[Knives’ POV] Hindi ako madalaw ng antok sa sayang nararamdaman ko ngayong mga oras na ito. This is certainly the second best night I’ve ever had. Finally, she’s right here, sleeping on my bed, wrapped in my arms. I feel solace. I missed my flight—well, I intentionally did not take it. I’ve changed my mind. I realized hindi pa pala tapos ang bakasyon ko. I made Atsi sob when I told her I’m not leaving yet and I am thinking of having a second look at Yee’s 49-billion business proposal. I’m also thinking of buying a condo unit or a house—I’ll ask Atsi. Or Shobe, since all of my spontaneity at the moment is all because of her. Dad’s reaction was equally superb—parang binigyan ko na rin ng second chance ang pagiging mag-ama namin. I just happened to catch the pretty little bird I was looking for. Nakakatawang sa malayong lugar ko sya hinahanap samantalang pareho lang pala kami ng inuuwiang hawla. I could not believe my eyes when I saw her gracing the red carpet. I was deep
I woke up to Atsi Olivia’s loud voice na parang naririyan lang sya sa labas ng pintuan ng kwarto ko. As I open my eyes I realized na unan na lang ang kayakap ko. Nagulat ako, nagbalikwas ako ng upo. Nahilo ako nang konti sa biglaan kong pag-upo, nasapo ko ang aking ulo. Nasa’n si Kataleia?! Nilayasan na naman ako?!? Nagmadali akong tumayo at lumabas ng kwarto. Nasa harap na ako ng pinto ng kwarto nya nang bumukas ang pinto ng master’s bedroom. Tumili si Tita Marisa nang makita ako. Palabas sila ng kwarto nila ni Dad dala-dala ang kanilang luggage bags. I can tell by the startled look on their faces they are downright shocked to see me naked. “Sorry.” Bumalik ako agad sa kwarto ko at naghanap ng masusuot. “Knives, hihintayin ka namin sa comedor,” narinig kong sabi ni Dad pagtapat nila sa pintuan ko. Bakit ako mahihiya? I did not flinch in the slightest. Dapat nga sila pa ang mahiya sa akin dahil hindi ko alam na naririto pa sila; ang buong akala ko ay nasa himpapawid na
“Kaya kayo hindi magkita ni Kataleia, Knives. Kapag naririto ka, sya naman ang wala and vice versa,” wika ni Dad. “We're both busy.” I tried to be as nonchalant as fuck. I realized, ganito pala ang nangyayari kaya kami madalas magkasalisihan. Kapag naririto ako sa maghapon ay nasa eskwelahan sya. Kapag umaalis ako sa hapon o sa gabi, sya naman ang dating nya. Naintindihan ko nang hindi naman talaga nya intensyon na iwasan ako o taguan. Sadyang hindi lang kami nagpapang-abot dahil sa trabaho nya. Ako naman, dahil sa kanya. So parang kasalanan ko pala. Napakamot ako sa ulo. “Tumawag pala sya kanina, magla-lunch out daw sila saglit ng mga co-teachers nya kasi may pag-uusapan pa. Start na ng final grading exams next week eh,” mahinang sagot ni Tita Marisa. “Ow? Ibig sabihin malapit na ang bakasyon. That’s nice…” ani Dad. Tiningnan nya si Atsi. “Malapit na nga pala ang birthday no’n, Olivia. Handaan mo at baka mahiya. I-invite nyo rito ang mga co-teachers at friends nya. Hindi m
I was walking in the long hallway papunta sa kwarto ko nang may biglang pumasok na kalokohan sa isip ko. Huminto ako sa pagitan ng pinto naming dalawa. I will sneak into her room. I want to see that framed sketch Atsi was talking about. Chineck ko muna kung may tao sa paligid bago ko marahang pinihit ang door knob ng kwarto nya. Fuck! Naka-lock. Bakit nya nila-lock ang kwarto nya?! Nainis na naman ako. Ilan ba ang manliligaw na sinasabi ni Dad? Sabi nya, 'mga manliligaw’. Meaning to say, marami. Napahid ko nang mariin ang aking lapat na lapat na bibig. Bad trip na ‘ko talaga. I went into my room, banged my door closed, and called her phone. “Where are you, Shobe?” pinilit kong pakalmahin at hinaan ang naiirita ko nang boses. “Uhm, Ahya, nasa meeting po ako. Pwedeng tumawag ka na lang ulit?” naririnig ko sa background nya na may tumatawag sa kanyang lalake. Idiniin ko ang phone ko sa aking tenga para marinig ko ang sinasabi ng tumatawag sa kanya na iyon. “Sabihin mo na lang
[Kataleia's POV]Kanina habang nagmi-misa si Father Luis sa chapel ay halos pumikit na ang mga mata ko sa sobrang antok. Ngayon naman napapanganga ako at napapahilig nang wala sa loob ko ngayong naririto kaming lahat ng mga ka-guro ko sa conference room at nagle-lecture si Rector. Ang bigat ng ulo ko sa puyat at sa pagod sa pag-tambling-tambling namin ni Ahya Knives kagabi. “Puyat na puyat ka ah,” puna ni Master Seiji. Walang nabago sa seating arrangement namin ng mga kasama ko at kabilang na kami roon. Kanina rin sa misa ay katabi ko na sya; ngayon katabi ko pa rin sya. “Ay opo, sorry…” inayos ko ang pagkakapakat ng nalalaglag na sa ilong kong salamin. Pasimple kong iniunat ang likod ko. Ang sakit ng balakang ko, buset! Mukhang kailangan ko ng masahe dahil marami pa akong nakalinyang gagawin ngayon. Ipapamasahe ko itong likod ko mamaya sa nagpakasakit nito. “Malapit na ‘tong matapos, makakauwi ka na,” bulong nya tapos humilig sya nang konti sa gawi ko. “Wala kang sinagot kahit i
Masarap din naman palang kakwentuhan si Master Seiji. Bukod sa sense of humor na mayroon sya, may laman syang kausap. Tsaka supportive sya sa aming mga teachers. Binigyan nya pa kami ng tips kung paano mapapadali ang pagko-compute at pagre-record ng grades. Napagtanto kong kailangan ko na talaga ng sariling laptop, malayo na si Orlie na lagi kong hinihiraman. Mukhang matatagalan pa akong lalo makabili ng e-bike nito; laptop na lang muna ang uunahin kong pag-ipunan. “Ang gara ng kotse mo, sir! Parang hindi pang-teacher,” puri ni Miss Nori sa sinasakyan namin. “‘Eto ba? Ganda ng tunog, ‘no? Sa apat kong kotse, ito ang pinaka-favorite ko sa lahat.”Nagkatinginan kami ni Miss Nori. Nabasa ko ang palihim na buka ng bibig nya sa akin, “mayaman”. Kumbinsido rin ako roon. Naisip kong mayroon pa syang ibang pinagkakakitaan, dahil sa sahod namin bilang teacher maski laptop o computer ay mahirap talagang makabili nang ura-urada. “Kumusta pala ang kasal, Miss Kat? For sure nag-enjoy ka kasi hi
“I was texting you!” bulyaw ni Ahya nang ibaba nya ang bintana ng SUV na waring naiirita. Sya nga siguro iyong SUV na iyon, namali pa ng school na pinuntahan. “Nakasakay na po kasi ako ng jeep no’ng dumating ang text mo,” pagdadahilan ko. Napatingin sa akin ni Manong guard nang nasabi ko iyon, alam nya kasi na hindi naman ako sa jeep bumaba kanina, hindi ko na lang sya pinansin at baka makihalo pa. Sa palagay ko hindi naman nya nakita ang pagbaba ko sa sasakyan ni Master Seiji dahil nakalayo na muna ito bago pa sya dumating. “Sumakay ka na,” yakag ni Ahya Knives sa akin na sinunod ko naman. Malayo pa nga naman kasi ang lakarin patungo sa mansyon at isa pa ay marami akong dala. “Hinanap mo na naman ba ‘ko?,” nangingiting tudyo ko sa kanya. “Ikaw na ‘ata ‘yung nakita ko kaninang nakaparada sa tabi ng isang school, kaso hindi naman ako do’n pumapasok. Kahit hintayin mo ‘ko nang hintayin do’n, hindi ako lalabas.” “Sabihan mo kasi ako kung aalis ka para ako ang maghahatid sa ‘yo, nagp
“No idea, baka nasa kwarto... Eh bakit ka muna nagagalit?!” Lalo akong nainis sa tanong nya na parang wala syang kaalam-alam. Lumingon ako sa likod nya bago ako nagsalita. “Kung anu-ano ang pinagsasabi mo kay Mama, ‘kala mo okay lang ang ginawa mo?!” anas ko, pinandidilatan ko sya ng mga mata. “Ano ba’ng ginawa ko? Wala naman eh. Gusto ko lang na sa akin nya ibilin ang paghatid-sundo sa ‘yo. That’s all,” pa-inosente nyang sagot. “Ah gano’n ba? Kaya pala bago sya umalis pinagalitan pa ‘ko eh, ‘no?!” irap ko sa kanya. Binunot ko ang cellphone ko sa bag at tinawagan si Orlie. “Come on, sorry na,” hinahapit nya ako sa bewang ngunit agad akong pumiksi at baka may makakita sa pagyayapusan namin dito sa hallway. “Hindi sumasagot si bakla kanina ko pa sya tinatawagan, ano kayang nangyari do’n?” nag-aalala na ako kay Orlie. Hindi ko alam kung ano nang nangyari sa kanya pagkaalis namin sa wedding reception kagabi. Kadalasan naman ay nagte-text iyon o tumatawag saglit. Ngayon wala ma
Tumahimik ang paligid ng ilang segundo na tila napakatagal para sa akin, hanggang sa sinagot na rin nya ang tanong ni Kataleia. “Uhm, oo, nauntog. Nauntog ako. Hindi ko kasi nakita… Madilim dito,” napakahinang bulong ni Veronica na halos hindi bumuka ang mga namamaga nang labi. Para akong nabunutan nang malaking tinik sa lalamunan. “See? Nauntog. Nagulat na nga lang ako pag-akyat ko dito umiiyak na sya eh. Hay naku! Ipapalipat ko na nga 'yang pasong ‘yan, laging na lang may nadidisgrasya rito,” natatawa na naiiling ako. Daig ko pang nakapasa sa bar exams nang maibsan ang kaba ko. “Magpahinga ka na Veronica. Ipapasunod ko na lang sa kwarto mo ang first aid kit... ‘Lika na, love.” yakag ko sa kanya. “Gutom na ‘ko, baka hindi pa sila kumakain kakahintay sa ‘tin,” Hinawakan ko syang muli sa braso pero tinapik nya nang malakas ang aking braso. “Hindi pwede! Anong first aid kit?! Kelangan ‘tong matahi,” although may pagpa-panic, marahan nyang sinapo ng panyo ang tumulong dugo sa pisngi ni
“Hindi ba sinabi kong h’wag mong aalisin ang tingin mo sa kanya?!” gumaralgal ang boses ko sa lakas ng aking hiyaw. “Napakawala mong silbi!” “Pa-pasensya na, Boss. A-aalis na po ako nga-ngayon— hahanapin ko si Madame,” nagkakandautal sya sa takot sa nag-aapoy kong titig. Tumalikod sya sa akin at akmang lalayasan ako kaya hinablot ko ang maiksi nyang blonde na buhok, hinatak ko ‘yun at naglakad patungo sa bahay. Hanggang sa napahiga sya sa semento ay hindi ko binitawan ang buhok nya at nagpatuloy sa bilis ng paglalakad. Dumidilim ang utak ko sa nagpupuyos kong galit. Hindi ko na naririnig ang mga matitinis nyang tili sa sakit na dulot ng pagkakakaladkad ko sa kanya paakyat sa hagdan patungo sa ikatlong palapag. “Saan sya nagpunta??!” nanggagalaiting hiyaw ko pagbalibag ko sa maliit nyang katawan sa gilid ng sofa, nauntog pa sya sa matulis na gilid ng kwadradong paso ng halaman kaya dumugo ang malapit sa kanyang kilay . “Nasampal na kita kanina bago kayo umalis, ‘di ba? Hindi ka p
Ilegal ang mga laban sa aking flight club. Mga puganteng kriminal ang aking mga manlalaro—mga itinakwil ng batas at itinulak sa aking teritoryo. Walang anunsyo sa TV o radyo, walang media, walang permit. Isa lang ang batas dito: lumaban hanggang sa huling hininga. Ang gantimpala? Kalayaan para sa nag-iisang mabubuhay na higit pang mahalaga kesa sa pera. At tanging mga high-definition na kamerang nakakonekta sa bahay ni Yasou at ng ilan pang kasapi ng pamilya ang tahimik na nagmamasid sa bawat laban. Sa aming pamilya, death boxing is a sport— a tradition. A challenge of courage. The definition of honor. Isang tournament kung saan ang bawat igkas ay hindi lang pagsubok ng lakas, kundi pati na rin ng tapang at paninindigan. Dito, ang bawat manlalarong nasa loob ng ring ay hindi lumalaban para lang manalo, kundi para patunayan ang kanilang sarili at para sa kanilang kasarinlan. Sa ring na ito, hindi sapat ang bilis ng kamao o tigas ng katawan. Kailangan ng tibay ng loob, dahil ang bawa
[Seiji’s POV] “Aniki! Faito Kurabu o katte ni shimeru nante arienai! Koko de sore ga wakattara, watashitachi no pātonā ga dore dake okoru ka wakatteru no ka!? (Older brother! You can’t just close the fight club like that! Do you know how frustrated our family will get?!) “Kore wa watashi no bijinesu da. Shimeru ka dou ka wa watashi no jiyuu da. (This is my business. Whether I close it or not is my choice.)” mahinanong tugon ko sa kausap ko sa malaking monitor. Bumuntung-hininga ako at hinila ang aking buong bigat sa nakalaglag na lubid. I can feel my muscles flexing with each pull. “No, we cannot do that. The cards have already been laid out, and it is not possible to return their money so easily. That is not how things are done!” Gumusot pang lalo kulubot nyang mukha sa galit nya nang ibalita ko sa kanya na isasarado ko na ang club na matagal kong pinagyaman. Kanina pa nya ako sinisermunan. Paulit-ulit na ang pagpapaliwanag ko, mapa-English, Tagalog, o Nihongo, wala syang mai
Nang makahuma ako sa pagkagitla ay lumabas ako ng kotse. Lumakad pa ako ng may ilang metro para habulin ng tingin ang kumakaripas na motor. Napakabilis nyang nakalayo, gatuldok na lang sya sa aking paningin na nagpapasingit-singit sa trapik. Syet! Sya ba ‘yun??! Napakapit ako banda sa aking dibdib para pigilan ang pagwawala ng puso ko. Natutulala sa kawalang nakatayo lang ako sa gitna ng kalsada sa ilalim ng malakas na ulan. Maya-maya narinig kong sumigaw ang pasahero ko pagbaba nya ng bintana. “Hoy praning! Hindi mo ba nararamdamang umuulan?!” “Ang tanga mo naman! Ginitgit ka na nga, hinabol mo pa. Isusumbong talaga kita kay Boss. Kung nagasgasan lang 'tong kotse pati ako yari kay Boss! Hindi ka nag-iisip...” naiinis na turan nya pagbalik ko sa kotse na tila basang sisiw sa pagkakaligo ko sa ulan. Halos bumula ang kanyang bibig sa kung anu-anong pinagsasabi nyang hindi ko na inintindi. Tahimik at nangangaligkig sa lamig na ipinagpatuloy ko ang pagtahak ko sa daan habang na
“Kung dudang-duda ka, edi tawagan mo. Tawagan mo si Boss, tanungin mo. Ngayon na, hangga’t nandito pa tayo kasi baka nga naman mali ako.” Nagngingitngit ang loob kong dinampot ko ang aking cellphone. Tatanungin ko talaga si Seiji. Sasabihin ko na ring ihahatid ko na ang bruhang ito kung saan pa ito pwedeng tumira bukod sa bahay namin kesa maibusal ko sa matabil nyang bibig ang cellphone at kamao ko. “Ni isang beses hindi pa ako nagkamali sa utos sa ‘kin. Sinu-sure ko lahat ‘yun. Bawal akong magkamali. Kung nagkamali na ako noon edi sana matagal na sana akong patay! Bente-dos lang ako, wala akong pinag-aralan pero hindi naman ako gano’n katanga.” “May galit ka ba sa ‘kin?!” hindi ko na talaga natiis at kinompronta ko na sya. “Kung makapagsalita ka parang kilalang-kilala mo na ‘ko eh. Wala akong ginawang masama sa ‘yo para sagut-sagutin mo ‘ko ng ganyan!” “Wala ka ngang ginagawang masama, pero lalo lang bumigat ang buhay ko mula noong dumating ka!” malakas na singhal nya sabay du
“Ikaw ha, inano mo?” kagyat kong hinampas si Seiji sa braso bago sumakay sa bagong bili nyang kulay pulang sedan. Natatawang ikinibit nya ang kanyang balikat sa pagmamaang-maangan nya. “Wala akong ginawa, ano?” Bumunghalit sya ng tawa sa pagpapalatak ko na nagpapailing-iling. “Abnormal ka ba? Tawa ka nang tawa?!” dagli akong nainis sa OA nyang tawa. Nagi-guilty na nga ako sa pag-atungal ni Veronica, tinatawanan pa ako. “Hindi ako abnormal, love. Ang abnormal eh ‘yung paalis na lang, nagagalit pa… Hay nako! Teka nga pala,” dumukot sya sa kanyang bulsa ng kanyang shorts at iniabot sa akin ang kumpol ng pera na naka-rubber band. “Tapos bumili ka na rin ng gamit mo, love. Kumain na rin muna kayo ng gusto n'yo bago kayo umuwi.” “Oh, may pang-grocery na ako, ‘di ba? Baka wala ka nang pera d’yan?” “Meron akong tinabi dito panggasolina ko. Kung may matitira ka pa, ilagay mo sa ipon mo para sa baby natin... Lumakad na kayo, love. Maaabutan n’yo na ang trapik sa daan kapag hindi pa kayo u
“Sumama ka na. Wala ring magda-drive sa ‘yo papunta sa bangko dahil isasama ko si Ibiza, may pupuntahan kami,” ani Seiji. “Kaya ko namang pumunta ng bangko nang mag-isa eh, mamamasahe na lang ako. Bakit kaylangang sumama pa d’yan?! Marunong ba talagang mag-drive ‘yan?” naiinis na turan nya. Paalog-alog ang suso nyang walang panapo sa papadyak-padyak nya. Tumutulis ang nguso ko habang tinitingnan ko sya sa pagmamarakulyo nya, ‘kung matadyakan ko lang ‘tong maliit na babae na ‘to talaga…’ gigil na nasabi ko na lang sa aking sarili. “Hindi ka pwedeng mamasahe, Veronica. Please, gumayak ka na lang. Pagkatapos naming kumain magbibihis na si Kataleia… Pasensya ka na, love, nagkaro’n ng emergency sa bar eh,” nagi-guilting hinawakan nya ang aking pisngi. “Magkita na lang tayo rito mamaya para makapunta tayo sa mansyon. Nag-promise ako kay Mama na du’n tayo magdi-dinner at matutulog,” “Okay lang, love. Kaso parang ayaw nya kasi,” tinapunan ko ng tingin ang pabulung-bulong na mestizang pins
Lumabas ako sa kwarto at binuksan ang katapat naming kwarto at binuksan ang ilaw nito na nasa gilid ng pinto. Ito ang drawing room ni Seiji. Puno ang bawat dingding ng kanyang mga obra. Gustung-gusto kong tumatambay rito kasi ang tahimik tsaka natutuwa ako sa pagtingin-tingin sa mga larawang iginuhit nya halos puro pagmumukha ko—iba’t ibang anggulo at facial expressions. Napaka-passionate nya sa pagpipinta. Kung gagawa nga lang si Seiji ng art gallery mapupuno nya iyon ng mga display kaso naisip ko baka walang pumunta kasi puro ako rin lang naman ang maidi-display nya. Napasimangot ako nang makita ang canvas na huli nyang iginuhit na nakalagay na naman sa painting stand. “Sabi ko itago eh, nakakahiya! Pa’no kung may makakita. Dyusko!” nagigiba ang aking mukha habang ibinabalik ko ang larawan ng aking hubad na katawan sa likuran ng aparador kung saan ito nakalagay. “Did Veronica bother you again? Ay! I told you I’ll dust it off myself,” ani Mamancona pagsilip nya at nadatnan nya ako