Everett’s POVHuminga ako nang malalim habang nakatayo sa labas ng pintuan ng bahay ng mga magulang ni Misha. Bagamat medyo kinakabahan ako, hindi ako nawawalan ng ngiti sa aking mukha. Hawak-hawak ko ang basket na puno ng mga sariwang prutas at ilang lokal na delikasiya bilang pasalubong sa kanila. Sabi nga nila, kapag bumisita ka sa tahanan ng mga biyenan, dapat dala mo ang pagpapakumbaba at respeto—at siyempre, pasalubong. Lalo na’t may sadya ako ngayong partikular na mahalaga para sa akin at para kay Misha.Sa aking plano, gusto kong bigyan si Misha ng sorpresa—isang makabuluhang pagsalubong sa kanyang mga alaala noong bata pa siya. Iba ito sa mga madalas naming gawin; ang gusto ko ngayon ay maipadama sa kaniya na mahalaga sa akin ang kaniyang nakaraan, ang kaniyang mga paborito at pinakapinagpapahalagahan.Iisipin ko na lang na parang liligawan ko ulit ang asawa ko. Tutal, wala naman ding magandang ligawan na nangyari sa amin nung una, bigla na lang kasing ganoon, hindi ako nagin
Everett’s POVNang sumapit ang araw ng Linggo, bumangon ako nang maaga dahil excited ako sa pinaplano ko ngayong araw. Alam kong magiging espesyal ang araw na ito para kay Misha, at handang-handa akong gawing makabuluhan ang bawat sandali para sa kanya ngayong linggo.Sa mansiyon, habang lahat ay tahimik, sinimulan kong ihanda ang bawat detalye ng sorpresa ko para sa kaniya.Naisip ko ang mga kuwento ng kanyang mga magulang tungkol sa mga paboritong pagkain ni Misha noong bata pa siya—adobo, pakwan, at leche flan. Nang umagang iyon, hinanda ko na ang kusina. Gusto ko, ako mismo ang magluluto. Tamang-tama, pinag-day off ko muna ang private chef at ilan sa mga kasambahay namin.Kumpleto naman na ang lahat ng ingredients na kailangan ko. Kahapon, pina-ready ko na ‘yon sa mga kasambahay ko para iluluto at gagawin ko na lang.Pero dahil marami-rami ang gagawin ko, nagpatulong pa rin ako sa isang kasamabahay namin para mabilis ako.“Sir Everett, siguradong magugustuhan po ni Ma’am Misha ito
Everett’s POV“Anong masasabi mo sa luto kong adobong baboy na may manok?” tanong ko sa kaniya sa kalagitnaan nang pagkain namin. Tahimik kasi siya, hindi nagsasalita. Parang ayaw akong kausap. Kaya ako na ang gumawa ng topic.“Masarap kang magluluto kaya hindi na ako na-surprise,” cold niyang sabi. Pero at least nasarap siya.“Ang pakwan, okay na okay ba ang tamis at masabaw?” tanong ko pa rin para lang tuloy-tuloy ang pag-uusap namin. Grabe, para talaga akong nanliligaw ulit. Ako ‘yung sobrang effort ngayong para may mapag-usapan kami.“Matamis naman, pero mukhang maaga mong hiniwa kaya medyo na-dry,” sagot niya na parang nadismaya. Kaya pala kaunti lang ang tinikman niya. Ang tanga ko, dapat pala huli ko nang ginawa ‘yon.“Kagabi, gabing-gabi ko rin ginawa ‘yung leche flan, okay lang ba ang gawa ko nun?” tanong ko naman sa kaniya.“Halatang nanggaling ka sa mama ko. Halatang recipe niya ang ginaya mo. Galing ka doon at doon ka nagtanong ‘no?”Napangiti ako. Matalino talaga itong si
Misha’s POVPinipilit ako ni Everett na tumabi sa kaniya pero hindi pa rin ako pumayag, kahit na napasaya niya ako kaninang umaga. Ah, basta, hindi na muna. Ang plano ko, hindi muna magpatabi sa kaniya habang hindi tapos ang labanan na ito. Kailangan ko munang masigurong ubos na ang mga kalaban bago ako ulit magpabuntis sa kaniya. Fo-focus-an ko na muna itong mga kalaban namin para na rin makauwi na si Everisha dito sa Pilipinas. Gusto ko nang matapos ang labanang ito kaya ako na ang gagawa ng paraan. Sarili kong paraan.Nang magising ako ng alas-diyes ng gabi, tinuloy ko na ang plano ko. Gusto kong makuha ang mga sagot sa tanong na bumabagabag sa isip ko—nasaan si Belladonna? Ano ang koneksyon niya sa mga taong nagtatago ng kasinungalingan sa aking paligid?Dahil nalaman kong siya ang pumatay kay Trixie, mas lalo ko siyang gustong mahuli. Para mabigyan ng leksyon.Hindi ako nag-aksaya ng oras. Kumilos ako nang mabilis at walang ingay, nilapag ko ang backpack sa ibabaw ng kama at sini
Misha’s POVHabang nakatago ako sa dilim, hindi pa rin ako mapakali sa narinig kong mga salitang lumabas sa bibig ni Belladonna. “Ma” at “Pa”? Hindi ko mapagtanto kung anong klaseng laro ang pinapasok ng mga taong ito. Pero hindi ko rin kayang magpigil; gusto kong malaman ang totoo—at ngayong narito ako, hindi ako aalis nang walang kasagutan.Dahan-dahan akong gumalaw mula sa aking pinagtataguan. Nasa akin ang bawat lakas ng loob at kaalaman sa pagtatago para hindi makatawag ng pansin. Mabilis at magaan ang mga hakbang ko, katulad ng mga natutunan ko sa mga nakaraang training. Hanggang ngayon, hindi ko lubos maisip na magagamit ko ang mga natutunan ko para sa ganitong sitwasyon.Kaya lang medyo malas dahil nakita ako ng isang bodyguard, magsasalita sana siya para tawagin ako pero mabilis akong kumilos palapit sa kaniya. Bago pa man siya makagawa ng ingay, isang malakas na tadyak ang binigay ko sa kaniya. Mabilis itong nabuwal sa lupaan at nawalan ng malay. Hinila ko siya sa likod ng m
Misha’s POVNararamdaman kong nag-iinit ang mukha ko sa dami ng mga bagay na tumatakbo sa isip ko. Siguro, tatlong oras lang ang tulog ko. Masakit kasi ang katawan ko dahil sa pagbagsak ko kagabi, pero balewala lang iyon sa sakit na mga naranasan ko sa training ko. Kumbaga, easy na lang sa akin ang ganoong klaseng sakit ngayon.Pagkagising ko pa lang, alam kong kailangan ko nang sabihin kay Everett ang lahat ng nakita ko kagabi. Hindi ko kayang itago ito sa kanya—hindi ito biro. Ang takot na naramdaman ko habang nakatago sa dilim ng mansiyon nina Tito Gerald niya ay masyadong sariwa sa akin. Parang naririnig ko pa rin ang boses ni Belladonna nung harapin ko siya. Sayang, kung alam ko lang na may darating sa kuwarto niya, tinuluyan ko sana siya. Nakaisang tama lang ako, nakakabitin talaga.Kasalukuyang nagkakape si Everett sa kusina nang bumaba ako. Dahan-dahan akong umupo sa tapat niya at huminga nang malalim, pinipilit na kumalma kahit na nagtatatalo ang loob ko sa kaba at takot.“Oh
Everett’s POVNag-abiso sa akin si Misha kagabi na magpapakilala siya sa akin ng isang bisita ngayong araw—si Ayson, ang lalaking malaki ang utang na loob namin. Hindi ko na siya pinigilan sa desisyon niyang huwag akong papasukin sa trabaho ngayon. Sinabi ko na lang sa executive assistant ko na ipagpaliban muna ang lahat ng meeting ko ngayong araw. Alam kong minsan lang dumating ang ganitong pagkakataon, kaya’t nais kong magpasalamat nang personal. Kung hindi niya tinulungan ang asawa ko, hindi makakabalik sa buhay ko si Misha.Pero kung tutuusin, may halo rin akong kaba sa pagdating ni Ayson. Hindi ko matanggal sa isipan ko na baka habang magkasama sila noon, nagkaroon na si Misha ng malalim na nararamdaman sa lalaking iyon. Lalo na’t ayaw pa niyang tumabi sa akin sa pagtulog. Pero, sana hindi, sana mali ako kasi ayoko nang paghinalaan ang asawa ko, baka lalo lang siyang magalit sa akin.Paglingon ko, naroon si Misha sa sala, nakasuot ng simpleng damit ngunit walang kapantay ang kani
Everett’s POVSa gitna ng hapag, tahimik akong nakatingin kay Ayson habang inilalatag ng mga kasambahay namin ang mga pagkaing espesyal na pinahanda ko para sa tanghalian. Inaasikasong mabuti ni Misha si Ayson. Silang dalawa na lang ‘yung palaging nag-uusap. Nagka-kumustahan about sa life, na akala mo ay matagal hindi nagkita, samantalang kakabalik palang ni Misha sa piling, tapos sa akin niya ito hindi magawa.Ewan lang, ha, parang may kurot na kaunti sa puso ko.Nang matapos ang mga paghahanda, tumikhim ako at ngumiti kay Ayson. “I hope you’ll enjoy these, Ayson. I made sure we had some of the best dishes served here.”“Thank you at nag-abala pa kayo,” sagot naman ni Ayson.“Siyempre, basta ikaw, Ayson, malaki ang utang na loob ko sa iyo. Kaya anytime, welcome na welcome ka dito sa bahay namin ni Everett,” masayang sabi ni Misha kay Ayson. Hindi manlang sinabi na welcome ka dito sa bahay namin ng asawa ko. Dapat ganoon. Honey ang tawag ko sa kaniya pero pagdating sa akin, Everett na
Czedric POVMatagal ko nang alam na hahantong kami sa ganitong punto, pero iba pa rin ang bigat na nararamdaman ko habang tahimik na nakaupo sa loob ng bulletproof na sasakyan. Tumitingin ako sa bintana habang umaandar ang kotse, pinagmamasdan ang tanawin ng mga bundok at kalangitan na tila tahimik ngunit puno ng tensyon.“Czedric, nakikinig ka ba?” tanong ni Marco na nasa tabi ko at mukhang seryoso.“Ha?” sagot ko habang umiwas ng tingin mula sa bintana.“I said,” ulit niya, “Raegan and Jonas are practically on their knees. Ilang linggo nang umaatras ang mga tauhan nila. Hindi ko alam kung anong mas nakakainis—ang mga taong sumuporta sa kanila pero bigla na lang bumaliktad, o ang katotohanang matagal bago nangyari ito.”Napatingin ako kay Marco. Kita sa mukha niya ang bahagyang saya, pero mas nangingibabaw ang pagod.“Takot na silang madamay,” dagdag niya. “Sino ba naman ang hindi matatakot, eh halos ubos na ang mga tauhan nila dahil sa atin?”Ang mga huling linggo ay parang mahabang
Everisha POV Pagkatapos ng matagumpay naming misyon, ramdam ko ang gaan ng paligid habang naglalakad pabalik ng villa. Parang ang bigat ng buong happn ay biglang nawala, at kahit pagod ang katawan namin, masaya ang puso ko. Pagdating namin sa bahay, sinalubong kami nina Mama at Papa sa hardin ng villa. Ang bango ng litson ang unang tumama sa ilong ko, kasunod ang halimuyak ng iba’t ibang pagkain na nakahain sa mesa. Siguradong nabalita na agad sa kanila nila Marco o Czedric ang nangyari kaya masarap ang hapunan namin. “Naghanda kami ng kaunting salo-salo para sa inyo,” sabi ni Papa habang yakap-yakap ako. “Deserve niyong lahat ang masarap na hapunan.” Napangiti ako habang tinitingnan ang bawat isa sa amin. Ang tagumpay ng laban ay hindi lamang dahil sa galing ng isa, kundi dahil sa sama-sama naming pagkilos. Sa ilalim ng mga ilaw na nakasabit sa paligid ng hardin, umupo kami sa isang mahabang mesa. Ang tunog ng mga halakhak at kwentuhan ay sumasabay sa kaluskos ng mga dahon na hin
Czedric POVPagdating namin sa hideout ng mga assassin na tauhan ni Raegan, hindi ko maiwasang makaramdam ng tensyon. Hindi dahil sa naduduwag kundi dahil inaalala ko pa rin si Everisha. Iniisip ko kung kaya ba niya talaga?Kahit pa sinasabi ni Marco na hindi pa bihasa ang karamihan sa kanila, hindi ko kayang mag-relax. Masyadong mahalaga ang laban na ito. Isa itong hakbang para maubos na ang mga tauhan ni Raegan na patuloy na nagpapahirap sa amin.Lahat kami ay nakasuot ng maskara, bawat isa sa amin handa nang kumilos. Ang bawat galaw namin ay planado. Si Marco ang nanguna, sinusuri ang paligid. Si Edric, laging nasa tabi ni Everisha, tila ba personal niyang misyon na protektahan ito anuman ang mangyari. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na alam kung ang tensyon ba ng laban o ang selos ang bumabagabag sa akin. Pero misyon ko rin na tignan din sa lahat ng oras si Everisha para ma-protektahan din siya.Pinasok namin ang hideout mula sa gilid, sa isang sirang pader na hindi nila nabigy
Everisha POV Isang maaliwalas na umaga ang bumungad sa amin sa villa. Kakatapos ko lang mag-almusal at nagdesisyon akong magpunta sa garden para magpaaraw. Ako ang naunang nagising kaya ako na rin ang nagpasyang magluto ng almusal. May mga stock na kami kasi ng pagkain dahil namilo na kagabi sina Marco at Czedric. Nagluto ako ng fried rice at tapa. Nagluto na rin ako sarsiadong tilapia kasi nami-miss ko na ‘yun. Nagagawa ko tuloy gumawa sa kusina dahil wala kaming kasambahay ngayon sa villa. Natututo kami ngayong kumilos ng walang mga alalay at para sa akin, okay lang kasi minsan ay maganda na may ginagawa kami sa bahay. Nakaka-stress lang ang mga naiwang trabaho sa mga company namin kasi gabi-gabi, kausap namin ang mga executive assistant at mga secretary namin para asikasuhin muna ang lahat habang nagtatago kami. Pagkaluto, nauna na akong nag-almusal kasi hinahabol ko ang unang sikat ng araw. Kailangan kong maging malakas kasi may labanan na magaganap mamayang hapon. First sabak k
Czedric POVAng hapon ay punong-puno ng tensyon sa villa nila Everisha. Sa pagdating ni Marco, bitbit ang bagong balita tungkol kay Raegan at Jonas, ramdam ko na parang bumigat pa ang sitwasyon. Habang nakaupo kami sa malaking mesa sa sala, inilatag ni Marco ang bawat detalye ng kanyang nalaman."Raegan's men are growing in number," sabi ni Marco, seryoso ang mukha habang iniisa-isa ang impormasyon na nasagap niya. "They’re no longer just fifty. There are seventy assassins being trained in one of their hideouts. If we wait too long, they’ll be unstoppable."Napatingin ako kay Marco habang ramdam ang bigat ng binitawan niyang balita. Alam kong tama siya. Hindi puwedeng patagalin pa ang sitwasyong ito. Kailangan nang madaliin ang lahat kasi masyado nang marami ang nadadamay.“Kailangan natin silang sugurin bago pa sila maging mas malakas,” sabi ni Edric na malalim ang boses niya na tila ba naghahanda na para sa laban.Napatingin kami kay Tito Everett at sa kanyang asawa. Alam naming lah
Czedric POVSa paglapit ko sa gate ng villa, damang-dama ko ang kaba sa aking dibdib. Ang pamilyang Tani—sina Everisha, ang kanyang mga magulang, at isa pang lalaking hindi ko pa kilala—ay nakatayo sa may pintuan, halatang inaabangan ang pagdating ko. Ang kanilang mga ngiti ay tila isang malugod na pagtanggap sa akin, pero may kung anong kakaiba sa presensya ng lalaking kasama nila.Habang papalapit ako, mas nagiging malinaw ang mga detalye ng mukha niya. Bigla akong napatigil sa paglalakad. Tumigil din ang mundo ko sa isang iglap. Ang mga mata niya, ang kanyang postura at ang kanyang ekspresyon—parang pamilyar lahat ng iyon sa akin.“Edric?” mahinang tanong ko na halos hindi ko marinig ang sarili ko.Hindi siya sumagot agad. Sa halip, tumitig siya sa akin, na parang iniisip kung dapat ba niyang kumpirmahin ang hinala ko.Nang makita ko siyang bahagyang tumango, parang may kung anong sumabog sa loob ng dibdib ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ang mga luha ko ay kusang bumagsak
Czedric POVPagmulat ko ng mata, ramdam ko ang katahimikan sa buong paligid. Ang tunog ng mga ibon sa labas ng bintana ang nagsilbing alarm clock ko, at ang malamig na hangin ng umaga ang bumati sa akin. Nasa farm pa rin ako, at tulad ng dati, tila ang kalikasan ang nagbibigay ng sigla sa akin tuwing umaga.Agad akong bumangon mula sa simpleng banig na inilatag ko kagabi. Sa pagtingin ko sa paligid, napansin kong wala na si Marco. May iniwan siyang sulat sa lamesa na agad kong binuksan.Czedric,Maaga akong umalis. Pinatawag kami ni Raegan. Kailangan kong pumunta para mangalap ng impormasyon. Bantayan mo ang sarili mo habang wala ako. Balik ako agad kapag may nakuha akong balita.—MarcoNapabuntong-hininga ako matapos basahin ang sulat. “That guy never rests,” bulong ko sa sarili ko.Bagama’t sanay na akong mag-isa, iba pa rin ang pakiramdam na wala si Marco sa paligid. Isa siya sa mga pinakakatiwalaan kong tao, at alam kong malaki ang ginagampanan niyang papel sa laban namin.Dahil w
Everisha POVPaglapag ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport, ramdam ko agad ang tensyon sa paligid. Kahit nasa loob pa lang kami ng airport, alam kong bawat galaw namin ay kailangang maingat. Masyadong mataas ang panganib na makita kami ng mga tauhan ni Raegan o ng mga koneksyon niya. Hindi sa naduduwag kami, ayaw lang namin na magkaroon ng gulo sa airport.“Stay close,” bulong ni papa Everett, habang inayos niya ang kanyang sumbrero. Naka-disguise kami lahat—sumbrero, sunglasses, at mask ang suot naming apat. Si mama Misha ay nakasuot ng plain na hoodie at naka-cap, habang si Edric naman ay halos hindi na makilala sa balbas at faux glasses na suot niya.Tiningnan ko si Edric. Halata sa kanya ang pagod pero nananatili siyang alerto. Excited na talaga siyang makita ang kapatid niya. Pati tuloy ako ay nae-excite na kung anong magiging reaction kapag nagkita na sila.Paglabas namin ng airport, huminga ako nang malalim kahit natatakpan ng mask ang mukha ko.“Saan na po tayo pu
Czedric POVTahimik ang gabi nang magsimula kaming magplano ni Marco. Galit na galit pa rin ako sa paninira ni Raegan sa Pamilyang Tani kaya lalo akong gagawa ng ingay para matakot na siya.Ang liwanag ng buwan ay bahagyang naglalagos sa makapal na ulap, tila isang paalala na kahit gaano kadilim ang paligid, may pag-asa pa rin. Nasa harapan namin ang isang mapa ng Batangas, nilalatagan ng mga marka ni Marco gamit ang pulang tinta.“This is the hacienda,” sabi niya habang tinuturo ang isang lugar sa mapa. “Raegan’s men are training here. Most of them are ex-convicts. He paid their way out of prison.”Napakuyom ako ng kamao. Ang galit ko kay Raegan ay mas lalong lumalim kasi naghahakot pa talaga siya ng mga kapwa niya criminal. “We need to stop them. They’re a danger to everyone.”“Exactly,” sagot ni Marco habang nag-aayos ng kanyang mga gamit. “We’ll hit them hard and fast. No one gets out.”Tumingin ako sa kanya. “Sigurado ka bang handa ka para dito?”Ngumiti siya ng bahagya. “Czedric