Everett’s POVGabi na. Tahimik ang buong paligid maliban sa mga kuliglig at malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Walang bituin sa langit, parang binabalot ang mundo ng dilim, kagaya ng nararamdaman ko ngayon—walang kasiguraduhan, walang liwanag. Sa halos dalawang araw na lumipas, hindi ko matanggap na ito na ang nangyari. Hindi ko matanggap na wala pa rin si Misha. Hindi pa rin siya nakikita.Naglalakad ako papunta sa ilog. Ilang beses ko na itong dinaanan, paulit-ulit kong binalikan, umaasang may makikita akong palatandaan o kahit anong bakas. Ngunit ang gabi ngayon ay iba—mas madilim, mas malamig, mas masakit.Pagdating ko sa pampang ng ilog, naramdaman ko ang bigat ng buong mundo sa mga balikat ko. Tila may puwersa na humihila sa akin pababa, palapit sa tubig na parang nagmimistulang walang katapusan. Napaluhod ako sa putikang lupa, at doon, hindi ko na napigilan ang aking mga luha. Para akong bata, hindi ko na napigilan ang paghagulhol. Parang pinipiga ang puso ko,
Last Updated : 2024-11-03 Read more