Home / Romance / Seducing My Hot Ninong Everett / Chapter 161 - Chapter 170

All Chapters of Seducing My Hot Ninong Everett: Chapter 161 - Chapter 170

464 Chapters

0161: I like Ate Trixie better

Misha’s POVPagpasok namin sa mall, ramdam ko agad ang kasiyahan ni Everisha kasi alam niyang makakagala na naman siya. Pangako ko kasi sa kaniya na oras na gumaling siya sa sakit niya ay igagala ko ulit siya sa mall. Kaya ngayong magaling na siya, tutuparin ko na ang pangako ko sa kaniya. Kasama ko si Belladonna, suot niya ang kaniyang simple ngunit eleganteng puting dress, habang ako naman ay naka maong at blouse—tipikal na pang-araw-araw na suot ko kapag kasama si Everisha. Hindi naman kami magtatagal, ilang mga kailangan lang para sa anak ko ang bibilhin ko, at gusto ko rin bigyan si Belladonna ng pagkakataong maging mas malapit kay Everisha.Mabuti nga at puwede ngayong araw si Belladonna kahit ang dapat ay mamahinga na lang siya sa bahay kasi walang pasok.Si Everisha naman, nakahawak sa aking kamay, ay parang nahihiya o mailap kay Belladonna. Napansin ko ang mga tingin niyang patago kay Belladonna, na parang may kung anong iniisip na hindi ko magawang hulaan. Pansin ko na iyon
last updateLast Updated : 2024-10-21
Read more

0162: I like Ate Trixie better II

Misha’s POVHabang naglalakad kami palabas ng mall, nagpasya akong kausapin si Everisha ng masinsinan. “Everisha, why don’t you like Belladonna? She’s really nice, anak.” Kahit paulit-ulit na ako, gusto kong maging okay sila.Ngunit nanatiling tikom ang bibig ni Everisha, at tiningnan ako ng may kakaibang ekspresyon. Hindi siya sumagot agad, kaya naghintay ako. Nang makita niyang hindi ako aalis hangga’t hindi siya nagsasalita, dahan-dahan siyang nagsalita, “I just don’t, Mama. I like Ate Trixie more.”Alam ko na ito ay hindi lamang tungkol kay Belladonna. Hindi ko naman siya masisisi. Bata pa si Everisha at may sarili siyang paraan ng pag-unawa sa mga bagay-bagay. At si Trixie ay naging mahalagang bahagi ng buhay namin—parang kapatid na siya sa amin. Pero, hindi ko rin masikmura ang idea na si Belladonna ay parang naiiwang nag-iisa.Naisip ko na kailangan ko nang gawin ang tamang hakbang. Tinapik ko ulit ang balikat ni Belladonna, at sa pagkakataong ito, hinawakan ko siya sa kamay. “
last updateLast Updated : 2024-10-21
Read more

0163: You have to be okay

Everett’s POVNapuno ng kaba ang dibdib ko nang malaman ko na dumating na si Eff. Matagal na namin siyang hinahanap, umaasa na ang mga sagot niya ay magbibigay-linaw sa kung saan nagtatago ang mga kapatid niyang demonyo. Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung anu-ano habang hinihintay ko siya sa sala. Katabi ko si Misha, at mahigpit ang hawak ko sa kamay niya.Mabuti na lang at magagaling ang mga tauhan ko, nahanap nila kung saan nagtatago ang pinsan kong ‘to.Tahimik ang paligid nang pumasok si Eff habang kasama ang mga tauhan ko. Malamig ang kanyang tingin, at tila may dala siyang mabigat na sikreto, base sa nakikita ko kung paano niya kami tignan. Inayos ko ang sarili ko, sinusubukang maging kalmado kahit na pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari. Ganoon na ako, nasanay na ako kapag nasa malapit ang kahit sino sa mga pinsan ko, may dala silang delubyo.“Eff,” sabi ko, diretso at walang paligoy-ligoy, “we need to know kung nasaan ang mga kapatid mong sina Teff at Rei?”Sumanda
last updateLast Updated : 2024-10-21
Read more

0164: You have to be okay II

Everett’s POVNakahinga ako nang maluwag nang marinig ko mula sa doktor na ligtas na si Misha. Pero kahit alam kong daplis lang ang tama niya, may bahagi sa akin na hindi mapakali. Tahimik akong naupo sa tabi ng kama niya habang natutulog siya, hawak ang malamig niyang kamay. Hindi ko maiwasang magbalik-tanaw sa mga nangyari kanina. Si Eff… hindi ko inasahang magiging ganito ang lahat. Paano kami napunta sa ganitong sitwasyon? Paano nauwi ang pamilyang Tani sa ganitong kaguluhan? Hindi ko inaasahan na lalala ang mga ugali nila. Siguro, tuluyan nang nalusaw ang mga utak nila dahil sa paggamit ng mga pinagbabawal na gamot.Misha stirred, her eyelids fluttering open. Nang makita niyang nandito ako sa tabi niya, isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi. “Everett…” bulong niya nang mahina ang boses.“Shh, don’t talk,” sabi ko habang hinaplos ang buhok niya. “You’re safe now.”She closed her eyes for a moment, breathing deeply, then opened them again. “It’s my fault, isn’t it?
last updateLast Updated : 2024-10-21
Read more

0165: I’ll be brave, Mama

Misha’s POVPagkatapos kong makalabas ng ospital, pakiramdam ko ay tila may nakakulob na bigat sa aking dibdib. Hindi lang dahil sa sakit sa aking tagiliran, kundi dahil sa mga iniwang tanong at takot ng nangyari. Namatay si Eff sa kamay ng mga tauhan namin. Nang makita kong bumagsak ang kanyang katawan sa lupa, alam kong tuloy-tuloy na ang labanang mangyayari. Nag-iba na ang lahat, at ang masakit na katotohanan ay nagsisimula na ang mas matinding gulo.Pagdating sa bahay, napatigil ako sa harap ng pintuan. Alam kong kailangan kong magpahinga, pero paano ko nga ba makakamit ang kapayapaan kung sa loob ko ay hindi ako mapalagay? Lalo na’t narito si Everisha, ang anak namin ni Everett. Mas lalo akong nag-aalala para sa kanya.Nang mabuksan ko ang pinto, sinalubong ako ng init ng bahay, pero hindi ko maramdaman ang aliwalas ng dating sigla nito. Ang dati kong tahanan na puno ng tawanan at masasayang alaala, ngayon ay tila napalitan ng takot at kaba. Para bang may mabigat na anino sa bawa
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more

0166: I’ll be brave, Mama II

Misha’s POVPagkatapos ng pag-alis ni Everisha, ang mga araw ay tila naging mas lalong malungkot. Hindi ko magawang lubos na makapagpahinga, kahit alam kong kailangan ko pa ring alagaan ang sugat ko. Sa bawat hakbang ko sa loob ng bahay, pakiramdam ko’y may humahabol na mga anino ng takot at pangamba. Alam kong hindi na magiging kasing-payapa ng dati ang buhay namin ni Everett. Marami kaming tauhan, pera at makapangyarihan pero ang takot namin, bakit ganito, parang nawalan kami ng lakas. Palibhasa’t alam namin na kami ang naunang nakagawa ng hakbang. Namatay si Eff sa loob ng bahay namin. Kaya pakiramdam ko ay parang kakaiba na sa buong paligid. Palagi kong naiisip ang nangyari. Na para bang ayoko nang tumira rito. Na para bang mas gusto ko na lang bumalik sa dati naming bahay, kasama ang mama at papa ko.Si Everett, olang beses kong nahuhuling tahimik lang na nakatingin sa kawalan. Hindi siya ang tipo ng tao na madaling magpakita ng emosyon, pero sa pagkakataong ito, ramdam ko ang ka
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more

0167: Magsisimula na

Everett’s POVNakatitig ako sa mga dokumentong nakakalat sa ibabaw ng lamesa, sinisikap na tapusin ang trabaho kahit na parang mabigat ang hangin sa opisina. Hindi ko inaasahan na darating si Tita Maloi nang walang abiso, kaya’t nang bumukas ang pinto nang bigla, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.Sa sandaling pumasok siya, mabigat ang hakbang, dama ko na agad ang tensyon sa paligid. Napasara niya nang malakas ang pinto at sa isang iglap, naramdaman ko na lang ang hapdi ng palad niya sa mukha ko—isang malakas na sampal na bumalikwas sa buo kong katawan.“Paano mo nagawa ‘to?! Paano mo natiis na hayaan ang mga tauhan mo patayin ang anak ko!?” Sigaw ni Tita Maloi habang ang mga mata’y galit na galit, halos sumiklab ang kanyang bawat salita. Hindi ako umimik. I wanted to say something, but I knew she wouldn’t listen—at least, not yet.“I didn’t—” pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Isa pang sampal ang sumalubong sa kabilang pisngi ko. Hindi ko na kinaya at napaurong
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more

0168: Selos ‘yan?

Misha’s POVNoong linggong iyon, isang hindi inaasahang bisita ang nagpunta sa aming tahanan. Si Cassian Monteverde. Nung isang araw ay magkausap kami, biniro pa niya ako na isang araw, gugulatin na lang daw niya ako sa bahay namin. Hindi ko inaasahang gagawin niya talaga. Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita siyang may dalang napakaraming prutas, na parang dumalaw siya sa ospital. Daig ko pa ang nagkaroon ng malalang sakit sa atake ng mga pa-prutas na dala niya. Kahit ang totoo, maayos na ang sugat ko sa tagiliran.“Kumusta ka na, Ma’am Misha? Dinalhan kita ng mga prutas, para lalo kang gumaling,” bati niya habang inilalapag ang basket sa mesa.Ngumiti ako, iniisip kung paano ko sasabihin sa kanya na wala nang dapat ipag-alala. “Ayos lang ako, Cassian. Maayos na maayos na ako.” nahihiya kong sagot sa kaniya. Pinaupo ko siya sa sala. Inutusan ko rin ang kasambahay namin na maghain ng juice at cake para kay Cassian.“Alam mo, excited na akong mangyari ang magiging shoot ko para sa
last updateLast Updated : 2024-10-23
Read more

0169: Action

Misha’s POVNang dumating ako sa Tani Luxury Hotel sa Manila, kita ko agad ang excitement ng buong production team. Ito na ang araw ng shoot para sa commercial ng hotel, at isang malaking proyekto ito para sa aming lahat. Nakapili na kami ng mga pinakamagagaling na tao sa industriya—mula sa glam team hanggang sa mga production assistants. Pero ang pinaka-highlight ng araw na ito ay ang pagdating ni Cassian Monteverde, ang sikat na fashion model na kinuha naming endorser para sa Tani Luxury Hotels.Habang naglalakad ako papunta sa set, abala ang mga tao sa pag-aayos ng camera, ilaw, at props. Kita ko rin ang glam team na nagmamadaling i-retouch ang make-up ng mga model na kasama sa shoot. Ang aming production team, sa pamumuno ng director, ay nasa likod ng camera, tinitiyak na bawat detalye ay perpekto.“Ma’am Misha, nandito na si Mr. Monteverde. Kasama na niya ang glam team,” sabi ng production assistant na lumapit sa akin.Tumango ako at sumunod sa kaniya papunta sa make-up area, kun
last updateLast Updated : 2024-10-24
Read more

0170: Commercial

Misha’s POVKanina pa ako hindi mapakali sa office ko. Ngayong araw, ilalabas na sa TV, social media, at maging sa billboard sa EDSA ang aming commercial para sa Tani Luxury Hotels, at hindi ko maipaliwanag ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko—kaba, excitement, at konting pagod mula sa walang tigil na trabaho para maisakatuparan ang kampanyang ito. Hindi biro ang mga huling linggo para siguraduhing magiging matagumpay ang proyektong ito, at ngayon ay makikita ko na rin sa wakas ang bunga ng lahat ng pinaghirapan namin.Napatingin ako sa aking laptop habang nag-aayos ng huling mga email at detalyeng dapat tapusin. May ilang last-minute approvals pa mula sa social media team, pati na rin ang confirmation sa TV network tungkol sa eksaktong oras ng pag-ere ng commercial.“Ma’am Misha, na-finalize na po ng social media team yung scheduled posts,” sabi ni Belladona, habang ipinapakita ang kaniyang cellphone. Kita ko ang naka-lineup na mga posts para sa mga social media. Talagang pinag
last updateLast Updated : 2024-10-24
Read more
PREV
1
...
1516171819
...
47
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status