Home / Romance / The Billionaire's Secret Obsession / Kabanata 31 - Kabanata 40

Lahat ng Kabanata ng The Billionaire's Secret Obsession : Kabanata 31 - Kabanata 40

84 Kabanata

0031: Make over

Serenity's Point of View Maaga pa lang, nagising na ako. Hindi na bago sa akin ang ganitong klaseng umaga—laging puno ng responsibilidad, laging may nakabinbing gawain. Pero sa bawat paggising ko, laging may kasamang pasasalamat. Pasalamat dahil hindi inaatake ng sakit ang anak ko, pasalamat na may isang araw pa akong pwedeng ibigay ang buong oras ko sa kanya. Dalawang oras ang kailangan ko para masiguradong naalagaan ko siya bago ko siya iwanan para sa trabaho.Habang nag-aasikaso ako ng almusal, hindi ko maiwasang mag-alala. Nakasanayan ko na ito—ang pagiisip ng lahat ng posibleng mangyari, lalo na’t alam kong hindi laging maaasahan ang kalusugan ng anak ko. Pero kailangan kong maging matatag. Kailangan kong magpakatibay para sa kanya.Naputol ang aking pag-iisip nang bigla kong marinig ang sunod-sunod na doorbell. Napaigtad ako, ang daming tumatakbo sa isip ko. "Ako na!" sabi ni Vivian, na kagigising lang. Tumango na lang ako, pilit na nagpapasalamat na may kasama ako sa bahay na
last updateHuling Na-update : 2024-09-12
Magbasa pa

0032: Boss/Amo

Serenity's Point of View Habang sinusukat ko ang huling damit, ramdam ko ang bigat ng mga mata nina Vivian at Miguel na nanunuod sa akin. Masaya silang nakatitig sa akin, lalo na si Vivian na para bang nanonood ng live fashion show. Ngunit sa kabila ng kanilang saya, hindi ko maiwasang makaramdam ng inis. Hindi ito dahil sa kanila, kundi dahil sa amoy ng mga kemikal mula sa make-up, hairspray, at mga tela. Alam kong hindi maganda ito para kay Miguel. Kahit na nasa kwarto naman kami at naka-aircon, naiisip ko pa rin ang epekto ng mga kemikal na ito sa kanya. Nandito kami sa bagong apartment na tinitirhan namin ni Vivian, sa bakanteng kwarto na pansamantalang ginawang dressing room ng glam team."Girlfriend ka po ba ni Sir Ricky Dave?" tanong ng baklita na kasalukuyang inaayos ang tela ng damit na sinusukat ko. Napatingin ako sa salamin, nakita ko ang interes sa mga mata niya, isang bagay na alam kong hindi ko matatakasan. Nasanay na ako sa mga ganitong tanong, pero hindi ibig sabihin
last updateHuling Na-update : 2024-09-12
Magbasa pa

0033: Gandang walang kupas

Serenity's Point of View Sumapit ang alas-singko ng gabi, at dumating na ang butler ni Ricky Dave upang sunduin ako."Dadaan po muna tayo sa condo niya bago dumiretso sa hotel kung saan gaganapin ang event," sabi ng butler nang magalang habang binubuksan ang pinto ng kotse para sa akin. Tumango ako bilang tugon, pilit na hinahanap ang aking composure sa kabila ng kabang bumabalot sa akin.Nang makapasok na ako sa loob ng kotse, hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang na ginagawa ko ngayong gabi. Naka-red long gown ako, na fitted sa hulma ng katawan ko. Ang gown ay backless, na nag-iwan ng piraso ng balat na nakalantad sa paraang parehong empowering at vulnerable. Napatingin ako sa aking reflection sa salamin ng sasakyan. Alam kong maganda ako, na bawat detalye ng aking itsura ay pinag-isipan ni Ricky Dave. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, parang may bahagi ng sarili ko na hindi pa rin mapakali.Habang umaandar ang kotse, pilit kong binabalik-bali
last updateHuling Na-update : 2024-09-12
Magbasa pa

0034: Red Carpet

Nang dumating kami sa venue, nakita ko na agad ang red carpet na naglalatag ng daan patungo sa loob ng hotel. Ang daming tao sa paligid—mga kilalang negosyante, media, at mga curious na onlookers. Alam kong ang bawat hakbang ay sinusundan ng mga mata at lente ng camera. Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Ricky Dave sa kamay ko, na tila nagpapahiwatig na nararamdaman niya ang kaba ko."Seren! Everything is fine basta nasa tabi mo ako. Kailangan ko ng pumasok dahil ako ang malaking panauhin nila," muling sambit ni Ricky Dave, pilit akong pinapakalma. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ganito ako kabado—may parte ng akin na gustong bumaba ng sasakyan, ngunit may bahagi rin na gusto sanang iwasan ang spotlight.Habang papalapit na kami sa entrance, napansin ko ang mga bulungan ng mga tao sa paligid:"Ow! May bagong girlfriend si Dave?""Shocks! Bagay na bagay sila. Siguradong galing sa mayamang pamilya iyan! Sobrang ganda ng kutis."At narinig ko pa ang ilan sa kanila na halo
last updateHuling Na-update : 2024-09-12
Magbasa pa

0035: Biglaang proposal

Serenity's Point of View Nakangising umalis sa harapan namin si Richard kasama ang babaeng nakadikit sa kaniyang parang higad. Lahat ng taong madadaanan namin ay kilala si Ricky Dave. Pumunta kami sa designated table namin at tanging ngiti ang isinasagot ko sa mga taong ngumingiti din sa akin. Nang umakyat si Ricky Dave sa entablado para sa kanyang speech, ang buong venue ay tila nawala sa oras. Ang mga ilaw ay tumutok sa kanya, ang mga camera ay nag-click, at ang mga bisita ay naghintay sa bawat salitang binitiwan niya. Hindi ko maitatanggi ang kabang nararamdaman ko, lalo na't sa bawat sandali ay naaalala ko ang mga sinabi ni Richard kanina."Magandang gabi sa inyong lahat," nagsimula si Ricky Dave, ang boses niya ay puno ng kumpiyansa at paggalang. Ang mga tao sa paligid ay tumahimik, naghintay sa susunod na bahagi ng kanyang pagsasalita. "Una sa lahat, nais kong magpasalamat sa inyong lahat sa pagdalo sa gabing ito. Ang event na ito ay napakahalaga sa akin, hindi lamang dahil i
last updateHuling Na-update : 2024-09-12
Magbasa pa

0036: Revenge

Serenity's Point of View Serenity’s Point of ViewHabang tahimik akong naglalakad sa hardin ng event venue, huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Isang saglit na katahimikan lang ang hinihingi ko matapos ang lahat ng nangyari ngayong gabi. Pero sa kabila ng pag-iwas ko, alam kong hindi basta-basta matatapos ang gabing ito nang walang gulo.Nang bigla akong marinig ang malalim na boses sa likod ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig."Serenity," malamig at matalim ang boses ni Richard. "Kailangan nating mag-usap."Napakabigat ng hakbang ko habang humaharap ako sa kanya. Hindi ko pa rin makalimutan ang lahat ng sakit na dinulot niya sa akin noon. Pero sa kabila ng lahat, wala na akong ibang magawa kundi harapin siya."Anong kailangan mo, Richard?" tanong ko, sinusubukang panatilihing kalmado ang aking tinig.Tinitigan niya ako nang matagal, para bang sinusuri ang bawat galaw ko. "Alam ko kung ano ang ginagawa mo, Serenity. Ginagantihan mo ako dahil sa nangyari noon."
last updateHuling Na-update : 2024-09-13
Magbasa pa

0037: Panloloko

Serenity’s Point of ViewPagkatapos ng mahabang gabi na iyon, halos magkulang ang tulog ko sa lahat ng nangyari. Si Ricky Dave, sa kabila ng lahat ng hirap at tensyon ng event, ay nagbigay sa akin ng tatlong araw na pahinga. Ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin, lalo na't alam niyang kailangan ko rin ng oras para makapagpahinga at makasama ang anak ko.Ginamit ko ang oras na iyon para mag-spend ng time kasama ang anak ko. Sa bawat minuto na magkasama kami, naramdaman ko ang lumalalim na ugnayan namin bilang mag-ina. Alam kong sa mga panahong ito, kailangan niya ang bawat suporta at pagmamahal na maibibigay ko.Bago kami lumabas upang pumunta sa mall, dumaan muna kami sa ospital. Alam ko na kailangan kong alamin ang kalagayan ng anak ko, lalo na't may sakit siya sa puso. Habang papalapit kami sa pinto ng ospital, hindi ko maiwasang maramdaman ang mabigat na kaba sa aking dibdib.Nang pumasok kami sa loob, ang amoy ng ospital ay parang nagpapalala ng aking takot. Gusto kong maging mata
last updateHuling Na-update : 2024-09-13
Magbasa pa

0038: The Heirs

Ricky Dave's Point of ViewHindi ko inasahan na magpapakita si Richard sa event na iyon. Isang gabing puno ng kasiyahan at mga plano para sa negosyo, ngunit naramdaman ko ang tensyon mula sa simula pa lang nang makita ko siyang kasama ang mga kapwa negosyante. Pero alam kong hindi ko maiiwasan ang mga ganitong sitwasyon, lalo na’t pareho kaming may posisyon sa pamilyang ito.Habang pinagmamasdan ko si Serenity na bumababa ng sasakyan, may kakaibang kaba akong naramdaman. Nakita ko kung paano tumitig si Richard sa kanya kanina, parang may hinanakit o galit. Alam kong darating ang araw na mag-uusap sila, pero hindi ko inakala na mangyayari ito ngayon.“Ricky Dave,” narinig kong tawag ni Richard habang palapit siya sa akin. Kita ko agad ang ngiti niyang puno ng pakunwaring saya. Alam kong may agenda siya sa gabing ito, at hindi ito tungkol sa negosyo.“Richard,” malamig kong tugon, tinitigan siya ng diretso sa mata. “Ano'ng ginagawa mo rito? Alam ko naman na wala ka nang pakialam sa mga
last updateHuling Na-update : 2024-09-14
Magbasa pa

0039: Fallin

SerenityHindi ko alam kung bakit patuloy kong pinipilit na huwag magduda kay Ricky Dave. Nandito siya sa tabi ko, nagpapakita ng suporta, ngunit sa kabila ng lahat, may kakaiba akong nararamdaman. Hindi ko matukoy kung ito ba ay dahil sa takot kong magkamali muli o dahil sa isang bahagi ko na nagsasabing hindi lahat ng ito ay totoo. Alam kong ginagamit namin ang isa't isa—walang malalim na ugnayan na nagsimula sa amin. Pero, bakit parang ako lang ang nagsisimulang magpakatotoo?Tatlong araw na ang lumipas mula nang magpropose siya sa akin sa harap ng napakaraming tao. Ang init ng spotlight, ang mga bulong-bulungan mula sa mga taong kilala ako at kilala siya, ay tila patuloy pa rin akong hinahabol sa tuwing iniisip ko ang gabing iyon. Oo, sumagot ako ng "yes," pero hindi dahil sa sigurado ako. Sumagot ako dahil sa pressure, dahil sa tingin ni Ricky Dave na parang hindi ako puwedeng tumanggi. Kaya heto ako, nakatali sa isang pangakong hindi ko alam kung kaya kong tuparin.Iniisip ko tu
last updateHuling Na-update : 2024-09-15
Magbasa pa

0040: Insult

Serenity's Point of View Nararamdaman ko na ang tensyon mula nang pumasok ako sa opisina. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may mabigat na presensyang dumating. Nasa gitna ako ng pag-organisa ng ilang papeles nang biglang bumukas ang pinto. Napatigil ako sa aking ginagawa, hindi pa man ako tumitingin, alam kong si Richard iyon. Hindi ko pa rin maiwasang sumikip ang dibdib ko tuwing nakikita ko siya, isang paalala ng lahat ng sakit at pagkakamali ng nakaraan. “Serenity,” malamig ang boses ni Richard nang tawagin niya ang pangalan ko. Nilingon ko siya, pilit na nagpapanatili ng kalmado. Kita ko ang kaseryosohan sa kanyang mukha. Mabilis ang tibok ng puso ko, pero hindi ako nagpapakita ng takot. “Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko, sinusubukan kong itago ang pagkabalisa. Kahit alam kong magkakaroon kami ng ganitong pagkakataon, hindi ko pa rin alam kung handa na ba akong harapin siya. Ngumisi si Richard, pero may halong pandidiri ang kanyang mga mata. “So, ito na pala ang buhay
last updateHuling Na-update : 2024-09-16
Magbasa pa
PREV
1234569
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status