala si Estrella na itinapis ang kumot sa kanyang dibdib dahil wala siyang suot na pang-itaas. Sinubukan niyang tumayo pero agad siyang natumba dahil naipit pala ang laylayan ng kumot sa mga paa ni Nicholas. Mabuting nasalo siya ng asawa sa mga malapad nitong dibdib. "Lagi ka nalang nahuhulog sa'kin, ah?" Takang tanong ni Nicholas. "Oo naman, matagal na akong nahulog sayo, hindi mo pa rin ba alam?" Panunukso ni Estrella. Umismid si Nicholas sa paglalandi niya ng kay aga. "Tigilan mo'ko. I'm not stupid, Estrella. I know what you're doing." Nababasa ni Nicholas ang mga ikinikilos nito simula pa dati na pinaglalaruan lang ang feelings niya. "Talaga? Pero baka nakakalim

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 81-SHARE

    Naawa si Nicholas nang malaman iyon, at pinunasan niya naman ang mga luha nitong tumulo sa kanyang pisnge. "It's okay to be scared." Pinakalma niya ang asawa at hinila para yakapin. Hinayaan ni Estrella ang sarili na ilabas ang kanyang tinatagong takot at unti-unti namang gumaan ang kanyang loob dahil sa pag-comfort ng asawa. Sa dami ng mga trauma ni Estrella, lahat ng mga iyon ay tiniis niyang harapin. Unang una, nilabanan niya ang sumisilakbo niyang damdamin laban kay Nathan at Janice na pumatay sa kanya. Pangalawa, nagawa niyang palitan ang kanyang orihinal na mukha para lang takpan ang bakas ng kanyang nakaraan. Panghuli, hinayaan niyang matali siya kay Nicholas na gagamitim niya lang para sa paghihiganti. At sa mga pagkakataong ito, nakaramdam na ng kakaiba si Estrella sa lalaking hindi niya dapat magustuhan. Naglalaban na ngayon ang kanyang puso't isipan kaya litong lito na siya sa kung anong tunay niyang nararamdaman para kay Nicholas. Sa kabila ng kanyang takot, unti-

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 80-ATTRACTION

    Hindi inasahan ni Estrella na ganoon ang magiging aksyon ni Nicholas pero sinabayan niya nalang din ito para tuluyan ng makuha ang kanyang loob. "At naakit ka na ba sa'kin? Huh?" Tugon ni Estrella, nilalabanan niya ang titig ng mga mapupungay nitong mata. Hindi agad makasagot si Nicholas na napatingin sa kanyang mga mata na parang naghahanap ng kasagutan, at bumaling ang kanyang tingin pabalik sa kanyang mga mapupulang labi. Sa isang iglap, bigla silang naghalikan dalawa at hinayaan ni Estrella ang lalaki na namnamin ang kanyang labi. Nadala na rin si Estrella sa halik ng asawa kaya siya sumagot at ibinalot ang kanyang mga braso sa leeg nito. Nasa ibabaw siya kaya nagagawa niyang halikan ang asawa ng mariin. Bigla namang bumukas ang pintuan at pareho silang nagitla na makita si Lola Conchita na siya ring hindi makapaniwala sa nakita. Walang nasabi ang matanda kung hindi isinara ang pinto para bigyan sila ng privacy. Kaagad naghiwalay ang dalawa na parehong kinakalma ang sarili p

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 79-BEACH

    Hinayaan nalang ni Oliver na makatulog si Estrella pero naiinis pa rin siya na pinagkaisahan siya nito para mapunta siya sa ibang babae. Pinagmasdan niyang natutulog si Estrella sa kanyang kama. At alam niyang nagpapanggap lang ito kaninang nahihilo para makatakas sa kanya. Napangisi nalang din si Oliver sa mga kagagawan nito para lubayan siya. Kinabukasan nagising si Estrella at nagitla siya nang mapagtanto na hindi pala siya nakauwi sa mansyon kagabi. Dali-dali siyang bumangon at nag-ayos. Napahinto naman siya nang makita si Oliver na nakaupo sa tapat habang nakatitig sa kanya. "Estrella, ulitin mo 'yung ginawa mo at hindi ako magdadalawang na isumbong kita sa asawa mo na nagkikita tayo." Pananakot ni Oliver. Napalunok ng laway si Estrella at napilitang ngumisi. "Oo na. Hindi na mauulit, Oliver."Wala ring sinabi si Oliver at tumayo ito sa kanyang kinuupuan at naunang umalis sa kwarto. Naiwan si Estrella sa loob na pinagpawisan dahil sa takot na ilantad ni Oliver kay Nicholas an

DMCA.com Protection Status