“Hindi po ako galit, Sir Seiji. Pasensya na po kung nagmadali akong umuwi no’n. Kakausapin ko nga dapat si Miss Nori para makahingi ng pasensya sa kanya, hindi lang kasi sya pumasok no’ng Friday kaya tatawagan ko na lang po sya mamaya,” nginitian ko sya ng foolproof kong ngiti. Hihingi talaga ako kay Miss Nori ng pasensya kasi nasungitan ko sya, napakabait pa naman nya sa akin. Pero hindi kay Sir Seiji. Sa tatawa-tawang itsura nya ngayong kausap ko sya mukhang hindi naman nya kailangan ang paghingi ko ng pasensya. Namilipit si bakla na parang naiihi na sa kakasipat nya sa cellphone ko kaya inirapan ko syang muli. “Sige na po, Sir Seiji kung ‘yun lang ang sasabihin nyo. Medyo busy kasi ngayon eh.” Nahiya sya siguro kasi nakita ko ang pagkailang sa mukha nya, napakamot pa sya sa kanyang sintindo. “Okay, pasensya na ulit sa istorbo. Pwedeng, uhm, tumawag ulit mamaya kapag hindi ka na busy?” “Kung importante naman, bakit hindi?” sagot ko naman sa kanya. Nakita kong natuwa sya sa
Read more