Masarap din naman palang kakwentuhan si Master Seiji. Bukod sa sense of humor na mayroon sya, may laman syang kausap. Tsaka supportive sya sa aming mga teachers. Binigyan nya pa kami ng tips kung paano mapapadali ang pagko-compute at pagre-record ng grades. Napagtanto kong kailangan ko na talaga ng sariling laptop, malayo na si Orlie na lagi kong hinihiraman. Mukhang matatagalan pa akong lalo makabili ng e-bike nito; laptop na lang muna ang uunahin kong pag-ipunan. “Ang gara ng kotse mo, sir! Parang hindi pang-teacher,” puri ni Miss Nori sa sinasakyan namin. “‘Eto ba? Ganda ng tunog, ‘no? Sa apat kong kotse, ito ang pinaka-favorite ko sa lahat.”Nagkatinginan kami ni Miss Nori. Nabasa ko ang palihim na buka ng bibig nya sa akin, “mayaman”. Kumbinsido rin ako roon. Naisip kong mayroon pa syang ibang pinagkakakitaan, dahil sa sahod namin bilang teacher maski laptop o computer ay mahirap talagang makabili nang ura-urada. “Kumusta pala ang kasal, Miss Kat? For sure nag-enjoy ka kasi hi
Read more