"Syempre naman, para sa'yo, Mama." Kahit may hawak pa ring box na tila wala nang laman, niyakap din ni Liam pabalik si Natalia. "Pasensya na kung naging busy si Mama lately, ha? Marami lang talaga akong inaasikaso lalo ngayong kababalik lang natin dito sa Pilipinas." Hinaplos ni Natalia ang buhok ni Liam at saka ito hinalikan sa pisngi. "Ayos lang po 'yon, Mama." Kahit na sinabi nitong ayos lang, kitang-kita pa rin sa mga mata ni Liam ang lungkot na minsan lang makita ang ina. Ngunit kahit na gano'n, naiintindihan pa rin naman niya dahil kahit pitong-taong gulang pa lang ito, bahagyang mature na ang kaniyang pag-iisip. Malungkot nitong tiningnan at itinaas ang walang lamang food box na dala-dala niya kanina. "Dinalhan sana kita ng pagkain, Mama, kaso bigla pong natapon kanina noong nagkagulo eh.""Okay lang ako, Liam.""Pwede naman po akong umuwi para ipaghanda ka ulit ng pagkain, Mama!" Masaya nitong tugon at saka ngumiti. "Tinulungan naman po ako ni Yaya Tess kanina eh. Pagkatapos
Magbasa pa