Misha’s POVPagkatapos ng pag-alis ni Everisha, ang mga araw ay tila naging mas lalong malungkot. Hindi ko magawang lubos na makapagpahinga, kahit alam kong kailangan ko pa ring alagaan ang sugat ko. Sa bawat hakbang ko sa loob ng bahay, pakiramdam ko’y may humahabol na mga anino ng takot at pangamba. Alam kong hindi na magiging kasing-payapa ng dati ang buhay namin ni Everett. Marami kaming tauhan, pera at makapangyarihan pero ang takot namin, bakit ganito, parang nawalan kami ng lakas. Palibhasa’t alam namin na kami ang naunang nakagawa ng hakbang. Namatay si Eff sa loob ng bahay namin. Kaya pakiramdam ko ay parang kakaiba na sa buong paligid. Palagi kong naiisip ang nangyari. Na para bang ayoko nang tumira rito. Na para bang mas gusto ko na lang bumalik sa dati naming bahay, kasama ang mama at papa ko.Si Everett, olang beses kong nahuhuling tahimik lang na nakatingin sa kawalan. Hindi siya ang tipo ng tao na madaling magpakita ng emosyon, pero sa pagkakataong ito, ramdam ko ang ka
Everett’s POVNakatitig ako sa mga dokumentong nakakalat sa ibabaw ng lamesa, sinisikap na tapusin ang trabaho kahit na parang mabigat ang hangin sa opisina. Hindi ko inaasahan na darating si Tita Maloi nang walang abiso, kaya’t nang bumukas ang pinto nang bigla, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.Sa sandaling pumasok siya, mabigat ang hakbang, dama ko na agad ang tensyon sa paligid. Napasara niya nang malakas ang pinto at sa isang iglap, naramdaman ko na lang ang hapdi ng palad niya sa mukha ko—isang malakas na sampal na bumalikwas sa buo kong katawan.“Paano mo nagawa ‘to?! Paano mo natiis na hayaan ang mga tauhan mo patayin ang anak ko!?” Sigaw ni Tita Maloi habang ang mga mata’y galit na galit, halos sumiklab ang kanyang bawat salita. Hindi ako umimik. I wanted to say something, but I knew she wouldn’t listen—at least, not yet.“I didn’t—” pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Isa pang sampal ang sumalubong sa kabilang pisngi ko. Hindi ko na kinaya at napaurong
Misha’s POVNoong linggong iyon, isang hindi inaasahang bisita ang nagpunta sa aming tahanan. Si Cassian Monteverde. Nung isang araw ay magkausap kami, biniro pa niya ako na isang araw, gugulatin na lang daw niya ako sa bahay namin. Hindi ko inaasahang gagawin niya talaga. Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita siyang may dalang napakaraming prutas, na parang dumalaw siya sa ospital. Daig ko pa ang nagkaroon ng malalang sakit sa atake ng mga pa-prutas na dala niya. Kahit ang totoo, maayos na ang sugat ko sa tagiliran.“Kumusta ka na, Ma’am Misha? Dinalhan kita ng mga prutas, para lalo kang gumaling,” bati niya habang inilalapag ang basket sa mesa.Ngumiti ako, iniisip kung paano ko sasabihin sa kanya na wala nang dapat ipag-alala. “Ayos lang ako, Cassian. Maayos na maayos na ako.” nahihiya kong sagot sa kaniya. Pinaupo ko siya sa sala. Inutusan ko rin ang kasambahay namin na maghain ng juice at cake para kay Cassian.“Alam mo, excited na akong mangyari ang magiging shoot ko para sa
Misha’s POVNang dumating ako sa Tani Luxury Hotel sa Manila, kita ko agad ang excitement ng buong production team. Ito na ang araw ng shoot para sa commercial ng hotel, at isang malaking proyekto ito para sa aming lahat. Nakapili na kami ng mga pinakamagagaling na tao sa industriya—mula sa glam team hanggang sa mga production assistants. Pero ang pinaka-highlight ng araw na ito ay ang pagdating ni Cassian Monteverde, ang sikat na fashion model na kinuha naming endorser para sa Tani Luxury Hotels.Habang naglalakad ako papunta sa set, abala ang mga tao sa pag-aayos ng camera, ilaw, at props. Kita ko rin ang glam team na nagmamadaling i-retouch ang make-up ng mga model na kasama sa shoot. Ang aming production team, sa pamumuno ng director, ay nasa likod ng camera, tinitiyak na bawat detalye ay perpekto.“Ma’am Misha, nandito na si Mr. Monteverde. Kasama na niya ang glam team,” sabi ng production assistant na lumapit sa akin.Tumango ako at sumunod sa kaniya papunta sa make-up area, kun
Misha’s POVKanina pa ako hindi mapakali sa office ko. Ngayong araw, ilalabas na sa TV, social media, at maging sa billboard sa EDSA ang aming commercial para sa Tani Luxury Hotels, at hindi ko maipaliwanag ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko—kaba, excitement, at konting pagod mula sa walang tigil na trabaho para maisakatuparan ang kampanyang ito. Hindi biro ang mga huling linggo para siguraduhing magiging matagumpay ang proyektong ito, at ngayon ay makikita ko na rin sa wakas ang bunga ng lahat ng pinaghirapan namin.Napatingin ako sa aking laptop habang nag-aayos ng huling mga email at detalyeng dapat tapusin. May ilang last-minute approvals pa mula sa social media team, pati na rin ang confirmation sa TV network tungkol sa eksaktong oras ng pag-ere ng commercial.“Ma’am Misha, na-finalize na po ng social media team yung scheduled posts,” sabi ni Belladona, habang ipinapakita ang kaniyang cellphone. Kita ko ang naka-lineup na mga posts para sa mga social media. Talagang pinag
Misha’s POVKinuha ko ang telepono ko at tinawagan ang agency para mag-check kung na-install na ang billboard.“Hi, Ma’am Misha! Yes, up na ang billboard ni Cassian. We just finished installing it an hour ago,” sagot ni Rita mula sa agency.Nakahinga ako ng maluwag. “Salamat, Rita. Malapit na rin mag-air ang TV ad. Sabay-sabay na nating mararanasan ito.”Pagkatapos ng tawag, binuksan ko ang aking computer at tinignan ang tracking ng mga social media accounts ng Tani Luxury Hotels. Tumataas na ang engagement—parami na ng parami ang nagko-comment, at kahit wala pang opisyal na post ng commercial, may ilang teasers na kaming inilabas at mukhang tinatangkilik na ito ng aming audience.Nang dumating na ang oras. Nakaupo ako sa isang maliit na conference room, kasama ang ilang miyembro ng marketing at production team, habang naka-focus kami sa malaking TV screen na nasa harapan namin. Nag-start na ang palabas, at malapit na ang commercial break. Tumahimik ang lahat ng nasa kuwarto, at ang k
Everett’s POVPagbukas ko pa lang ng pintuan ng bahay, ramdam ko na agad ang katahimikan. Maaga akong umuwi ngayon, mga bandang alas-singko, para makapagpahinga ng konti at panoorin ang commercial na ilalabas ngayong gabi. Pero napansin kong wala pa si Misha. Sa ganitong oras, kadalasan ay nasa opisina pa siya, tinatapos ang mga huling bagay para sa araw. Alam ko kung gaano siya ka-busy nitong mga nakaraang linggo, lalo na sa preparations para sa Tani Luxury Hotels commercial na palabas ngayong gabi. Pero ngayong CEO na siya, ramdam ko talaga ang pagbabago—mas lalo pang umangat ang kalidad ng aming mga hotel simula nang siya ang umupo sa posisyong iyon.Pagpasok ko sa living room, inabot ko ang remote at binuksan ang TV. Tahimik kong iniayos ang aking mga paa sa ottoman habang hinihintay ang oras ng airing. Sa isip ko, naisip kong balikan ang mga nakaraang taon—kung paano ko inumpisahan ang Tani Luxury Hotels at kung paano ito dahan-dahang nagtagumpay. Nung una, si Tita Maloi pa ang u
Everett’s POVMatapos ang airing, sinilip ko ang social media. Grabe, trending na agad ang commercial. Nag-scroll ako sa Starbook posts—lahat ay halos pareho ang sinasabi.“Ang ganda ng commercial ng Tani Luxury Hotels! Grabe, si Cassian Monteverde pa yung model!”“Tani Luxury Hotels, you nailed it! Sobrang classy ng commercial.”Hindi ako makapaniwala sa bilis ng pagkalat nito. May ilang netizens pa na nagpo-post ng mga larawan ng billboard sa EDSA. Ang ganda ng placement, kita agad ang mukha ni Cassian. Ang laki ng impact, parang lahat ng dumadaan ay mapapatingin.“Grabe, Misha. You did it,” bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa phone ko. Alam kong abala pa siya sa opisina, pero naisip ko, gusto kong i-celebrate ito sa aming dalawa. Isa ito sa mga milestone na hindi ko lang dapat basta palampasin. Kailangang may espesyal na gawin kami ngayong gabi.Bigla agad akong nagdesisyon. Hindi ko madalas ginagawa ito, pero gusto kong ipaghanda ng masarap na hapunan si Misha. Para naman
Czedric’s POV Ang init ng hapon ay unti-unti nang humuhupa habang papalubog ang araw. Ang hangin mula sa dagat ay malamig-lamig na, na tila nagpapakalma sa lahat ng kaba at tensyon sa dibdib ko. Kanina, galing ako sa ospital. Bumubuti na ang lagay niya, pero sinabihan niya ako na huwag munang magdadalaw kasi madalas gumala doon si Jonas at ang impostor ko. Delikado raw para sa akin. Napatunayan namin nila Tita Marie at Tito Everett na kakampi ko ang pinsan kong si Marco. Hanggang ngayon, wala pa rin kaalam-alam si Tiro Everett na may alam na si Everisha. Hindi rin niya alam na muntik nang mapasama si Everisha. Mabuti na lang at pinagtatakpan kami ni Tita Marie, sobrang bait niya. Nakatanggap ako ng text message kay Everisha kaya ako nandito ngayon sa tabing-sagat. Sa ganitong mga oras, paborito namin ni Everisha na magkita sa tabing dagat. Dala niya ang paborito niyang kape, samantalang ako naman ang bahala sa pastries. Ngayon, wala na akong maskara. Wala na rin ang balbas at bigot
Czedric’s POVPagdating namin sa ospital, dali-dali nilang isinugod si Marco sa emergency room. Ang mukha niya ay maputla at ang dugong tumutulo mula sa sugat niya ay tila hindi tumitigil. Kasabay ng pagpasok niya sa ER, parang sumabay din ang kaba at takot sa dibdib ko.Habang naghihintay sa labas, napansin kong hindi mapakali si Everisha. Palakad-lakad siya at paminsan-minsang sinusulyapan ang pinto ng emergency room. Sa kabila ng tensyon, naisip ko na siguro’y ito na ang tamang oras para tanungin siya tungkol sa mga bagay na bumabagabag sa akin.“Everisha,” tawag ko sa kanya.Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. “Yes?”“Alam mo na pala ang lahat, hindi ba?” tanong ko habang pilit na kinakalma ang boses ko kahit gusto kong sumabog dahil sa dami ng tanong sa isip ko.Tumango siya habang halatang nag-aalangan. “Yes, I’ve known for a while now. I know that you and CD are the same person.”Napaatras ako ng bahagya sa gulat. “Paano? Kailan mo pa nalaman?”Hinilot niya ang senti
Everisha’s POvPagkatapos ng mahabang araw sa opisina, naisip kong diretso na sana ako sa bahay para makapagpahinga dahil ang daming meeting na nangyari ngayon. Pero hindi iyon ang nangyari. Biglang nag-text si Marco sa akin, pinapapunta niya ako sa mansiyon niya.“Everisha, I need you to come over,” sabi niya sa mensahe. “Let’s have dinner. I need to tell you something important, and I know you don’t fully trust me yet. But after tonight, you will.”Nag-alangan ako. Bagama’t marami na siyang nasabi tungkol sa impostor ni Czedric, hindi ko pa rin lubos na naiintindihan ang mga motibo niya. Pero isang bahagi ko ang nagsasabing pumunta ako—baka may nalalaman nga siya na makakatulong kina Czedric.Pagdating ko sa bahay ni Marco, sinalubong niya ako sa pinto. Sa unang tingin pa lang, halata nang seryoso siya sa usapan.“Let’s eat first,” sabi niya habang inaakay ako papunta sa dining room. “Then I’ll tell you everything you need to know.”Impyernes, napalaki ang mga mata ko sa dami ng ma
Czedric’s POVMagdamag akong hindi mapakali matapos kong aralin ang lahat ng impormasyon tungkol kay Marco. Kahapon, ginugol ko ang buong araw sa pagsisiyasat: saan siya nakatira, ano ang pinagkakakitaan niya ngayon at kung anong yaman na ang nakuha niya sa impostor ko. Pero may isang bagay na hindi ko mawari—walang negosyo si Marco. Sa kabila ng lahat, ang bahay niya ay tila mas lumaki at naging isang engrandeng mansyon pa. Hindi gaya nila Jeric, Mark Joseph at Jonas na halos may kani-kaniyang kompanya na. Natatanging si Marco lang ang parang napag-iwanan.Ngayon, ako na ang gagawa ng hakbang. Kasama ko si Tita Marie at siya mismo ang nag-alok na sumama sa akin.Parang bihasang assassin na rin kasi ngayon si Tita Marie. Sa kanila, natatangi ang galing niya sa lahat ng labanan at sa kung paano siya gumamit ng mga sandata.“Marco is dangerous, Czedric,” sabi niya habang binabasa ang isang mapa ng mansyon. “He’s not just a man with secrets. He’s an assassin. You can’t do this alone.”“K
Everisha’s POVNanlalata akong nagising habang ang ulo ko ay parang mabigat na bato habang sinusubukan kong idilat ang mga mata ko. Nang tuluyan akong magkamalay, napansin kong nasa loob ako ng kotse. Malamig ang paligid at ang amoy ng bagong linis na kotse ang unang bumungad sa akin.Nasa likod ako ng sasakyan, nakahiga sa upuang may malambot na unan. Napaupo ako, hawak-hawak ang ulo ko habang iniisip kung anong nangyari.Paano ako napunta rito? Nasaan si ang impostor na si Reagan?Habang ang kaba ko ay unti-unting bumabalot sa akin, sinilip ko ang driver’s seat. Ang nagmamaneho ay isang lalaking hindi ko agad nakilala. Ang akala ko ay si Reagan iyon—ang impostor ni Czedric.Galit na galit akong bumangon at agad na sinugod ang lalaking hayop na ‘to. Pinaghahampas ko siya sa balikat habang sumisigaw. “What did you do to me?!” sigaw ko. “Let me out of here!”“Stop it, Everisha!” sabi niya habang pilit akong nilalayo sa sarili niya. “I’m not who you think I am!”Hindi ko siya pinakingg
Everisha’s POVPagod ako mula sa trabaho nang araw na iyon. Hapon na at pauwi na ako mula sa opisina, pilit na nilalabanan ang antok habang nagmamaneho.Nang malapit na ako sa subdivision namin, napatigil ako nang makita ko ang isang magarang sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada.Napakunot ang noo ko. Sino naman kaya ito? Pero bago pa ako makaisip ng kung ano, bumukas ang bintana ng kotse at bumungad ang pamilyar na mukha—ang impostor ni Czedric.Anong ginagawa niya rito? Ewan ko ba pero ayoko na. Ayaw nila papa at Czedric na lumalapit ako sa kaniya kaya hindi na talaga. Ayoko na kasi baka nga mapahamak pa ako sa taong ‘to.“Everisha,” tawag niya sa akin. “Join me. Let’s have merienda at the resort.”Ayokong pumayag. Alam kong delikado ang bawat paglapit ko sa kanya. Pero sa likod ng lahat ng iyon, alam ko rin na baka may makuha ulit akong impormasyon, tulad ng nakuha ko dati. Kaya, kahit mabigat ang loob ko, tumango ako. At pinapangako kong last na talaga ‘to.Tahimik ang biy
Czedric’s POVDalawang araw na akong subsob sa matinding training kasama si Tito Everett. Walang tigil ang paghasa ko ng aking kakayahan, ngunit sa kabila nito, isang tanong pa rin ang gumugulo sa akin: Paano ko makikilala ang dalawang assassin na kaalyado ng impostor ko?“Hindi sila basta nagpapakita ng totoong mukha,” sabi ni Tito Everett noong huling usapan namin. “Every fight, they wear masks. No names, no identities. Kaya kahit anong gawin mo, you won’t win this fight unless you figure out who they are.”Napabuntong-hininga ako habang iniisip ang sinabi niya. Hindi biro ang hamon na ito. Kung sila ang pinaka-alas ng impostor ko, malinaw na hindi sila basta ordinaryong kalaban. Pero sa ganitong sitwasyon, isang bagay ang sigurado: Kailangan ko ng tulong.Kaya lang ay sino? Eh, wala naman akong kaibigan o kahit kapangyarihan na mag-hire ng tauhan ko. Masyado na akong nahihiya kina Tito Everett kung pati ang pagha-hire ng mga tauhan ko ay iaasa ko pa sa kaniya.Pagkatapos ng dalawan
Czedric’s POVPagdating ni Tito Everett sa mansiyon, agad kong naramdaman na masama ang timpla niya. Ang mukha niya kasi ay seryoso, halatang may iniindang problema. Tumayo tuloy agad ako mula sa sofa at sinalubong siya."Good day po, Tito," bati ko na may pagkukumbaba sa tono. Alam kong hindi magiging magaan ang usapan naming dalawa.“Good day? What’s good about it, Czedric?” diretsong tanong niya habang nilalapitan ako. “Do you even realize what Everisha has been doing because of you?”Napakamot ako ng ulo. Alam kong hindi ako ang direktang may kasalanan, pero hindi ko rin maipagkaila na ako ang dahilan kung bakit sinusugal ni Everisha ang sarili niya.“I’m really sorry, Tito,” sagot ko. “I didn’t mean for her to get involved. I’ve tried stopping her, but you know how she is. Gamit ang account ni CD, sinusubukan kong pigilan siya pero talaga po atang matigas ang ulo niya.”Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at umiling. “She’s too stubborn for her own good. But you… you n
Everisha’s POVTahimik kong pinagmasdan ang paligid habang naglalakad papunta sa isang five-star resort na dati ay pagmamay-ari ng pamilya ni Czedric. Nakakapanghinayang. Sa unang tingin pa lang, halatang maganda pa rin ang pamamalakad dito. Ang malalaking puno ng palm, ang maaliwalas na tanawin ng dagat at ang tila walang katapusang luntiang hardin—lahat iyon ay parang buhay na testamento ng kayamanan at tagumpay ng pamilya Borromeo. Ngunit ngayon, nasa kamay na ito ng impostor ni Czedric.Nang makarating ako sa entrance, sinalubong ako ng isang pamilyar na tao. Ang impostor. Grabe, kahit saan talaga tignan ay magkamukha sila ng mukha. Pati laki ng katawan magkamukha. Mas malaki na nga lang ngayon ang katawan ng totoong Czedric.“Everisha,” bati niya sa akin habang ang ngiti niya ay tila mapagpakumbaba ngunit may halong yabang. “Welcome to my resort. I hope you like what you see.”“I do,” sagot ko habang pinipilit magpakaswal kahit na ramdam ko ang bigat ng tensyon sa pagitan namin.