All Chapters of The Billionaire's Secret Obsession : Chapter 41 - Chapter 50

84 Chapters

0041: Miguel's Father

Tahimik na umupo si Ricky Dave sa harap ko, mga kamay niyang magaan na nakapatong sa mesa. Kita ko ang bigat sa kanyang mga mata—hindi galit, kundi isang seryosong pag-aalala na mas nakakasakit kaysa sa anumang maaring sabihin niya. Alam kong dumating na ang sandaling hindi ko na kayang iwasan. Walang atrasan, at mas lalong walang pagtatago. "Serenity," nagsimula si Ricky Dave, mabagal at mas maingat kaysa dati. "Alam ko na matagal ko nang gustong itanong ito, pero sino nga ba talaga ang ama ni Miguel?" Tumitig siya sa akin ng diretso, hinihintay ang sagot na alam kong matagal na niyang pinaghihinalaan. Alam kong hindi na ito isang tanong na kailangan kong itago, lalo na ngayong narito na ang lahat ng kalituhan. Alam niyang si Richard ang dating asawa ko, at kahit hindi pa namin direktang napag-uusapan, ramdam ko sa bawat kilos at salita niya na naghihintay lang siya ng tamang pagkakataon. Huminga ako ng malalim, pinag-isipan ko kung paano ko sasabihin ang katotohanan. "Si Richard,"
last updateLast Updated : 2024-09-17
Read more

0042: Pagtatanggi

Ricky Dave's Point of View Pagkarating ko sa condo ni Richard, alam ko na hindi ito magiging isang simpleng usapan. Nasa isip ko pa rin ang lahat ng sinabi ni Serenity, pati na rin ang mga galit at pagtataksil na bumabalot sa sitwasyon namin. Hindi na ito tungkol sa aming dalawa ni Serenity, kundi sa responsibilidad ni Richard bilang ama at tao. Wala akong ibang plano kundi ilabas ang lahat ng galit na matagal ko nang kinikimkim, hindi lang para kay Serenity kundi para sa kanilang anak, si Miguel.Kumatok ako ng malakas sa pinto, halatang wala na akong pakialam sa kung anong oras o sitwasyon si Richard. Pagbukas ng pinto, tumambad sa akin ang malamig at walang pakialam niyang mukha. Siguro, sa isip niya, wala itong idea sa sasabihin ko. Pero sa gabing ito, tapusin na namin ang lahat ng kalituhan."Anong ginagawa mo dito, Ricky?" malamig niyang tanong, hindi man lang nag-abala na magpakita ng anumang emosyon.Hindi ko na inantay pa ang mga sagot. Pumasok ako sa loob ng condo niya, sin
last updateLast Updated : 2024-09-18
Read more

0043: Rebelasyon

Serenity's Point of View "Vivian!" "Yes, my dear?" tanong ni Vivian, halatang busy ngunit laging may oras para sa kanya. "Nagkita kami ni Mommy sa event na pinuntahan namin ni Sir Ricky Dave." "Oh? Anong nangyari? Nakita mo ba lolo at Daddy mo?" may halong excitement at pagkabahala ang boses ni Vivian. "Nagkita kami ni Richard! Hindi ko na napansin! Masyadong tense ang gabing iyon!" sagot ko, binabalikan ang mga eksenang bumalot sa gabi. "Oh? Anong balak mo ngayon?" tanong ni Vivian, tila nakikiramdam sa kalalabasan ng kwento. "Gusto ni Mommy na dumalaw dito." Bigla kong binitiwan ang impormasyon na matagal ko nang iniiwasang pag-usapan. "Oh? Talaga? Kailan daw?" may halong pananabik ang boses niya, ngunit naramdaman ko ang bahagyang takot sa sarili ko. "Wag kang masyadong ma-excite! Hahahaha," tawa ko, pilit na binabago ang mood. Ngunit sa kabila ng mga biro at tawanan, alam kong ang pagdating ni Mommy ay magdadala ng bigat na hindi ko pa alam kung handa na akong harapin.
last updateLast Updated : 2024-09-19
Read more

0044: A Mother Concern

Serenity's Point of View "Hello po. Magandang araw!" masiglang bati ni Vivian. "Napakaganda mo naman, iha!" agad na puri ni Mommy habang tinitingnan si Vivian mula ulo hanggang paa. "Mommy naman!" hindi ko mapigilang magreklamo, nagtatampong boses ko habang nakatayo sa tabi. "Ako po ang anak niyo, dapat ako ang niyayakap at pinupuri niyo." Tumawa si Mommy, inilagay ang kamay sa dibdib niya at lumapit sa akin. "Hanggang ngayon, ang prinsesa ko ay napaka-selosa pa din. Pero syempre, yayakapin at pupuriin ko rin ang taong naging katuwang ng anak ko sa mahabang panahon," tumingin siya kay Vivian at ngumiti. "Salamat sa pagtulong mo sa kaniya, iha." Nakangiting tumugon si Vivian, "Vivian po! Sobrang honor ko po na makilala kayo." Nilapitan ko si Vivian at mahinang hinila sa tabi ko, "Ayos na po, Mommy. Baka mamaya magmadaling umuwi 'yan sa sobrang hiya," biro ko. "Selosa nga talaga!" sabay tawa ni Mommy habang niyakap ako ng mahigpit. Natawa na lang din ako at sumulyap kay Vivian,
last updateLast Updated : 2024-09-20
Read more

0045: For the Child Sake

Serenity's Point of View "Ang sakit ni Miguel ay inborn? Ilang beses na ba siyang naoperahan?" tanong ni Mommy, bakas ang alalahanin sa kaniyang mukha. "Hindi, Mommy. Pinanganak ko siyang normal at walang kahit anong komplikasyon. Pero buwan-buwan nahihirapan siyang huminga, at sobrang dali niyang pawisan." "Naoperahan na ba siya?" "Hindi pa, Mom. Wala akong sapat na pera para doon. Napag-ipunan ko na ang malaking parte ng gastos, pero nag-iipon pa ako ng kaunti para may extra sakaling kapusin kami." "Bukas na bukas din, pupuntahan natin ang kaniyang pedia. Hindi ko hahayaang matagal pa ito. Dapat noon pa tayo kumilos." "Mommy, hindi naman sa ayaw kong kumilos agad, pero—" "Alam ko, anak. Hindi mo kasalanan. Pero hindi ko kayang makitang nagdurusa si Miguel habang may magagawa naman tayo. Ako ang bahala sa lahat." Medyo nabigla ako sa sinabi ni Mommy. Alam kong handa siyang tumulong, pero hindi ko inaasahang magiging ganito siya ka-determinado. "Pero, Mommy," pilit kong sinas
last updateLast Updated : 2024-09-21
Read more

0046 Child Operation

Serenity's Point of View Hindi umuwi si Mommy kagabi para masamahan ako ngayong umaga sa pedia ni Miguel. Sabi niya, babawi daw siya sa lahat ng pagkukulang niya sa akin at sa anak ko. Hindi ko alam kung hinahanap ba siya ni Daddy o hindi, pero wala naman akong naririnig na tumatawag sa phone niya, kaya pakiramdam ko'y hindi siya pinaghahanap. "Sigurado ka bang kaya ni Vivian mag-alaga? Bakit hindi na lang kasi natin siya isinama," tanong ni Mommy, halatang nag-aalala. "Tulog pa po si Miguel. Ayokong abalahin ang tulog niya," sagot ko. "Edi mamaya na lang tayo umalis." "Mommy naman, umaga ako nagpa-appointment sa pedia kaya kailangan nandun na tayo bago ang scheduled time," paliwanag ko. "Mas mommy ka na talaga sa akin, anak!" natatawang komento ni Mommy. Sumakay siya sa kotse habang ako naman ang nagmaneho. Pagdating namin sa ospital, lumapit kami sa counter para kumpirmahin ang bayad para sa operasyon ni Miguel. Nagulat ako nang malaman kong bayad na ang lahat. "Ano po? Sino
last updateLast Updated : 2024-09-22
Read more

0047- Do I need to court you?

Serenity's Point of View "Lilinawin ko lang sa'yo, Ricky, na hindi mo tunay na anak si Miguel. At wala naman tayong malinaw na relasyon, di ba? Para angkinin mo siya ng ganun-ganun lang. Hindi sapat yang 'I cared, I cared' mo," singhal ko sa kanya, pilit na pinipigilan ang galit na bumabalot sa akin. Kahit pa siya ang boss ko, wala ako sa trabaho ngayon kaya magsasalita ako nang hindi alintana ang posisyon niya. Tila hindi siya nagulat sa sinabi ko. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at tumitig sa akin nang diretso, seryoso ang mga mata. "Anong gusto mong gawin ko, Serenity? Do I need to court you?" Natigilan ako sa sinabi niya. Bahagyang umurong ang dila ko, at parang nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong na iyon. Hindi ako makapagsalita agad. Parang tumigil ang oras sa mga sinabi ni Ricky Dave. "Do I need to court you?" Nakapako ang mga mata ko sa kanya, hindi alam kung paano isasaayos ang nararamdaman ko. Huminga ako nang malalim, pilit na bi
last updateLast Updated : 2024-09-23
Read more

0048- The Real Father

Ricky Dave's Point of View Hindi ko alam kung anong nangyayari. Wala akong maintindihan, pero sinusunod ko lang ang puso ko. Gusto kong alagaan si Serenity at bigyan ng magandang buhay ang anak niya. Alam kong may malaki akong kasalanan sa kaniya, at ito na lang ang paraan na nakikita kong makabawi: ang mahalin siya at alagaan silang mag-ina. "Sir, pasensya na po, pero ayaw talaga kayong kausapin ni Sir Richard!" humihingi ng paumanhin ang secretary niya. "Alam mo naman ako, di ba?" tanong ko, ang tono ko ay puno ng determinasyon. Tumango siya bilang sagot. "Then let me in! This is an important matter. Kung hindi ito agad masolusyunan, siguraduhin kong magbabayad ka." Nagbabanta ako, ramdam ang tensyon sa hangin. Nanginginig siya sa takot at hindi na ako pinigilan nang humakbang ako papasok sa opisina. "Anong tigas ng ulo mo!" bungad ko sa kapatid kong mukhang bata sa isip. "Bakit ka pa makikiusap sa secretary ko kung gagawin mo lang din pala ang gusto mo?" pilosopong sagot niy
last updateLast Updated : 2024-09-24
Read more

0049- The Arrange Marriage

Serenity's Point of View 2 years ago… Lugmok ako sa alak kahit tanghaling tapat. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Nakuha ko nga siya, naging asawa ko siya, at nagpakasal kami. Magkasundo ang aming pamilya, at lahat sila masaya para sa amin. Pero heto ako, nahihirapan at nag-iisa. Ilang buwan na kaming kasal ni Richard, pero ni minsan, hindi niya ako tinabihan sa kama. Nagkaroon nga kami ng enggrandeng honeymoon sa Hong Kong, pero nanatili lang siya sa kwarto, kaharap ang laptop. Akala ko noong una, sobrang dami lang niyang trabaho dahil sa pag-merge ng company namin, pero hindi pala iyon ang dahilan. Richard doesn’t love me. Pumayag lang siyang magpakasal kami dahil sa negosyo. Ang kanilang pamilya ang pinakamayaman sa business industry—sila ang tinitingala ng lahat, businessman man o woman. Kung sa iba standard lang ang ganun, para sa akin, ito'y halos unreachable. Samantalang ang pamilya namin ay di hamak na kalahati lang ng yaman nila. Ako ang nag-iisang anak at tan
last updateLast Updated : 2024-09-26
Read more

0050- Seduce my Husband

R|18 Warning! Read at your own Risk Serenity's Point of View Huminga ako ng malalim, alam kong marami akong nainom pero hindi ako lasing. Alam ko at tanda ko ang bawat nangyayari. Pinilit kong mag-isip nang maayos, pero sa ilalim ng lahat ng emosyon ko, isa lang ang malinaw—hindi ako susuko. Iniligpit ko lahat ng bote ng alak at mga pinag-inuman ko, inayos ang kalat, at nag-spray ng room scent para mawala ang amoy ng alak sa buong sala. Ayoko ng tanongin ako tungkol dito. Hindi ako pwedeng panghinaan ng loob. Hindi ngayon—lalo pa't nakatira kami sa iisang bubong at kasal na kami sa mata ng batas. Gagawin ko ang lahat para mahalin niya ako, kahit pa kailangan kong akitin siya. Wala na akong pakialam kung anong iisipin ng iba o kung magmukha akong desperada. Makalipas ang halos tatlumpung minuto, narinig ko ang tunog ng sasakyan sa labas. Sigurado akong siya iyon. Wala namang ibang pumupunta dito. Tinapos ko ang pagbo-blower ng buhok ko, nagpalit ng magandang damit, at ngayon ay na
last updateLast Updated : 2024-09-26
Read more
PREV
1
...
34567
...
9
DMCA.com Protection Status