Misha’s POVNang makarating ako sa bahay, ramdam ko ang kabog ng puso ko sa kaba at saya. Pagkabukas ko ng pinto, agad kong nakita ang isa sa mga kasambahay namin, at may ngiti siya sa labi.“Ma’am Misha,” bungad niya. “Nandito po si Sir Everett, nasa guest room. Mukhang naparami yata ang nainom kaya dun natulog.”Hindi ko mapigilang mapangiti kahit kaunti. Hindi man siya sa kuwarto namin natulog, ang mahalaga, umuwi siya. Ang mahalaga, nandito siya kahit paano.“Lasing ba talaga siya, Ate?” mahina kong tanong.Tumango siya at tumitig sa akin, tila may lungkot sa mga mata niya. “Opo, Ma’am. Mukhang… mabigat ang iniisip ni Sir kasi tulalang-tulala at parang ano po eh, parang lutang na lutang o baka lasing lang ho talaga.”Huminga ako nang malalim at sa sandaling iyon, naisip ko na baka ito na ang pagkakataon kong ipakita kay Everett na hindi totoo ang mga iniisip niya tungkol sa akin. Hindi ko siya kayang makita na nahihirapan, lalo pa’t alam kong ako ang dahilan ng sakit na nararamdam
Huling Na-update : 2024-10-28 Magbasa pa