Samira POVPagkagising ko kinabukasan, ramdam ko pa rin ang bigat ng pagod sa katawan ko dahil sa nangyari kagabi, pero mas nangingibabaw ang gaan sa dibdib ko. Sa wakas, ligtas na si Ahva, at si Don Vito naman ay nagpapahinog sa ospital at malapit-lapit na ring makulong na. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na matapang—kahit sa loob-loob ko ay halos gusto ko nang bumigay sa pagod at gutom kagabi.Paglabas ko ng kuwarto, dumiretso ako sa hallway. Doon, nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ng kabilang kuwarto ay lumabas si Mama Ada. Diretso niya akong nilapitan.“Samira, ija,” mahinahon ang boses niya, pero may lungkot at saya na halong-halo sa mga mata niya. Akala ko magtataray na naman siya, pero bigla niya akong niyakap. Hindi lang basta yakap—mahigpit pa ang ginawa niya at dama ko ang init ng pasasalamat niya.“Thank you, Samira. Thank you so much,” bulong niya habang bahagyang nanginginig ang boses niya. “I’m really, really sorry sa lahat ng naging ugali ko sa ‘yo. I was so w
Dernière mise à jour : 2025-04-16 Read More