Misha’s POVHabang nasa sala ako at abala sa pagyo-yoga, pilit kong kinakalma ang sarili ko, iniisip na hindi ako matitinag. Nakapikit ang mga mata ko, humihinga nang malalim, nararamdaman ko ang bawat banat ng mga kalamnan sa katawan ko—isang paraan para magpakalma at mag-focus, para hindi pansinin ang anong naroon lang sa likuran ko… o sino.Nasanay na ako sa ganitong gawain simula nung tumira ako sa manisyon ni Ayson, kaya heto, sanay na rin ako na ginagawa ko ito at mukhang habang buhay ko na itong gagawin.Napa-dilat ako nang maramdaman ko ang presensya ni Everett sa gilid ko. Naka-side plank ako noon, at bigla ko siyang nakita mula sa aking peripheral vision—topless, pawisan, at nanunukso ang tingin. Napakagat-labi ako ng bahagya bago bumawi ng composure. Ano bang problema ng lalaking ‘to? Nagpapapansin ba siya? Saka, bakit hindi ata siya pumasok sa trabaho?Lumingon ako nang kaunti, sinisilip siya sa isang maingat na anggulo. Napansin kong nagpi-flex siya ng mga braso niya, pa-
Misha’s POVItinuloy ko ang aking routine, sinubukan kong kumalma, pero paano ka nga ba makakapag-concentrate kung may nakaupo lang diyan na lalaking panay ang posing sa maganda niyang katawan? Para pa siyang baliw na kung minsan ay may pahimas pa sa maselan na bahagi ng katawan niya.Palihim akong napapahinga ng malalim, nagpipigil ng tawa, pero sa loob-loob ko’y parang lumalakas ang bawat tibok ng puso ko. Pakiramdam, umuubok na tuloy maigi ang armas niya sa loob ng suot niyang pang-ibaba.Para kasing baliw, kung gusto niya palang mag-mariang palad, doon siya sa kuwarto o sa banyoNag-pose ako sa warrior pose, tinatantsa kung saan ako lilingon para makita kung nagpapapansin pa siya. Nang hindi ko natiis, bumalik ako sa sala at umupo sa sahig, nakapikit ang mga mata. Huminga ako nang malalim, pilit na inuunawang ako pa rin dapat ang may kontrol dito.Biglang naramdaman kong may malamig na boses mula sa tabi ko, halos pabulong: “Are you sure you’re not missing me, Misha?”Napadilat ak
Misha’s POVPagbalik ko sa opisina ng Tani Luxury Hotels, ramdam ko ang bigat ng mga tingin ng mga empleyado ko. Hindi na ako ang dating mabait at palangiting Misha na dati nilang kinagigiliwan. Ngayon, seryoso at mabagsik ang aura ko, at kahit wala akong sinasabi, alam kong nararamdaman nila ang lamig sa bawat hakbang ko. Hindi ko na kailangan ng maraming salita para ipaalam na ibang Misha na ang bumalik sa opisina.Bawat madaanan ko, mabilis na yumuyuko ang mga empleyado. Hindi ko sila tinitignan ng diretso, pero ramdam ko ang kaba nila sa paligid. Ayaw kong ganito—pero hindi ko rin pipigilan ang sarili ko. Kailangan nilang malaman na hindi sa lahat ng oras ay mabait ang kanilang boss. Natuto na ako, at gusto kong maramdaman nilang lahat ang bagong disiplina na dadalhin ko sa kumpanyang ito.Sariwa pa sa isip ko ang sakit at galit. Hindi ko akalaing si Belladonna, ang turing kong matalik na kaibigan, ang may sala sa pagkamatay ni Trixie. Nang una kong marinig ang balita mula sa pami
Misha’s POVHabang tahimik akong nakaupo sa aking mesa, sinuri ko ang bawat detalyeng naka-log sa aking laptop: mga ulat ng productivity, performance review, at pati mga attendance log. Hindi ko ito dating ginagawa ng masinsinan, pero ngayon, ibang Misha na ako—isang Misha na hindi na magpapa-api at magpapabastos kahit kanino. Nababalitaan ko kasi na minsan, may mga staff na nilalaro lang ang kanilang trabaho. Dati ay hinahayaan ko lang kasi hindi naman nagiging masamang epekto iyon sa hotel na mga hawak ko, pero ngayon, wala nang makakagawa ng ganoon.Isang katok ang gumising sa tahimik na office room ko.“Come in,” sabi ko.Nang bumukas ang pinto, sumilip ang isang manager, si Fernando, na halata sa mukha ang kaba. Lumapit siya sa mesa ko, hawak ang ilang folder na mukhang babasahin para sa akin.“Mrs. Tani,” bungad niya, pilit pinapanatili ang ngiti. “Here’s the report you requested.”“Leave it,” sagot ko, halos hindi siya tinignan. Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya, per
Everett’s POVNakakatanggal din talaga ng stress kapag napupunta ako sa aking luxury na yatch kasama ang bestfriend kong si Garil na marami na rin talagang naitulong sa buhay ko.Humahampas ang liwanag ng araw sa mga tubig ng dagat, at parang pumipintig ang bawat alon kasabay ng kabang nadarama ko sa darating na usapan. I mean, it’s not every day that I, Everett Tani, the Everett Tani, would seek advice on how to… attract a spouse. For sure, magugulat si Garil dito.“Everett, bro, anong meron at nag-aya ka naman dito?” bungad ni Garil na agad na tinatawanan ako nang malakas matapos ko pa lang siya salubungin.Umupo kami sa deck, kung saan hinihigop niya ang iced tea na pinahanda ko. Hindi muna kami mag-aalak kasi seryoso ang pag-uusapan namin.Bago ako nagsalita, huminga ako nang malalim. I knew he’d laugh—probably laugh a lot—but if there’s one person I trust for these things, it’s Garil. Walang pakialam ang mokong sa aking kalagayan bilang CEO o kung ano pang titulo ko. Para sa kany
Everett’s POVTumawa pa rin si Garil nang tumawa, pero napansin kong mas seryoso na siya sa bawat sumunod na payo niya. Humigop pa siya ng iced tea, bago sinimulan ang bagong lesson niya.“Everett,” sabi niya, “you need to learn how to make her feel… special, pero hindi sa cliché na paraan. I mean, kilalanin mo talaga siya. Ask her about things that no one else asks. Mag-asawa na kayo pero for sure, mayroon kapang hindi nalalaman sa kaniya.”Nagtaas ako ng kilay. “Like what? Paborito niyang pagkain, mga libangan niya?”Umiling siya. “Hindi, mas personal pa dun. Like, ano ang pinakamalaking pangarap niya na hindi niya pa naabot? Anong mga bagay ang kinakatakutan niya, pero gusto niyang gawin balang araw? You know, stuff that really matters.”Napaisip ako sa sinabi niya. Parang iba ang dating ng ganitong klase ng usapan kumpara sa mga sanay kong pag-uusapan namin kanina. Madalas, business o mga plano lang sa hinaharap ang pinag-uusapan namin, pero ngayon, napagtanto kong kulang pala ako
Everett’s POVHuminga ako nang malalim habang nakatayo sa labas ng pintuan ng bahay ng mga magulang ni Misha. Bagamat medyo kinakabahan ako, hindi ako nawawalan ng ngiti sa aking mukha. Hawak-hawak ko ang basket na puno ng mga sariwang prutas at ilang lokal na delikasiya bilang pasalubong sa kanila. Sabi nga nila, kapag bumisita ka sa tahanan ng mga biyenan, dapat dala mo ang pagpapakumbaba at respeto—at siyempre, pasalubong. Lalo na’t may sadya ako ngayong partikular na mahalaga para sa akin at para kay Misha.Sa aking plano, gusto kong bigyan si Misha ng sorpresa—isang makabuluhang pagsalubong sa kanyang mga alaala noong bata pa siya. Iba ito sa mga madalas naming gawin; ang gusto ko ngayon ay maipadama sa kaniya na mahalaga sa akin ang kaniyang nakaraan, ang kaniyang mga paborito at pinakapinagpapahalagahan.Iisipin ko na lang na parang liligawan ko ulit ang asawa ko. Tutal, wala naman ding magandang ligawan na nangyari sa amin nung una, bigla na lang kasing ganoon, hindi ako nagin
Everett’s POVNang sumapit ang araw ng Linggo, bumangon ako nang maaga dahil excited ako sa pinaplano ko ngayong araw. Alam kong magiging espesyal ang araw na ito para kay Misha, at handang-handa akong gawing makabuluhan ang bawat sandali para sa kanya ngayong linggo.Sa mansiyon, habang lahat ay tahimik, sinimulan kong ihanda ang bawat detalye ng sorpresa ko para sa kaniya.Naisip ko ang mga kuwento ng kanyang mga magulang tungkol sa mga paboritong pagkain ni Misha noong bata pa siya—adobo, pakwan, at leche flan. Nang umagang iyon, hinanda ko na ang kusina. Gusto ko, ako mismo ang magluluto. Tamang-tama, pinag-day off ko muna ang private chef at ilan sa mga kasambahay namin.Kumpleto naman na ang lahat ng ingredients na kailangan ko. Kahapon, pina-ready ko na ‘yon sa mga kasambahay ko para iluluto at gagawin ko na lang.Pero dahil marami-rami ang gagawin ko, nagpatulong pa rin ako sa isang kasamabahay namin para mabilis ako.“Sir Everett, siguradong magugustuhan po ni Ma’am Misha ito
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d
Miro POVOras na para bumawi kay Ramil. Nanghingi siya ng tulong sa amin na kung maaari ay i-rescue na siya kasi nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya ngayon.Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan habang tahimik kami sa loob. Kasama ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Dapat, nagbabakasyon sila ngayon sa Palawan kasi matagal na nila itong na-book. Pero dahil nakatanggap kami ng problema, hindi ko na muna sila pinatuloy kasi baka maging maaga ang paggalaw ni Vic. Ayaw ko naman na wala sila kapag lumaban na ulit kami, parang kulang na kasi ako kapag wala sila. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag wala ang mga tito ko. Oo, may Samira akong matapang at matalino, pero iba pa rin talaga kapag may nakakatanda na nangangasiwa sa amin.Tanggap ko nang parang hindi ako mafia boss, oo, mas babagay ito kay Samira, pero wala na akong pakelam ngayon sa posisyon na iyon. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay matapos ang gulo, wala ng problema at dapat puro kasiyahan na lang.“We finally trac
Samira POVWala pa man ang gulong magiging dala ni Vic, pero ang balita tungkol sa pagbabalik niya ay sapat na para yanigin ang katahimikan ng lahat. Ngunit kahit na natatakot ang lahat, hindi kami puwedeng manatiling walang ginagawa. Walang nakakaalam kung ano ang mga kaya niyang gawin kaya halos parang nanganga pa kami.Sa totoo lang, hindi kami nahirapang pabagsakin si Don Vito, walang masyadong labanan na nangyari, kasi dito pala kami mapapasabak ng husto kay Vic. Pero sana, gaya nang pagbabagsak namin kay Don Vito, ganoon din kadali ang kay Vic.Kaya ngayon, dinala ko sina Mama Ada at Ahva sa garden ng mansiyon para simulan ang isang bagay na mahalaga naming gawin ngayon, at ito ay ang matuto na rin silang lumaban.“Okay, start with your stance,” sabi ko habang pinaposisyon ko si Ahva at Mama Ada. “Feet shoulder-width apart. Arms up. Chin down.”“Like this?” tanong ni Mama Ada, na medyo nag-aalangan habang tinaas ang dalawang kamay.“Yes, ganiyan nga. Pero relax lang po, Mama. Hi
Samira POVPawisan at halos humihingal kaming dalawa ni Miro matapas ang umaatikabong pagse-sëx. Galing si Miro sa isang event at tipsy ito nung umuwi. Pagpasok niya rito sa kuwarto namin, bigla na lang naglambing. Hanggang sa magtanggal na kami ng saplot at wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya na lang.Matutulog na dapat ako, pero biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa may nightstand. Mabilis ko iyong kinuha, akala ko ay notification lang mula sa social media, pero natigilan ako nang makita ang pangalan na naka-flash sa screen.Si Ramil, tumatawag. Nung una, inisip ko na baka ibang tao, baka may nakakuha lang ng phone niya. Pero nang sagutin ko ang tawag niya, doon na ako lalong nagulat.Buhay pa nga si Ramil.“Ramil?” mahinang tawag ko sa kaniya na halos pabulong lang.“Samira,” bulong rin niya mula sa kabilang linya at agad kong naramdaman ang takot sa boses niya. “Walang oras para magpaliwanag, pero nakatakas ako nung dakpin ako ng mga tauhan ni Don Vito nun. Nung hinahabol
Samira POVMaaga pa lang, tinawag na ako ni Mama Ada. Nagtaka naman ako kung anong kailangan niya. Nakakatawa kasi may gagawin sana kami ni Miro, pero dahil hindi naka-lock ang pinto at tinatawag ako ng isang kasambahay, nahinto tuloy. Pero mukhang mahalaga ang sasabihin niya kaya pinuntahan ko siya kahit kagigising ko palang.Pagkakita ko sa kaniya sa sala sa ibaba, sinalubong niya ako ng maganda niyang ngiti.“Samira, come with us today. Let’s do something fun,” sabi niya habang nakangiti at nakaayos na ang buhok. Kasama niya nun si Ahva, na sa wakas ay masaya na rin at palaging nakatawa.Napatango na lang ako, kahit may kinakabahan. Hindi ko kasi alam kung saan kami pupunta. Hindi na rin kasi ako nakapagtanong. Hindi ako sanay na isinasama nila sa mga ganitong lakarin. Pero habang tinitingnan ko ang ngiti ni Mama Ada, ramdam ko na tanggap na niya talaga ako. Hindi na ako outsider, kundi parte na ng pamilya nila.Nung magpaalam ako kay Miro, natuwa pa siya. Sinabi niya na magandang
Miro POVKapwa kami good mood ni Samira habang umiinom ng milktea, sakay kami ni Samira ng itim na van ko at papunta kami ngayon sa tinutuluyang mansiyon ng mga manang.Habang nasa biyahe, panay ang tingin ko kay Samira. Ang ganda niya sa ayos niya ngayon. Nakakatuwa kasi napag-trip-an siya ni Ahva na ayusan. Naka-light makeup siya, nakakulot ang buhok at naka-dress din. Napilit siya ni Ahva na maging ganito kahit ang totoo ay hindi siya sanay. Pero para sa akin, ibang Samira ang kasama ko. I mean, hindi naman sa sinasabi kong parang iba, maging ako kasi ay hindi makapaniwala na ganito siya kaganda at ka-sexy kapag nakabihis ng maganda at kapag nakaayos ang mukha at buhok. Nawala tuloy bigla ang pagiging assassin cool niya. Kumbaga, parang tanggal angas niya ngayon.Papunta kami ngayon sa mga manang kasi ngayong araw na namin ibibigay ang isang bilyong piso na pabuya sa kanila para sa pagkakahuli nila kay Don Vito. Napapailing pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko pa rin kasi lubos mai
Samira POVPagkagising ko kinabukasan, ramdam ko pa rin ang bigat ng pagod sa katawan ko dahil sa nangyari kagabi, pero mas nangingibabaw ang gaan sa dibdib ko. Sa wakas, ligtas na si Ahva, at si Don Vito naman ay nagpapahinog sa ospital at malapit-lapit na ring makulong na. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na matapang—kahit sa loob-loob ko ay halos gusto ko nang bumigay sa pagod at gutom kagabi.Paglabas ko ng kuwarto, dumiretso ako sa hallway. Doon, nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ng kabilang kuwarto ay lumabas si Mama Ada. Diretso niya akong nilapitan.“Samira, ija,” mahinahon ang boses niya, pero may lungkot at saya na halong-halo sa mga mata niya. Akala ko magtataray na naman siya, pero bigla niya akong niyakap. Hindi lang basta yakap—mahigpit pa ang ginawa niya at dama ko ang init ng pasasalamat niya.“Thank you, Samira. Thank you so much,” bulong niya habang bahagyang nanginginig ang boses niya. “I’m really, really sorry sa lahat ng naging ugali ko sa ‘yo. I was so w
Samira POVHindi pa man lubos na nakakabawi ang katawan ko, kailangan na namang maglakad. Nagdesisyon na kaming maghiwa-hiwalay ng landas sa gubat para mapabilis ang paghahanap kay Ahva. Bawat isa sa amin ay may hawak na radyo at may kasama ring dalawang sundalo para sa seguridad. Gusto ko na rin sanang matulog at mamahinga, pero kailangan pa ring lumaban at kawawa naman si Ahva kung hahayaan naming mag-isa sa gubat. Kung nakaligtas man siya sa kamay ni Don Vito, baka sa mga mamabangis na hayop dito, hindi siya makaligtas.“You okay po, Ma’am Samira?” tanong ng isa sa mga sundalong kasama ko. Tumango lang ako kahit nanghihina pa ako. Mabuti na lang at may dalang tubig sina Miro, kahit papaano ay may laman ang tiyan ko mula sa tinapay na isinabay ko sa pag-inom ng malamig na tubig habang naglalakad.Tahimik ang gubat habang naglalakad kami. Pero parang may ilog kaming naririnig sa hindi kalayuan. Ang flashlight na hawak ng mga sundalo ay tumatama sa mga punong kahoy at mga sanga, para