Everett’s POVPagkatapos ng dinner, naglakad ako papunta sa kuwarto namin ni Misha. Weird, may halo-halong kaba at saya sa dibdib ko ngayon kasi makakatabi ko na ulit ang asawa ko. Parang panaginip na magkasama kaming muli sa iisang bubong matapos ang ilang taon ng pangungulila ko sa kaniya. Ngayong nandito na siya, gusto kong bumawi sa bawat gabi ng pag-iisa ko, bawat oras na nasayang na wala siya sa tabi ko.Pagpasok ko sa kuwarto, nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng kama, nakaharap sa salamin at inaayos ang kaniyang buhok. Ibang-iba na talaga ang tingin ko sa kaniya ngayon. Kapag naaalala ko ang nakita ko kanina kung paano siya makipaglaban, hindi pa rin ako makapaniwala. Akong lalaki ata ay hindi kaya ang ginawa niya. Para akong nanunuod kanina ng action movie.Pinagmasda ko siya. Bumalik sa akin ang mga alaala namin dati, kung paano ko siyang pinapanood noon—bawat galaw niya ay parang musika sa mga mata ko. Ngayon, naririto na siyang muli, at ang akala ko ay magiging maayos na a
Misha’s POVHabang nasa sala ako at abala sa pagyo-yoga, pilit kong kinakalma ang sarili ko, iniisip na hindi ako matitinag. Nakapikit ang mga mata ko, humihinga nang malalim, nararamdaman ko ang bawat banat ng mga kalamnan sa katawan ko—isang paraan para magpakalma at mag-focus, para hindi pansinin ang anong naroon lang sa likuran ko… o sino.Nasanay na ako sa ganitong gawain simula nung tumira ako sa manisyon ni Ayson, kaya heto, sanay na rin ako na ginagawa ko ito at mukhang habang buhay ko na itong gagawin.Napa-dilat ako nang maramdaman ko ang presensya ni Everett sa gilid ko. Naka-side plank ako noon, at bigla ko siyang nakita mula sa aking peripheral vision—topless, pawisan, at nanunukso ang tingin. Napakagat-labi ako ng bahagya bago bumawi ng composure. Ano bang problema ng lalaking ‘to? Nagpapapansin ba siya? Saka, bakit hindi ata siya pumasok sa trabaho?Lumingon ako nang kaunti, sinisilip siya sa isang maingat na anggulo. Napansin kong nagpi-flex siya ng mga braso niya, pa-
Misha’s POVItinuloy ko ang aking routine, sinubukan kong kumalma, pero paano ka nga ba makakapag-concentrate kung may nakaupo lang diyan na lalaking panay ang posing sa maganda niyang katawan? Para pa siyang baliw na kung minsan ay may pahimas pa sa maselan na bahagi ng katawan niya.Palihim akong napapahinga ng malalim, nagpipigil ng tawa, pero sa loob-loob ko’y parang lumalakas ang bawat tibok ng puso ko. Pakiramdam, umuubok na tuloy maigi ang armas niya sa loob ng suot niyang pang-ibaba.Para kasing baliw, kung gusto niya palang mag-mariang palad, doon siya sa kuwarto o sa banyoNag-pose ako sa warrior pose, tinatantsa kung saan ako lilingon para makita kung nagpapapansin pa siya. Nang hindi ko natiis, bumalik ako sa sala at umupo sa sahig, nakapikit ang mga mata. Huminga ako nang malalim, pilit na inuunawang ako pa rin dapat ang may kontrol dito.Biglang naramdaman kong may malamig na boses mula sa tabi ko, halos pabulong: “Are you sure you’re not missing me, Misha?”Napadilat ak
Misha’s POVPagbalik ko sa opisina ng Tani Luxury Hotels, ramdam ko ang bigat ng mga tingin ng mga empleyado ko. Hindi na ako ang dating mabait at palangiting Misha na dati nilang kinagigiliwan. Ngayon, seryoso at mabagsik ang aura ko, at kahit wala akong sinasabi, alam kong nararamdaman nila ang lamig sa bawat hakbang ko. Hindi ko na kailangan ng maraming salita para ipaalam na ibang Misha na ang bumalik sa opisina.Bawat madaanan ko, mabilis na yumuyuko ang mga empleyado. Hindi ko sila tinitignan ng diretso, pero ramdam ko ang kaba nila sa paligid. Ayaw kong ganito—pero hindi ko rin pipigilan ang sarili ko. Kailangan nilang malaman na hindi sa lahat ng oras ay mabait ang kanilang boss. Natuto na ako, at gusto kong maramdaman nilang lahat ang bagong disiplina na dadalhin ko sa kumpanyang ito.Sariwa pa sa isip ko ang sakit at galit. Hindi ko akalaing si Belladonna, ang turing kong matalik na kaibigan, ang may sala sa pagkamatay ni Trixie. Nang una kong marinig ang balita mula sa pami
Misha’s POVHabang tahimik akong nakaupo sa aking mesa, sinuri ko ang bawat detalyeng naka-log sa aking laptop: mga ulat ng productivity, performance review, at pati mga attendance log. Hindi ko ito dating ginagawa ng masinsinan, pero ngayon, ibang Misha na ako—isang Misha na hindi na magpapa-api at magpapabastos kahit kanino. Nababalitaan ko kasi na minsan, may mga staff na nilalaro lang ang kanilang trabaho. Dati ay hinahayaan ko lang kasi hindi naman nagiging masamang epekto iyon sa hotel na mga hawak ko, pero ngayon, wala nang makakagawa ng ganoon.Isang katok ang gumising sa tahimik na office room ko.“Come in,” sabi ko.Nang bumukas ang pinto, sumilip ang isang manager, si Fernando, na halata sa mukha ang kaba. Lumapit siya sa mesa ko, hawak ang ilang folder na mukhang babasahin para sa akin.“Mrs. Tani,” bungad niya, pilit pinapanatili ang ngiti. “Here’s the report you requested.”“Leave it,” sagot ko, halos hindi siya tinignan. Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya, per
Everett’s POVNakakatanggal din talaga ng stress kapag napupunta ako sa aking luxury na yatch kasama ang bestfriend kong si Garil na marami na rin talagang naitulong sa buhay ko.Humahampas ang liwanag ng araw sa mga tubig ng dagat, at parang pumipintig ang bawat alon kasabay ng kabang nadarama ko sa darating na usapan. I mean, it’s not every day that I, Everett Tani, the Everett Tani, would seek advice on how to… attract a spouse. For sure, magugulat si Garil dito.“Everett, bro, anong meron at nag-aya ka naman dito?” bungad ni Garil na agad na tinatawanan ako nang malakas matapos ko pa lang siya salubungin.Umupo kami sa deck, kung saan hinihigop niya ang iced tea na pinahanda ko. Hindi muna kami mag-aalak kasi seryoso ang pag-uusapan namin.Bago ako nagsalita, huminga ako nang malalim. I knew he’d laugh—probably laugh a lot—but if there’s one person I trust for these things, it’s Garil. Walang pakialam ang mokong sa aking kalagayan bilang CEO o kung ano pang titulo ko. Para sa kany
Everett’s POVTumawa pa rin si Garil nang tumawa, pero napansin kong mas seryoso na siya sa bawat sumunod na payo niya. Humigop pa siya ng iced tea, bago sinimulan ang bagong lesson niya.“Everett,” sabi niya, “you need to learn how to make her feel… special, pero hindi sa cliché na paraan. I mean, kilalanin mo talaga siya. Ask her about things that no one else asks. Mag-asawa na kayo pero for sure, mayroon kapang hindi nalalaman sa kaniya.”Nagtaas ako ng kilay. “Like what? Paborito niyang pagkain, mga libangan niya?”Umiling siya. “Hindi, mas personal pa dun. Like, ano ang pinakamalaking pangarap niya na hindi niya pa naabot? Anong mga bagay ang kinakatakutan niya, pero gusto niyang gawin balang araw? You know, stuff that really matters.”Napaisip ako sa sinabi niya. Parang iba ang dating ng ganitong klase ng usapan kumpara sa mga sanay kong pag-uusapan namin kanina. Madalas, business o mga plano lang sa hinaharap ang pinag-uusapan namin, pero ngayon, napagtanto kong kulang pala ako
Everett’s POVHuminga ako nang malalim habang nakatayo sa labas ng pintuan ng bahay ng mga magulang ni Misha. Bagamat medyo kinakabahan ako, hindi ako nawawalan ng ngiti sa aking mukha. Hawak-hawak ko ang basket na puno ng mga sariwang prutas at ilang lokal na delikasiya bilang pasalubong sa kanila. Sabi nga nila, kapag bumisita ka sa tahanan ng mga biyenan, dapat dala mo ang pagpapakumbaba at respeto—at siyempre, pasalubong. Lalo na’t may sadya ako ngayong partikular na mahalaga para sa akin at para kay Misha.Sa aking plano, gusto kong bigyan si Misha ng sorpresa—isang makabuluhang pagsalubong sa kanyang mga alaala noong bata pa siya. Iba ito sa mga madalas naming gawin; ang gusto ko ngayon ay maipadama sa kaniya na mahalaga sa akin ang kaniyang nakaraan, ang kaniyang mga paborito at pinakapinagpapahalagahan.Iisipin ko na lang na parang liligawan ko ulit ang asawa ko. Tutal, wala naman ding magandang ligawan na nangyari sa amin nung una, bigla na lang kasing ganoon, hindi ako nagin
Everisha POVPagkatapos ng matagumpay naming misyon, ramdam ko ang gaan ng paligid habang naglalakad pabalik ng villa. Parang ang bigat ng buong happn ay biglang nawala, at kahit pagod ang katawan namin, masaya ang puso ko. Pagdating namin sa bahay, sinalubong kami nina Mama at Papa sa hardin ng villa. Ang bango ng litson ang unang tumama sa ilong ko, kasunod ang halimuyak ng iba’t ibang pagkain na nakahain sa mesa.Siguradong nabalita na agad sa kanila nila Marco o Czedric ang nangyari kaya masarap ang hapunan namin.“Naghanda kami ng kaunting salo-salo para sa inyo,” sabi ni Papa habang yakap-yakap ako. “Deserve niyong lahat ang masarap na hapunan.”Napangiti ako habang tinitingnan ang bawat isa sa amin. Ang tagumpay ng laban ay hindi lamang dahil sa galing ng isa, kundi dahil sa sama-sama naming pagkilos.Sa ilalim ng mga ilaw na nakasabit sa paligid ng hardin, umupo kami sa isang mahabang mesa. Ang tunog ng mga halakhak at kwentuhan ay sumasabay sa kaluskos ng mga dahon na hinaham
Czedric POVPagdating namin sa hideout ng mga assassin na tauhan ni Raegan, hindi ko maiwasang makaramdam ng tensyon. Hindi dahil sa naduduwag kundi dahil inaalala ko pa rin si Everisha. Iniisip ko kung kaya ba niya talaga?Kahit pa sinasabi ni Marco na hindi pa bihasa ang karamihan sa kanila, hindi ko kayang mag-relax. Masyadong mahalaga ang laban na ito. Isa itong hakbang para maubos na ang mga tauhan ni Raegan na patuloy na nagpapahirap sa amin.Lahat kami ay nakasuot ng maskara, bawat isa sa amin handa nang kumilos. Ang bawat galaw namin ay planado. Si Marco ang nanguna, sinusuri ang paligid. Si Edric, laging nasa tabi ni Everisha, tila ba personal niyang misyon na protektahan ito anuman ang mangyari. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na alam kung ang tensyon ba ng laban o ang selos ang bumabagabag sa akin. Pero misyon ko rin na tignan din sa lahat ng oras si Everisha para ma-protektahan din siya.Pinasok namin ang hideout mula sa gilid, sa isang sirang pader na hindi nila nabigy
Everisha POVIsang maaliwalas na umaga ang bumungad sa amin sa villa. Kakatapos ko lang mag-almusal at nagdesisyon akong magpunta sa garden para magpaaraw. Ako ang naunang nagising kaya ako na rin ang nagpasyang magluto ng almusal. May mga stock na kami kasi ng pagkain dahil namilo na kagabi sina Marco at Czedric. Nagluto ako ng fried rice at tapa. Nagluto na rin ako sarsiadong tilapia kasi nami-miss ko na ‘yun. Nagagawa ko tuloy gumawa sa kusina dahil wala kaming kasambahay ngayon sa villa. Natututo kami ngayong kumilos ng walang mga alalay at para sa akin, okay lang kasi minsan ay maganda na may ginagawa kami sa bahay.Nakaka-stress lang ang mga naiwang trabaho sa mga company namin kasi gabi-gabi, kausap namin ang mga executive assistant at mga secretary namin para asikasuhin muna ang lahat habang nagtatago kami.Pagkaluto, nauna na akong nag-almusal kasi hinahabol ko ang unang sikat ng araw. Kailangan kong maging malakas kasi may labanan na magaganap mamayang hapon. First sabak ko
Czedric POVAng hapon ay punong-puno ng tensyon sa villa nila Everisha. Sa pagdating ni Marco, bitbit ang bagong balita tungkol kay Raegan at Jonas, ramdam ko na parang bumigat pa ang sitwasyon. Habang nakaupo kami sa malaking mesa sa sala, inilatag ni Marco ang bawat detalye ng kanyang nalaman."Raegan's men are growing in number," sabi ni Marco, seryoso ang mukha habang iniisa-isa ang impormasyon na nasagap niya. "They’re no longer just fifty. There are seventy assassins being trained in one of their hideouts. If we wait too long, they’ll be unstoppable."Napatingin ako kay Marco habang ramdam ang bigat ng binitawan niyang balita. Alam kong tama siya. Hindi puwedeng patagalin pa ang sitwasyong ito. Kailangan nang madaliin ang lahat kasi masyado nang marami ang nadadamay.“Kailangan natin silang sugurin bago pa sila maging mas malakas,” sabi ni Edric na malalim ang boses niya na tila ba naghahanda na para sa laban.Napatingin kami kay Tito Everett at sa kanyang asawa. Alam naming lah
Czedric POVSa paglapit ko sa gate ng villa, damang-dama ko ang kaba sa aking dibdib. Ang pamilyang Tani—sina Everisha, ang kanyang mga magulang, at isa pang lalaking hindi ko pa kilala—ay nakatayo sa may pintuan, halatang inaabangan ang pagdating ko. Ang kanilang mga ngiti ay tila isang malugod na pagtanggap sa akin, pero may kung anong kakaiba sa presensya ng lalaking kasama nila.Habang papalapit ako, mas nagiging malinaw ang mga detalye ng mukha niya. Bigla akong napatigil sa paglalakad. Tumigil din ang mundo ko sa isang iglap. Ang mga mata niya, ang kanyang postura at ang kanyang ekspresyon—parang pamilyar lahat ng iyon sa akin.“Edric?” mahinang tanong ko na halos hindi ko marinig ang sarili ko.Hindi siya sumagot agad. Sa halip, tumitig siya sa akin, na parang iniisip kung dapat ba niyang kumpirmahin ang hinala ko.Nang makita ko siyang bahagyang tumango, parang may kung anong sumabog sa loob ng dibdib ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ang mga luha ko ay kusang bumagsak
Czedric POVPagmulat ko ng mata, ramdam ko ang katahimikan sa buong paligid. Ang tunog ng mga ibon sa labas ng bintana ang nagsilbing alarm clock ko, at ang malamig na hangin ng umaga ang bumati sa akin. Nasa farm pa rin ako, at tulad ng dati, tila ang kalikasan ang nagbibigay ng sigla sa akin tuwing umaga.Agad akong bumangon mula sa simpleng banig na inilatag ko kagabi. Sa pagtingin ko sa paligid, napansin kong wala na si Marco. May iniwan siyang sulat sa lamesa na agad kong binuksan.Czedric,Maaga akong umalis. Pinatawag kami ni Raegan. Kailangan kong pumunta para mangalap ng impormasyon. Bantayan mo ang sarili mo habang wala ako. Balik ako agad kapag may nakuha akong balita.—MarcoNapabuntong-hininga ako matapos basahin ang sulat. “That guy never rests,” bulong ko sa sarili ko.Bagama’t sanay na akong mag-isa, iba pa rin ang pakiramdam na wala si Marco sa paligid. Isa siya sa mga pinakakatiwalaan kong tao, at alam kong malaki ang ginagampanan niyang papel sa laban namin.Dahil w
Everisha POVPaglapag ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport, ramdam ko agad ang tensyon sa paligid. Kahit nasa loob pa lang kami ng airport, alam kong bawat galaw namin ay kailangang maingat. Masyadong mataas ang panganib na makita kami ng mga tauhan ni Raegan o ng mga koneksyon niya. Hindi sa naduduwag kami, ayaw lang namin na magkaroon ng gulo sa airport.“Stay close,” bulong ni papa Everett, habang inayos niya ang kanyang sumbrero. Naka-disguise kami lahat—sumbrero, sunglasses, at mask ang suot naming apat. Si mama Misha ay nakasuot ng plain na hoodie at naka-cap, habang si Edric naman ay halos hindi na makilala sa balbas at faux glasses na suot niya.Tiningnan ko si Edric. Halata sa kanya ang pagod pero nananatili siyang alerto. Excited na talaga siyang makita ang kapatid niya. Pati tuloy ako ay nae-excite na kung anong magiging reaction kapag nagkita na sila.Paglabas namin ng airport, huminga ako nang malalim kahit natatakpan ng mask ang mukha ko.“Saan na po tayo pu
Czedric POVTahimik ang gabi nang magsimula kaming magplano ni Marco. Galit na galit pa rin ako sa paninira ni Raegan sa Pamilyang Tani kaya lalo akong gagawa ng ingay para matakot na siya.Ang liwanag ng buwan ay bahagyang naglalagos sa makapal na ulap, tila isang paalala na kahit gaano kadilim ang paligid, may pag-asa pa rin. Nasa harapan namin ang isang mapa ng Batangas, nilalatagan ng mga marka ni Marco gamit ang pulang tinta.“This is the hacienda,” sabi niya habang tinuturo ang isang lugar sa mapa. “Raegan’s men are training here. Most of them are ex-convicts. He paid their way out of prison.”Napakuyom ako ng kamao. Ang galit ko kay Raegan ay mas lalong lumalim kasi naghahakot pa talaga siya ng mga kapwa niya criminal. “We need to stop them. They’re a danger to everyone.”“Exactly,” sagot ni Marco habang nag-aayos ng kanyang mga gamit. “We’ll hit them hard and fast. No one gets out.”Tumingin ako sa kanya. “Sigurado ka bang handa ka para dito?”Ngumiti siya ng bahagya. “Czedric
Everisha POVNakatanaw ako sa malawak na tanawin ng South Korea mula sa isang maliit na burol. Ang hangin ay malamig at malinis tulad ng dati, puno ng sariwang amoy ng mga puno at damo. Kasama ko si Edric, ang kapatid ni Czedric, na ngayo’y tumuturo sa maliliit na kabahayan sa paanan ng burol.“This place,” sabi niya habang nakangiti, “was one of my favorite spots when I first moved here. Quiet, hidden, and away from the crowd.”Napangiti ako. “I can see why you love it here. It's beautiful and peaceful.”“South Korea has so many hidden gems,” sagot niya. “Places like this remind me of home, in a way. Simple, but meaningful.”Habang binabaybay namin ang maliliit na daanan sa likod ng burol, nakarating kami sa isang maliit na nayon na halos wala ni isang turista. Ang mga bahay ay tradisyunal, gawa sa kahoy at may mga palamuti sa harap ng bawat pinto.“Everisha, this is one of the places tourists never visit,” sabi ni Edric. “They’re too busy with the big cities and popular spots. But