All Chapters of The Billionaire's Secret Obsession : Chapter 51 - Chapter 60

84 Chapters

0051- Hot Night with my Husbabd

R|18 Read at your own Risk Serenity's Point of View Umalis ng gabing iyon si Richard. Kahit anong pagmamakaawa ang ginawa ko, hindi siya natinag. Parang walang halaga ang lahat ng ipinakita kong pagmamahal sa kaniya. Ginawa niya ang gusto niya, at wala akong nagawa kundi mapaluhod, bumigay sa bigat ng sakit na nararamdaman ko. Pagkatapos ng ilang minuto ng katahimikan, hinila ko ang sarili kong tumayo at umakyat sa kwarto. Doon, tulala akong umupo sa gilid ng kama, paulit-ulit kong iniisip ang mga salitang binitiwan niya. "Hindi kita kayang mahalin." Mga salitang parang sibat na patuloy na tumutusok sa puso ko. Paano nangyari ito? Paano nagkaganoon ang lahat? Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang umaga. Sobrang sakit, at kahit anong pigil, tumulo na lang nang walang tigil ang mga luha ko. Nang mahulog ako sa wakas sa tulog, hindi ko alam kung ilang oras akong tulala bago ako nakatulog. Nang magising ako, madilim pa rin ang paligid. Pakiramdam ko’y mas mabigat pa ang katawan k
last updateLast Updated : 2024-09-27
Read more

0052- Nightmare

Serenity's Point of View Pagkalabas ko mula sa kwarto namin ni Miguel, agad akong napansin ni Vivian. "Anong mukha yan? Mukhang nabitin ka ah," puna niya, halatang nakikipagbiro. Napangiti ako, pero hindi ko magawang sumakay sa biro niya. "Pagod yata ako kahapon sa trabaho. Pag-uwi, bagsak ako agad, tapos ang sama pa ng panaginip ko," sagot ko, pinilit na ibaling ang usapan. "Bakit? Anong napanaginipan mo?" Tanong niya, tila nadagdagan ang interes. "Iyong tungkol sa amin ni Richard." Natahimik siya saglit bago muling nagtanong, "Iniisip mo pa din ba siya? Mahal mo pa din?" "Hays!" buntong-hininga ko. "Hindi ko siya iniisip. Nagkita lang kami noon sa mall. Inakusahan pa niya ako." Napakunot ang noo ni Vivian. "Huh? Anong inakusa sa iyo?" "Nanlalaki daw ako at si Miguel daw ang bunga," malungkot kong sagot. Hindi ko pa rin matanggal ang bigat ng mga salitang binitiwan ni Richard. "Huh? Hindi ba siya iyong nakipagtanan at iniwan ka habang buntis?" galit na tanong ni V
last updateLast Updated : 2024-09-30
Read more

0053- Start of Courtship

Serenity's Point of View "Oh, Ricky Dave! Good morning," rinig kong bati ni Vivian ng buksan ang pinto. "Ano ito? Almusal? Sino nagluto?" tanong niya habang tinatanaw ang dala ni Ricky. "Maaga akong nagising para ipagluto ng almusal si Miguel. Kumakain na ba siya ng blanch and blending veggies?" sagot ni Ricky habang papasok at inaabot kay Vivian ang basket. "Good morning, Seren," bati niya sa akin. "Good morning, Sir. Ang aga niyo naman pong nagising," sagot ko pabalik, pilit na pinapakalma ang sarili. "Ah, I declare this day na simula na ng panliligaw ko," ani Ricky, diretso ang tingin sa akin. "Ano?!" napasinghal si Vivian. "Nanliligaw ka na kay Seren?" "Yes, Vivian. And I just want you to know na kumukuha na ako sa agency ng caregiver para makatulong sa bahay. Ikaw naman, gawin mo lahat ng gusto mo sa buhay. Ako naman ang nagbabayad e," sagot ni Ricky, parang natural lang ang lahat ng sinasabi niya, habang abala sa pag-aayos ng dala niyang pagkain. "Hmm. Pwede ba tay
last updateLast Updated : 2024-09-30
Read more

0054- How much i Admired You

Serenity's Point of View Pagkatapos naming kumain nila Vivian, Ricky, at Miguel, nagdesisyon na akong magpaalam dahil papasok na ako sa trabaho. Pagpasok namin sa bahay, sinalubong kami ng isang taong gulang kong anak. Nakakatayo na ito, bagaman hindi pa gaanong tuwid ang paglakad. Masayahin siyang bata, at magaling na makipaglaro lalo na kay Ricky Dave. Gustong-gusto ni Ricky ang anak ko, at hindi ko maiwasang mapansin ang pagkakahawig nila. Alam kong magkapatid sila ng ama ni Miguel, kaya’t hindi nakakagulat. "Don't worry, Viv. Bukas din darating ang mag-aalaga kay Miguel." Tapik ko sa likod ni Vivian habang karga-karga ko ang aking anak. Magkasabay kaming papasok ni Ricky, kaya kailangan ko nang umalis. "Ano ka ba, ayos lang naman sa akin ang mag-alaga ng iyong anak. Gastos pa ‘yang caregiver," malumanay niyang sagot, may ngiti sa labi. Hinawakan ko ang kanyang braso, pilit na pinapakalma ang kanyang pag-aalala. "It's okay, hindi mo kailangang mahiya sa akin. You can stay at h
last updateLast Updated : 2024-09-30
Read more

0055-His Respect

Serenity's Point of View Sa araw-araw, gano’n ang naging set-up namin ni Ricky Dave. Bago mag-umaga, nasa bahay na siya, bitbit ang kung ano-anong pagkain. Minsan, may dala siyang laruan para kay Miguel, at minsan naman, hindi siya pumapasok sa opisina. Buong araw niya akong sinasamahan sa bahay. Sa totoo lang, parang hindi ako ang nililigawan niya, kundi ang anak ko. Pero natutuwa naman ako. Siguro kasi hindi niya minamadali ang mga bagay, at mas pinipili niyang kilalanin kami ni Miguel. Pagdating naman sa opisina, biglang nagbabago ang trato niya sa akin. Sobrang strikto niya—binibigyan ako ng napakaraming trabaho na minsan hindi ko na alam kung kaya ko pa bang tapusin. Ngunit kahit gaano siya ka-demanding sa umaga, pagdating ng hapon, bumabawi naman siya. Ihahatid niya ako pauwi, o kaya yayayain akong kumain. Tuwing lunch break, laging may pagkain na nakahanda sa akin—hindi ko alam kung siya mismo ang naghanda o kung binili lang niya. Pero bawat araw, parating ganito. Malalim na
last updateLast Updated : 2024-09-30
Read more

0056-Why you choose us

Serenity's Point of View "Vivian!" "Yes, my dear?" tanong ni Vivian, halatang busy ngunit laging may oras para sa kanya. "Nagkita kami ni Mommy sa event na pinuntahan namin ni Sir Ricky Dave." "Oh? Anong nangyari? Nakita mo ba lolo at Daddy mo?" may halong excitement at pagkabahala ang boses ni Vivian. "Nagkita kami ni Richard! Hindi ko na napansin! Masyadong tense ang gabing iyon!" sagot ko, binabalikan ang mga eksenang bumalot sa gabi. "Oh? Anong balak mo ngayon?" tanong ni Vivian, tila nakikiramdam sa kalalabasan ng kwento. "Gusto ni Mommy na dumalaw dito." Bigla kong binitiwan ang impormasyon na matagal ko nang iniiwasang pag-usapan. "Oh? Talaga? Kailan daw?" may halong pananabik ang boses niya, ngunit naramdaman ko ang bahagyang takot sa sarili ko. "Wag kang masyadong ma-excite! Hahahaha," tawa ko, pilit na binabago ang mood. Ngunit sa kabila ng mga biro at tawanan, alam kong ang pagdating ni Mommy ay magdadala ng bigat na hindi ko pa alam kung handa na akong harapin.
last updateLast Updated : 2024-09-30
Read more

0057- Know our bounderies

Serenity's Point of View Habang tinatapos ko ang mga huling papeles sa mesa ko, nararamdaman ko pa rin ang bigat ng sitwasyon. Ang hirap magpanggap na walang nangyayari, na hindi ko nakikita ang mga kilos at pag-uugali ni Ricky Dave. Minsan, naiisip ko kung ano ang magiging epekto nito sa iba pang mga empleyado niya. Sa tuwing nakikita ko siya na lumalapit sa akin, pinapansin na parang kami lang dalawa sa buong opisina, naiisip ko na siguro ay nagiging unfair ito sa kanila. Kung ikaw ang empleyado, paano kung napansin nila na parang may special treatment ako, at hindi mo maintindihan kung bakit siya kumikilos nang ganoon sa akin?Hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko. May mga pagkakataon na ang mga galak na dulot ng mga maliliit na bagay na ginagawa ni Ricky Dave, na para bang nagbibigay siya ng espesyal na pansin, ay nagsimulang maging pabigat. Alam kong ako ang may kasalanan sa lahat ng ito. Hindi ko siya kayang pagsabihan dahil siya ang amo ko, at higit sa lahat, siya pa rin
last updateLast Updated : 2024-10-01
Read more

0055

Serenity's Point of View Nang buksan ko ito, ang mga larawan na lumantad sa akin ay nagdulot ng matinding pagkabigla. Ang mga litrato ay mga alaala ng aming kasal ni Richard, kasama na ang mga larawan ng akin at ng aking mga magulang noong bata pa ako. Ang mga larawan na matagal ko nang tinangkang kalimutan.Ang kaba ko ay lumakas, ang mga kamay ko ay nanginig habang tinitingnan ko ang mga litrato. Ang mga alaala ng nakaraan ay muling bumabalik sa akin, at ang mga tanong ay patuloy na umuukit sa aking isipan. Naramdaman ko ang takot na hindi ko kayang ipaliwanag—tila ba ang lahat ng aking lihim ay muling nabuhay sa harapan ko.Ang mga mata ko ay pumipikit sa pangungulila habang ang mga larawan ay nagdadala sa akin sa mga araw ng ligaya at sakit. Alam kong kailangan kong malaman ang katotohanan, ngunit sa sandaling ito, ang aking puso ay puno ng takot at pangamba. Nang makita ko ang mga larawan sa envelope, naguluhan ako at natakot. Nakita ko ang mga larawan ng kasal namin ni R
last updateLast Updated : 2024-10-02
Read more

59

"May maganda akong offer sa iyo. Gusto mo bang malaman?" tanong niya habang nakangiti. "Pumili ka: maging personal secretary ko o maging asawa ko?" "Nahihibang ka na ba?" sagot ko, ang galit ay ramdam sa boses ko. "Should I say no if it’s a yes for me?" tanong niya, parang hindi na siya makuntento. "Letse! Wag mo akong idamay sa gulo ng pamilya mo! Tama na ang ginawa sa akin ng kapatid mo." Halos pabulong kong sigaw, ang boses ko ay nanginginig sa emosyon. "Well, simula pa lang, ikaw ay bahagi na ng isyung ito. Ikaw, ako, at ang kapatid ko. Ang ganda kaya ng offer ko. Magtatrabaho ka sa akin at magagamit mo ang ganda mo," sabi niya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. "At ang pinag-aralan mo. Kailangan mo ng magaling na doktor para sa anak mo, hindi ba?" Pakiramdam ko ay parang may sakit sa panga ko mula sa pinipigil kong galit. Ang bawat salita niya ay sumasakit at nagdudulot ng pagluha sa aking mga mata. "Or be my wife! Makakabalik ka sa lugar na dapat nandoon
last updateLast Updated : 2024-10-08
Read more

60

Serenity Hindi ko alam kung bakit patuloy kong pinipilit na huwag magduda kay Ricky Dave. Nandito siya sa tabi ko, nagpapakita ng suporta, ngunit sa kabila ng lahat, may kakaiba akong nararamdaman. Hindi ko matukoy kung ito ba ay dahil sa takot kong magkamali muli o dahil sa isang bahagi ko na nagsasabing hindi lahat ng ito ay totoo. Alam kong ginagamit namin ang isa't isa—walang malalim na ugnayan na nagsimula sa amin. Pero, bakit parang ako lang ang nagsisimulang magpakatotoo? Tatlong araw na ang lumipas mula nang magpropose siya sa akin sa harap ng napakaraming tao. Ang init ng spotlight, ang mga bulong-bulungan mula sa mga taong kilala ako at kilala siya, ay tila patuloy pa rin akong hinahabol sa tuwing iniisip ko ang gabing iyon. Oo, sumagot ako ng "yes," pero hindi dahil sa sigurado ako. Sumagot ako dahil sa pressure, dahil sa tingin ni Ricky Dave na parang hindi ako puwedeng tumanggi. Kaya heto ako, nakatali sa isang pangakong hindi ko alam kung kaya kong tuparin. Iniisip ko
last updateLast Updated : 2024-10-09
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status