Lahat ng Kabanata ng Ex-Wife's Revenge: Hiding the Billionaire's Twins: Kabanata 41 - Kabanata 50

81 Kabanata

Chapter 41

“Manong, sa Maxwell Corporation po,” wika ni Liam sa driver ng taxi habang mahigpit na hawak ang kanyang backpack. Sa murang edad, hindi niya lubos na nauunawaan ang bigat ng kanyang gagawin, pero kitang-kita sa mga mata niya ang matibay na determinasyon."Maxwell Corporation?" tanong ng taxi driver. Sinilip nito ang bata sa rearview mirror at tila nagtaka. "Wala ka bang kasamang matanda, iho?""Wala po, Kuya. Pero ito po oh," Iniabot nito sa driver ang hawak niyang calling card. "Dito po ako pupunta."Nang kuhanin ng taxi driver ang calling card na hawak ni Liam, nakita nito kung saan nga pupunta ang bata. Hindi nito alam kung saan ang Maxwell Corporation hanggang sa makita nito ang totoong nakasulat. "Ahh, sa Harrington Stockholdings pala." sambit nito, habang binabasa ang tunay na pangalan ng building.Maaaring nalito lang si Liam dahil Mr. Maxwell Harrington ang owner ng calling card at hindi naman si Tristan. May maliit na salitang 'corporation' din na nakasulat sa ilalim ng pang
last updateHuling Na-update : 2024-12-27
Magbasa pa

Chapter 42

"Tristan?" tawag sa kaniya ng isang babae.“Tristan? Anong ginagawa mo rito?” tanong ng isang pamilyar na boses ng babae mula sa kanyang likod. Agad na napalingon si Liam. Isang babaeng naka-blazer ang nakatayo sa pintuan, may hawak na folder na puno ng mga papeles. Mukhang kagagaling lamang nito sa isang meeting. Ngumiti ito sa kanya, ngunit hindi maikakaila ang bahid ng pagtataka sa kanyang mga mata. “Uh… nandito lang po ako para magpahinga,” mabilis na sagot ni Liam, pilit na ipinapakita ang ngiti na tila walang bahid ng kaba. Sa kabila ng kanyang mahinang boses, sinubukan niyang magmukhang kaswal at hindi kahina-hinala. Tumango ang babae, bagama’t halatang nag-iisip ito ng malalim. “Dapat nasa ospital ka pa, di ba? Pero mukhang maayos na maayos ka na, Tristan. Mabuti naman kung ganoon,” wika nito habang nilalapag ang mga papeles sa lamesa. Tumikhim si Liam, hinuhulaan ang susunod na tanong ng babae. Alam niyang kaunting maling sagot lang, maaari siyang mabisto. Ngunit sa n
last updateHuling Na-update : 2024-12-27
Magbasa pa

Chapter 43

“Salamat po,” tugon ni Liam, naupo sa sahig at kunwaring naging abala sa pagbuo ng mga piraso ng laruan.Habang naglalaro siya, lihim niyang pinagmamasdan ang bawat kilos ng sekretarya. Umaasa siyang aalis muli ito para makakilos siya nang malaya. Ngunit tila abala ang babae sa pag-aayos ng mga papeles sa mesa ni Maxwell. Sinubukan niyang magtanong para magmukhang hindi alanganin.“Kumusta po pala si Papa?” tanong ni Liam, iniangat ang tingin mula sa building blocks.Napatingin ang babae sa kanya at bahagyang nag-isip bago sumagot. Bahagya itong nagtaka dahil hindi naman 'Papa' ang tawag ni Tristan kay Maxwell, kundi 'Daddy.' Ngunit sa isip nito, baka naisipan lang talaga ni Tristan na iyon ang itawag sa kaniyang ama.“Mabuti naman. Busy lang talaga si Sir. Madalas siyang nasa meeting. Pero sayang, Tristan, hindi kita inaasahan dito. Akala ko ba ay nagpapagaling ka pa?”Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Liam. Kailangan niyang maging maingat sa sagot. “Oo nga po, pero mas gusto kong
last updateHuling Na-update : 2024-12-27
Magbasa pa

Chapter 44

“Sino yung tinitingnan mo diyan?” 'Yan ang mga katagang huling narinig ni Liam sa mga taong kalalabas lang ng opisina na narinig nito bago siya makasakay sa loob ng elevator. Handa na siyang umalis, kaya naman hindi na ito tumigil o lumingon pa kung saan siya nakita ng sekretarya ni Maxwell. Hindi na ito nag-atubiling maghintay pa kaya pagkababa niya ng elevator, agad din nitong hinanap ang daan palabas ng building. Hindi na rin niya gugustuhing magtanong pa sa mga empleyadong nandito dahil kung matyempuhan, baka tumawag pa kay Maxwell na siyang iniiwasan nitong makita.Dedma na sa mga camera o CCTV na nakakalat sa building na ito. Kahit naman makita siyang pagala-gala ng mga camera na ito, ito na rin ang huling beses na makikita ni Liam ang mga taong ito. Sa ikinikilos ng kaniyang ina na si Natalia, iniisip nitong ito na ang huling beses na makakakilos siyang mag-isa sa labas ng kaniyang bahay. Tila may kailangan silang taguan at walang ideya si Liam kung sino o ano ito. Hindi na rin
last updateHuling Na-update : 2024-12-28
Magbasa pa

Chapter 45

Sa lobby ng gusali, kalalabas lamang ni Maxwell mula sa meeting nang mapansin niyang tila may pinagmamasdan ang kanyang sekretarya na si Grace Smith. Hinintay muna ni Maxwell na makalayo ang iba pang mga ka-sosyo sa negosyo bago nito subukang lapitan si Grace. Nakatayo ito sa tapat ng malalaking salamin, nakatingin sa labas ng gusali na parang may inaabangan. Bahagyang napakunot ang noo ni Maxwell at lumapit dito. Tinawag niya ito ng isang beses at nagtanong kung bakit siya nakatulala't nakatayo, ngunit hindi ito narinig ng kaniyang sekretarya. Dahil wala itong pasensya, agad na lumakas ang kaniyang boses. “Grace,” tawag niya, na agad namang ikinagulat ng babae. “Sino ang tinitingnan mo diyan?”Agad namang humarap si Grace sa kanya, hawak pa rin ang clipboard na puno ng mga tala para sa sunod na meeting. “Ah, si Tristan po, sir,” sagot nito, medyo alanganin ang boses.Saglit na nanahimik si Maxwell, sinubukang intindihin ang sinabi ni Grace. “Tristan? Bakit siya narito? At paano siya
last updateHuling Na-update : 2024-12-29
Magbasa pa

Chapter 46

“ANO?" gulat na sambit ni Joaquin.Sa kabilang linya, sabay-sabay na kumakain sina Natalia, Liam, at si Joaquin. Tila nagulat silang lahat sa biglaang pagtayo ni Joaquin nang marinig ang balita kay Maxwell. Hindi pa man sigurado, ngunit kinakabahan na ito. Si Liam naman na mukhang guilty ay tila nakararamdam na kung tungkol saan ang tawag na natanggap ni Joaquin.Kung tungkol ito kay Tristan, siguradong malalagot siya hindi kalaunan. Sa isip-isip ni Liam, malamang ay nagtataka na ang mga taong nasa opisina at nasa ospital kung nasaan nga ba ang totoong Tristan. Itinungo niya ang kaniyang ulo para bahagyang itago ang kaba habang sila ay nakain. Si Natalia naman ay walang kaide-ideya kung tungkol saan ang tawag na natanggap ni Joaquin. "Hindi ko ma-contact ang ospital, Joaquin. IPATATANGGAL KO KAYONG LAHAT KAPAG HINDI NIYO AKO INASIKASO!"“Kumalma ka muna, Mr. Harrington, pero gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para malaman ang totoong katotohanan. Kukumpirmahin muna namin kung
last updateHuling Na-update : 2024-12-29
Magbasa pa

Chapter 47

“Daddy, meron po ba akong kamukhang bata rito sa mundo bukod sa akin?" “Daddy, meron po ba akong kamukhang bata rito sa mundo bukod sa akin?” tanong ni Tristan, nakatingin kay Maxwell habang nilalaro ang laruang robot sa kamay. Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Maxwell. Bagaman pinanatili niya ang kalmado at mapagmahal na tingin sa anak, may tila kakaibang tanong ang gumugulo sa isipan niya. “Bakit mo naman natanong ‘yan, anak?” tanong niya, sabay sandal sa gilid ng kama ni Tristan upang mas malapit siyang makinig. Nagkibit-balikat si Tristan, nagkukunwaring kaswal lang ang tanong. “Wala lang po, Daddy. Naisip ko lang. Di ba minsan may mga taong magkakamukha kahit hindi sila magkapatid?” Tumango si Maxwell, pilit na ngumiti. “Oo, totoo ‘yan, anak. Minsan may mga tao talagang magkahawig, kahit hindi sila magkaano-ano. Pero sa mundo naman, ikaw lang ang ikaw. Bakit mo nga pala naitanong?” Hindi agad sumagot si Tristan. Bumalik siya sa paglalaro ng robot, tila nag-iisip nang ma
last updateHuling Na-update : 2024-12-29
Magbasa pa

Chapter 48

Kinaumagahan, iniisip pa rin ni Maxwell ang mga naging pag-uusap nila ni Tristan.Nakahiga siya sa malawak na kama sa loob ng kanyang kwarto sa mansyon ng mga Harrington. Ang makintab na sahig na gawa sa mamahaling kahoy, ang mataas na kisame, at ang eleganteng chandelier na nagdadala ng banayad na liwanag sa buong silid ay tila hindi makapagbigay ng aliw sa kanyang isipan. Nanatiling malinaw ang sinabi ni Tristan kagabi—ang tahimik na tanong ng kanyang anak na punong-puno ng lungkot. "Namimiss ko na si Mommy."Napapikit si Maxwell. Sa kabila ng lahat ng kayamanan at impluwensya ng pamilya niya, hindi niya mabigyan ng sagot ang pinakamahalagang pangangailangan ng kanyang anak—ang pagkakaroon ng ina. Pagkatapos ng ilang sandaling pagmumuni-muni, bumangon siya mula sa kama. Ang kanyang matikas na pangangatawan ay umeksena, ang mga matitigas na muscles sa kanyang braso at dibdib ay naging kapansin-pansin habang inaabot niya ang bathrobe na nakasabit malapit sa kama. Tila gawa sa perpekt
last updateHuling Na-update : 2024-12-30
Magbasa pa

Chapter 49

"Good morning po, Sir Maxwell,"IYAN ANG BATI NG guard habang bumababa si Maxwell mula sa kanyang itim na sedan. Tumango lamang siya bilang tugon, ang kanyang mukha’y walang bahid ng emosyon, ngunit halata sa tindig niya ang bigat ng iniisip. Suot ang kanyang pormal na suit, kumikislap ang itim nitong sapatos sa sinag ng araw.Sa bawat hakbang niya papasok sa ospital, naramdaman niya ang malamig na hangin mula sa air-conditioning system, isang matalim na kaibahan sa init ng umaga sa labas.Sa lobby, ilang empleyado ang nagbigay galang sa kanya. “Good morning, Sir Maxwell,” bati ng receptionist na nasa harap ng counter, ngunit bahagya lamang siyang tumango bilang sagot. Alam niyang kilala siya ng karamihan dito bilang isang prominenteng Harrington, ang pangalan ng pamilyang nagpapalakad ng ospital. Ngunit sa araw na ito, hindi iyon mahalaga sa kanya. Ang kanyang atensyon ay nakatuon lamang sa isang bagay—ang desisyon na ginawa niya kagabi.Diretso siya sa elevator, hindi ininda ang ila
last updateHuling Na-update : 2024-12-30
Magbasa pa

Chapter 50

Napayuko si Maxwell, tinakpan ang mukha gamit ang kanyang mga kamay. "Anong gagawin ko, Olivia?" bulong niya. Ngunit walang sagot sa kaniyang mga tanong, tanging katahimikan ang bumalot sa kanya. Ang sagot sa tanong na iyon ay siya na lang ang kailangang bumuo. Napatingin siya sa desk ni Natalia. Ang mga dokumento sa ibabaw nito, ang perpektong kaayusan, at ang simpleng ambiance ng opisina ay tila nagbigay sa kanya ng sagot. Kailangan niyang isantabi ang sarili niyang damdamin at alalahanin ang pangunahing kailangan ng kanilang anak. Si Natalia ang makakatulong kay Tristan, kahit na mahirap para sa kanilang dalawa."Tristan," bulong niya sa sarili, nakatitig pa rin sa desk, "gagawin ko ang lahat para sa'yo." Sa kabila ng lahat ng emosyonal na bagaheng dala niya, isang bagay ang malinaw: ang anak niya ang higit na nangangailangan ngayon, at siya, bilang ama, ang kailangang gumawa ng paraan upang maibigay iyon.Napatigil ang pag-iisip ni Maxwell nang makarinig siya ng mga yabag sa laba
last updateHuling Na-update : 2024-12-30
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
9
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status