Misha’s POVNoong linggong iyon, isang hindi inaasahang bisita ang nagpunta sa aming tahanan. Si Cassian Monteverde. Nung isang araw ay magkausap kami, biniro pa niya ako na isang araw, gugulatin na lang daw niya ako sa bahay namin. Hindi ko inaasahang gagawin niya talaga. Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita siyang may dalang napakaraming prutas, na parang dumalaw siya sa ospital. Daig ko pa ang nagkaroon ng malalang sakit sa atake ng mga pa-prutas na dala niya. Kahit ang totoo, maayos na ang sugat ko sa tagiliran.“Kumusta ka na, Ma’am Misha? Dinalhan kita ng mga prutas, para lalo kang gumaling,” bati niya habang inilalapag ang basket sa mesa.Ngumiti ako, iniisip kung paano ko sasabihin sa kanya na wala nang dapat ipag-alala. “Ayos lang ako, Cassian. Maayos na maayos na ako.” nahihiya kong sagot sa kaniya. Pinaupo ko siya sa sala. Inutusan ko rin ang kasambahay namin na maghain ng juice at cake para kay Cassian.“Alam mo, excited na akong mangyari ang magiging shoot ko para sa
Misha’s POVNang dumating ako sa Tani Luxury Hotel sa Manila, kita ko agad ang excitement ng buong production team. Ito na ang araw ng shoot para sa commercial ng hotel, at isang malaking proyekto ito para sa aming lahat. Nakapili na kami ng mga pinakamagagaling na tao sa industriya—mula sa glam team hanggang sa mga production assistants. Pero ang pinaka-highlight ng araw na ito ay ang pagdating ni Cassian Monteverde, ang sikat na fashion model na kinuha naming endorser para sa Tani Luxury Hotels.Habang naglalakad ako papunta sa set, abala ang mga tao sa pag-aayos ng camera, ilaw, at props. Kita ko rin ang glam team na nagmamadaling i-retouch ang make-up ng mga model na kasama sa shoot. Ang aming production team, sa pamumuno ng director, ay nasa likod ng camera, tinitiyak na bawat detalye ay perpekto.“Ma’am Misha, nandito na si Mr. Monteverde. Kasama na niya ang glam team,” sabi ng production assistant na lumapit sa akin.Tumango ako at sumunod sa kaniya papunta sa make-up area, kun
Misha’s POVKanina pa ako hindi mapakali sa office ko. Ngayong araw, ilalabas na sa TV, social media, at maging sa billboard sa EDSA ang aming commercial para sa Tani Luxury Hotels, at hindi ko maipaliwanag ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko—kaba, excitement, at konting pagod mula sa walang tigil na trabaho para maisakatuparan ang kampanyang ito. Hindi biro ang mga huling linggo para siguraduhing magiging matagumpay ang proyektong ito, at ngayon ay makikita ko na rin sa wakas ang bunga ng lahat ng pinaghirapan namin.Napatingin ako sa aking laptop habang nag-aayos ng huling mga email at detalyeng dapat tapusin. May ilang last-minute approvals pa mula sa social media team, pati na rin ang confirmation sa TV network tungkol sa eksaktong oras ng pag-ere ng commercial.“Ma’am Misha, na-finalize na po ng social media team yung scheduled posts,” sabi ni Belladona, habang ipinapakita ang kaniyang cellphone. Kita ko ang naka-lineup na mga posts para sa mga social media. Talagang pinag
Misha’s POVKinuha ko ang telepono ko at tinawagan ang agency para mag-check kung na-install na ang billboard.“Hi, Ma’am Misha! Yes, up na ang billboard ni Cassian. We just finished installing it an hour ago,” sagot ni Rita mula sa agency.Nakahinga ako ng maluwag. “Salamat, Rita. Malapit na rin mag-air ang TV ad. Sabay-sabay na nating mararanasan ito.”Pagkatapos ng tawag, binuksan ko ang aking computer at tinignan ang tracking ng mga social media accounts ng Tani Luxury Hotels. Tumataas na ang engagement—parami na ng parami ang nagko-comment, at kahit wala pang opisyal na post ng commercial, may ilang teasers na kaming inilabas at mukhang tinatangkilik na ito ng aming audience.Nang dumating na ang oras. Nakaupo ako sa isang maliit na conference room, kasama ang ilang miyembro ng marketing at production team, habang naka-focus kami sa malaking TV screen na nasa harapan namin. Nag-start na ang palabas, at malapit na ang commercial break. Tumahimik ang lahat ng nasa kuwarto, at ang k
Everett’s POVPagbukas ko pa lang ng pintuan ng bahay, ramdam ko na agad ang katahimikan. Maaga akong umuwi ngayon, mga bandang alas-singko, para makapagpahinga ng konti at panoorin ang commercial na ilalabas ngayong gabi. Pero napansin kong wala pa si Misha. Sa ganitong oras, kadalasan ay nasa opisina pa siya, tinatapos ang mga huling bagay para sa araw. Alam ko kung gaano siya ka-busy nitong mga nakaraang linggo, lalo na sa preparations para sa Tani Luxury Hotels commercial na palabas ngayong gabi. Pero ngayong CEO na siya, ramdam ko talaga ang pagbabago—mas lalo pang umangat ang kalidad ng aming mga hotel simula nang siya ang umupo sa posisyong iyon.Pagpasok ko sa living room, inabot ko ang remote at binuksan ang TV. Tahimik kong iniayos ang aking mga paa sa ottoman habang hinihintay ang oras ng airing. Sa isip ko, naisip kong balikan ang mga nakaraang taon—kung paano ko inumpisahan ang Tani Luxury Hotels at kung paano ito dahan-dahang nagtagumpay. Nung una, si Tita Maloi pa ang u
Everett’s POVMatapos ang airing, sinilip ko ang social media. Grabe, trending na agad ang commercial. Nag-scroll ako sa Starbook posts—lahat ay halos pareho ang sinasabi.“Ang ganda ng commercial ng Tani Luxury Hotels! Grabe, si Cassian Monteverde pa yung model!”“Tani Luxury Hotels, you nailed it! Sobrang classy ng commercial.”Hindi ako makapaniwala sa bilis ng pagkalat nito. May ilang netizens pa na nagpo-post ng mga larawan ng billboard sa EDSA. Ang ganda ng placement, kita agad ang mukha ni Cassian. Ang laki ng impact, parang lahat ng dumadaan ay mapapatingin.“Grabe, Misha. You did it,” bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa phone ko. Alam kong abala pa siya sa opisina, pero naisip ko, gusto kong i-celebrate ito sa aming dalawa. Isa ito sa mga milestone na hindi ko lang dapat basta palampasin. Kailangang may espesyal na gawin kami ngayong gabi.Bigla agad akong nagdesisyon. Hindi ko madalas ginagawa ito, pero gusto kong ipaghanda ng masarap na hapunan si Misha. Para naman
Everett’s POVSaktong tapos na akong maligo nang marinig kong nahiga na si Misha sa kama namin. Ito na ang tamang oras para bigyan pa siya ng isang kama reward.“Honey?” tawag ko sa kaniya.Nang bumangon siya at tignan ako, binagsak ko na agad ang suot kong bathtub. Bago ko ginawa iyon, pinatigas ko na ang titë ko. Nang tignan niya ako, nakita kong napangisi siya. Ngisi na parang nakakaloko.“Oh, wow! Ang laki agad. Kung galit na ‘yan, gagalitin ko pa lalo,” sagot niya na akala ko ay hindi pagod sa buong maghapon na nangyari. Tumakbo siya agad palapit sa akin. Hinalikan niya ako at nauwi iyon sa laplapan. Ang init ng kaniyang hininga ay lalong nagpainit sa katawan ko. Habang naghahalikan kami, sinandal niya ako sa pinto ng banyo, pagkatapos jinaköl na rin niya ako para lalo akong maging hard. Napapayukom ang kamao ko sa tindi ng sarap na agad kong naramdaman. Lalo na’t naghahalo pa ang mga laway namin nang mag-espadahan na ang mga labi namin.Pagkatapos naming maglaplapan, katawan ko n
Misha’s POVNapakabongga ng gabing ito, alam kong hindi puwedeng basta-basta lang dahil ito na ang gabi na dapat ipagdiwang namin ang lahat ng pinaghirapan. Ang Tani Luxury Hotel ay nag-trending! Isang linggo na ang nakalipas mula nang ilabas ang unang commercial ng hotel sa TV, mga billboard sa buong Metro Manila, at siyempre, sa social media na sumabog ang views. Alam kong hindi ito magiging matagumpay kung hindi dahil sa mga staff ko, na walang sawa ang dedikasyon para gawing perpekto ang bawat detalye ng hotel. Kaya ngayong gabi, magpapasalamat ako sa kanila. Magpapa-party ako na hinding-hindi nila makakalimutan.Nasa function room na ako ng hotel. Mula sa malalawak na bintana, kita ang tanawin ng Makati skyline, kuminang sa ilaw ng mga gusali. Ang mga chandelier sa itaas ay tila mga bituin na bumababa mula sa langit, nagbibigay ng liwanag na lalong nagpatingkad sa eleganteng disenyo ng silid. Naka-set up na ang mga long tables na natatakpan ng mga pinong puting tela at may mga ce
Ada POVPagkatapos ng engrandeng kasal namin ni Mishon, agad kaming lumipad patungong Italy para sa aming bonggang honeymoon. Isang oras lang naming pinagplanuhan ito at dahil pareho naming gustong maranasan ang pinakamagandang honeymoon sa buhay namin, pinili namin ang Italy.Kinabukasan, pagkatapos ng kasal, lumakad na agad kami. Kaya naman pagdating namin sa Rome, tumuloy kami sa isang sikat at magandang hotel na tanaw ang Colosseum. Napakalawak ng aming suite, may floor-to-ceiling windows, bonggang chandeliers at isang private terrace na may panoramic view ng city.“Woah! This view is breathtaking,” bulong ko kay Mishon habang hinahaplos ko ang braso niya.“Not as breathtaking as you, Mrs. Tani,” sagot niya bago ako hinalikan sa noo.Today, nagpahinga lang muna kami dahil napagod kami sa kasal at sa mismong paggayaka kasi ura-urada ang pag-alis namin, saka isang oras lang talaga naming pinag-usapan na dito sa Italy mag-honeymoon. Dapat nga ay wala kasi nasa Pilipinas naman kami, m
Ada POVPagkatapos ng engrandeng seremonya sa simbahan, dire-diretso na ang buong entourage patungo sa aming reception. Dalawang venue ang inihanda namin ni Mishon, isa para sa mga fans ko sa isang five-star hotel event area, at ang pangunahing pagtitipon naman ay magaganap sa napakalawak na garden ng aming mansiyon.Sa loob ng sasakyan, abala ang wedding coordinator sa pag-update sa akin. “Everything is set, Ma’am Ada. Your fans are already at the hotel, waiting for the program to start. The media is covering both venues, and the main reception at the mansion is absolutely breathtaking.”“That’s good to hear,” sagot ko habang abala ako sa pagtingin sa labas ng kotse. Mula sa tinted na bintana ng sasakyan, tanaw ko ang ilang helicopter sa ere, may mga drone at TV network choppers, nagsasahimpapawid ng live coverage ng aming kasal sa buong bansa.Bongga kasi ang mga TV network ay pinaghandaan ang kasal naming ito.**Pagdating namin sa manisyon, naghihintay na roon ang lahat ng bisita
Mishon POVNang bumukas ang malalaking pinto ng simbahan, bumilis ang tibok ng puso ko. Lahat ng tao sa loob ay napatigil at kahit ang live coverage sa TV ay tila nag-focus lang sa isang eksena, ang pagpasok ni Ada.Nakatayo ako sa harap ng altar, habang unti-unti nang napapaluha dahil sa tuwa. Grabe, parang noon lang ay tagahanga niya lang ako sa malayo, tapos ang ending, sa akin pala ikakasal ang isa sa pinakasikat na fashion model sa buong mundo.Ang simbahan ay puno ng puting bulaklak na galing sa atok, benguet, doon ito in-order ni Ada nung nakaraang araw lang. Tapos, ang bawat upuan ay may nakalagay na engraved nameplates para sa mga VIP guests. Hindi ito basta kasal lang kasi ito ay isang engrandeng seremonya na tinitingala ng buong bansa. Iyon ang sabi ni Ada at naniniwala naman ako kasi hindi lang bastang normal na tao si Ada, kilala siya ng maraming tao, kilala siya ng buong mundo.Bumukas ang pinto at doon siya lumabas.Si Ada.Ang babaeng pakakasalan ko ngayon.Suot niya
Ada POVKabado akong nakaupo sa loob ng luxury car na gawa sa company ng papa ni Mishon, ito na ‘yung napakagara at mamahaling puting kotse na napili namin ni Mishon. Nandito ako at naka-video call sa isa sa mga coordinator ng kasal ko habang sinisilip ko ang mga nangyayari sa loob ng simbahan.Habang nanunuod sa nangyayari roon, sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko sa kabila ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa excitement o normal lang talaga sa kinakasal ang kinakabahan? Baka nga.Sa screen ng phone ko, kita ko ang organizer na maingat na tinututukan ang bawat detalye ng kasal. Super gagaling ng mga staff ng kasal namin ni Mishon kasi hanggang ngayon, perfect pa rin ang lahat at wala pa ring problema.“Everything is going smoothly, Ma’am Ada,” malumanay niyang sabi. “The entourage has started walking down the aisle. The timing is perfect. Just take a deep breath and enjoy the moment po.”Napatingin ako sa bintana. Isang malawak na floral arch an
Mishon POVAlas sais ng umaga nang magising ako sa kuwarto sa third floor ng mansiyon. Ilang segundo akong nakatingin sa kisame nun habang pinoproseso ang lahat. Oh, Lord, ngayong araw na ang kasal namin ni Ada. Ngayong araw na magsisimula ang panibagong yugto ng buhay ko kasama ang mahal na mahal kong si Ada.“Good morning, Sir Mishon. Your breakfast is here.” Narinig kong sabi ng isang staff na kumatok sa pinto.Bumangon ako mula sa malambot na kama at pinagbuksan siya. Isang tray ng almusal ang inilapag nito sa maliit na mesa sa gilid ng kuwarto, croissants, scrambled eggs, smoked salmon at isang tasa ng mainit na black coffee ang almusal ko. Simple pero elegante, si Ada siguro ang nagpa-ready nito. Umagang-umaga ay pinapakilig niya ako. Saktong-sakto lang din ito kasi kailangan kong kumain ng almusal para may lakas ako sa buong maghapon.Habang kumakain ako, pumasok ang tatlong lalaki mula sa aking glam team. Ang lead stylist na si Rafael, isang sikat na fashion consultant na naka
Ada POVAlas singko pa lang ng umaga ay nagising na ako sa tunog ng alarm ko. Dali-dali akong naligo, nag-toothbrush at nag-almusal dahil maaga ring dumating ang glam team na mag-aayos sa akin.Oh, my God! Ito na ang araw na pinakahihintay ko, ang araw ng kasal namin ni Mishon. Sa loob ng ilang buwan ng paghahanda, sa wakas ay dumating na rin ang sandaling ito.Pagbaba ko sa hagdan, bumungad sa akin ang buong glam team na abala nang inaayos ang kanilang mga gamit. Ang glam team na ito ay hindi basta-basta lang, sila ang pinakasikat sa industriya ng bridal styling kaya dapat lang na ma-try ko sila sa pinaka-special na okasyon ng buhay ko.Inutos ko sa kasambahay na papasukin na sila sa malaking guest room na kung saan ay doon ako aayusan. Pagkatapos, sisilip dapat ako sa room ni Mishon para sana tignan niya pero pinigilan ako ni Ate Everisha, huwag na muna raw kaming magkita, doon na sa simbahan kami magkikita mamaya.Kaya pumunta na rin ako sa guest room kung saan nandoon na ang glam
Mishon POVNgayong gabi ay ito na ang huling gabi ko bilang binata. Bukas, ikakasal na ako kay Ada, sa babaeng mahal ko, ang babaeng gusto kong makasama habambuhay. Pero bago ang lahat, may isang gabi pa akong natitira para maging isang free man.At siyempre, hindi puwedeng walang party! Kasi si Ada, ginawan din nila Ate Everisha, Verena at Yanna ng party para sa last night na pagiging dalaga niya.Nasa rooftop kami ng mansiyon, kung saan nag-set up sina Marco, Edric at Czedric ng maliit pero solid na inuman. May mga fairy lights na nagbibigay ng cozy na ilaw, may barbecue sa gilid at siyempre, may malaking cooler na puno ng beer at whisky. Walang ibang bisita, kami lang.“Bro, are you ready to say goodbye to your single life?” tanong ni Marco habang binubuksan ang isang bote ng beer at inabot sa akin. Mga topless kaming lahat kasi mainit dito sa rooftop.I smirked and took the bottle. “Man, I’ve been ready since the day I met Ada.”“Hah! Sipsip!” singit ni Edric bago sumimsim ng alak.
Ada POVPagbalik namin sa mansyon ngayong hapon galing sa Baguio ay para bang wala silang kapaguran. Bukas na kasi ang kasal namin ni Mishon kaya, ngayong gabi, ito na raw ang huling gabi ko bilang isang dalaga.Kaya naman sina Verena at Yanna ay gumawa ng party na all-girls celebration para sa akin. Kasama siyempre sina Ate Everisha, Verena, Yanna at iba pang malalapit kong kaibigan na babae.Buong hapon ay hindi nila ako pinalabas sa kuwarto ko kaya naglaro lang kami nang naglaro ni Miro doon. Parang bonding na rin namin ni Miro. Nung gabi na, doon lang nila ako inayang lumabas ng bedroom namin ni Mishon.Pagpasok ko sa malaking event hall ng mansyon namin ni Mishon ay agad akong sinalubong ng mga halakhak at sigawan nila.“Finally! The bride-to-be has arrived!” sigaw ni Verena habang may hawak na isang baso ng champagne.“Oh my God, you are so beautiful tonight, Ada! But after tomorrow, you’ll be Mrs. Tani!” dagdag ni Yanna na may kinikilig na ngiti.Natawa ako at umiling. “You guy
Mishon POVNang umagang iyon, maaga akong nagising upang ihanda ang araw na ito para sa amin naman ni Miro. Alam kong bihira lang kami magkaroon ng pagkakataon na makasama nang ganito, kaya gusto kong sulitin ang araw na ito para sa kanya.Bago ang kasal, dapat lang na mapagbigyan ko na siya sa request niya sa akin na bonding naming mag-ama lang.Pagkalabas ko ng kuwarto, nadatnan ko si Ada sa kusina, nagtitimpla ng kape. Nang makita niya ako, agad siyang ngumiti.“You’re up early,” aniya.Tumango ako. “Yeah. Gusto kong sorpresahin si Miro. Ilalabas ko siya ngayon habang nandito pa tayo sa Baguio.”Hindi naman siya tumutol. Alam kong gusto rin niyang magkaroon kami ng oras na magkasama bilang mag-ama. Kaya matapos kong magpaalam, agad akong nagtungo kay Ate Everisha upang humiram ng sasakyan na dala nila ni Czedric.Pagkalipas ng ilang minuto, bumaba na si Miro mula sa kuwarto niya, suot ang isang makapal na jacket at jogging pants. Nakita ko siyang nag-stretching habang nag-aantay sa