All Chapters of The Billionaire's Secret Obsession : Chapter 11 - Chapter 20

84 Chapters

0011: Emotional Connections (SPG Slight)

Serenity's Point of ViewPagkarating namin sa condo ni Ricky Dave, hindi ko maiwasang mapansin ang kagandahan ng lugar. Moderno ang disenyo, malinis, at eleganteng-elegante—parang ipininta para maging tahanan ng isang taong may mataas na pamantayan sa buhay. Ngunit sa kabila ng lahat ng kagandahang ito, mayroong isang tensiyon sa pagitan namin ni Ricky Dave na hindi ko maipaliwanag.Pagkasara ng pinto, naramdaman ko agad ang bigat ng kaniyang presensya. Tumalikod siya upang ilapag ang kaniyang mga gamit sa lamesa, ngunit ang katahimikan ay nagsimulang bumalot sa amin. Humarap siya pabalik sa akin, at sa sandaling iyon, ang mga mata namin ay nagtagpo—mataas ang kaniyang mga kilay, parang may sinasabi na hindi ko mahulaan.“Ito ang lugar ko,” mahinahong sabi niya, habang unti-unting lumalapit sa akin. “Dito tayo mag-uusap, nang walang ibang makakasagabal.”“Anong gusto mong pag-usapan?” tanong ko, pero alam kong may mas malalim na usapan ang nais niyang ipahiwatig. Nakaramdam ako ng kab
last updateLast Updated : 2024-09-04
Read more

0012: Tiwala

Vivian's Point of View“Girl, ano pagod na pagod? Halos buong araw kang tulog,” puna ko kay Serenity pagkalabas niya ng kwarto. Hindi niya ako pinansin at diretsong pinuntahan si Miguel, ang kanyang anak, na naglalaro sa crib."Hindi ba nagliligalig si Miguel?" tanong niya habang nilalaro ang bata. Tumango ako at ngumiti.“Hindi naman,” sagot ko habang kumakain. “Sobrang behave niya alagaan. Akala mo hindi siya 1-year-old. Tuwing nagugutom siya, iiyak lang sandali, tapos matutulog. Kung may ginagawa naman ako at nagising siya, naglalaro lang siya o kaya nananatiling nakahiga. Hindi nga halatang anak mo siya e, hindi kasing kulit mo," biro ko habang nagpapatuloy sa pagkain.Napangiti lang si Serenity, pero hindi ko maiwasang magtanong tungkol sa nangyari kagabi. “Nga pala, anong koneksyon mo kay Ricky Dave? Hindi ba may kliyente ka kagabi? Bakit tauhan niya ang sumundo sa iyo dito?”"What you see is what you get!" simpleng sagot niya habang sinusubuan si Miguel ng cerelac. Sanay kaming
last updateLast Updated : 2024-09-05
Read more

0013: Looks Familliar

Ricky Dave's Point of View Sa ilalim ng maskara ko, pakiramdam ko’y nanginginig ang aking mga kamay habang inaabangan ang pagdating ng babaeng nakatakdang makakasama ko sa gabing ito. Hindi ko akalaing ganito ako kakabado—ito ang unang pagkakataon na nakakaramdam ako ng ganitong klase ng pag-aalala.Nakita ko siya habang papasok sa silid. Hindi ko pa man siya nakikita ng buo, ramdam ko ang tensyon at kaba na bumabalot sa kanya. Ang bawat galaw niya ay puno ng takot at pagdududa. Hindi ko rin alam kung bakit ang pag-aalinlangan at ang pakiramdam na tila may alam akong kakailanganin niya ay umabot sa ganito.Nang pumasok siya, nakita kong sumunod siya sa mga utos ng babae na nagdala sa kanya dito. Napansin ko ang kanyang mahigpit na pagtingin sa paligid, tila may hinahanap na sagot sa bawat sulok ng silid. Ang mga galaw niya, bagaman tahimik, ay puno ng pag-aalinlangan.Nang sinabi kong mag-umpisa na, nagpatugtog ako ng mabigat at seksi na musika sa mga speakers. Hindi ko alam kung ano
last updateLast Updated : 2024-09-05
Read more

0014: The Game of Love Begins

Ricky Dave's Point of View Ngayong hawak ko na ang impormasyon, alam ko na ang tamang galaw. Si Serenity, ang ex-wife ni Richard, ang magiging susi ko para mapabagsak ang kapatid ko. Matagal na siyang naghahari-harian sa kumpanya, akala ng lahat siya ang tagapagmana. Ngunit hindi na ako ang dating Ricky Dave na nagpatapon kung saan-saan. Bumalik ako para kunin ang nararapat sa akin, at alam ko kung paano gamitin si Serenity sa laro na ito.Nagsimula akong magplano. Kailangan makilala ni Serenity ang tunay na ako—hindi ang lalaking kinikilala ng lahat bilang ang perfect na successor o ang taong binabalewala ng mga babaeng nakasama ko. Hindi ko inaasahan na papakasalan ako ni Eunice, alam ko na rin na marami siyang dahilan, tulad ng mga nauna kong nakarelasyon. Pero iba si Serenity. May kakaiba sa kanya na alam kong magagamit ko.Alas sais pa lang, sinigurado ko nang maayos ang lahat. Kailangan niyang makita na hindi ako katulad ni Richard. At kapag nakuha ko na ang loob niya, magiging
last updateLast Updated : 2024-09-05
Read more

0015: Ang Lihim

Gulat ang namutawi sa akin nang makita kong papalapit si Ricky Dave sa aming bahay. Huli na para makatakbo pabalik sa loob—hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ang tanging nasa isip ko ay paano ko siya maiiwasan, pero huli na ang lahat. Nang magtama ang aming mga mata, ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya, pilit na itinatago ang kaba sa boses ko. "Sa tingin mo?!" sagot niya, may bahid ng yabang sa kanyang tono. Napataas pa ang kilay niya na parang alam na niya ang lahat ng iniisip ko. Hindi ko malaman kung paano ko siya sasagutin—masyado akong nataranta sa presensya niya. Bago pa ako makahanap ng tamang sagot, lumabas si Vivian mula sa loob ng bahay. Agad itong napatitig kay Ricky, halatang humahanga. "Ow! Ang pogi mo pala talaga sa personal," sabi niya na parang wala akong nararamdaman na tensyon. Tiningnan ko siya ng masama, pero tila hindi niya iyon napansin o kaya'y hindi niya pinansin. "Ano po bang ginagawa niyo dito
last updateLast Updated : 2024-09-06
Read more

0016: The Realization

Serenity's Point of View Nang buksan ko ito, ang mga larawan na lumantad sa akin ay nagdulot ng matinding pagkabigla. Ang mga litrato ay mga alaala ng aming kasal ni Richard, kasama na ang mga larawan ng akin at ng aking mga magulang noong bata pa ako. Ang mga larawan na matagal ko nang tinangkang kalimutan.Ang kaba ko ay lumakas, ang mga kamay ko ay nanginig habang tinitingnan ko ang mga litrato. Ang mga alaala ng nakaraan ay muling bumabalik sa akin, at ang mga tanong ay patuloy na umuukit sa aking isipan. Naramdaman ko ang takot na hindi ko kayang ipaliwanag—tila ba ang lahat ng aking lihim ay muling nabuhay sa harapan ko.Ang mga mata ko ay pumipikit sa pangungulila habang ang mga larawan ay nagdadala sa akin sa mga araw ng ligaya at sakit. Alam kong kailangan kong malaman ang katotohanan, ngunit sa sandaling ito, ang aking puso ay puno ng takot at pangamba.Nang makita ko ang mga larawan sa envelope, naguluhan ako at natakot. Nakita ko ang mga larawan ng kasal namin ni Richa
last updateLast Updated : 2024-09-06
Read more

0017: First Day

Serenity's Point of ViewNang magising ako sa umaga ng aking unang araw sa trabaho bilang personal secretary ni Ricky Dave, naramdaman ko ang halo-halong kaba at pag-asa. Maaga akong nagbihis at nag-ayos, sinusubukan kong magmukhang propesyonal at handa sa mga bagong hamon."Okay, Seren, kaya mo 'to," sabi ko sa sarili ko habang pinapanday ang mga plano para sa araw na ito. Ang alok ni Ricky Dave ay tila ang tanging paraan para makabalik kami sa normal na buhay, kaya't kahit na hindi ko ito gusto, wala akong choice kundi tanggapin ito.Ang training ko ay nagsimula noong Lunes, tatlong araw bago ang aking opisyal na unang araw ng trabaho. Sa mga araw na iyon, nagkaroon ako ng orientation kung saan tinuro sa akin ang mga proseso, kagamitan, at mga responsibilidad ko sa trabaho. Dahil mayroon na akong karanasan sa pamamahala at sa negosyo, hindi na ako nahirapan masyado. Ang mga pangunahing sistema at mga gawain ay pamilyar na sa akin mula sa aking nakaraang trabaho sa pamilya. Pagdatin
last updateLast Updated : 2024-09-06
Read more

0018 Contract

Serenity's Point of View Pagkatapos ng isang mahaba at nakakapagod na araw ng trabaho, naramdaman ko na ang pagkirot ng likod ko mula sa maghapong pag-upo. Sinilip ko ang oras sa aking relo—oras na para umuwi. Ngunit bago ako tuluyang makatayo, tinawag ako ni Sir Ricky mula sa kanyang opisina.“Serenity, may gusto akong ipaayos sa computer mo,” sabi niya, hindi alintana na tapos na ang oras ng trabaho.Napatigil ako at bumalik sa aking desk. Mabilis kong binuksan ang computer at tiningnan ang file na ipinadala niya. Alam kong kaya kong gawin ang ipapagawa niya, pero pagod na ako at oras na ng pamilya ko. Nagdesisyon akong sabihin kay Sir Ricky na hindi ko na matatapos ito ngayon.“Sir, pasensya na, pero oras na ng uwian,” malumanay kong sabi habang tinatanggal ang tingin sa computer.Ngunit si Sir Ricky ay may kakaibang ngiti sa kanyang labi. “How much do I pay you?” tanong niya, tila nagtataka kung bakit ako tumanggi.“50k monthly,” sagot ko nang diretso, pilit iniisip kung ano ang
last updateLast Updated : 2024-09-06
Read more

0019 SPG WARNING

Read at your own Risk Ricky Dave's Point of View Lahat ng plano ko ay naayon sa gusto ko. Hindi naman ganoon kahirap kalaban si Richarad. Lahat ng hindi gusto ng magulang ko nasa kaniya na. Naninigurado lang ako para wala na talagang siyang laban sa akin. Hindi ako sigurado kung pumapabor ba sa akin ang panahon at pagkakataon pero parang ganoon na nga. Natatawa nga ako sa reaksyon ni Serenity. Sa totoo lang, hindi naman totoo ang exclusive contract. Pinilit ko lang ilagay iyang sex slave contract para mas lalong mapalapit siya. Ngayon gabi, planado kong magpatulong kay Serenity. Habang lumalalim ang gabi, mas nakikita ko ang ganda niya. Mas pagod mas natural ang itsura. Lumapit ako sa kaniya, hinatak siya sa bewang. "You know what's this mean?" Tumango na lang siya. Wala akong pinalipas ba oras at hinalikan siya sa kaniyang labi. Sa una ay dahan-dahan hanggang naging mapusok ang mga halik ko sa kaniya, gumanti naman siya ng intemacy ng paghalik ko sa kaniya. "Hmmm..." Ipit na
last updateLast Updated : 2024-09-06
Read more

0020: Alinlangan

Serenity’s Point of ViewMatagal na akong naghintay para sa ganitong pagkakataon. Akala ko, ito na ang tamang panahon upang maramdaman ko ang tunay na halaga ko sa buhay ni Ricky. Pero matapos ang nangyari, may kung anong kirot na bumabalot sa aking dibdib. Iba ang inaasahan ko; ibang klaseng pagmamahal ang akala kong madarama ko mula sa kanya. Ngunit tila ba isa lang akong gamit na kapag kailangan, gagamitin—at pagkatapos ay basta na lang itatabi.Habang papunta ako sa opisina ni Ricky, pilit kong iniisip na hindi naman siguro ganito ang magiging takbo ng gabi. Nagbibiro lang ako sa sarili ko, sinasabing baka ito na ang simula ng mas matibay na ugnayan sa pagitan namin. Pero bakit ganito? Bakit parang may mali?Pagpasok ko sa kanyang opisina, dama ko na agad ang tensyon. Hindi ko na sana pinansin ang nararamdaman kong kaba sa aking dibdib, dahil akala ko normal lang ito. Pero nang lapitan niya ako at hilahin ako sa bewang, naramdaman ko na hindi lang simpleng kaba ang nararamdaman ko
last updateLast Updated : 2024-09-07
Read more
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status