Misha’s POVNagising akong may matinding kirot sa ulo. Parang hinahati ito ng isang mabigat na bagay. Pagmulat ng mata ko, napagtanto kong nasa isang malawak na kuwarto ako, napalilibutan ng puting mga dingding, may amoy ng antiseptiko. Nakakabit ang kamay ko sa isang dextrose at halos hindi ko magalaw dahil sa pagkalata ng katawan ko.Sa sulok ng aking paningin, naramdaman kong may benda ang aking ulo. Pumikit ako at pilit inaalala kung ano ang nangyari—ang huling bagay na naaalala ko ay ang pagpukpok ni Belladonna ng kahoy sa ulo ko... pagkatapos, wala na akong maalala.Maya maya, narinig ko ang mahinang tunog ng pinto. Bumukas ito, at pumasok ang isang lalaking hindi ko kilala. Matangkad siya, may kaakit-akit na postura, at agad kong napansin ang pormal niyang kasuotan. Sa unang tingin pa lang, alam kong mayaman siya; ang gupit ng kaniyang buhok, ang kinis ng kanyang balat, at ang kompyansang nakikita ko sa kanyang bawat galaw, lahat ay nagsasabi ng pagiging maykaya.Lumapit siya a
Misha’s POVPinilit kong ngumiti ng bahagya, pero alam kong hindi ito umabot sa mga mata ko. “It’s… complicated,” sagot ko, malungkot na napabuntong-hininga. “Let’s just say I needed to escape.”“An escape… I get that. Parang ako lang din pala.” Tumango siya at may lungkot din sa kanyang mga mata. “Sometimes we run away from things we can’t handle. But we can’t always run forever, can we?”Tiningnan ko siya, at sa sandaling iyon, alam kong pareho kami. Pareho kaming sugatan, parehong tumatakas. Hindi ko alam kung bakit, pero sa kabila ng lahat, nakaramdam ako ng kaunting aliw sa pagkakaalam na may ibang taong may parehong pinagdaraanan. Nagbukas siya ng pinto ng kanyang mga alaala, ngunit hindi ko siya hinusgahan. Parang may koneksyon kami na hindi ko maipaliwanag.“How about this—why don’t you stay here for a while? Give yourself time to recover,” mungkahi niya, at bakas sa boses niya ang pag-aalala. “You don’t need to go back to whatever it is just yet.”Hindi ko alam kung paano sas
Misha’s POVHalos hindi ako makapaniwala sa balita. Malinis na ang pangalan namin ni Cassian. Sa wakas, natapos na ang bangungot na ito. Parang gustong sumabog ng puso ko sa tuwa habang naglalakad papunta kay Ayson. Siya at ang mga tauhan niya ang nagpakahirap upang magkaroon ako ng balita sa nangyayari sa asawa ko, at hindi ko matutumbasan ng anumang pasasalamat ang ginawa nila para makasagap ako ng balita.Nito ko lang din nalaman na si Ayson pala ang may-ari ng mga malalaking mall dito sa loob at labas ng Pilipinas. Bilyonaryong tao pala itong tumulong sa akin.Suwerte pa rin ako kasi isang mabait na tao ang tumutulong sa akin. At ramdam ko naman na mapagkakatiwalaan si Ayson.Nang makita ko siya, agad kong sinabi, “Thank you, Ayson. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan.”Tumango lang siya, simpleng ngiti ang isinukli, pero alam kong alam niya kung gaano ito kahalaga para sa akin.Ngunit kahit gusto ko nang umuwi, may nag-udyok sa akin na manatili pa nang mas matagal. Ayokon
Misha’s POVTahimik akong nakaupo sa tabi ni Ayson habang dinaraanan ng sasakyan namin ang malamig at mahamog na kalsada ng Tagaytay. Hindi ko alam kung anong binabalak niya, pero sanay na ako sa biglaang pag-aaya niya. Mula sa gilid ng mga mata ko, pansin kong may ngiting hindi maipinta sa mukha niya, tila may tinatago.“Where are we going exactly?” tanong ko, hindi maitagong curiosity.“You’ll see,” sagot niya na may halong excitement ang boses.Habang nakatingin ako sa hamog at sa mga magagandang tanawin dito, naisip ko bigla si Everisha. Alam ko, miss na miss na rin ako ng anak ko. Pero para sa pinaghahandaan kong malaking laban, magtitiis muna ako. Alam ko namang na pagkatapos ng mga gulong ‘to, magkakasama kami ng buo ulit. Isu-sure ko ‘yan.“Dapat nag-training na lang ulit ako,” sabi ko sa kaniya. Kapag kasi ganitong gala ang pupuntahan, mas nami-miss ko ang pamilya ko. Si Everett at si Everisha.“Masaya ito, huwag kang mag-alala. Sure akong matutuwa ka rin sa huli,” sagot na l
Everett’s POVHindi ko alam kung paano nagsimula ang gabing ito. Marahil isa lamang ito sa mga pagkakataong napag-trip-an kong suriin ang CCTV footage para lamang tiyaking ligtas ang paligid ng bahay ko, lalo’t malamig ang gabi at tahimik ang bawat sulok ng kabahayan. Pero hindi ko inasahan ang tumambad sa harap ko ngayon.Nakanganga akong nakatitig sa monitor, halos hindi ako makahinga. Paulit-ulit kong pinindot ang rewind button para muling pagmasdan ang bawat detalye. Isang pigura na naka-jacket at naka-cap. Sa unang tingin, ordinaryo lamang ito, para bang isang tao lang na naglalakad sa tapat ng bahay ko. Pero sa ikalawa at ikatlong ulit ng pagtingin ko, unti-unti nang sumiklab ang isang kilabot sa puso ko.Siya iyon. Kilala ko siya. Kahit pa nakatago ang mukha niya sa ilalim ng cap, alam ko. Alam ko kung paano siya lumakad, kung paano tumingin sa paligid bago magpatuloy sa paglakad. Bawat galaw niya, bawat kumpas ng kaniyang katawan, nagsasabing siya iyon. Si Misha. Ang asawa kon
Misha’s POVSinigurado kong nakaayos ang buo kong katawan at nakasuot ako ng tamang gear. Ang silid ay malamlam ang ilaw, tila idinisenyo para magbigay ng konting kaba bago pumasok. Pagkabukas ng pinto, natanaw ko si Ayson. Nakasandal siya sa mesa na puno ng iba’t ibang klase ng baril—mga handgun, shotgun, rifle, at maging ang mga high-caliber sniper. Ang presensya niya pa lang, parang bumibigat na ang hangin. Matalim ang mga mata niya, parang walang ibang layunin kundi ang maging pinakamahusay ako sa larangang ito.“Ready?” tanong niya habang mababa ang tono ng pagsasalita at diretso sa punto.Tumango naman ako. “Always.”Kinuha niya ang unang baril—isang Glock 19. Simple at compact, pero may dating. Lumapit siya sa akin at ipinaliwanag nang detalyado ang mga parte nito habang hawak ko sa mga palad ko ang malamig na bakal.“First rule: Keep your finger off the trigger until you’re ready to shoot,” sabi niya ng diretsyo at walang paligoy-ligoy.Tumango ako habang nakatuon ang lahat ng
Misha’s POVNang umagang iyon, habang nag-aalmusal kami ni Ayson, pansin ko ang hindi mapakaling tingin niya sa akin. Kinuha niya ang tasa ng kape, saglit na tumitig, saka inabot ito sa akin. Sa ilalim ng tahimik na umaga, bumigat ang katahimikan.“Misha,” sabi niya sa mababang boses, “when do you plan on going back?” Tinitigan niya ako nang puno ng pag-aalala “Do you think you’re ready? You’re skilled enough. You know how to fight now. You’re good with guns and knives.”Napatingin ako sa kawalan, pinoproseso ang bigat ng tanong niya. Ilang beses na rin akong nag-isip tungkol dito, pero ngayon lang nagkaroon ng lakas na sagutin ang tanong na ‘yon. Malapit na… malapit na talaga. bumubuwelo lang ako, naghihintay lang ng tamang panahon.“Mmm…” Tumango lang ako. “Soon. Very soon, Ayson.”Tumango rin si Ayson, at isang maliit na ngiti ang sumilay sa kanyang labi, bagaman may bakas ng panghihinayang sa kanyang mga mata. Ibinuhos niya ang kanyang oras at dedikasyon sa akin, tinuruan niya ako
Everett’s POVSa unang hakbang pa lang pababa ng sasakyan ko, naramdaman ko agad ang bigat ng katahimikan sa paligid. Hindi ito iyong karaniwang gabing dinadaanan ko. May kaba sa dibdib ko na hindi ko mawari, kaya nang bumukas ko ang pinto at lumabas ako sa madilim na kalye papunta sa harapan ng mansiyon, alam kong may kakaibang mangyayari.Biglang dumagundong ang mga putok ng baril, sumabog sa paligid ang ingay na iyon na para bang kidlat na sumapul sa gabi.“Hold-up!” Sigaw ng isa, at mula sa dilim, sumugod ang sampung armadong lalaki na tila walang takot sa kamatayan na maaaring gawin sa kanila ng mga tauhan ko. Lahat sila ay may hawak na baril, at ang mga tauhan ko, na laging handa, ay agad na tumayo at kumuha ng mga tamang posisyon.Nagsimula ang sagutan ng mga bala—isang walang katapusang simponya ng putok ng baril at sigawan.“Sir, stay back!” sigaw ng isa sa mga tauhan ko habang hinatak ako palayo. Napasandal ako sa dingding at tinakpan ang ulo. Mula sa kinatatayuan ko, kita k
Misha’s POVHindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko habang nakatitig sa screen ng cellphone ko. Ang bagong message na natanggap ko ay para bang isang dagok na muli sa aming pamilya. “Kung gusto niyong makabalik si Everisha, palayain niyo si Maloi sa kulungan.”Hindi na namin kailangan pang mag-usap ni Everett. Alam naming dalawa na wala kaming ibang pagpipilian. Para sa anak namin, handa kaming gawin ang kahit ano.“Everett,” tawag ko sa kaniya habang nasa kabilang kuwarto siya, hawak ang laptop niya. Pumasok siya agad sa kuwarto namin, kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.“What is it?” tanong niya habang pinupunasan ang mga mata niya. Halatang hindi rin siya nakatulog nang maayos kagabi.Ipinakita ko ang text message. Agad na tumalim ang tingin niya, at parang gusto na niyang basagin ang telepono sa galit.“This is absurd!” sigaw niya. “Do they think they can control us like this? But we have no choice, do we?”Tumango lang ako, hindi makapagsalita. Hindi ako kailanman naging
Misha’s POVAng oras ay tila naging kalaban ko. Ang bawat minuto na lumilipas ay parang kutsilyong bumabaon sa dibdib ko. Nasa sala ako, nakaupo sa gilid ng sofa, hawak ang cellphone na halos hindi ko na mabitiwan mula nang mawala si Everisha. Sa kabilang bahagi ng kuwarto, si Everett ay nakatayo, halatang hindi mapakali habang kausap ang isa na namang investigator sa telepono.Ilang oras na kaming tumatawag sa iba’t ibang tao—mga kakilala, kaibigan, koneksyon sa negosyo, at maging ang mga taong hindi namin kilala pero maaaring makatulong. Sa bawat tawag namin, pilit kong pinipigilan ang manginig ang boses ko. Pero kahit anong gawin ko, ramdam pa rin ng kausap ko ang takot at pag-aalala ko.“Please, kung may alam ka kung paano kami matutulungan, sabihin mo na agad,” sabi ko sa isa sa mga kakilala kong nasa abroad.“Wala akong masyadong impormasyon, Misha. Pero itutuloy ko ang pagtatanong dito. I’ll call you if I find anything,” sagot niya sa kabilang linya.Pagkababa ko ng tawag, napa
Misha’s POVTahimik ang umaga. Ang liwanag ng araw ay dumadampi sa kurtina ng aming kuwarto, at ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin mula sa aircon. Nakahiga pa ako sa kama, ini-enjoy ang ilang minuto ng kapayapaan bago bumangon para harapin ang mga bagong hamon ngayong araw.Pero ang katahimikan ay mabilis na naglaho nang tumunog ang cellphone ko. Dinampot ko ito na nakalapag sa may table na nasa gilid ng kama namin ni Everett.Pagkakita ko sa screen, may isang hindi kilalang numero ang nagpadala ng message. Pagbukas ko ng message, agad akong kinabahan. Isang larawan ang nakita ko—ang bahay namin sa ibang bansa na kung saan ay doon nakatira sina Everisha at ang mga magulang ko. Sa larawan, kitang-kita ang malaking manisyon, pero may kakaiba dito. Parang sinadya ng kumuha ang anggulo para ipakitang sinusubaybayan ang loob at labas ng bahay.Kasama sa larawan ang mama at papa ko sa hardin, at sa gilid nila ay si Everisha at si Ate Ada. Nanlamig ang buong katawan ko. Napaupo ako sa
Misha’s POVMaagang-maaga pa lang, abala na ang buong team sa pag-aayos ng malaking event hall ng Tani Luxury Hotel sa Manila. Ito ang araw na matagal ko nang pinaghahandaan—ang unang monthsary ng M&E Skincare. Ito rin ang araw na magaganap ang pa-raffle ng isang luxury car para sa aming mga loyal na customers. Gusto kong ipakita sa lahat kung gaano ko pinahahalagahan ang kanilang suporta.Pagdating ko sa venue, bumungad sa akin ang napakagandang dekorasyon—mga pastel-colored na bulaklak, eleganteng mga ilaw, at isang malaking LED screen na nagpapakita ng logo ng M&E Skincare. Ang buong lugar ay tila nagliliwanag, puno ng energy at excitement.“Ma’am Misha, everything is set,” sabi ni Andrea, ang aking event coordinator ngayon, habang inaayos ang kaniyang headset.“Perfect. Let’s make this day unforgettable,” sagot ko habang tinuturo ang ilang huling detalye sa stage setup.Alas-dos ng hapon nang magsimulang magdatingan ang mga bisita. Ang mga media representatives ay nagkakagulo sa e
Misha’s POVTahimik ang biyahe ko papunta sa kulungan kung saan nakakulong si Tita Maloi. Stress na sa kakaisip si Everett kung sino ba ang nanggugulo, kaya naisip kong kausapin na nang masinsinan si Tita Maloi.Ang araw ay maaliwalas, ngunit tila mas mabigat ang hangin sa paligid ko. Sa mga huling linggo, ang gulo na dinadala sa buhay namin ni Everett ay parang walang katapusan. Ako, masaya lang dahil sa pagbuhos ng blessing sa mga business ko, kaya lang habang nakikita kong stress sa kakaisip ng asawa ko, hindi ko makuhang magsaya tuloy. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Marco, ‘yung taong inutusan ni Everett na magmasid kay Tito Gerald. Ang ulat niya ay malinaw: nagdadalamhati si Tito Gerald, at wala siyang ginagawa laban sa amin. Kaya kung hindi siya, sino?Isa lang ang natitira sa listahan ng mga posibleng kalaban—si Tita Maloi.Ayoko sanang nagpupunta sa ganitong lugar kasi, ewan, parang kinikilabutan ako sa mga presong nakikita. Naisip ko tuloy, paano kaya nasanay n
Everett’s POVHindi ko matanggal sa isip ko ang mga huling salitang sinabi ni Tito Gerald noong huli kaming mag-usap. Ang boses niya, puno ng hinanakit, ay paulit-ulit na tumutunog sa isipan ko.Nag-aalangan ako. Ano nga ba ang totoo? Sa lahat ng bagay na nangyari sa amin ni Misha nitong mga nakaraang linggo, hindi ko na alam kung sino ang kaibigan at sino ang kaaway. Pero isang bagay ang sigurado—kailangan kong malaman ang katotohanan.Nagpasya akong mag-hire ng tao para magbantay sa mansiyon ni Tito Gerald. May kilala akong dating pulis na ngayo’y gumagawa na ng freelance intelligence work. Si Marco, isang maingat at tahimik na lalaki na bihasang magmasid nang hindi napapansin.Sa opisina ko sa Tani Luxury Car Company, ipinaliwanag ko sa kaniya ang plano.“Marco, I need you to infiltrate my uncle’s mansion. Apply as a security guard. Gusto kong malaman kung ano ang ginagawa niya araw-araw. I need to confirm if he’s really behind all the chaos happening to me and Misha,” sabi ko.“Un
Misha’s POVLumipas ang isang linggo matapos kong linisin ang pangalan ng M&E Skincare product laban kay Marlyn. Hindi ko inakala ang bilis ng epekto nito—mula sa pagiging trending topic sa buong Pilipinas. Sa bawat branch ng Tani Luxury Hotel, halos araw-araw nang nagkakaubusan ng stock. Ang bawat shelf, parating bakante sa loob lamang ng ilang oras.Hindi ko mapigilang ngumiti habang nagbabasa ng mga email mula sa marketing team.“Ma’am, out of stock na naman po ang lahat ng branches as of 10 AM,” sabi ng isa sa mga reports.Sa Boracay branch, minuto lang ang tinatagal, out of stock agad, ganoon din sa Palawan kaya kinikilig talaga ako.Pero kasabay ng tagumpay kong ito ay ang mga bago na naman akong responsibilidad. Kailangang samantalahin ang momentum. Ito ang tamang panahon para palawakin ang reach ng M&E.Agad akong umupo sa opisina ko. Nakalatag sa harap ko ang iba’t ibang dokumento: supply agreements, lease contracts, at mga inventory reports. Hinawakan ko ang ballpen ko at na
Everett’s POVPagmulat ng mata ko, unang bumungad sa akin ang tulog na tulog pa rin na si Misha na akala mo ay puyat, samantalang nauna pa siyang makatulog sa akin, saka kadalasan, mas maaga siyang nagigising kaysa sa akin.Nag-inat ako, pilit na binabalikan ang mga balita kagabi na naging trending sa social media, tulog na tulog pa rin siya dahil siguro sa stress nang inabot kahapon. Ang saya-saya pa naman niya nitong mga nagdaang araw tapos may biglang susulpot na maninira.Kinuha ko ang cellphone sa may table para sana mag-check ng mga email o kung anong message na pumasok kagabi habang tulog pa ako. Mabuti na lang at wala.Pero pagdating ko sa social media, nakita ko agad ang isang trending na video. Lumabas na ang katotohanan tungkol sa kasinungalingan ni Marlyn laban sa M&E skin care product. Isang video ang umikot sa social media, kung saan umiiyak si Marlyn habang inaamin ang lahat ng kaniyang ginawa.Napalingon ako kay Misha. Nagulat ako na gising na agad siya, tila narinig
Misha’s POVPinapanood ko ang bawat galaw ni Marlyn habang naka-upo siya sa gilid ng kama. Nanginginig ang kaniyang katawan, namumula ang kaniyang mga mata sa kakaiyak. Alam kong takot na takot siya, pero wala akong pakialam. Ang ginawa niya ay hindi simpleng kasalanan—sinubukan niyang sirain ang pangalan ng M&E, ang produkto kong pinaghirapan at pinundar mula sa dugo’t pawis. Hindi ko papayagan ang katimawaang ginawa niya.Hinawakan ko siya sa braso at marahas na hinila palabas ng kuwarto. Tumilapon ang mga kumot at unan mula sa kama, pero hindi ko iyon inintindi. Ang mahalaga, makuha ko ang hustisya.“Tumayo ka!” utos ko sa malamig at mabagsik na tono. Sumunod naman siya, pero halata ang panginginig ng kanyang mga tuhod.Pagdating namin sa sala, itinutok ko ang baril sa mukha niya. Kasabay nito, inilabas ko ang cellphone ko at binuksan ang camera.“Upo,” sabi ko habang itinuturo ang sofa. Naupo siya agad, tila sunod-sunuran, habang patuloy na umaagos ang luha sa kaniyang pisngi.“Bu