“Kaya kayo hindi magkita ni Kataleia, Knives. Kapag naririto ka, sya naman ang wala and vice versa,” wika ni Dad. “We're both busy.” I tried to be as nonchalant as fuck. I realized, ganito pala ang nangyayari kaya kami madalas magkasalisihan. Kapag naririto ako sa maghapon ay nasa eskwelahan sya. Kapag umaalis ako sa hapon o sa gabi, sya naman ang dating nya. Naintindihan ko nang hindi naman talaga nya intensyon na iwasan ako o taguan. Sadyang hindi lang kami nagpapang-abot dahil sa trabaho nya. Ako naman, dahil sa kanya. So parang kasalanan ko pala. Napakamot ako sa ulo. “Tumawag pala sya kanina, magla-lunch out daw sila saglit ng mga co-teachers nya kasi may pag-uusapan pa. Start na ng final grading exams next week eh,” mahinang sagot ni Tita Marisa. “Ow? Ibig sabihin malapit na ang bakasyon. That’s nice…” ani Dad. Tiningnan nya si Atsi. “Malapit na nga pala ang birthday no’n, Olivia. Handaan mo at baka mahiya. I-invite nyo rito ang mga co-teachers at friends nya. Hindi m
I was walking in the long hallway papunta sa kwarto ko nang may biglang pumasok na kalokohan sa isip ko. Huminto ako sa pagitan ng pinto naming dalawa. I will sneak into her room. I want to see that framed sketch Atsi was talking about. Chineck ko muna kung may tao sa paligid bago ko marahang pinihit ang door knob ng kwarto nya. Fuck! Naka-lock. Bakit nya nila-lock ang kwarto nya?! Nainis na naman ako. Ilan ba ang manliligaw na sinasabi ni Dad? Sabi nya, 'mga manliligaw’. Meaning to say, marami. Napahid ko nang mariin ang aking lapat na lapat na bibig. Bad trip na ‘ko talaga. I went into my room, banged my door closed, and called her phone. “Where are you, Shobe?” pinilit kong pakalmahin at hinaan ang naiirita ko nang boses. “Uhm, Ahya, nasa meeting po ako. Pwedeng tumawag ka na lang ulit?” naririnig ko sa background nya na may tumatawag sa kanyang lalake. Idiniin ko ang phone ko sa aking tenga para marinig ko ang sinasabi ng tumatawag sa kanya na iyon. “Sabihin mo na lang
[Kataleia's POV]Kanina habang nagmi-misa si Father Luis sa chapel ay halos pumikit na ang mga mata ko sa sobrang antok. Ngayon naman napapanganga ako at napapahilig nang wala sa loob ko ngayong naririto kaming lahat ng mga ka-guro ko sa conference room at nagle-lecture si Rector. Ang bigat ng ulo ko sa puyat at sa pagod sa pag-tambling-tambling namin ni Ahya Knives kagabi. “Puyat na puyat ka ah,” puna ni Master Seiji. Walang nabago sa seating arrangement namin ng mga kasama ko at kabilang na kami roon. Kanina rin sa misa ay katabi ko na sya; ngayon katabi ko pa rin sya. “Ay opo, sorry…” inayos ko ang pagkakapakat ng nalalaglag na sa ilong kong salamin. Pasimple kong iniunat ang likod ko. Ang sakit ng balakang ko, buset! Mukhang kailangan ko ng masahe dahil marami pa akong nakalinyang gagawin ngayon. Ipapamasahe ko itong likod ko mamaya sa nagpakasakit nito. “Malapit na ‘tong matapos, makakauwi ka na,” bulong nya tapos humilig sya nang konti sa gawi ko. “Wala kang sinagot kahit i
Masarap din naman palang kakwentuhan si Master Seiji. Bukod sa sense of humor na mayroon sya, may laman syang kausap. Tsaka supportive sya sa aming mga teachers. Binigyan nya pa kami ng tips kung paano mapapadali ang pagko-compute at pagre-record ng grades. Napagtanto kong kailangan ko na talaga ng sariling laptop, malayo na si Orlie na lagi kong hinihiraman. Mukhang matatagalan pa akong lalo makabili ng e-bike nito; laptop na lang muna ang uunahin kong pag-ipunan. “Ang gara ng kotse mo, sir! Parang hindi pang-teacher,” puri ni Miss Nori sa sinasakyan namin. “‘Eto ba? Ganda ng tunog, ‘no? Sa apat kong kotse, ito ang pinaka-favorite ko sa lahat.”Nagkatinginan kami ni Miss Nori. Nabasa ko ang palihim na buka ng bibig nya sa akin, “mayaman”. Kumbinsido rin ako roon. Naisip kong mayroon pa syang ibang pinagkakakitaan, dahil sa sahod namin bilang teacher maski laptop o computer ay mahirap talagang makabili nang ura-urada. “Kumusta pala ang kasal, Miss Kat? For sure nag-enjoy ka kasi hi
“I was texting you!” bulyaw ni Ahya nang ibaba nya ang bintana ng SUV na waring naiirita. Sya nga siguro iyong SUV na iyon, namali pa ng school na pinuntahan. “Nakasakay na po kasi ako ng jeep no’ng dumating ang text mo,” pagdadahilan ko. Napatingin sa akin ni Manong guard nang nasabi ko iyon, alam nya kasi na hindi naman ako sa jeep bumaba kanina, hindi ko na lang sya pinansin at baka makihalo pa. Sa palagay ko hindi naman nya nakita ang pagbaba ko sa sasakyan ni Master Seiji dahil nakalayo na muna ito bago pa sya dumating. “Sumakay ka na,” yakag ni Ahya Knives sa akin na sinunod ko naman. Malayo pa nga naman kasi ang lakarin patungo sa mansyon at isa pa ay marami akong dala. “Hinanap mo na naman ba ‘ko?,” nangingiting tudyo ko sa kanya. “Ikaw na ‘ata ‘yung nakita ko kaninang nakaparada sa tabi ng isang school, kaso hindi naman ako do’n pumapasok. Kahit hintayin mo ‘ko nang hintayin do’n, hindi ako lalabas.” “Sabihan mo kasi ako kung aalis ka para ako ang maghahatid sa ‘yo, nagp
“No idea, baka nasa kwarto... Eh bakit ka muna nagagalit?!” Lalo akong nainis sa tanong nya na parang wala syang kaalam-alam. Lumingon ako sa likod nya bago ako nagsalita. “Kung anu-ano ang pinagsasabi mo kay Mama, ‘kala mo okay lang ang ginawa mo?!” anas ko, pinandidilatan ko sya ng mga mata. “Ano ba’ng ginawa ko? Wala naman eh. Gusto ko lang na sa akin nya ibilin ang paghatid-sundo sa ‘yo. That’s all,” pa-inosente nyang sagot. “Ah gano’n ba? Kaya pala bago sya umalis pinagalitan pa ‘ko eh, ‘no?!” irap ko sa kanya. Binunot ko ang cellphone ko sa bag at tinawagan si Orlie. “Come on, sorry na,” hinahapit nya ako sa bewang ngunit agad akong pumiksi at baka may makakita sa pagyayapusan namin dito sa hallway. “Hindi sumasagot si bakla kanina ko pa sya tinatawagan, ano kayang nangyari do’n?” nag-aalala na ako kay Orlie. Hindi ko alam kung ano nang nangyari sa kanya pagkaalis namin sa wedding reception kagabi. Kadalasan naman ay nagte-text iyon o tumatawag saglit. Ngayon wala ma
[Olivia’s POV] I was stunned when he abruptly slapped me in the face while I was mindlessly banging him. “Why?!?” “Si Kataleia,” he whispers with an anxious look on his face. I listen and realize Knives and Kat are just outside the door, talking. Maya-maya ay nag-vibrate ang phone nya sa ibabaw ng side drawer. His bff’s name appeared on display. Nagbalikwas kami pareho at naupo sa sahig. Niyakap nya ang kanyang cellphone pati na rin ang nagagap nyang malaking unan to hide his nakedness. Natahimik kami ng may ilang sandali habang pinakikinggan ang bulungan ng dalawa sa hallway. “I need to go,” he whispers again. Kaninang wala si Kataleia, okay lang syang nakulong sya sa kwarto na naririto pa sina Tita Marisa. Ngayong narinig nyang dumating na ito, nag-aalala na sya. Kinabahan na rin tuloy ako. “I know. Madalas na nasa kwarto lang nya si Kat. Just wait till Shoti’s gone. Umaalis sya kapag maggagabi na.” Umiling sya. “He’s not leaving.” His face is full of terror and g
Nagkagulatan kami sa isa’t isa sa mga itsura namin. Halos mahulog ako sa kama sa pag-iwas ko sa kanya. And it shocked me more that he even accused me of raping him: “Ni-rape mo ‘ko! Rapist! Manyak!” niyakap nya nang matindi ang kanyang sarili ng isang kamay while his other hand clutches his manhood. “Why??! Pinagkatiwalaan kita!” he looked as if I really violated him; namili-milipit sya sa ibabaw ng kama. “How dare you!” my eyebrows raised in disbelief. “Hindi ko nga alam kung pa’no tayo nakauwi dito!” Nataranta akong naghanap ng ipangtatapis ko sa hubad kong katawan. He looked at me with disdain, "‘Asus! Sa taxi palang hinahalikan mo na ‘ko, ‘no! H‘wag kang ano d’yan!” “Wala akong matandaan Orlie, huh! Tigilan mo ‘ko!” pinipilig ko ang ulo kong may hangover na nananakit lalo sa hindi kapani-paniwalang bagay pero napaka-obvious namang nangyari sa aming dalawa. “Ipapa-Tulfo kita! Hindi ko matatanggap ‘to! Hindi ako pumapatol sa babae, hindi ko nga masikmurang makakita ng hub
“Sabi mo h’wag tumulong, edi hindi tumulong…” bulong ko naman. Inismiran ko sya nang bonggang-bongga. Si Seiji minsan nakakapag-init ng ulo kung magsalita lalo na kapag pagod. Iniintindi ko na lang dahil hindi nga naman biro ang nangyari sa kanya mula nang mag-umpisa syang maghanda para sa kasal na isinabay nya sa pag-aasikaso ng enrolment sa school at pagma-manage ng kanyang bar. “Sa’n ba ang masakit?” buntung-hininga nya tapos lumuhod sa harapan ko at minasahe ang aking binti. “Dito ba?” Dagli naman naparam ang yamot ko. Pumikit ako at dinama ang naiibsang paninigas ng mga binti ko. “Oo, d’yan nga, hmmm…” mahinang usal ko. “Eh, dito masakit din?” inakyat nya ang hilot nya hita ko.“Hmm… masarap…” tumukod ang mga kamay ko sa magkabilaan kong gilid. “Eh, ito?” ngisi nya pagdating nya sa bandang puno ng hita ko sabay daklot nya sa matambok na laman sa gitna ng aking mga hita.“Uy, kanina pa ‘yan tanghali pinagpapawisan, panis na ‘yan,” natawa ako sabay iwas ko nang ma-conscious ak
“Nasa ibang bansa raw eh, hindi nakarating kasi may problema. Pero tumawag naman daw tapos nagpadala ng regalo,” ngiti ko. Wala ni isang kamag-anak ni Seiji ang dumating sa kasal namin. Tanging ang sinasabi nyang kaibigan lang nya na minsan ay kasama nya kapag may bibitbiting mabibigat noong kasagsagan ng pagpe-prepara nya sa kasal ang naririto ngayon at tahimik lang na nakatayo sa gilid ng hardin na tila nagmamasid at pinakikiramdaman ang paligid. Natigil ang pagtsi-tsismisan namin nang lumapit ang pogi kong asawa mula sa lamesa kung nasaan sina Rector Mendez, Father Erin na Rector naman sa isang branch ng Catholic School kung saan ako dati nagtuturo, ilan pang mga pari at seminarista na kakilala namin. Napakaaliwalas ng babyface nyang mukha paghalik nya sa aking bibig. Hindi ko na mabilang kung may ilang beses nya akong hinalikan mula pa kanina. “Ikaw ha, Sir Seiji! Andami n’yong secret ni Kataleia sa ‘kin. Nagbakasyon lang naging mag-asawa na kayo,” tudyo ni Miss Nori. “Inunahan
Hindi kami nag-imikan ni Seiji habang nasa daan, mataman lang syang nagmamaneho at ako naman nakatingin lang sa gawing bintana ko. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nya, hindi ko rin sya tinatanong dahil abala ang isip ko sa ibang mga bagay. Nagsalita lang sya nang mag-stopover kami sa isang malaking bilihan ng pasalubong para tanungin kung mayroon akong gustong bilhin at kung ano ang gusto kong kainin. Hindi na ako bumaba ng sasakyan para samahan syang mamili, hinayaan ko na lang syang mag-isa nya. “May problema ba tayo?” tanong ko nang hindi na ako nakatiis pag-abot nya sa akin ng plastic ng pinamili nyang kung anu-anong minatamis at mineral water. “Wala, wala namang problema,” hinalikan nya ako sa noo nang napakagaan na halos wala akong naramdaman pagkatapos ay sumakay na syang muli sa kotse. Kinibit ko ang aking balikat. Kung anuman ang arte nya ngayon, wala na ‘ko do’n. Wala naman kasi akong alam na ginawa kong masama. Ganumpaman, hindi ko maiwasang hindi makaramdam n
Padabog akong naupo sa nakasaradong inidoro pagpasok ko sa isang cubicle. Nakakainis, mariing punas ko sa mukha ko ng tissue na nakuha ko sa tissue dispenser. Hindi naman ako iyakin dati, ngayon laging nag-uunahan ang luha ko sa konting kibot lang!Ang kumplikado na ng buhay ko. Noong magkasama pa kami ni Orlie sa paupahang bahay ay masaya na ako sa mga simpleng bagay. Gala o ‘di kaya tulog maghapon kapag walang pasok, kain kung anong magustuhan. Inom dito, disco doon—gano’n lang. Okay lang kahit minsan walang pera at tipid na tipid. Nagkakasya ako sa isang lata ng sardinas. Sinusulat-kamay ko lahat ng lesson plans ko. Ngayong tumira ako sa magandang bahay at nakasama ko na si Mama, pakiramdam ko napakahirap pag-isipan lahat ng kailangang pagdesisyunan at sa tuwing gagawa ako ng desisyon, lagi akong nagkakamali at sa huli ako ang nasasaktan.Nasa kalagitnaan ako ng walang kasense-sense na pag-iyak ko nang marinig kong may kumakatok sa pinto ng cubicle kung saan ako nagtatago. “Kat, a
“Oh, ano naman ang problema mo do’n, Kataleia?! Ganu’n din naman ‘yun eh, bakit patatagalin pa? May naipon naman siguro ‘tong si Seiji, kaya kang pakasalan kahit saang simbahan mo pa gusto,” komento ni Mama. “Ah hindi ‘Ma, sa huwes na lang muna kami. Tapos after two to three years sa simbahan na.” “Smart choice, Mr. Mendoza,” sabat ni Atsi Olivia na kadarating lang. “Good afternoon, Dad.” Hinalikan nya si Tito Miguel sa noo pati na rin kami ni Mama saka naupo sa harapan ko sa lamesa. Nakasunod sa kanya ang asawa nyang nakasuot pa ng shades na parang walang nangyari kagabi na lalong ikinagiba ng mukha ko na hindi ko na lang pinahalata. “Sukob ang kasal n’yo kung ngayong taon din na ‘to kayo ikakasal sa simbahan. Malas ’yun,” dagdag pa nya.“Pwede rin namang sa simbahan na. Hindi naman kailangan pang sumunod sa tradisyon na ‘yan. Malas ang taong naniniwala sa malas,” ani Tito Miguel.“Eh, Seiji,” nguso ko. Hindi ko naiwasang hindi magprotesta. “Hindi naman ganu’n ang sinabi ko eh.”“S
Tumayo sya sa kama at hinawakan ako sa magkabilang bewang. “Para kang Diyosa,” anas pa nya. Napahagikhik na lang ako bigla. “Oh, bakit ka natawa?” ngiti nya. Tila napakalambing naman ngayon ng tinig nya sa aking pandinig. “Kasi ‘kala ko sasabihin mo, ‘para kang multo.’” Hindi sya tumawa o ngumiti man lang. Ito ang pinakaunang pagkakataon na hindi nya sinakyan ang biro ko mula ng magkakilala kami. Naaninag ko ang kaseryosohan ng kanyang mukhang nakatitig sa akin. Binuhat nya ako papunta sa kama at marahang inihiga ako roon. Hindi nya inaalis ang tingin nya sa akin habang hinuhubad nya ang kanyang damit. Nakangiti ang kanyang mga matang kinulumpon ang mahaba at basa ko pang buhok pataas saka marahang dumapa sa ibabaw ko. At doon na nagkatotoo ang matagal na nyang hiling. Sinamba nya nang paulit-ulit ang buong katawan ko hanggang sa pumutok ang bukang-liwayway. +++++ Pinagmamasdan ko sya habang nakadapang natutulog sa tabi ko. Napakaganda ng mga tattoo nya sa likod na umaabot
“Damn, you’re so hot. Hindi ko sila masisisi kung bakit sila nababaliw sa ‘yo,” nakaririmarim ang init ng hininga nya sa tenga ko. Nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang hawakan nya ako sa aking tadyang. Inilalapit nya nang husto ang mukha nya sa mukha ko kaya tinulak ko sya nang ubod ng lakas at nagmadaling dumiretso sa bahagyang nakabukas na pinto. “Shobe? Lalabas ka na?” mahinang usal ni Atsi na nakapikit ang mga mata habang inaayos ang kanyang kumot. Napalingon ako kay Kuya Mike na hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan nya at pangisi-ngising nakatingin din sa akin. “Opo, Atsi. Nandito na si Kuya Mike, may kasama ka na,” matalim na tingin ko kay Kuya Mike. “Goodnight, Siobe. Thanks for taking care of Olivia,” ngiti nya na tila nang-aasar pa akma syang lalapit na naman kaya nagkumahog na akong lumabas ng pintuan. Mangiyak-ngiyak akong tinakbo ang papunta sa kwarto ni Orlie. Siguro naman nakauwi na ‘yun galing sa bar. Ano bang gagawin nya do’n nang mag-isa? Hind
Napakurap-kurap ako nang nakarinig ako ng mahinang lagitik. Maya-maya ay malinaw na nagsalita ang prompt ng network nya.‘The number you have dialed is not accepting calls at this time.’Laglag ang mga balikat na tin-ap kong muli ang re-dial. Baka naman napatay lang nya ang tawag o kung ano, isip-isip ko. Baka tulad ko, hindi rin nya alam kung ano ang sasabihin nya. Pero hindi naman ako ang alam nyang tumatawag, kundi si Atsi, dahil cellphone nya ito. Binigyan ko ang sarili ko ng pag-asa. Kaso sa kasamaang-palad, hindi na ito muling nag-ring pa. Isang mahaba at matining na tunog na lang aking narinig hudyat na hindi na maaari pang tawagan ang cellphone nya. Inis na inis ako. Kung cellphone ko lang ito naibalibag ko na sa bwisit ko. Hanggang ngayon sarili pa rin lang nya iniisip nya. Ultimo ang nakatatanda nyang kapatid, tinanggal na nya sa utak nya.‘Naka-move on na sya, Kat. Ganu’n talaga ‘yon, lalake eh. Para ka namang bago nang bago. Kapag umayaw ang lalake, ayaw na talaga. Kahit
“Uhm, antayin mo na lang ako sa kwarto, love. Susunod ako sa ‘yo, hihintayin ko lang si Kuya Mike na dumating para meron syang kasama rito. For sure, naglalakad-lakad lang ‘yun sa labas,” binigay ko sa kanya ang susi ng kwarto ko. “Gusto n’yo hanapin ko na lang sya?” naiilang na sinulyapan nya si Atsi. “Hindi mo makikita ang ayaw magpakita,” mahinang tugon ni Atsi habang nakatungo sa sahig. Nangingiwing iginiya ko na sya sa pintuan hanggang sa makalabas na sya na natitilihan pa, “susunod naman ako maya-maya lang. Masama ang pakiramdam kasi,” pagdadahilan ko sa kasungitan ni buntis. Pagkasarado ko ng pinto ni Atsi saka sya pumalahaw ng iyak, nataranta ako sa lakas ng atungal nya na parang napakasakit ng kalooban nya. “Atsi, h’wag kang umiyak. Makakasama ‘yan sa baby mo,” alalang-alalang niyakap ko sya. “Muntik na ‘kong dalhin ni Dad sa doktor kanina. What will I tell if he finds out?! This is out of wedlock, Kat,” hagulgol nya sa balikat ko. “I wanted to tell Knives about this.