Misha’s POVNang umagang iyon, habang nag-aalmusal kami ni Ayson, pansin ko ang hindi mapakaling tingin niya sa akin. Kinuha niya ang tasa ng kape, saglit na tumitig, saka inabot ito sa akin. Sa ilalim ng tahimik na umaga, bumigat ang katahimikan.“Misha,” sabi niya sa mababang boses, “when do you plan on going back?” Tinitigan niya ako nang puno ng pag-aalala “Do you think you’re ready? You’re skilled enough. You know how to fight now. You’re good with guns and knives.”Napatingin ako sa kawalan, pinoproseso ang bigat ng tanong niya. Ilang beses na rin akong nag-isip tungkol dito, pero ngayon lang nagkaroon ng lakas na sagutin ang tanong na ‘yon. Malapit na… malapit na talaga. bumubuwelo lang ako, naghihintay lang ng tamang panahon.“Mmm…” Tumango lang ako. “Soon. Very soon, Ayson.”Tumango rin si Ayson, at isang maliit na ngiti ang sumilay sa kanyang labi, bagaman may bakas ng panghihinayang sa kanyang mga mata. Ibinuhos niya ang kanyang oras at dedikasyon sa akin, tinuruan niya ako
Everett’s POVSa unang hakbang pa lang pababa ng sasakyan ko, naramdaman ko agad ang bigat ng katahimikan sa paligid. Hindi ito iyong karaniwang gabing dinadaanan ko. May kaba sa dibdib ko na hindi ko mawari, kaya nang bumukas ko ang pinto at lumabas ako sa madilim na kalye papunta sa harapan ng mansiyon, alam kong may kakaibang mangyayari.Biglang dumagundong ang mga putok ng baril, sumabog sa paligid ang ingay na iyon na para bang kidlat na sumapul sa gabi.“Hold-up!” Sigaw ng isa, at mula sa dilim, sumugod ang sampung armadong lalaki na tila walang takot sa kamatayan na maaaring gawin sa kanila ng mga tauhan ko. Lahat sila ay may hawak na baril, at ang mga tauhan ko, na laging handa, ay agad na tumayo at kumuha ng mga tamang posisyon.Nagsimula ang sagutan ng mga bala—isang walang katapusang simponya ng putok ng baril at sigawan.“Sir, stay back!” sigaw ng isa sa mga tauhan ko habang hinatak ako palayo. Napasandal ako sa dingding at tinakpan ang ulo. Mula sa kinatatayuan ko, kita k
Everett’s POVNiyakap ko siya nang mahigpit, habang humahagulgol ako nang iyak. Parang isang panaginip ang lahat, pero tunay siyang naririto, buo at hindi isang alaala na lamang. Habang dama ko ang tibok ng kaniyang puso, bumalik sa akin ang lahat ng alaala namin—ang mga gabing magkasama kami, ang mga plano, at ang sakit ng pagkawala niya.Ang mga tanong na ilang buwan kong iniisip ay nagbalik, ngunit hindi ko magawang itanong lahat ngayon. Isa lang ang mahalaga: siya ay naririto na, buhay at hindi na muli mawawala sa akin.“Where have you been?” tanong ko, habang nakatingin sa kaniyang mga mata na puno ng tapang at misteryo.Muli siyang ngumiti, ngunit may lungkot na hindi ko mawari. Weird, parang ang lamig ng boses niya. Walang sweet, parang may kakaiba. Siguro ay dahil sa huling eksena namin sa condo, ang makita niyang kasama ko si Madisson. “It’s... a long story, Everett. Let’s just say, I had to be gone.”Bago pa siya muling makapagsalita, dumating ang isa sa mga tauhan ko, nagha
Everett’s POVPagkatapos ng dinner, naglakad ako papunta sa kuwarto namin ni Misha. Weird, may halo-halong kaba at saya sa dibdib ko ngayon kasi makakatabi ko na ulit ang asawa ko. Parang panaginip na magkasama kaming muli sa iisang bubong matapos ang ilang taon ng pangungulila ko sa kaniya. Ngayong nandito na siya, gusto kong bumawi sa bawat gabi ng pag-iisa ko, bawat oras na nasayang na wala siya sa tabi ko.Pagpasok ko sa kuwarto, nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng kama, nakaharap sa salamin at inaayos ang kaniyang buhok. Ibang-iba na talaga ang tingin ko sa kaniya ngayon. Kapag naaalala ko ang nakita ko kanina kung paano siya makipaglaban, hindi pa rin ako makapaniwala. Akong lalaki ata ay hindi kaya ang ginawa niya. Para akong nanunuod kanina ng action movie.Pinagmasda ko siya. Bumalik sa akin ang mga alaala namin dati, kung paano ko siyang pinapanood noon—bawat galaw niya ay parang musika sa mga mata ko. Ngayon, naririto na siyang muli, at ang akala ko ay magiging maayos na a
Misha’s POVHabang nasa sala ako at abala sa pagyo-yoga, pilit kong kinakalma ang sarili ko, iniisip na hindi ako matitinag. Nakapikit ang mga mata ko, humihinga nang malalim, nararamdaman ko ang bawat banat ng mga kalamnan sa katawan ko—isang paraan para magpakalma at mag-focus, para hindi pansinin ang anong naroon lang sa likuran ko… o sino.Nasanay na ako sa ganitong gawain simula nung tumira ako sa manisyon ni Ayson, kaya heto, sanay na rin ako na ginagawa ko ito at mukhang habang buhay ko na itong gagawin.Napa-dilat ako nang maramdaman ko ang presensya ni Everett sa gilid ko. Naka-side plank ako noon, at bigla ko siyang nakita mula sa aking peripheral vision—topless, pawisan, at nanunukso ang tingin. Napakagat-labi ako ng bahagya bago bumawi ng composure. Ano bang problema ng lalaking ‘to? Nagpapapansin ba siya? Saka, bakit hindi ata siya pumasok sa trabaho?Lumingon ako nang kaunti, sinisilip siya sa isang maingat na anggulo. Napansin kong nagpi-flex siya ng mga braso niya, pa-
Misha’s POVItinuloy ko ang aking routine, sinubukan kong kumalma, pero paano ka nga ba makakapag-concentrate kung may nakaupo lang diyan na lalaking panay ang posing sa maganda niyang katawan? Para pa siyang baliw na kung minsan ay may pahimas pa sa maselan na bahagi ng katawan niya.Palihim akong napapahinga ng malalim, nagpipigil ng tawa, pero sa loob-loob ko’y parang lumalakas ang bawat tibok ng puso ko. Pakiramdam, umuubok na tuloy maigi ang armas niya sa loob ng suot niyang pang-ibaba.Para kasing baliw, kung gusto niya palang mag-mariang palad, doon siya sa kuwarto o sa banyoNag-pose ako sa warrior pose, tinatantsa kung saan ako lilingon para makita kung nagpapapansin pa siya. Nang hindi ko natiis, bumalik ako sa sala at umupo sa sahig, nakapikit ang mga mata. Huminga ako nang malalim, pilit na inuunawang ako pa rin dapat ang may kontrol dito.Biglang naramdaman kong may malamig na boses mula sa tabi ko, halos pabulong: “Are you sure you’re not missing me, Misha?”Napadilat ak
Misha’s POVPagbalik ko sa opisina ng Tani Luxury Hotels, ramdam ko ang bigat ng mga tingin ng mga empleyado ko. Hindi na ako ang dating mabait at palangiting Misha na dati nilang kinagigiliwan. Ngayon, seryoso at mabagsik ang aura ko, at kahit wala akong sinasabi, alam kong nararamdaman nila ang lamig sa bawat hakbang ko. Hindi ko na kailangan ng maraming salita para ipaalam na ibang Misha na ang bumalik sa opisina.Bawat madaanan ko, mabilis na yumuyuko ang mga empleyado. Hindi ko sila tinitignan ng diretso, pero ramdam ko ang kaba nila sa paligid. Ayaw kong ganito—pero hindi ko rin pipigilan ang sarili ko. Kailangan nilang malaman na hindi sa lahat ng oras ay mabait ang kanilang boss. Natuto na ako, at gusto kong maramdaman nilang lahat ang bagong disiplina na dadalhin ko sa kumpanyang ito.Sariwa pa sa isip ko ang sakit at galit. Hindi ko akalaing si Belladonna, ang turing kong matalik na kaibigan, ang may sala sa pagkamatay ni Trixie. Nang una kong marinig ang balita mula sa pami
Misha’s POVHabang tahimik akong nakaupo sa aking mesa, sinuri ko ang bawat detalyeng naka-log sa aking laptop: mga ulat ng productivity, performance review, at pati mga attendance log. Hindi ko ito dating ginagawa ng masinsinan, pero ngayon, ibang Misha na ako—isang Misha na hindi na magpapa-api at magpapabastos kahit kanino. Nababalitaan ko kasi na minsan, may mga staff na nilalaro lang ang kanilang trabaho. Dati ay hinahayaan ko lang kasi hindi naman nagiging masamang epekto iyon sa hotel na mga hawak ko, pero ngayon, wala nang makakagawa ng ganoon.Isang katok ang gumising sa tahimik na office room ko.“Come in,” sabi ko.Nang bumukas ang pinto, sumilip ang isang manager, si Fernando, na halata sa mukha ang kaba. Lumapit siya sa mesa ko, hawak ang ilang folder na mukhang babasahin para sa akin.“Mrs. Tani,” bungad niya, pilit pinapanatili ang ngiti. “Here’s the report you requested.”“Leave it,” sagot ko, halos hindi siya tinignan. Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya, per
Misha’s POVHindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko habang nakatitig sa screen ng cellphone ko. Ang bagong message na natanggap ko ay para bang isang dagok na muli sa aming pamilya. “Kung gusto niyong makabalik si Everisha, palayain niyo si Maloi sa kulungan.”Hindi na namin kailangan pang mag-usap ni Everett. Alam naming dalawa na wala kaming ibang pagpipilian. Para sa anak namin, handa kaming gawin ang kahit ano.“Everett,” tawag ko sa kaniya habang nasa kabilang kuwarto siya, hawak ang laptop niya. Pumasok siya agad sa kuwarto namin, kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.“What is it?” tanong niya habang pinupunasan ang mga mata niya. Halatang hindi rin siya nakatulog nang maayos kagabi.Ipinakita ko ang text message. Agad na tumalim ang tingin niya, at parang gusto na niyang basagin ang telepono sa galit.“This is absurd!” sigaw niya. “Do they think they can control us like this? But we have no choice, do we?”Tumango lang ako, hindi makapagsalita. Hindi ako kailanman naging
Misha’s POVAng oras ay tila naging kalaban ko. Ang bawat minuto na lumilipas ay parang kutsilyong bumabaon sa dibdib ko. Nasa sala ako, nakaupo sa gilid ng sofa, hawak ang cellphone na halos hindi ko na mabitiwan mula nang mawala si Everisha. Sa kabilang bahagi ng kuwarto, si Everett ay nakatayo, halatang hindi mapakali habang kausap ang isa na namang investigator sa telepono.Ilang oras na kaming tumatawag sa iba’t ibang tao—mga kakilala, kaibigan, koneksyon sa negosyo, at maging ang mga taong hindi namin kilala pero maaaring makatulong. Sa bawat tawag namin, pilit kong pinipigilan ang manginig ang boses ko. Pero kahit anong gawin ko, ramdam pa rin ng kausap ko ang takot at pag-aalala ko.“Please, kung may alam ka kung paano kami matutulungan, sabihin mo na agad,” sabi ko sa isa sa mga kakilala kong nasa abroad.“Wala akong masyadong impormasyon, Misha. Pero itutuloy ko ang pagtatanong dito. I’ll call you if I find anything,” sagot niya sa kabilang linya.Pagkababa ko ng tawag, napa
Misha’s POVTahimik ang umaga. Ang liwanag ng araw ay dumadampi sa kurtina ng aming kuwarto, at ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin mula sa aircon. Nakahiga pa ako sa kama, ini-enjoy ang ilang minuto ng kapayapaan bago bumangon para harapin ang mga bagong hamon ngayong araw.Pero ang katahimikan ay mabilis na naglaho nang tumunog ang cellphone ko. Dinampot ko ito na nakalapag sa may table na nasa gilid ng kama namin ni Everett.Pagkakita ko sa screen, may isang hindi kilalang numero ang nagpadala ng message. Pagbukas ko ng message, agad akong kinabahan. Isang larawan ang nakita ko—ang bahay namin sa ibang bansa na kung saan ay doon nakatira sina Everisha at ang mga magulang ko. Sa larawan, kitang-kita ang malaking manisyon, pero may kakaiba dito. Parang sinadya ng kumuha ang anggulo para ipakitang sinusubaybayan ang loob at labas ng bahay.Kasama sa larawan ang mama at papa ko sa hardin, at sa gilid nila ay si Everisha at si Ate Ada. Nanlamig ang buong katawan ko. Napaupo ako sa
Misha’s POVMaagang-maaga pa lang, abala na ang buong team sa pag-aayos ng malaking event hall ng Tani Luxury Hotel sa Manila. Ito ang araw na matagal ko nang pinaghahandaan—ang unang monthsary ng M&E Skincare. Ito rin ang araw na magaganap ang pa-raffle ng isang luxury car para sa aming mga loyal na customers. Gusto kong ipakita sa lahat kung gaano ko pinahahalagahan ang kanilang suporta.Pagdating ko sa venue, bumungad sa akin ang napakagandang dekorasyon—mga pastel-colored na bulaklak, eleganteng mga ilaw, at isang malaking LED screen na nagpapakita ng logo ng M&E Skincare. Ang buong lugar ay tila nagliliwanag, puno ng energy at excitement.“Ma’am Misha, everything is set,” sabi ni Andrea, ang aking event coordinator ngayon, habang inaayos ang kaniyang headset.“Perfect. Let’s make this day unforgettable,” sagot ko habang tinuturo ang ilang huling detalye sa stage setup.Alas-dos ng hapon nang magsimulang magdatingan ang mga bisita. Ang mga media representatives ay nagkakagulo sa e
Misha’s POVTahimik ang biyahe ko papunta sa kulungan kung saan nakakulong si Tita Maloi. Stress na sa kakaisip si Everett kung sino ba ang nanggugulo, kaya naisip kong kausapin na nang masinsinan si Tita Maloi.Ang araw ay maaliwalas, ngunit tila mas mabigat ang hangin sa paligid ko. Sa mga huling linggo, ang gulo na dinadala sa buhay namin ni Everett ay parang walang katapusan. Ako, masaya lang dahil sa pagbuhos ng blessing sa mga business ko, kaya lang habang nakikita kong stress sa kakaisip ng asawa ko, hindi ko makuhang magsaya tuloy. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Marco, ‘yung taong inutusan ni Everett na magmasid kay Tito Gerald. Ang ulat niya ay malinaw: nagdadalamhati si Tito Gerald, at wala siyang ginagawa laban sa amin. Kaya kung hindi siya, sino?Isa lang ang natitira sa listahan ng mga posibleng kalaban—si Tita Maloi.Ayoko sanang nagpupunta sa ganitong lugar kasi, ewan, parang kinikilabutan ako sa mga presong nakikita. Naisip ko tuloy, paano kaya nasanay n
Everett’s POVHindi ko matanggal sa isip ko ang mga huling salitang sinabi ni Tito Gerald noong huli kaming mag-usap. Ang boses niya, puno ng hinanakit, ay paulit-ulit na tumutunog sa isipan ko.Nag-aalangan ako. Ano nga ba ang totoo? Sa lahat ng bagay na nangyari sa amin ni Misha nitong mga nakaraang linggo, hindi ko na alam kung sino ang kaibigan at sino ang kaaway. Pero isang bagay ang sigurado—kailangan kong malaman ang katotohanan.Nagpasya akong mag-hire ng tao para magbantay sa mansiyon ni Tito Gerald. May kilala akong dating pulis na ngayo’y gumagawa na ng freelance intelligence work. Si Marco, isang maingat at tahimik na lalaki na bihasang magmasid nang hindi napapansin.Sa opisina ko sa Tani Luxury Car Company, ipinaliwanag ko sa kaniya ang plano.“Marco, I need you to infiltrate my uncle’s mansion. Apply as a security guard. Gusto kong malaman kung ano ang ginagawa niya araw-araw. I need to confirm if he’s really behind all the chaos happening to me and Misha,” sabi ko.“Un
Misha’s POVLumipas ang isang linggo matapos kong linisin ang pangalan ng M&E Skincare product laban kay Marlyn. Hindi ko inakala ang bilis ng epekto nito—mula sa pagiging trending topic sa buong Pilipinas. Sa bawat branch ng Tani Luxury Hotel, halos araw-araw nang nagkakaubusan ng stock. Ang bawat shelf, parating bakante sa loob lamang ng ilang oras.Hindi ko mapigilang ngumiti habang nagbabasa ng mga email mula sa marketing team.“Ma’am, out of stock na naman po ang lahat ng branches as of 10 AM,” sabi ng isa sa mga reports.Sa Boracay branch, minuto lang ang tinatagal, out of stock agad, ganoon din sa Palawan kaya kinikilig talaga ako.Pero kasabay ng tagumpay kong ito ay ang mga bago na naman akong responsibilidad. Kailangang samantalahin ang momentum. Ito ang tamang panahon para palawakin ang reach ng M&E.Agad akong umupo sa opisina ko. Nakalatag sa harap ko ang iba’t ibang dokumento: supply agreements, lease contracts, at mga inventory reports. Hinawakan ko ang ballpen ko at na
Everett’s POVPagmulat ng mata ko, unang bumungad sa akin ang tulog na tulog pa rin na si Misha na akala mo ay puyat, samantalang nauna pa siyang makatulog sa akin, saka kadalasan, mas maaga siyang nagigising kaysa sa akin.Nag-inat ako, pilit na binabalikan ang mga balita kagabi na naging trending sa social media, tulog na tulog pa rin siya dahil siguro sa stress nang inabot kahapon. Ang saya-saya pa naman niya nitong mga nagdaang araw tapos may biglang susulpot na maninira.Kinuha ko ang cellphone sa may table para sana mag-check ng mga email o kung anong message na pumasok kagabi habang tulog pa ako. Mabuti na lang at wala.Pero pagdating ko sa social media, nakita ko agad ang isang trending na video. Lumabas na ang katotohanan tungkol sa kasinungalingan ni Marlyn laban sa M&E skin care product. Isang video ang umikot sa social media, kung saan umiiyak si Marlyn habang inaamin ang lahat ng kaniyang ginawa.Napalingon ako kay Misha. Nagulat ako na gising na agad siya, tila narinig
Misha’s POVPinapanood ko ang bawat galaw ni Marlyn habang naka-upo siya sa gilid ng kama. Nanginginig ang kaniyang katawan, namumula ang kaniyang mga mata sa kakaiyak. Alam kong takot na takot siya, pero wala akong pakialam. Ang ginawa niya ay hindi simpleng kasalanan—sinubukan niyang sirain ang pangalan ng M&E, ang produkto kong pinaghirapan at pinundar mula sa dugo’t pawis. Hindi ko papayagan ang katimawaang ginawa niya.Hinawakan ko siya sa braso at marahas na hinila palabas ng kuwarto. Tumilapon ang mga kumot at unan mula sa kama, pero hindi ko iyon inintindi. Ang mahalaga, makuha ko ang hustisya.“Tumayo ka!” utos ko sa malamig at mabagsik na tono. Sumunod naman siya, pero halata ang panginginig ng kanyang mga tuhod.Pagdating namin sa sala, itinutok ko ang baril sa mukha niya. Kasabay nito, inilabas ko ang cellphone ko at binuksan ang camera.“Upo,” sabi ko habang itinuturo ang sofa. Naupo siya agad, tila sunod-sunuran, habang patuloy na umaagos ang luha sa kaniyang pisngi.“Bu