Misha’s POVPagkatapos ng isang mahabang araw ko sa trabaho, diretso agad ako sa condo ni Everett. Alam kong hindi niya inaasahan ang pagdating ko, pero wala na akong pakialam. Matagal ko na siyang hindi nakikita, at ang tanging gusto ko lang ay makita siya at makausap. Miss na miss ko na talaga siya. Ang huling kita ko pa sa kaniya ay ‘yung umuwi siyang lasing at sa guest room natulog. Siguro, apat na araw na ata ang lumilipas na wala manlang siyang reply sa mga message ko.Hinawi ko ang buhok ko bago pinindot ang passcode sa pintuan ng condo ni Everett. Isa lang ang naisip ko: sa condo na ito nagtatago si Everett sa tuwing ayaw niyang umuwi sa bahay namin, sa tuwing nais niyang mag-isa. At sa kabila ng lahat, sa bawat pagpasok ko rito, laging may kirot sa puso ko.Pagbukas ng pinto, bumungad agad sa akin ang amoy ng alak at usok. Napangiwi ako. Sa dilim ng kuwarto, tila lumilitaw ang bawat alikabok sa mga sahig at kasangkapan. Hindi ko maintindihan kung paano nagawa ni Everett pabay
Misha’s POVHabang nakaupo ako sa gilid ng kama, pinahid ko ang luha sa mga pisngi ko. Alam kong hindi ito ang tamang oras para umiyak at magpakalunod sa lungkot. Kailangan kong kumilos, kahit na kaunti lang ang magagawa ko. Puno ng kalat ang condo, pero sa tingin ko, ang maliit na pagbabago sa paligid ay makakatulong sa kaniya.Bumangon ako at pumunta sa kusina. Una kong inisa-isa ang mga bote ng alak na nakakalat sa lamesa. Inipon ko ang mga ito, tinitingnang mabuti kung may laman pa ba o ubos na ang lahat. Tila baga hinahanap ni Everett ang kaligayahan sa ilalim ng mga baso ng alak, pero ang masakit ay alam kong ito ang paraan niya ng pagtakas sa sakit ng aming relasyon. Sa bawat bote na inilalagay ko sa basurahan, para bang nagtatanggal din ako ng bigat sa puso ko.Sunod kong pinulot ang mga basong may natuyong yelo at mga mumo ng pagkain na nakakalat sa buong mesa. Pinaikot ko ang mga baso sa ilalim ng gripo, hinuhugasan ito nang mabuti habang inaalala ang mga gabing magkasama kam
Misha’s POVTumakbo ako nang tumakbo, hindi ko na iniisip kung saan ako mapapadpad. Naririnig ko ang mga sigaw ng mga bodyguard ko sa likod, pati ang boses ng driver ko, pero hindi ko na pinansin. Gusto ko lang makalayo, gusto ko lang mawala.Hindi ko alam kung gaano na katagal akong tumatakbo, pero nang huminto ako, nakita ko na lang ang sarili ko sa gilid ng isang ilog. Tahimik ang paligid, wala ni isa mang ingay—tanging tunog ng agos ng tubig ang naririnig ko. Doon ako napaupo at sa wakas, parang gumuho ang lahat ng pinipigil kong damdamin. Umiyak ako nang malakas, walang pakialam kung may makarinig man.“Everett…” bulong ko sa sarili ko, pero puno ng galit at hinanakit ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko lubos akalaing darating ang araw na siya pa mismo ang makakapanakit sa akin nang ganito. Siya pa ang may kasamang iba at sa harap ko pa mismo niya ginawa iyon. Galit na galit ako. Pakiramdam ko, sasabog ako sa sakit.Bakit? Bakit hindi niya ako pinakinggan? Sinubukan
Everett’s POVNakasalampak ako sa sofa, pilit na pinuproseso ang nangyari. Parang nagising ako mula sa isang bangungot, pero ang masakit, totoo ang lahat ng iyon.Lasing ako kagabi. Hindi ko matandaan ang bawat detalye, pero isang bagay ang malinaw: nakita ko si Misha sa pinto ng condo namin, at ang sakit na nakita ko sa mga mata niya… hindi ko iyon malilimutan. Gusto kong habulin siya, tawagin, ipaliwanag na walang dapat siyang ipag-alala kay Maddison—pero hindi ako nakakilos. Sobrang hilo ko pa at parang dinudurog ang puso ko sa sobrang guilt.Napatingin ako sa paligid ng condo, at kahit papaano, naramdaman kong lumuwag nang bahagya ang dibdib ko. Ang linis ng buong lugar—kahit saan ko ibaling ang tingin ko, kitang-kita ang effort ni Misha. Ang bango-bango ng condo. Nawala ang lahat ng kalat, at sa dining table, may nakahandang pagkain para sa akin. Alam ko ka agad na si Misha ang may gawa nito. Si Misha na asawa ko, ang mahal kong asawa na sinaktan ko ng hindi sinasadya.Pumikit ak
Everett’s POVNakatayo ako sa harap ng mga tauhan kong nag-aalala, ang aking puso ay kumakalabog na tila gusto nang tumakas mula sa aking dibdib. Tinawag ko silang lahat para maghanap kay Misha. Masyado na akong natatakot ngayong wala pa ring katiyakan kung nasaan na ba siya. Kailangan kong malaman kung saan siya tumakbo, at wala akong ibang naiisip kundi ang makuha ang lahat ng impormasyon na posible.“Find her! We need to find my wife!” sigaw ko sa kanila habang ang boses ko ay puno ng pagkabahala. “Check every corner of the city o kahit pati na rin ang maliliit na town. Ask anyone who might have seen her!”Nagmamadali ang bawat isa, ngunit ako’y hindi makagalaw. Naramdaman ko ang bigat sa aking dibdib habang nag-iisip kung saan nga ba siya nagpunta. Lumapit ako sa opisina ng mga awtoridad, umaasa na makakuha ng anumang CCTV footage na makatutulong sa paghahanap sa kanya.Pagkaraan ng ilang minuto, umupo ako sa isang sulok, ang kamay ko ay nanginginig sa paghihintay. Bawat saglit ay
Everett’s POVDalawang araw na ang lumipas, pero ang pangyayaring iyon ay paulit-ulit na bumabalik sa isip ko, tulad ng isang pangitain na ayaw akong lubayan. Si Misha, ang asawa ko, hindi ko alam kung buhay pa ba o ano na, hindi ko kayang sabihin. Natatakot ako na baka nasa ilalim na ng ilog ang katawan niya. Hanggang ngayon, wala pa rin siyang bakas. Ganun din si Belladonna, na hanggang ngayon ay hindi rin nagpapakita matapos pukpukin ng kahoy ang asawa ko. Tila naglaho siya sa hangin. Hindi ko alam kung saan ko siya mahahanap o kung paano siya matutunton.Every time I feel the sadness creeping in, I dial Everisha’s number. Minsan na lang ako makausap ng anak namin ni Misha, pero ngayon siya lang ang nagiging comfort ko. Kapag naririnig ko ang boses niya, kahit paano, parang gumagaan ang pakiramdam ko. Nakakalimutan ko ang mga takot at pagsisisi—kahit sandali lang.Napapaisip ako. What if... this is all because of her? What if Tita Maloi is the one behind all of this?Malaki ang kut
Everett’s POVGabi na. Tahimik ang buong paligid maliban sa mga kuliglig at malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Walang bituin sa langit, parang binabalot ang mundo ng dilim, kagaya ng nararamdaman ko ngayon—walang kasiguraduhan, walang liwanag. Sa halos dalawang araw na lumipas, hindi ko matanggap na ito na ang nangyari. Hindi ko matanggap na wala pa rin si Misha. Hindi pa rin siya nakikita.Naglalakad ako papunta sa ilog. Ilang beses ko na itong dinaanan, paulit-ulit kong binalikan, umaasang may makikita akong palatandaan o kahit anong bakas. Ngunit ang gabi ngayon ay iba—mas madilim, mas malamig, mas masakit.Pagdating ko sa pampang ng ilog, naramdaman ko ang bigat ng buong mundo sa mga balikat ko. Tila may puwersa na humihila sa akin pababa, palapit sa tubig na parang nagmimistulang walang katapusan. Napaluhod ako sa putikang lupa, at doon, hindi ko na napigilan ang aking mga luha. Para akong bata, hindi ko na napigilan ang paghagulhol. Parang pinipiga ang puso ko,
Misha’s POVNagising akong may matinding kirot sa ulo. Parang hinahati ito ng isang mabigat na bagay. Pagmulat ng mata ko, napagtanto kong nasa isang malawak na kuwarto ako, napalilibutan ng puting mga dingding, may amoy ng antiseptiko. Nakakabit ang kamay ko sa isang dextrose at halos hindi ko magalaw dahil sa pagkalata ng katawan ko.Sa sulok ng aking paningin, naramdaman kong may benda ang aking ulo. Pumikit ako at pilit inaalala kung ano ang nangyari—ang huling bagay na naaalala ko ay ang pagpukpok ni Belladonna ng kahoy sa ulo ko... pagkatapos, wala na akong maalala.Maya maya, narinig ko ang mahinang tunog ng pinto. Bumukas ito, at pumasok ang isang lalaking hindi ko kilala. Matangkad siya, may kaakit-akit na postura, at agad kong napansin ang pormal niyang kasuotan. Sa unang tingin pa lang, alam kong mayaman siya; ang gupit ng kaniyang buhok, ang kinis ng kanyang balat, at ang kompyansang nakikita ko sa kanyang bawat galaw, lahat ay nagsasabi ng pagiging maykaya.Lumapit siya a
Mishon POVSa unang beses na marinig ko ang boses ni Miro na nanginginig habang nagsusumbong, ramdam kong may bumalot na apoy sa dibdib ko. Walang nananakit sa amin kay Miro, kaya hindi ko nagustuhan nang marinig kong magsumbong siya sa akin.“Papa, some of my schoolmates... they keep saying I’m adopted by a famous fashion model. They make fun of me. Sometimes, they even push me. It’s not just one or two of them... there are a lot.”Tinignan ko ang siko niya, may gasgas at sugat siya sa siko. Dahil siguro sa pagtulak sa kaniya tapos nabuwal siya sa lupaan. Nakita ko rin na malibag ang suot niyang uniform, tapos ang bag niya, sira-sira na tila ginunting. Mukhang pinagkakatuwaan nila ng husto ang anak ko, hindi manlang inisip kung sino ang kinakalaban nila.Nanlilisik ang mga mata ko habang pinipigilan ko ang galit. Hindi ko mawari kung paano nagkaroon ng lakas ng loob ang mga batang iyon para saktan ang anak ko. Hindi ba nila kilala si Miro. Kung nabubuhay lang si Raya, baka kahit mga
Ada POVHindi madaling panoorin ang isang batang tulad ni Miro na dahan-dahang nilalamon ng lungkot. Simula nang mawala si Raya, halos hindi na siya makausap nang maayos. Hindi na siya sumasama sa amin kapag lumalabas para mag-enjoy. Mas pinipili niyang manatili sa loob ng kaniyang kuwarto, nagbabasa ng libro o di kaya’y nanonood ng action movies na hindi ko alam kung bakit niya kinahiligan bigla.Minsan, sinusubukan ko siyang kausapin habang kumakain kami ng hapunan.“Miro, sweetheart, do you want to go to the amusement park this weekend?” tanong ko habang sinasalinan ko ng juice ang kaniyang baso.Umiling lang siya, hindi man lang tumingin sa akin. “I have a book to finish po, e,” maikli niyang sagot. ‘Yung mga new book na binabasa niya ay about palagi sa assassin, basta puro action, ganoon.Napatingin ako kay Mishon, na tahimik lang din at hinahayaan si Miro sa gusto nito. Pero hindi ko kaya. Alam kong hindi ito ang Miro na kilala namin noon, masayahin, palabiro at palaging puno ng
Mishon POVHumahangos akong pumasok sa ospital, habang kumakabog ang dibdib ko. Para akong nawalan ng pandinig sa lahat ng ingay sa paligid, ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay si Miro. Ang anak kong si Miro na nasa loob ng isang silid, sugatan, dahil sa kagagawan ng mga taong walang awang nagpaputok ng baril sa sasakyan nila ng mama niyang Raya.Pero matagal ko nang naisip na may chance na mangyari ito dahil nga isang mafia boss itong mama ni Miro. At naisip ko rin na sobrang delikado na kasama ni Raya si Miro kapag lalabas siya. At heto na nga, nagkatotoo na ang kinakatakot kong mangyari.Pagdating ko sa reception, mabilis kong kinausap ang nurse. “Where is my son? Where is Miro Tani?’The nurse quickly scanned her clipboard and nodded. “Room 307, sir. He is stable now. The doctor has already cleaned his wound.”Hindi na ako naghintay ng kahit isang segundo. Tinakbo ko ang hallway papunta sa kuwarto ni Miro. Halos masunggo ko nga ang mga taong nakakasalubong ko, humingi na lang
Ada POVMakalipas ang isang taon, tila hindi ko na namalayan kung gaano kabilis lumipas ang panahon. Isang taon na pala ang lumipas mula nang isilang ko si Ahvi at sa loob ng panahong iyon, nagawa ko rin ang isang bagay na matagal ko nang gustong gawin, ang magtayo ng sariling pizza company.“Are you really going to be the face of your own brand?” tanong ni Verena habang nakaupo sa isang itim na leather couch sa opisina ko.I smiled, taking a sip of my espresso. “Of course. Who else would it be? If you want your brand to stand out, you have to make it personal.”“Well, you are an international supermodel. People will definitely buy anything with your face on it.” Yanna smirked as she flipped through a magazine featuring an ad for my pizza company, where I was holding a slice of pizza, my signature confident pose on full display.Sa loob ng isang taon, napalago ko ang business ko mula sa isang simpleng pizza shop patungo sa isang napakalaking pizza company. Ang sikat na pangalan ko bil
Ada POVSa wakas, makakauwi na rin kami sa mansiyon. Mabuti na lang din at last day gala na namin sa Bicol nung manganak ako. Habang yakap-yakap ko si Ahvi sa loob ng eroplano, hindi ko mapigilang mapangiti. Ang liit-liit niya, napakaganda at napakapayapa ng mukha nito habang natutulog sa bisig ko. Si Mishon naman ay nasa tabi ko, hindi pa rin makapaniwalang may anak na kami. Katabi niya rin ang anak niyang si Miro. Kung titignan tuloy ay para kaming isang buong masayang pamilya na galing sa masayang galaan.“Are you okay, love?” tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko.I smiled at him, though I still felt exhausted. “I’m more than okay. I’m finally taking our little princess home.”Pagkalapag ng eroplano, sinalubong kami agad ng private cars namin na maghahatid sa mansiyon. Wala pang isang oras, narating na namin ang bahay at halos mapaluha ako sa nakita ko. Isang napakalaking banner ang nakasabit sa harap ng mansiyon na may nakasulat na…Welcome home, Mommy Ada & Baby Ahvi. Napakar
Mishon POVSa loob ng ilang buwan, pabalik-balik ako sa Pilipinas at Paris para sa wine company ko na ngayon ay patuloy na lumalakas ang kita at patuloy na nagpapakilala sa buong mundo. Lahat ng farm ko sa Pilipinas, halos sabay-sabay at sunod-sunod na namumunga kaya naman hindi na kami nauubusan ng ubas na ginagamit para sa wine ko. Ang gandahan pala sa maraming farm, ikaw ang magsasawang gumawa ng maraming wine kasi ang dami palaging harvest. Kaya pati rito sa Pilipinas, tuloy-tuloy na rin ang paggawa ng mga wine.Napakasaya na madalas na akong mag-guest sa mga tv show na about sa business, madalas din pag-usapan sa social media ang wine ko kasi kada buwan, iba’t ibang sikat na model o artista ang kasama sa commercial, at iyon ang paraan ko para lalong pasikatin ang Tani Wine company ko.Ngayon, nasa Bicol kami kasi nag-aya si Ada na gusto niya raw makita ang bulkang mayon. Ayoko nga sana kasi takot ako sa mga kalamidad, lalo na sa mga pumuputok na bulkan. Pero imbis na ang mayon an
Ada POVPagkatapos ng engrandeng kasal namin ni Mishon, agad kaming lumipad patungong Italy para sa aming bonggang honeymoon. Isang oras lang naming pinagplanuhan ito at dahil pareho naming gustong maranasan ang pinakamagandang honeymoon sa buhay namin, pinili namin ang Italy.Kinabukasan, pagkatapos ng kasal, lumakad na agad kami. Kaya naman pagdating namin sa Rome, tumuloy kami sa isang sikat at magandang hotel na tanaw ang Colosseum. Napakalawak ng aming suite, may floor-to-ceiling windows, bonggang chandeliers at isang private terrace na may panoramic view ng city.“Woah! This view is breathtaking,” bulong ko kay Mishon habang hinahaplos ko ang braso niya.“Not as breathtaking as you, Mrs. Tani,” sagot niya bago ako hinalikan sa noo.Today, nagpahinga lang muna kami dahil napagod kami sa kasal at sa mismong paggayaka kasi ura-urada ang pag-alis namin, saka isang oras lang talaga naming pinag-usapan na dito sa Italy mag-honeymoon. Dapat nga ay wala kasi nasa Pilipinas naman kami, m
Ada POVPagkatapos ng engrandeng seremonya sa simbahan, dire-diretso na ang buong entourage patungo sa aming reception. Dalawang venue ang inihanda namin ni Mishon, isa para sa mga fans ko sa isang five-star hotel event area, at ang pangunahing pagtitipon naman ay magaganap sa napakalawak na garden ng aming mansiyon.Sa loob ng sasakyan, abala ang wedding coordinator sa pag-update sa akin. “Everything is set, Ma’am Ada. Your fans are already at the hotel, waiting for the program to start. The media is covering both venues, and the main reception at the mansion is absolutely breathtaking.”“That’s good to hear,” sagot ko habang abala ako sa pagtingin sa labas ng kotse. Mula sa tinted na bintana ng sasakyan, tanaw ko ang ilang helicopter sa ere, may mga drone at TV network choppers, nagsasahimpapawid ng live coverage ng aming kasal sa buong bansa.Bongga kasi ang mga TV network ay pinaghandaan ang kasal naming ito.**Pagdating namin sa manisyon, naghihintay na roon ang lahat ng bisita
Mishon POVNang bumukas ang malalaking pinto ng simbahan, bumilis ang tibok ng puso ko. Lahat ng tao sa loob ay napatigil at kahit ang live coverage sa TV ay tila nag-focus lang sa isang eksena, ang pagpasok ni Ada.Nakatayo ako sa harap ng altar, habang unti-unti nang napapaluha dahil sa tuwa. Grabe, parang noon lang ay tagahanga niya lang ako sa malayo, tapos ang ending, sa akin pala ikakasal ang isa sa pinakasikat na fashion model sa buong mundo.Ang simbahan ay puno ng puting bulaklak na galing sa atok, benguet, doon ito in-order ni Ada nung nakaraang araw lang. Tapos, ang bawat upuan ay may nakalagay na engraved nameplates para sa mga VIP guests. Hindi ito basta kasal lang kasi ito ay isang engrandeng seremonya na tinitingala ng buong bansa. Iyon ang sabi ni Ada at naniniwala naman ako kasi hindi lang bastang normal na tao si Ada, kilala siya ng maraming tao, kilala siya ng buong mundo.Bumukas ang pinto at doon siya lumabas.Si Ada.Ang babaeng pakakasalan ko ngayon.Suot niya