Everett’s POVDalawang araw na ang lumipas, pero ang pangyayaring iyon ay paulit-ulit na bumabalik sa isip ko, tulad ng isang pangitain na ayaw akong lubayan. Si Misha, ang asawa ko, hindi ko alam kung buhay pa ba o ano na, hindi ko kayang sabihin. Natatakot ako na baka nasa ilalim na ng ilog ang katawan niya. Hanggang ngayon, wala pa rin siyang bakas. Ganun din si Belladonna, na hanggang ngayon ay hindi rin nagpapakita matapos pukpukin ng kahoy ang asawa ko. Tila naglaho siya sa hangin. Hindi ko alam kung saan ko siya mahahanap o kung paano siya matutunton.Every time I feel the sadness creeping in, I dial Everisha’s number. Minsan na lang ako makausap ng anak namin ni Misha, pero ngayon siya lang ang nagiging comfort ko. Kapag naririnig ko ang boses niya, kahit paano, parang gumagaan ang pakiramdam ko. Nakakalimutan ko ang mga takot at pagsisisi—kahit sandali lang.Napapaisip ako. What if... this is all because of her? What if Tita Maloi is the one behind all of this?Malaki ang kut
Everett’s POVGabi na. Tahimik ang buong paligid maliban sa mga kuliglig at malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Walang bituin sa langit, parang binabalot ang mundo ng dilim, kagaya ng nararamdaman ko ngayon—walang kasiguraduhan, walang liwanag. Sa halos dalawang araw na lumipas, hindi ko matanggap na ito na ang nangyari. Hindi ko matanggap na wala pa rin si Misha. Hindi pa rin siya nakikita.Naglalakad ako papunta sa ilog. Ilang beses ko na itong dinaanan, paulit-ulit kong binalikan, umaasang may makikita akong palatandaan o kahit anong bakas. Ngunit ang gabi ngayon ay iba—mas madilim, mas malamig, mas masakit.Pagdating ko sa pampang ng ilog, naramdaman ko ang bigat ng buong mundo sa mga balikat ko. Tila may puwersa na humihila sa akin pababa, palapit sa tubig na parang nagmimistulang walang katapusan. Napaluhod ako sa putikang lupa, at doon, hindi ko na napigilan ang aking mga luha. Para akong bata, hindi ko na napigilan ang paghagulhol. Parang pinipiga ang puso ko,
Misha’s POVNagising akong may matinding kirot sa ulo. Parang hinahati ito ng isang mabigat na bagay. Pagmulat ng mata ko, napagtanto kong nasa isang malawak na kuwarto ako, napalilibutan ng puting mga dingding, may amoy ng antiseptiko. Nakakabit ang kamay ko sa isang dextrose at halos hindi ko magalaw dahil sa pagkalata ng katawan ko.Sa sulok ng aking paningin, naramdaman kong may benda ang aking ulo. Pumikit ako at pilit inaalala kung ano ang nangyari—ang huling bagay na naaalala ko ay ang pagpukpok ni Belladonna ng kahoy sa ulo ko... pagkatapos, wala na akong maalala.Maya maya, narinig ko ang mahinang tunog ng pinto. Bumukas ito, at pumasok ang isang lalaking hindi ko kilala. Matangkad siya, may kaakit-akit na postura, at agad kong napansin ang pormal niyang kasuotan. Sa unang tingin pa lang, alam kong mayaman siya; ang gupit ng kaniyang buhok, ang kinis ng kanyang balat, at ang kompyansang nakikita ko sa kanyang bawat galaw, lahat ay nagsasabi ng pagiging maykaya.Lumapit siya a
Misha’s POVPinilit kong ngumiti ng bahagya, pero alam kong hindi ito umabot sa mga mata ko. “It’s… complicated,” sagot ko, malungkot na napabuntong-hininga. “Let’s just say I needed to escape.”“An escape… I get that. Parang ako lang din pala.” Tumango siya at may lungkot din sa kanyang mga mata. “Sometimes we run away from things we can’t handle. But we can’t always run forever, can we?”Tiningnan ko siya, at sa sandaling iyon, alam kong pareho kami. Pareho kaming sugatan, parehong tumatakas. Hindi ko alam kung bakit, pero sa kabila ng lahat, nakaramdam ako ng kaunting aliw sa pagkakaalam na may ibang taong may parehong pinagdaraanan. Nagbukas siya ng pinto ng kanyang mga alaala, ngunit hindi ko siya hinusgahan. Parang may koneksyon kami na hindi ko maipaliwanag.“How about this—why don’t you stay here for a while? Give yourself time to recover,” mungkahi niya, at bakas sa boses niya ang pag-aalala. “You don’t need to go back to whatever it is just yet.”Hindi ko alam kung paano sas
Misha’s POVHalos hindi ako makapaniwala sa balita. Malinis na ang pangalan namin ni Cassian. Sa wakas, natapos na ang bangungot na ito. Parang gustong sumabog ng puso ko sa tuwa habang naglalakad papunta kay Ayson. Siya at ang mga tauhan niya ang nagpakahirap upang magkaroon ako ng balita sa nangyayari sa asawa ko, at hindi ko matutumbasan ng anumang pasasalamat ang ginawa nila para makasagap ako ng balita.Nito ko lang din nalaman na si Ayson pala ang may-ari ng mga malalaking mall dito sa loob at labas ng Pilipinas. Bilyonaryong tao pala itong tumulong sa akin.Suwerte pa rin ako kasi isang mabait na tao ang tumutulong sa akin. At ramdam ko naman na mapagkakatiwalaan si Ayson.Nang makita ko siya, agad kong sinabi, “Thank you, Ayson. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan.”Tumango lang siya, simpleng ngiti ang isinukli, pero alam kong alam niya kung gaano ito kahalaga para sa akin.Ngunit kahit gusto ko nang umuwi, may nag-udyok sa akin na manatili pa nang mas matagal. Ayokon
Misha’s POVTahimik akong nakaupo sa tabi ni Ayson habang dinaraanan ng sasakyan namin ang malamig at mahamog na kalsada ng Tagaytay. Hindi ko alam kung anong binabalak niya, pero sanay na ako sa biglaang pag-aaya niya. Mula sa gilid ng mga mata ko, pansin kong may ngiting hindi maipinta sa mukha niya, tila may tinatago.“Where are we going exactly?” tanong ko, hindi maitagong curiosity.“You’ll see,” sagot niya na may halong excitement ang boses.Habang nakatingin ako sa hamog at sa mga magagandang tanawin dito, naisip ko bigla si Everisha. Alam ko, miss na miss na rin ako ng anak ko. Pero para sa pinaghahandaan kong malaking laban, magtitiis muna ako. Alam ko namang na pagkatapos ng mga gulong ‘to, magkakasama kami ng buo ulit. Isu-sure ko ‘yan.“Dapat nag-training na lang ulit ako,” sabi ko sa kaniya. Kapag kasi ganitong gala ang pupuntahan, mas nami-miss ko ang pamilya ko. Si Everett at si Everisha.“Masaya ito, huwag kang mag-alala. Sure akong matutuwa ka rin sa huli,” sagot na l
Everett’s POVHindi ko alam kung paano nagsimula ang gabing ito. Marahil isa lamang ito sa mga pagkakataong napag-trip-an kong suriin ang CCTV footage para lamang tiyaking ligtas ang paligid ng bahay ko, lalo’t malamig ang gabi at tahimik ang bawat sulok ng kabahayan. Pero hindi ko inasahan ang tumambad sa harap ko ngayon.Nakanganga akong nakatitig sa monitor, halos hindi ako makahinga. Paulit-ulit kong pinindot ang rewind button para muling pagmasdan ang bawat detalye. Isang pigura na naka-jacket at naka-cap. Sa unang tingin, ordinaryo lamang ito, para bang isang tao lang na naglalakad sa tapat ng bahay ko. Pero sa ikalawa at ikatlong ulit ng pagtingin ko, unti-unti nang sumiklab ang isang kilabot sa puso ko.Siya iyon. Kilala ko siya. Kahit pa nakatago ang mukha niya sa ilalim ng cap, alam ko. Alam ko kung paano siya lumakad, kung paano tumingin sa paligid bago magpatuloy sa paglakad. Bawat galaw niya, bawat kumpas ng kaniyang katawan, nagsasabing siya iyon. Si Misha. Ang asawa kon
Misha’s POVSinigurado kong nakaayos ang buo kong katawan at nakasuot ako ng tamang gear. Ang silid ay malamlam ang ilaw, tila idinisenyo para magbigay ng konting kaba bago pumasok. Pagkabukas ng pinto, natanaw ko si Ayson. Nakasandal siya sa mesa na puno ng iba’t ibang klase ng baril—mga handgun, shotgun, rifle, at maging ang mga high-caliber sniper. Ang presensya niya pa lang, parang bumibigat na ang hangin. Matalim ang mga mata niya, parang walang ibang layunin kundi ang maging pinakamahusay ako sa larangang ito.“Ready?” tanong niya habang mababa ang tono ng pagsasalita at diretso sa punto.Tumango naman ako. “Always.”Kinuha niya ang unang baril—isang Glock 19. Simple at compact, pero may dating. Lumapit siya sa akin at ipinaliwanag nang detalyado ang mga parte nito habang hawak ko sa mga palad ko ang malamig na bakal.“First rule: Keep your finger off the trigger until you’re ready to shoot,” sabi niya ng diretsyo at walang paligoy-ligoy.Tumango ako habang nakatuon ang lahat ng
Czedric POVAng hapon ay punong-puno ng tensyon sa villa nila Everisha. Sa pagdating ni Marco, bitbit ang bagong balita tungkol kay Raegan at Jonas, ramdam ko na parang bumigat pa ang sitwasyon. Habang nakaupo kami sa malaking mesa sa sala, inilatag ni Marco ang bawat detalye ng kanyang nalaman."Raegan's men are growing in number," sabi ni Marco, seryoso ang mukha habang iniisa-isa ang impormasyon na nasagap niya. "They’re no longer just fifty. There are seventy assassins being trained in one of their hideouts. If we wait too long, they’ll be unstoppable."Napatingin ako kay Marco habang ramdam ang bigat ng binitawan niyang balita. Alam kong tama siya. Hindi puwedeng patagalin pa ang sitwasyong ito. Kailangan nang madaliin ang lahat kasi masyado nang marami ang nadadamay.“Kailangan natin silang sugurin bago pa sila maging mas malakas,” sabi ni Edric na malalim ang boses niya na tila ba naghahanda na para sa laban.Napatingin kami kay Tito Everett at sa kanyang asawa. Alam naming lah
Czedric POVSa paglapit ko sa gate ng villa, damang-dama ko ang kaba sa aking dibdib. Ang pamilyang Tani—sina Everisha, ang kanyang mga magulang, at isa pang lalaking hindi ko pa kilala—ay nakatayo sa may pintuan, halatang inaabangan ang pagdating ko. Ang kanilang mga ngiti ay tila isang malugod na pagtanggap sa akin, pero may kung anong kakaiba sa presensya ng lalaking kasama nila.Habang papalapit ako, mas nagiging malinaw ang mga detalye ng mukha niya. Bigla akong napatigil sa paglalakad. Tumigil din ang mundo ko sa isang iglap. Ang mga mata niya, ang kanyang postura at ang kanyang ekspresyon—parang pamilyar lahat ng iyon sa akin.“Edric?” mahinang tanong ko na halos hindi ko marinig ang sarili ko.Hindi siya sumagot agad. Sa halip, tumitig siya sa akin, na parang iniisip kung dapat ba niyang kumpirmahin ang hinala ko.Nang makita ko siyang bahagyang tumango, parang may kung anong sumabog sa loob ng dibdib ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ang mga luha ko ay kusang bumagsak
Czedric POVPagmulat ko ng mata, ramdam ko ang katahimikan sa buong paligid. Ang tunog ng mga ibon sa labas ng bintana ang nagsilbing alarm clock ko, at ang malamig na hangin ng umaga ang bumati sa akin. Nasa farm pa rin ako, at tulad ng dati, tila ang kalikasan ang nagbibigay ng sigla sa akin tuwing umaga.Agad akong bumangon mula sa simpleng banig na inilatag ko kagabi. Sa pagtingin ko sa paligid, napansin kong wala na si Marco. May iniwan siyang sulat sa lamesa na agad kong binuksan.Czedric,Maaga akong umalis. Pinatawag kami ni Raegan. Kailangan kong pumunta para mangalap ng impormasyon. Bantayan mo ang sarili mo habang wala ako. Balik ako agad kapag may nakuha akong balita.—MarcoNapabuntong-hininga ako matapos basahin ang sulat. “That guy never rests,” bulong ko sa sarili ko.Bagama’t sanay na akong mag-isa, iba pa rin ang pakiramdam na wala si Marco sa paligid. Isa siya sa mga pinakakatiwalaan kong tao, at alam kong malaki ang ginagampanan niyang papel sa laban namin.Dahil w
Everisha POVPaglapag ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport, ramdam ko agad ang tensyon sa paligid. Kahit nasa loob pa lang kami ng airport, alam kong bawat galaw namin ay kailangang maingat. Masyadong mataas ang panganib na makita kami ng mga tauhan ni Raegan o ng mga koneksyon niya. Hindi sa naduduwag kami, ayaw lang namin na magkaroon ng gulo sa airport.“Stay close,” bulong ni papa Everett, habang inayos niya ang kanyang sumbrero. Naka-disguise kami lahat—sumbrero, sunglasses, at mask ang suot naming apat. Si mama Misha ay nakasuot ng plain na hoodie at naka-cap, habang si Edric naman ay halos hindi na makilala sa balbas at faux glasses na suot niya.Tiningnan ko si Edric. Halata sa kanya ang pagod pero nananatili siyang alerto. Excited na talaga siyang makita ang kapatid niya. Pati tuloy ako ay nae-excite na kung anong magiging reaction kapag nagkita na sila.Paglabas namin ng airport, huminga ako nang malalim kahit natatakpan ng mask ang mukha ko.“Saan na po tayo pu
Czedric POVTahimik ang gabi nang magsimula kaming magplano ni Marco. Galit na galit pa rin ako sa paninira ni Raegan sa Pamilyang Tani kaya lalo akong gagawa ng ingay para matakot na siya.Ang liwanag ng buwan ay bahagyang naglalagos sa makapal na ulap, tila isang paalala na kahit gaano kadilim ang paligid, may pag-asa pa rin. Nasa harapan namin ang isang mapa ng Batangas, nilalatagan ng mga marka ni Marco gamit ang pulang tinta.“This is the hacienda,” sabi niya habang tinuturo ang isang lugar sa mapa. “Raegan’s men are training here. Most of them are ex-convicts. He paid their way out of prison.”Napakuyom ako ng kamao. Ang galit ko kay Raegan ay mas lalong lumalim kasi naghahakot pa talaga siya ng mga kapwa niya criminal. “We need to stop them. They’re a danger to everyone.”“Exactly,” sagot ni Marco habang nag-aayos ng kanyang mga gamit. “We’ll hit them hard and fast. No one gets out.”Tumingin ako sa kanya. “Sigurado ka bang handa ka para dito?”Ngumiti siya ng bahagya. “Czedric
Everisha POVNakatanaw ako sa malawak na tanawin ng South Korea mula sa isang maliit na burol. Ang hangin ay malamig at malinis tulad ng dati, puno ng sariwang amoy ng mga puno at damo. Kasama ko si Edric, ang kapatid ni Czedric, na ngayo’y tumuturo sa maliliit na kabahayan sa paanan ng burol.“This place,” sabi niya habang nakangiti, “was one of my favorite spots when I first moved here. Quiet, hidden, and away from the crowd.”Napangiti ako. “I can see why you love it here. It's beautiful and peaceful.”“South Korea has so many hidden gems,” sagot niya. “Places like this remind me of home, in a way. Simple, but meaningful.”Habang binabaybay namin ang maliliit na daanan sa likod ng burol, nakarating kami sa isang maliit na nayon na halos wala ni isang turista. Ang mga bahay ay tradisyunal, gawa sa kahoy at may mga palamuti sa harap ng bawat pinto.“Everisha, this is one of the places tourists never visit,” sabi ni Edric. “They’re too busy with the big cities and popular spots. But
Czedric POVSa kalagitnaan ng gabi, halos mapuno ng tawa ni Marco ang lumang kubo sa gitna ng farm. Nakabukas ang isang bote ng alak sa lamesa, kasama ng ilang baso na puno pa. Ako naman, tahimik lang na nakaupo habang hawak ang baso ko, nakatitig sa malayo. Pero habang tumatagal, hindi ko na rin napigilan ang damdamin ko.“Marco,” sabi ko, sabay lagok ng alak, “kailan ko ba ulit makikita si Everisha? Kailan ko ulit makakasama ang nag-iisang babaeng mahal ko?”Tumawa siya nang malakas na halos mabitiwan ang baso niya. “Czedric, you’re hopeless!” biro niya. “Parang bata na nawalay sa nanay! Ang drama mo, bro!”Hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Hindi ko na nga iniintindi kung anong sasabihin niya. Ang totoo, parang may bumabagabag sa puso ko. “I miss her, Marco,” sabi ko na halos hindi makatingin sa kanya. “I miss her so much it hurts.”“Alam mo, pre,” sabi ni Marco habang nilalagok ang natitirang alak sa baso niya, “kung ganyan ka nang ganyan, hindi mo maibabalik si Everisha. Stop cryin
Everisha POVNakatayo ako sa malaking sala ng mansiyon namin habang hinihintay ang pagdating ni Papa. Kanina pa ako kinakabahan mula nang sabihin ni Edric na gusto niyang makilala ang mga magulang ko. Hindi ko rin alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila ang lahat.Nang marinig ko ang tunog ng kotse sa driveway, tila tumigil ang mundo ko. Bumukas ang pinto, at pumasok si Papa, kasunod si Mama na sumundo sa kaniya sa airport. Pareho silang elegante sa suot nilang mga damit, pero kita sa mga mata nila ang pagod mula sa biyahe.“Everisha, we're here,” sabi ni Papa na binibigyan ako ng ngiti, pero alam kong gusto niyang malaman agad kung bakit ko siya pinatawag.“Papa, Mama, may gusto po akong ipakilala sa inyo,” sabi ko habang pilit nilalabanan ang kaba. Nilingon ko si Edric na tahimik na nakaupo sa isang sofa sa gilid. Tumayo siya nang makita ang mga magulang ko at maayos na tumango bilang pagbati.“This is Edric,” sabi ko habang itinuro siya. “Kapatid po siya ni Czedric.”Nanlaki ang
Czedric POVMadilim ang gabi. Napakatahimik, kaya sa bawat hakbang ko, pinipilit kong hindi makagawa ng ingay kasi kung hindi ay patay ako. Bitbit ko ang mga armas ko at ang determinasyon na wakasan ang paghahasik ng lagim ni Jonas. Nasa akin na ang impormasyon mula kay Marco—isang tagong property na madalas daw puntahan ni Jonas. Dito raw siya nagpapakasasa, malayo sa mga mata ng mga taong kilala siya.Walang buwan ngayong gabi, ngunit sapat na ang liwanag mula sa mga ilaw ng resort para makita ko ang bawat detalye. Palihim akong pumasok sa likod ng property, dumaan sa isang sirang bakod na malapit sa pool area. Walang security na pumigil sa akin; masyadong kampante ang lugar na ito, marahil dahil tago at pribado. Isang pagkakamali nila iyon na alam kong mapapakinabangan ko.Habang nakatago ako sa likod ng isang makapal na halaman, narinig ko ang mahinang hagikhikan mula sa swimming pool. Dinungaw ko ito, at doon ko nakita si Jonas, nakaupo sa gilid ng pool, basang-basa ang katawan a