Everett’s POVNag-abiso sa akin si Misha kagabi na magpapakilala siya sa akin ng isang bisita ngayong araw—si Ayson, ang lalaking malaki ang utang na loob namin. Hindi ko na siya pinigilan sa desisyon niyang huwag akong papasukin sa trabaho ngayon. Sinabi ko na lang sa executive assistant ko na ipagpaliban muna ang lahat ng meeting ko ngayong araw. Alam kong minsan lang dumating ang ganitong pagkakataon, kaya’t nais kong magpasalamat nang personal. Kung hindi niya tinulungan ang asawa ko, hindi makakabalik sa buhay ko si Misha.Pero kung tutuusin, may halo rin akong kaba sa pagdating ni Ayson. Hindi ko matanggal sa isipan ko na baka habang magkasama sila noon, nagkaroon na si Misha ng malalim na nararamdaman sa lalaking iyon. Lalo na’t ayaw pa niyang tumabi sa akin sa pagtulog. Pero, sana hindi, sana mali ako kasi ayoko nang paghinalaan ang asawa ko, baka lalo lang siyang magalit sa akin.Paglingon ko, naroon si Misha sa sala, nakasuot ng simpleng damit ngunit walang kapantay ang kani
Everett’s POVSa gitna ng hapag, tahimik akong nakatingin kay Ayson habang inilalatag ng mga kasambahay namin ang mga pagkaing espesyal na pinahanda ko para sa tanghalian. Inaasikasong mabuti ni Misha si Ayson. Silang dalawa na lang ‘yung palaging nag-uusap. Nagka-kumustahan about sa life, na akala mo ay matagal hindi nagkita, samantalang kakabalik palang ni Misha sa piling, tapos sa akin niya ito hindi magawa.Ewan lang, ha, parang may kurot na kaunti sa puso ko.Nang matapos ang mga paghahanda, tumikhim ako at ngumiti kay Ayson. “I hope you’ll enjoy these, Ayson. I made sure we had some of the best dishes served here.”“Thank you at nag-abala pa kayo,” sagot naman ni Ayson.“Siyempre, basta ikaw, Ayson, malaki ang utang na loob ko sa iyo. Kaya anytime, welcome na welcome ka dito sa bahay namin ni Everett,” masayang sabi ni Misha kay Ayson. Hindi manlang sinabi na welcome ka dito sa bahay namin ng asawa ko. Dapat ganoon. Honey ang tawag ko sa kaniya pero pagdating sa akin, Everett na
Everett’s POVHabang nagpatuloy ang aming pagkain, hindi ko maiwasang mapansin ang bawat galaw at tingin ni Misha kay Ayson. Parang may espesyal na kislap ang mga mata niya tuwing tumatawa si Ayson sa bawat kuwento niyang tila lahat ay kilalang-kilala ni Misha. Tila nababalutan ng kaswal na paggalang ang lahat ng kilos ng aking asawa—subalit, sa kaloob-looban ko, tila may mga bagay na higit pa roon.Kasama pa rin ba ito sa parusa ni Misha sa akin? Ah, siguro nag-usap sila? Sinadya nilang gawin ito para saktan ang loob ko, para magselos ako? Hindi, hindi naman siguro ganitong kabaliw si Misha para idamay pa si Ayson para pagselosan ako.“Misha,” sambit ko, sinusubukan kong maging kalmado sa kabila ng nagbabadyang kaba sa dibdib ko. “Honey, you didn’t tell me you knew so much about Ayson’s preferences. Parang ikaw na yata ang paboritong taga-salin ng lahat ng detalye ng buhay niya.”Ngumiti si Misha, ang kaniyang mga mata ay nagbigay ng tingin na tila isang lihim na di ko mahagilap. “Wel
Misha’s POVNagkulong na sa kuwarto si Everett, nagpanggap na masama na ang pakiramdam. Ako na lang tuloy ang kasama ni Ayson, kaya naman nung mag-agaw na ang liwanag at dilim, nagpaalam na siya para umuwi. Natuwa naman at nag-enjoy si Ayson sa pagba-bonding at paggala niya rito. Iyon nga lang, pansin din niya na mukhang pinagseselosan siya ni Everett. Nakakahiya tuloy. Marunong talagang makaramdam ng tao sa paligid si Ayson, isa ‘yon magaling na kaya niyang gawin.Saktong pag-alis ni Ayson, nag-ring ang phone ko. Tumawag si Everisha para kumustahin ako. Napaupo ako sa sofa nang matagal sa haba nang pinagkuwentuhan niya sa akin. Sinabi niya na very good siya palagi sa school niya, marami na siyang kaibigan at inaalagaan siyang mabuti doon ni Ate Ada. Kahit pa paano ay natutuwa ako kasi hindi na nahihirapan si Ate Ada na patahanin siya sa tuwing nami-miss niya kami ni Everett. Ngayon, kahit pa paano ay nasasanay na siya doon. Sa pamamagitan ng ganitong pag-uusap namin sa video call, ka
Everett’s POVWala na si Misha pagkagising ko nang umaga, narinig ko na kumalansing ang tubig sa banyo kaya mukhang naliligo na siya. Sa labas ng banyo, nakita ko na naroon ang mga damit na pinaghubaran niya. At sa hindi inaasahang pagkakataon, napatitig ako sa underwear niyang naroon din.Napakagat-labi ako at nakaramdam agad ng init. Yumuko ako sa ibaba ko, napangisi ako nang makita kong unti-unting nabubuhay ang alaga ko sa loob ng underwear ko.Tumayo na ako, lumapit sa underwear ni Misha na nakahalang sa labas ng banyo. Pinulot ko iyon at hindi ko na napigilan, nami-miss ko na ang amoy ng ano ni Misha. Agad-agad, nilanghap ko ito. Hindi kabahuan, medyo mabango pa dahil bago siguro siya matulog kagabi ay naligo pa, pero sapat na ‘yung amoy ng hiwa niya para lalo akong mag-init.“Aba, honey, anong ginagawa mo sa panty ko?”Namilog ang mga mata ko. Hindi ko inaasahang lalabas agad siya sa banyo. Pero, okay lang. Hindi naman na ako dapat mahiya at mag-asawa naman na kami.“Sabi ko ng
Misha’s POVTahimik ang kalmado ako sa office ko habang nagtatrabaho, sobrang sarap sa pakiramdam ng ganito, pero hindi ko inasahan ang pagsugod ni Tita Maloi sa opisina ko ngayong araw.Malalakas ang kaniyang yabag, at naramdaman ko pa lang ang bigat ng presensya niya bago pa man siya magsalita. Kasabay ng paglingon ko sa pintuan ay ang pagpatong niya ng kaniyang dalawang kamay sa mesa ko—halos mabasag ang mga salamin at gamit sa lakas ng pagtapak ng mga daliri niya sa kahoy ng table ko.“Bawal po kayo pumasok dito nang walang abiso!” harang sa kaniya ni Marie, ang executive assistant ko na pinsan ko.“Tumabi ka kung ayaw mong sampalin kita,” pananakot pa niya sa pinsan ko kaya sinenyasan ko siya na hayaan na lang ang bruha.Bumalik sa table niya si Marie, pero kita ko pa rin ang pagkagulat sa kaniya. Ngayon niya lang na-meet itong si Tita Maloi kaya wala pa siyang idea sa ugali nito.“Misha! Akala mo ba hindi ko malalaman ang ginawa ninyo?” Hiningal siya sa galit, pero nagningning a
Misha’s POVSa tahimik na kalsadang binabagtas ko pauwi sa aming mansiyon, tahimik at halos wala akong kasabayang sasakyan. Excited akong umuwi kasi ngayon ko na ulit pagbibigyan sa kama si Everett. Oo, papayag na ako, kahit sabi ko nung nakaraan ay hindi muna ako magpapatabi sa kaniya kasi baka mabuntis ako ulit, kapag nangyari ‘yon, hindi na ako makakalaban sa mga kalaban ko. Pero, siyempre, maco-control ko naman ‘yun, puwede naman kaming sumayaw sa kama nang hindi ako mabubuntis. Today, wala na akong kasama, kahit na sinasabing mas delikado ang ganitong oras para sa isang babaeng nag-iisa. Pero sa totoo lang, wala na akong pakialam. Matagal ko nang iniwan ang mga bodyguard ko—kaya ko na ang sarili ko. Hawak ko ang manibela, at bawat ikot ng gulong ay parang hakbang ng aking kalayaan mula sa bawat taong sumubok kontrolin ang buhay ko. Sa totoo lang, mas inaabanga o mas gusto ko ‘yung may sumusugod sa akin. Nang sa ganoon, mas mahaba at mas gumaling ako sa pakikipaglaban. Gusto kong
Misha’s POV“Do you even realize what you did?” tanong ko nang may diin. “You thought you could end me with just a few hired guns?”“Bakit biglang gumaling ka nga. Nagulat ako, sa totoo lang. Hindi ko inaasahan na ang gaya mong tatahi-tahimik ay matinik pala sa pakikipaglaban. Hindi ako makapaniwalang isang babae ay kayang tumapos ng anim na lalaki,” sabi niya na nanginginig pa rin ang boses.“Ganoon talaga kapag puro demonyo ang nanunukso, gagalingan at gagalingan mo dapat para madaig sila. Tignan mo ngayon, kahit ikaw, kayang-kaya ko nang saktan. Dati, ang taas-taas nang tingin mo sa sarili mo, pero ngayon, heto, sinasampal at sinusuntok na lang kita!” sa gigil ko, tinadyakan ko pa siya. Nabuwal siya tumama pa ang ulo sa kotse niya. Hindi ako nakuntento, nabitin ako sa pagsampal ko sa kaniya kanina kaya binigyan ko pa siya ng limang malalakas na sampal sa mukha niya. Pagkatapos ko siyang sampalin, nakita kong halos dumugo ang ilong at mga labi niya.“Tama na please, nasasaktan na ak
Czedric's POVPagdilat ng aking mga mata, unti-unti akong nag-adjust sa maliwanag na ilaw ng kwarto. Amoy na amoy ko ang disinfectant, tanda na nasa ospital ako. Napabuntong-hininga ako. Buhay pa ako. Tagumpay kaming lahat. Pero pakiramdam ko, ang bigat ng katawan ko—parang pinagbagsakan ng daigdig.Napansin ko ang dalawang pamilyar na mukha sa gilid ng kama. Si Edric, ang kapatid kong sumalo sa akin kanina at si Marco, ang pinsan naming parating nakaalalay sa amin. Pareho silang nakangiti nang mapansin nilang gising na ako.“Finally, bro,” sabi ni Edric. May bahagyang ginhawa sa boses niya na parang binagsakan ng bato ang balikat niyang matagal niyang kinikimkim. “You're awake.”“Kumusta?” mahinang tanong ko habang ramdam ang pagod sa boses ko. Halos lumabas lang ito bilang bulong.“You're fine now,” ani Marco. “We made it, Czedric. Tapos na ang lahat. Nabawi na natin ang lahat—lahat ng pera, ari-arian, pati mga negosyo. They're back where they belong—sa inyo ng kapatid mo.”Napaluno
Czedric POVTahimik akong nakatingin sa malayo habang papalapit kami sa private resort. Ang tension sa loob ng sasakyan ay sobrang bigat, parang humihigpit ang paligid sa bawat segundo. Nakita ko ang kamay ni Everisha na bahagyang nanginginig habang hawak ang baril. Si Marco naman ay nakatitig sa mapa, tinitiyak ang bawat detalye. Si Edric at Mishon ay tahimik, pero kita sa mga mata nila ang kaseryosohan sa magaganap na huling laban.“Everyone ready?” tanong ni Marco.“Always,” sagot ni Edric, sabay sulyap kay Everisha na ngumiti nang bahagya bilang sagot.Napabuntong-hininga ako. Hindi ito ang oras para magpaka-distracted, pero ang pag-aalala ko para kay Everisha ay masyadong malakas. At si Edric—alam kong kapwa ko siya maaasahan, pero hindi ko maiwasang isipin kung ano ang magiging reaksyon niya kapag may masamang nangyari kay Everisha.Pagdating namin sa resort, nagpaikot muna kami sa harapan. Tahimik ang paligid, pero alam kong hindi iyon nangangahulugang ligtas kami.Pagbukas pa
Czedric POVMatagal ko nang alam na hahantong kami sa ganitong punto, pero iba pa rin ang bigat na nararamdaman ko habang tahimik na nakaupo sa loob ng bulletproof na sasakyan. Tumitingin ako sa bintana habang umaandar ang kotse, pinagmamasdan ang tanawin ng mga bundok at kalangitan na tila tahimik ngunit puno ng tensyon.“Czedric, nakikinig ka ba?” tanong ni Marco na nasa tabi ko at mukhang seryoso.“Ha?” sagot ko habang umiwas ng tingin mula sa bintana.“I said,” ulit niya, “Raegan and Jonas are practically on their knees. Ilang linggo nang umaatras ang mga tauhan nila. Hindi ko alam kung anong mas nakakainis—ang mga taong sumuporta sa kanila pero bigla na lang bumaliktad, o ang katotohanang matagal bago nangyari ito.”Napatingin ako kay Marco. Kita sa mukha niya ang bahagyang saya, pero mas nangingibabaw ang pagod.“Takot na silang madamay,” dagdag niya. “Sino ba naman ang hindi matatakot, eh halos ubos na ang mga tauhan nila dahil sa atin?”Ang mga huling linggo ay parang mahabang
Everisha POV Pagkatapos ng matagumpay naming misyon, ramdam ko ang gaan ng paligid habang naglalakad pabalik ng villa. Parang ang bigat ng buong happn ay biglang nawala, at kahit pagod ang katawan namin, masaya ang puso ko. Pagdating namin sa bahay, sinalubong kami nina Mama at Papa sa hardin ng villa. Ang bango ng litson ang unang tumama sa ilong ko, kasunod ang halimuyak ng iba’t ibang pagkain na nakahain sa mesa. Siguradong nabalita na agad sa kanila nila Marco o Czedric ang nangyari kaya masarap ang hapunan namin. “Naghanda kami ng kaunting salo-salo para sa inyo,” sabi ni Papa habang yakap-yakap ako. “Deserve niyong lahat ang masarap na hapunan.” Napangiti ako habang tinitingnan ang bawat isa sa amin. Ang tagumpay ng laban ay hindi lamang dahil sa galing ng isa, kundi dahil sa sama-sama naming pagkilos. Sa ilalim ng mga ilaw na nakasabit sa paligid ng hardin, umupo kami sa isang mahabang mesa. Ang tunog ng mga halakhak at kwentuhan ay sumasabay sa kaluskos ng mga dahon na hin
Czedric POVPagdating namin sa hideout ng mga assassin na tauhan ni Raegan, hindi ko maiwasang makaramdam ng tensyon. Hindi dahil sa naduduwag kundi dahil inaalala ko pa rin si Everisha. Iniisip ko kung kaya ba niya talaga?Kahit pa sinasabi ni Marco na hindi pa bihasa ang karamihan sa kanila, hindi ko kayang mag-relax. Masyadong mahalaga ang laban na ito. Isa itong hakbang para maubos na ang mga tauhan ni Raegan na patuloy na nagpapahirap sa amin.Lahat kami ay nakasuot ng maskara, bawat isa sa amin handa nang kumilos. Ang bawat galaw namin ay planado. Si Marco ang nanguna, sinusuri ang paligid. Si Edric, laging nasa tabi ni Everisha, tila ba personal niyang misyon na protektahan ito anuman ang mangyari. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na alam kung ang tensyon ba ng laban o ang selos ang bumabagabag sa akin. Pero misyon ko rin na tignan din sa lahat ng oras si Everisha para ma-protektahan din siya.Pinasok namin ang hideout mula sa gilid, sa isang sirang pader na hindi nila nabigy
Everisha POV Isang maaliwalas na umaga ang bumungad sa amin sa villa. Kakatapos ko lang mag-almusal at nagdesisyon akong magpunta sa garden para magpaaraw. Ako ang naunang nagising kaya ako na rin ang nagpasyang magluto ng almusal. May mga stock na kami kasi ng pagkain dahil namilo na kagabi sina Marco at Czedric. Nagluto ako ng fried rice at tapa. Nagluto na rin ako sarsiadong tilapia kasi nami-miss ko na ‘yun. Nagagawa ko tuloy gumawa sa kusina dahil wala kaming kasambahay ngayon sa villa. Natututo kami ngayong kumilos ng walang mga alalay at para sa akin, okay lang kasi minsan ay maganda na may ginagawa kami sa bahay. Nakaka-stress lang ang mga naiwang trabaho sa mga company namin kasi gabi-gabi, kausap namin ang mga executive assistant at mga secretary namin para asikasuhin muna ang lahat habang nagtatago kami. Pagkaluto, nauna na akong nag-almusal kasi hinahabol ko ang unang sikat ng araw. Kailangan kong maging malakas kasi may labanan na magaganap mamayang hapon. First sabak k
Czedric POVAng hapon ay punong-puno ng tensyon sa villa nila Everisha. Sa pagdating ni Marco, bitbit ang bagong balita tungkol kay Raegan at Jonas, ramdam ko na parang bumigat pa ang sitwasyon. Habang nakaupo kami sa malaking mesa sa sala, inilatag ni Marco ang bawat detalye ng kanyang nalaman."Raegan's men are growing in number," sabi ni Marco, seryoso ang mukha habang iniisa-isa ang impormasyon na nasagap niya. "They’re no longer just fifty. There are seventy assassins being trained in one of their hideouts. If we wait too long, they’ll be unstoppable."Napatingin ako kay Marco habang ramdam ang bigat ng binitawan niyang balita. Alam kong tama siya. Hindi puwedeng patagalin pa ang sitwasyong ito. Kailangan nang madaliin ang lahat kasi masyado nang marami ang nadadamay.“Kailangan natin silang sugurin bago pa sila maging mas malakas,” sabi ni Edric na malalim ang boses niya na tila ba naghahanda na para sa laban.Napatingin kami kay Tito Everett at sa kanyang asawa. Alam naming lah
Czedric POVSa paglapit ko sa gate ng villa, damang-dama ko ang kaba sa aking dibdib. Ang pamilyang Tani—sina Everisha, ang kanyang mga magulang, at isa pang lalaking hindi ko pa kilala—ay nakatayo sa may pintuan, halatang inaabangan ang pagdating ko. Ang kanilang mga ngiti ay tila isang malugod na pagtanggap sa akin, pero may kung anong kakaiba sa presensya ng lalaking kasama nila.Habang papalapit ako, mas nagiging malinaw ang mga detalye ng mukha niya. Bigla akong napatigil sa paglalakad. Tumigil din ang mundo ko sa isang iglap. Ang mga mata niya, ang kanyang postura at ang kanyang ekspresyon—parang pamilyar lahat ng iyon sa akin.“Edric?” mahinang tanong ko na halos hindi ko marinig ang sarili ko.Hindi siya sumagot agad. Sa halip, tumitig siya sa akin, na parang iniisip kung dapat ba niyang kumpirmahin ang hinala ko.Nang makita ko siyang bahagyang tumango, parang may kung anong sumabog sa loob ng dibdib ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ang mga luha ko ay kusang bumagsak
Czedric POVPagmulat ko ng mata, ramdam ko ang katahimikan sa buong paligid. Ang tunog ng mga ibon sa labas ng bintana ang nagsilbing alarm clock ko, at ang malamig na hangin ng umaga ang bumati sa akin. Nasa farm pa rin ako, at tulad ng dati, tila ang kalikasan ang nagbibigay ng sigla sa akin tuwing umaga.Agad akong bumangon mula sa simpleng banig na inilatag ko kagabi. Sa pagtingin ko sa paligid, napansin kong wala na si Marco. May iniwan siyang sulat sa lamesa na agad kong binuksan.Czedric,Maaga akong umalis. Pinatawag kami ni Raegan. Kailangan kong pumunta para mangalap ng impormasyon. Bantayan mo ang sarili mo habang wala ako. Balik ako agad kapag may nakuha akong balita.—MarcoNapabuntong-hininga ako matapos basahin ang sulat. “That guy never rests,” bulong ko sa sarili ko.Bagama’t sanay na akong mag-isa, iba pa rin ang pakiramdam na wala si Marco sa paligid. Isa siya sa mga pinakakatiwalaan kong tao, at alam kong malaki ang ginagampanan niyang papel sa laban namin.Dahil w