Misha’s POVMatapos ang main program, nagsimula nang mag-relax ang mga bisita, habang ang malambing na jazz music ay patuloy na pinapakinggan sa buong paligid. Ang mga waiter ay patuloy na naglalakad-lakad, nagsisilbi ng dessert—isang eleganteng triple-layer chocolate mousse na may ginto, at mga maliliit na macarons na may filling ng exotic flavors tulad ng passionfruit at lavender.Mula sa gilid ng silid, pinagmamasdan ko ang lahat—ang mga nag-uusap, nagtatawanan, at mga empleyado kong masaya na, sa wakas, nakapagpahinga. Naiisip ko pa rin kung gaano kabigat ang mga araw na pinagsamahan namin para lamang makamit ang tagumpay na ito. At ngayong gabi, ito ang kanilang moment para magsaya at mag-relax. Wala nang mas sasaya pa sa pakiramdam na makita silang nasisiyahan.“Ma’am Misha, do you mind if I steal you for a moment?” tanong ni Cassian, napatingin ako sa kaniya. Naroon siya sa tabi ko, hawak ang isang baso ng wine, ang mga mata niya’y seryoso pero puno ng kagandahang-loob.“Of cou
Misha’s POVKahit may pag-aalinlangan, sinagot ko ang tawag. Agad na bumungad ang tunog ng auto-tuned na boses ng babae, malamyos pero may halong lamig at kakaibang pangamba.“Enjoy every moment with your loved ones, Misha…” tila pabulong niyang sinabi, pero may bigat ang bawat salitang binibitawan. “Sapagkat malapit na silang mawala sa ‘yo.”Nanlamig ang buong katawan ko, para bang may mabigat na kamay na pumatong sa aking balikat. Napatingin ako sa paligid, sinusubukang pagmasdan ang mga mukhang masaya at walang kamalay-malay sa takot na biglang dumapo sa akin. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ng boses na iyon—si Everett? Si Everisha? Ang mama’t papa ko? O baka isa sa mga kaibigan ko na matagal ko nang kilala?Nabaling ang tingin ko sa kinaroroonan ng mga kasamahan ko, pero kahit anong pilit kong ngumiti ay tila hindi ko maalis ang takot na lumalamon sa akin. Pakiramdam ko’y nawala ang lahat ng init ng kagalakan sa paligid; ang saya na nadarama ko kanina ay napalitan ng malamig
Misha’s POVSa gitna ng lahat ng nangyayari, ramdam ko pa rin ang bigat ng pangamba sa puso ko. Habang pinagmamasdan ko ang mga bisitang patuloy sa kasiyahan, napagdesisyunan kong manatili na lang sa loob ng hotel ngayong gabi, at tila alam kong hindi ko kayang mapalayo pa sa paligid na kontrolado ko.Tinawagan ko si Everett pero ayaw nitong sumagot, mukhang busy pa kaya mamaya ko na lang siya tatawagan ulit.Lumingon ako kay Belladonna at iniabot ang isang bahagyang utos, “Bella, could you please invite Cassian to join us in the presidential suite? Mukhang hindi pa rin niya gustong umuwi,” pabiro kong sabi, kahit na may halong kaba ang intensyon ko.Nagkibit-balikat lang si Belladonna at mabilis na sinunod ang utos ko, agad lumapit kay Cassian na noo’y nag-e-enjoy pa rin sa gitna ng mga bisita. Nakita kong nagliwanag ang mukha niya nang banggitin ni Belladonna ang invitation ko, at tumango ito, mukhang masaya pa rin at walang balak umalis kahit na lagpas na sa oras ng event.Ilang mi
Misha’s POVHabang tuloy-tuloy ang inuman namin sa presidential suite, bumibigat na rin ang mga mata ko. Pero nasa paligid ko pa rin sina Cassian at Belladonna, at kahit paano, nararamdaman kong ligtas at kalmado ako sa kanilang presensya.Napansin kong medyo natameme si Belladonna habang umiinom ng wine, at ilang segundo lang, dahan-dahan siyang sumandal sa sofa, nakapikit ang mga mata at hindi na gumagalaw.“Bella?” tawag ko sa kanya habang nag-aalala sa biglaang pangyayari.Pero wala siyang sagot, at bago pa ako makapag-react, naramdaman kong tumagilid si Cassian, bumagsak ang ulo sa braso at nakasandal na rin sa sofa, parang nawalan ng ulirat. Nagulat ako, hindi ko alam ang gagawin.Lasing na ba sila o nakatulog na lang sa antok bigla?“Cassian?” Pilit ko siyang ginising pero walang sagot. Napalunok ako, sinubukang manatiling kalmado kahit na unti-unti na ring umiikot ang paligid ko. Sa tingin ko ay malakas ang tama ng huling wine na ininom ko. Sumandal ako sa sofa, ang bigat ng k
Misha’s POVPagkadating ko sa bahay, tahimik ang buong paligid. Wala ni isang kaluskos, tanging pintig lang ng puso ko ang naririnig ko—mabilis, parang may mga kabayong naghahabulan sa loob ng dibdib ko. Tila lumulubog ang mga paa ko sa bawat hakbang papunta kay Everett, na ngayon ay nasa kusina, hawak ang isang baso ng alak. Ang bigat ng kaniyang mga mata sa akin, nanunuot, parang gusto akong saktan. Pero, hindi siya kumikibo.“Everett, honey,” sinimulan ko na halatang nanginginig ang boses ko. “Please, you have to believe me... there was nothing—nothing happened.”Patuloy lang siya sa pag-inom. Kahit pilit kong ngumiti, kahit pilit kong paliwanag ang lahat, hindi niya ako tinignan. Para akong isang hangin lang na walang pumapansin. Hindi ko na napigilan; lumapit ako, nangungusap ang mga mata, hawak ang maselan kong bahagi ng katawan.“I know nothing happened. I would feel it if something... anything... happened.” Binitawan ko ang mga salitang iyon nang may halong kaba, iniisip kung p
Misha’s POVMadilim na ang kuwarto, sobrang lamig na ng buong paligid dahil sa aircon, sinabayan pa na nanlalamig ako dahil sa nangyari, pero wala akong ibang nararamdaman kundi ang bigat sa puso ko. Ang lumbay na bumabalot sa akin ay hindi na kayang takpan ng mga unan o ng kumot na nakasapin sa akin. Ramdam kong mag-isa lang ako dito sa kuwarto kahit na hindi dapat ganoon. Dapat kasama ko si Everett. Pero umalis siya, at hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Hindi ko alam kung saan siya matutulog. Sa condo, sa office o sa dating manisyon nila.Alam kong lasing siya kanina, at kitang-kita ko kung paano siya umiwas sa tingin ko bago siya tuluyang nagpaalam nang walang paliwanag. Alam kong masama ang loob niya. At alam ko rin kung bakit.Mabilis na pumatak ang luha sa mga mata ko habang iniisip ang mga huling salitang binitiwan niya. “Akala mo ba hindi ko alam? Hindi mo ako maloloko, Misha. Kaya pala sobrang lapit ninyong dalawa kasi naglalandian na kayo.” iyon ang huling sinabi niya na
Misha’s POVKinabukasan, maga pa rin ang mga mata ko nang pumasok ako sa trabaho. Malungkot pa rin kasi hanggang umaga ay walang Everett na umuwi. Hindi ko alam kung saan siya natulog.Ayokong maging paksa ng mga usapan sa hotel, kaya’t sinuot ko na lang ang itim na shades ko. Sa isip ko, siguradong magtataka na naman ang mga staff kapag nakitang ganito ang itsura ko. Napakasaya ko nung isang araw, tapos makikita nilang maga ang mga mata ko.Una kong hinanap si Belladonna, ang executive assistant ko na laging matapang at tapat sa trabaho. Kasama ko siya nung gabing iyon, kaming tatlo ni Cassian. Pero tila pati siya ay nadamay kasi napainom din siya ng alak na tila may pampatulog. Kung bakit sabay-sabay kaming tatlo na nakatulog nang gabing iyon.Bago pa man ako makapagbukas ng bibig, lumapit siya sa akin.“Good morning, Ma’am. Misha,” bati niya, pero hindi ko na napigilan ang pag-aalala sa boses ko.“Belladonna, kailangan ko ng tulong mo,” sabi ko habang pilit na hinahagod ang leeg ko
Misha’s POVNang makarating ako sa bahay, ramdam ko ang kabog ng puso ko sa kaba at saya. Pagkabukas ko ng pinto, agad kong nakita ang isa sa mga kasambahay namin, at may ngiti siya sa labi.“Ma’am Misha,” bungad niya. “Nandito po si Sir Everett, nasa guest room. Mukhang naparami yata ang nainom kaya dun natulog.”Hindi ko mapigilang mapangiti kahit kaunti. Hindi man siya sa kuwarto namin natulog, ang mahalaga, umuwi siya. Ang mahalaga, nandito siya kahit paano.“Lasing ba talaga siya, Ate?” mahina kong tanong.Tumango siya at tumitig sa akin, tila may lungkot sa mga mata niya. “Opo, Ma’am. Mukhang… mabigat ang iniisip ni Sir kasi tulalang-tulala at parang ano po eh, parang lutang na lutang o baka lasing lang ho talaga.”Huminga ako nang malalim at sa sandaling iyon, naisip ko na baka ito na ang pagkakataon kong ipakita kay Everett na hindi totoo ang mga iniisip niya tungkol sa akin. Hindi ko siya kayang makita na nahihirapan, lalo pa’t alam kong ako ang dahilan ng sakit na nararamdam
Misha’s POVHindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko habang nakatitig sa screen ng cellphone ko. Ang bagong message na natanggap ko ay para bang isang dagok na muli sa aming pamilya. “Kung gusto niyong makabalik si Everisha, palayain niyo si Maloi sa kulungan.”Hindi na namin kailangan pang mag-usap ni Everett. Alam naming dalawa na wala kaming ibang pagpipilian. Para sa anak namin, handa kaming gawin ang kahit ano.“Everett,” tawag ko sa kaniya habang nasa kabilang kuwarto siya, hawak ang laptop niya. Pumasok siya agad sa kuwarto namin, kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.“What is it?” tanong niya habang pinupunasan ang mga mata niya. Halatang hindi rin siya nakatulog nang maayos kagabi.Ipinakita ko ang text message. Agad na tumalim ang tingin niya, at parang gusto na niyang basagin ang telepono sa galit.“This is absurd!” sigaw niya. “Do they think they can control us like this? But we have no choice, do we?”Tumango lang ako, hindi makapagsalita. Hindi ako kailanman naging
Misha’s POVAng oras ay tila naging kalaban ko. Ang bawat minuto na lumilipas ay parang kutsilyong bumabaon sa dibdib ko. Nasa sala ako, nakaupo sa gilid ng sofa, hawak ang cellphone na halos hindi ko na mabitiwan mula nang mawala si Everisha. Sa kabilang bahagi ng kuwarto, si Everett ay nakatayo, halatang hindi mapakali habang kausap ang isa na namang investigator sa telepono.Ilang oras na kaming tumatawag sa iba’t ibang tao—mga kakilala, kaibigan, koneksyon sa negosyo, at maging ang mga taong hindi namin kilala pero maaaring makatulong. Sa bawat tawag namin, pilit kong pinipigilan ang manginig ang boses ko. Pero kahit anong gawin ko, ramdam pa rin ng kausap ko ang takot at pag-aalala ko.“Please, kung may alam ka kung paano kami matutulungan, sabihin mo na agad,” sabi ko sa isa sa mga kakilala kong nasa abroad.“Wala akong masyadong impormasyon, Misha. Pero itutuloy ko ang pagtatanong dito. I’ll call you if I find anything,” sagot niya sa kabilang linya.Pagkababa ko ng tawag, napa
Misha’s POVTahimik ang umaga. Ang liwanag ng araw ay dumadampi sa kurtina ng aming kuwarto, at ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin mula sa aircon. Nakahiga pa ako sa kama, ini-enjoy ang ilang minuto ng kapayapaan bago bumangon para harapin ang mga bagong hamon ngayong araw.Pero ang katahimikan ay mabilis na naglaho nang tumunog ang cellphone ko. Dinampot ko ito na nakalapag sa may table na nasa gilid ng kama namin ni Everett.Pagkakita ko sa screen, may isang hindi kilalang numero ang nagpadala ng message. Pagbukas ko ng message, agad akong kinabahan. Isang larawan ang nakita ko—ang bahay namin sa ibang bansa na kung saan ay doon nakatira sina Everisha at ang mga magulang ko. Sa larawan, kitang-kita ang malaking manisyon, pero may kakaiba dito. Parang sinadya ng kumuha ang anggulo para ipakitang sinusubaybayan ang loob at labas ng bahay.Kasama sa larawan ang mama at papa ko sa hardin, at sa gilid nila ay si Everisha at si Ate Ada. Nanlamig ang buong katawan ko. Napaupo ako sa
Misha’s POVMaagang-maaga pa lang, abala na ang buong team sa pag-aayos ng malaking event hall ng Tani Luxury Hotel sa Manila. Ito ang araw na matagal ko nang pinaghahandaan—ang unang monthsary ng M&E Skincare. Ito rin ang araw na magaganap ang pa-raffle ng isang luxury car para sa aming mga loyal na customers. Gusto kong ipakita sa lahat kung gaano ko pinahahalagahan ang kanilang suporta.Pagdating ko sa venue, bumungad sa akin ang napakagandang dekorasyon—mga pastel-colored na bulaklak, eleganteng mga ilaw, at isang malaking LED screen na nagpapakita ng logo ng M&E Skincare. Ang buong lugar ay tila nagliliwanag, puno ng energy at excitement.“Ma’am Misha, everything is set,” sabi ni Andrea, ang aking event coordinator ngayon, habang inaayos ang kaniyang headset.“Perfect. Let’s make this day unforgettable,” sagot ko habang tinuturo ang ilang huling detalye sa stage setup.Alas-dos ng hapon nang magsimulang magdatingan ang mga bisita. Ang mga media representatives ay nagkakagulo sa e
Misha’s POVTahimik ang biyahe ko papunta sa kulungan kung saan nakakulong si Tita Maloi. Stress na sa kakaisip si Everett kung sino ba ang nanggugulo, kaya naisip kong kausapin na nang masinsinan si Tita Maloi.Ang araw ay maaliwalas, ngunit tila mas mabigat ang hangin sa paligid ko. Sa mga huling linggo, ang gulo na dinadala sa buhay namin ni Everett ay parang walang katapusan. Ako, masaya lang dahil sa pagbuhos ng blessing sa mga business ko, kaya lang habang nakikita kong stress sa kakaisip ng asawa ko, hindi ko makuhang magsaya tuloy. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Marco, ‘yung taong inutusan ni Everett na magmasid kay Tito Gerald. Ang ulat niya ay malinaw: nagdadalamhati si Tito Gerald, at wala siyang ginagawa laban sa amin. Kaya kung hindi siya, sino?Isa lang ang natitira sa listahan ng mga posibleng kalaban—si Tita Maloi.Ayoko sanang nagpupunta sa ganitong lugar kasi, ewan, parang kinikilabutan ako sa mga presong nakikita. Naisip ko tuloy, paano kaya nasanay n
Everett’s POVHindi ko matanggal sa isip ko ang mga huling salitang sinabi ni Tito Gerald noong huli kaming mag-usap. Ang boses niya, puno ng hinanakit, ay paulit-ulit na tumutunog sa isipan ko.Nag-aalangan ako. Ano nga ba ang totoo? Sa lahat ng bagay na nangyari sa amin ni Misha nitong mga nakaraang linggo, hindi ko na alam kung sino ang kaibigan at sino ang kaaway. Pero isang bagay ang sigurado—kailangan kong malaman ang katotohanan.Nagpasya akong mag-hire ng tao para magbantay sa mansiyon ni Tito Gerald. May kilala akong dating pulis na ngayo’y gumagawa na ng freelance intelligence work. Si Marco, isang maingat at tahimik na lalaki na bihasang magmasid nang hindi napapansin.Sa opisina ko sa Tani Luxury Car Company, ipinaliwanag ko sa kaniya ang plano.“Marco, I need you to infiltrate my uncle’s mansion. Apply as a security guard. Gusto kong malaman kung ano ang ginagawa niya araw-araw. I need to confirm if he’s really behind all the chaos happening to me and Misha,” sabi ko.“Un
Misha’s POVLumipas ang isang linggo matapos kong linisin ang pangalan ng M&E Skincare product laban kay Marlyn. Hindi ko inakala ang bilis ng epekto nito—mula sa pagiging trending topic sa buong Pilipinas. Sa bawat branch ng Tani Luxury Hotel, halos araw-araw nang nagkakaubusan ng stock. Ang bawat shelf, parating bakante sa loob lamang ng ilang oras.Hindi ko mapigilang ngumiti habang nagbabasa ng mga email mula sa marketing team.“Ma’am, out of stock na naman po ang lahat ng branches as of 10 AM,” sabi ng isa sa mga reports.Sa Boracay branch, minuto lang ang tinatagal, out of stock agad, ganoon din sa Palawan kaya kinikilig talaga ako.Pero kasabay ng tagumpay kong ito ay ang mga bago na naman akong responsibilidad. Kailangang samantalahin ang momentum. Ito ang tamang panahon para palawakin ang reach ng M&E.Agad akong umupo sa opisina ko. Nakalatag sa harap ko ang iba’t ibang dokumento: supply agreements, lease contracts, at mga inventory reports. Hinawakan ko ang ballpen ko at na
Everett’s POVPagmulat ng mata ko, unang bumungad sa akin ang tulog na tulog pa rin na si Misha na akala mo ay puyat, samantalang nauna pa siyang makatulog sa akin, saka kadalasan, mas maaga siyang nagigising kaysa sa akin.Nag-inat ako, pilit na binabalikan ang mga balita kagabi na naging trending sa social media, tulog na tulog pa rin siya dahil siguro sa stress nang inabot kahapon. Ang saya-saya pa naman niya nitong mga nagdaang araw tapos may biglang susulpot na maninira.Kinuha ko ang cellphone sa may table para sana mag-check ng mga email o kung anong message na pumasok kagabi habang tulog pa ako. Mabuti na lang at wala.Pero pagdating ko sa social media, nakita ko agad ang isang trending na video. Lumabas na ang katotohanan tungkol sa kasinungalingan ni Marlyn laban sa M&E skin care product. Isang video ang umikot sa social media, kung saan umiiyak si Marlyn habang inaamin ang lahat ng kaniyang ginawa.Napalingon ako kay Misha. Nagulat ako na gising na agad siya, tila narinig
Misha’s POVPinapanood ko ang bawat galaw ni Marlyn habang naka-upo siya sa gilid ng kama. Nanginginig ang kaniyang katawan, namumula ang kaniyang mga mata sa kakaiyak. Alam kong takot na takot siya, pero wala akong pakialam. Ang ginawa niya ay hindi simpleng kasalanan—sinubukan niyang sirain ang pangalan ng M&E, ang produkto kong pinaghirapan at pinundar mula sa dugo’t pawis. Hindi ko papayagan ang katimawaang ginawa niya.Hinawakan ko siya sa braso at marahas na hinila palabas ng kuwarto. Tumilapon ang mga kumot at unan mula sa kama, pero hindi ko iyon inintindi. Ang mahalaga, makuha ko ang hustisya.“Tumayo ka!” utos ko sa malamig at mabagsik na tono. Sumunod naman siya, pero halata ang panginginig ng kanyang mga tuhod.Pagdating namin sa sala, itinutok ko ang baril sa mukha niya. Kasabay nito, inilabas ko ang cellphone ko at binuksan ang camera.“Upo,” sabi ko habang itinuturo ang sofa. Naupo siya agad, tila sunod-sunuran, habang patuloy na umaagos ang luha sa kaniyang pisngi.“Bu