Misha’s POVHabang tuloy-tuloy ang inuman namin sa presidential suite, bumibigat na rin ang mga mata ko. Pero nasa paligid ko pa rin sina Cassian at Belladonna, at kahit paano, nararamdaman kong ligtas at kalmado ako sa kanilang presensya.Napansin kong medyo natameme si Belladonna habang umiinom ng wine, at ilang segundo lang, dahan-dahan siyang sumandal sa sofa, nakapikit ang mga mata at hindi na gumagalaw.“Bella?” tawag ko sa kanya habang nag-aalala sa biglaang pangyayari.Pero wala siyang sagot, at bago pa ako makapag-react, naramdaman kong tumagilid si Cassian, bumagsak ang ulo sa braso at nakasandal na rin sa sofa, parang nawalan ng ulirat. Nagulat ako, hindi ko alam ang gagawin.Lasing na ba sila o nakatulog na lang sa antok bigla?“Cassian?” Pilit ko siyang ginising pero walang sagot. Napalunok ako, sinubukang manatiling kalmado kahit na unti-unti na ring umiikot ang paligid ko. Sa tingin ko ay malakas ang tama ng huling wine na ininom ko. Sumandal ako sa sofa, ang bigat ng k
Misha’s POVPagkadating ko sa bahay, tahimik ang buong paligid. Wala ni isang kaluskos, tanging pintig lang ng puso ko ang naririnig ko—mabilis, parang may mga kabayong naghahabulan sa loob ng dibdib ko. Tila lumulubog ang mga paa ko sa bawat hakbang papunta kay Everett, na ngayon ay nasa kusina, hawak ang isang baso ng alak. Ang bigat ng kaniyang mga mata sa akin, nanunuot, parang gusto akong saktan. Pero, hindi siya kumikibo.“Everett, honey,” sinimulan ko na halatang nanginginig ang boses ko. “Please, you have to believe me... there was nothing—nothing happened.”Patuloy lang siya sa pag-inom. Kahit pilit kong ngumiti, kahit pilit kong paliwanag ang lahat, hindi niya ako tinignan. Para akong isang hangin lang na walang pumapansin. Hindi ko na napigilan; lumapit ako, nangungusap ang mga mata, hawak ang maselan kong bahagi ng katawan.“I know nothing happened. I would feel it if something... anything... happened.” Binitawan ko ang mga salitang iyon nang may halong kaba, iniisip kung p
Misha’s POVMadilim na ang kuwarto, sobrang lamig na ng buong paligid dahil sa aircon, sinabayan pa na nanlalamig ako dahil sa nangyari, pero wala akong ibang nararamdaman kundi ang bigat sa puso ko. Ang lumbay na bumabalot sa akin ay hindi na kayang takpan ng mga unan o ng kumot na nakasapin sa akin. Ramdam kong mag-isa lang ako dito sa kuwarto kahit na hindi dapat ganoon. Dapat kasama ko si Everett. Pero umalis siya, at hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Hindi ko alam kung saan siya matutulog. Sa condo, sa office o sa dating manisyon nila.Alam kong lasing siya kanina, at kitang-kita ko kung paano siya umiwas sa tingin ko bago siya tuluyang nagpaalam nang walang paliwanag. Alam kong masama ang loob niya. At alam ko rin kung bakit.Mabilis na pumatak ang luha sa mga mata ko habang iniisip ang mga huling salitang binitiwan niya. “Akala mo ba hindi ko alam? Hindi mo ako maloloko, Misha. Kaya pala sobrang lapit ninyong dalawa kasi naglalandian na kayo.” iyon ang huling sinabi niya na
Misha’s POVKinabukasan, maga pa rin ang mga mata ko nang pumasok ako sa trabaho. Malungkot pa rin kasi hanggang umaga ay walang Everett na umuwi. Hindi ko alam kung saan siya natulog.Ayokong maging paksa ng mga usapan sa hotel, kaya’t sinuot ko na lang ang itim na shades ko. Sa isip ko, siguradong magtataka na naman ang mga staff kapag nakitang ganito ang itsura ko. Napakasaya ko nung isang araw, tapos makikita nilang maga ang mga mata ko.Una kong hinanap si Belladonna, ang executive assistant ko na laging matapang at tapat sa trabaho. Kasama ko siya nung gabing iyon, kaming tatlo ni Cassian. Pero tila pati siya ay nadamay kasi napainom din siya ng alak na tila may pampatulog. Kung bakit sabay-sabay kaming tatlo na nakatulog nang gabing iyon.Bago pa man ako makapagbukas ng bibig, lumapit siya sa akin.“Good morning, Ma’am. Misha,” bati niya, pero hindi ko na napigilan ang pag-aalala sa boses ko.“Belladonna, kailangan ko ng tulong mo,” sabi ko habang pilit na hinahagod ang leeg ko
Misha’s POVNang makarating ako sa bahay, ramdam ko ang kabog ng puso ko sa kaba at saya. Pagkabukas ko ng pinto, agad kong nakita ang isa sa mga kasambahay namin, at may ngiti siya sa labi.“Ma’am Misha,” bungad niya. “Nandito po si Sir Everett, nasa guest room. Mukhang naparami yata ang nainom kaya dun natulog.”Hindi ko mapigilang mapangiti kahit kaunti. Hindi man siya sa kuwarto namin natulog, ang mahalaga, umuwi siya. Ang mahalaga, nandito siya kahit paano.“Lasing ba talaga siya, Ate?” mahina kong tanong.Tumango siya at tumitig sa akin, tila may lungkot sa mga mata niya. “Opo, Ma’am. Mukhang… mabigat ang iniisip ni Sir kasi tulalang-tulala at parang ano po eh, parang lutang na lutang o baka lasing lang ho talaga.”Huminga ako nang malalim at sa sandaling iyon, naisip ko na baka ito na ang pagkakataon kong ipakita kay Everett na hindi totoo ang mga iniisip niya tungkol sa akin. Hindi ko siya kayang makita na nahihirapan, lalo pa’t alam kong ako ang dahilan ng sakit na nararamdam
Misha’s POVNagising ako nang tumunog na ang alarm clock ko. Agad ko namang naisip si Everett. Nagbabakasakaling magigising ako na nasa tabi ko na siya pero wala. Kinuha ko ang unan at niyakap ito nang mahigpit, nagbabakasakaling maramdaman ang init ng kanyang katawan sa tabi ko. Ngunit, tulad ng dati, wala si Everett. Agad akong bumangon, habang parang may kung anong kirot sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Ipinilig ko ang ulo, pilit pinapakalma ang sarili habang iniisip na baka lumipat lang siya ng kuwarto kagabi para hindi ako maistorbo sa pagtulog. Pero alam kong hindi, alam kong galit pa siya at hindi na ata ako gustong makatabi pa sa pagtulog.Bumaba ako ng hagdan, marahang hinakbang ang bawat baitang. Ang bawat hakbang ay tila mas nagpapabigat sa dibdib ko, lalo na’t may takot akong baka hindi ko siya makita. Paglabas ko sa kuwarto, narinig ko ang tunog ng mga plato at kutsara sa kusina. Naisip ko na baka doon siya, naghahanda para sa trabaho. Ngunit habang papalapit ako, n
Misha’s POVHabang nanatili akong nakatago sa gilid ng hallway, pinanood ko ang mga kilos ni Belladonna. Isang bagay ang ipagtanggol ang boss sa harap ng iba, ngunit iba ang nakita ko sa kanya—higit pa ito sa simpleng obligasyon bilang assistant. Naroon ang tiwala, ang parang malasakit na tila itinuturing na niya akong malapit na kaibigan.Tahimik akong lumapit, masusing pinagmasdan si Belladonna na kinakausap pa rin ang mga staff, ang boses niya mahina ngunit puno ng banta.“Do you have any idea what Misha has been through? She’s done everything to get where she is now, and you think you can just spread rumors about her like she’s some kind of tabloid figure? She’s our boss, and the least you could do is respect that.”Naramdaman kong parang may bumigat sa dibdib ko. Alam ko naman na may mga inggit sa paligid, at hindi na bago sa akin ang mga tsismis, pero hindi ko inaasahan na aabot sa ganitong level ang mga paninirang kumakalat sa hotel.Muling napayuko ang tatlong staff, halatang n
Everett’s POVNakapako ang tingin ko sa monitor ng laptop ko, pero wala talaga akong makuhang tamang focus. Imbes na mga datos at reports ang makuha kong basahin, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang larawan nilang dalawa—si Misha at ang lalaking iyon. Akala ko pa naman matino at talagang mabait ang Cassian na ‘yon, inaaligiran lang pala talaga ang asawa ko. Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon. Paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang itsura nila. Magkasama sa kama, habang mga walang saplot. Kahit ilang beses ko nang sinubukang alisin iyon sa isip ko, mas lalo lang itong bumabalik sa isip.“Sir, you have a meeting in fifteen minutes,” paalala ng assistant ko mula sa pintuan. Tumango lang ako at nagkibit-balikat, bagaman alam kong wala sa tamang kondisyon ang isip ko para sa kahit anong seryosong usapan ngayon. Ilang ulit kong nilakasan ang loob ko, pilit na nilulunod ang sakit sa loob, pero hindi ko na talaga kaya.Hapon na nang tinawagan ko si Garil. Walang oras na hindi ako apek
Everisha’s POVNasa gitna ako ng pag-aayos ng mga papeles sa office room ko nang biglang bumukas ang pinto nang walang paalam. Halos mahulog ang hawak kong folder nang makita kong si Mishon pala ang pumasok, mukhang excited na naman sa kung anong pakulo niya.“Mishon! Ano ba? Kumakatok naman dapat,” sabi ko habang inaayos ang sarili ko, pilit na binabawi ang nawalang composure.Ngumisi lang siya na may halong pilyo sa mga mata. “Ate, tara. Bonding tayo.”Napataas ang kilay ko. “Ha? Bonding agad? Ano na namang trip mo?”“Ay naku, huwag ka nang tanong nang tanong. Tara na. Sumama ka na lang, wala nang tanggihan pa,” sagot niya na para bang wala akong ibang choice. Tipikal na Mishon—demanding at may pagka-bossy.Nagbuntong-hininga ako. Alam ko naman na hindi siya titigil hangga’t hindi ko siya sinasamahan. Ganito na talaga kami dati, kahit gaano ako ka-seryoso sa trabaho, si Mishon ang laging nagpapaalala sa akin na kailangan ko ring mag-relax.“Fine,” sabi ko habang tinatanggal ang sala
Everisha’s POVNapatitig ako sa mga mata ni Czedric matapos ang aksidenteng paghalik namin. Ramdam ko ang init ng hininga niya na tila bumalot sa aking balat, nagpapatigil sa tibok ng puso ko at nagpapabilis naman ng bawat paghinga ko. Nang akma akong tatayo para magpaliwanag o kahit paano’y mabawasan ang awkwardness, bigla niyang hinawakan ang braso ko, pinigilan niya ang aking pagtayo.“Wait,” aniya na pabulong ngunit mariin, habang nakatitig pa rin sa akin.Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin, pero bago pa ako makapagsalita, hinila niya ako pabalik at muling hinawakan ang aking mukha. Nagulat ako nang dumikit ulit ang labi niya sa labi ko—pero ngayon, hindi na ito aksidente. Hindi na ito padalos-dalos.Ang mga labi niya ay gumagalaw nang marahan ngunit puno ng init. Ramdam ko ang bawat haplos ng paghalik niya—banayad sa una, ngunit habang tumatagal ay tila may halong panggigigil na parang matagal nang itinatago.Ano ba 'to? tanong ko sa sarili ko, habang unti-unting nara
Everisha’s POVAlas kuwatro palang ng madaling-araw na gising na ako. Kanina pa ako nakaabang sa labas ng mansiyon namin, hinahaplos ng malamig na hangin ang aking braso habang pinagmamasdan ang labas ng gate. Ilang beses ko nang sinilip ang oras sa relo ko, at ilang beses ko ring pinigilan ang sarili kong tawagan si Mishon para tanungin kung nasaan na siya. Ayoko namang magmukhang atat, pero kailangan kong kausapin ang bunso kong kapatid bago siya makapasok sa mansiyon.Hindi puwedeng malaman nina Mama Misha at Papa Everett na alam ko na ang tungkol kay Czedric. At higit sa lahat, hindi rin dapat malaman ni Mishon ang anumang detalye na puwedeng ikagalit ng mga magulang namin. Ngayong alam na ni Mishon ang lahat—dahil sa pagiging madaldal ni Czedric—hindi ko maalis ang kaba ko. Paano kung mabanggit niya iyon sa kanila?Habang wala pa, nagpatimpla muna ako ng kape sa kasambahay namin para mainitan naman ang sikmura ko, nagpakuha din ako sa kaniya ng slice bread na may palaman na peanu
Czedric’s POVNapabalikwas ako ng bangon mula sa kama nang marinig ko ang isang malakas na sigaw mula sa ibaba ng mansiyon. Halos tumalon ako mula sa kama, mabilis na isinuot ang aking tsinelas at nagmadaling bumaba. Bumilis ang tibok ng puso ko, iniisip ko kung ano na naman ang kaguluhan ang nagaganap.Pagdating ko sa sala sa ibaba, bumungad sa akin ang isang lalaki—matangkad, matipuno at mayabang ang tindig. Hindi ko siya kilala, pero malinaw sa kanyang kilos at tingin na hindi siya naroroon para makipag-usap ng maayos.“Hoy, sino ka at anong ginagawa mo dito?” singhal ko habang bumaba ng hagdan nang may galit sa boses.Hindi siya sumagot. Ngumisi lang siya nang bahagya, tila hindi natitinag sa tanong ko. “Ako? Ako dapat ang magtanong sa’yo, boy. Anong ginagawa mo sa mansiyon namin?”Mansiyon namin? Sino ba itong lalaking ito? Pinili kong huwag siyang sagutin. Sa halip, sinugod ko siya, tinatakbo ang pagitan namin habang handang gamitin ang mga natutunan ko mula kay Tito Everett at
Czedric’s POVHindi ko pa man naririnig ang buong detalye mula kay Tita Marie, nagpasya na akong pumunta sa hideout kung saan nila dinala si Raegan. Ang ideya na ang impostor ko ay hawak na nila ay nagdulot ng halo-halong emosyon—galit, takot, at paghihiganti. Pero higit sa lahat, gusto kong marinig mula sa kanya ang dahilan ng lahat ng ito.Habang papalapit ako sa hideout, pinilit kong panatilihing malamig ang ulo ko. Alam kong hindi ako pwedeng magpadala sa emosyon. Dala-dala ko ang maskarang natanggap ko kay Tito Everett. Hindi ko agad ipapakita ang mukha ko sa kanya—gusto kong makita ang reaksyon niya kapag nalaman niyang buhay pa ako.Pagpasok ko sa madilim na silid, nandoon si Raegan, nakagapos sa upuan. Mukhang pagod siya, pero kahit ganun, may halong kayabangan pa rin sa mga mata niya. Napansin ko rin ang bahagyang galos sa mukha niya, marahil dulot ng pananäkit sa kaniya ni Tita Marie nung magising na ito kanina. Mabuti na lang talaga at nagmana si Everisha sa papa niya, dahi
Everisha’s POVPagbaba ko mula sa kwarto, naghihikab pa ako dahil medyo inaantok pa ako. Late na kasi akong nakatulog kagabi dahil magka-video call kami ni Czedric. Sa akin niya unang pinakinggan ang kauna-unahang compose niyang kanta. Ewan ko ba, natuwa ako nang marinig ko ang kanta niyang parang inspire sa unang pagkikita namin. Ang title ay Abula-bula mountain love story, at sure akong kami ang magkasintahan na tinutukoy sa kanta niya. Ang hindi lang malinaw ay ‘yung magkasintahan kami dahil wala pang ganun. Ang simpleng tunog ng mga yapak ko sa hagdanan ay parang naging mas maingay kaysa sa dati. Nang makarating ako sa sala, nakita ko ang isang pamilyar na tao na nakaupo sa sofa.W-wait. Si Czedric?Nanatili akong tahimik habang nakatayo sa tabi ng hagdan. Gusto kong lapitan siya, pero hindi ko magawang alisin ang mga duda ko. Paano kung hindi siya si Czedric? Paano kung siya ang impostor—si Raegan?Ngumiti ako nang bahagya, hindi sapat para magduda siya, pero hindi rin sapat par
Czedric’s POVPagkatapos ng halos magdamag na training kasama si Tito Everett, pakiramdam ko ay parang nanlambot ang buong katawan ko. Pero alam kong kailangan ko itong tiisin. Ang bawat galaw, bawat atake na tinuturo niya, ay bahagi ng paghahanda para sa pinakamalaking laban ng buhay ko.Habang papalabas ako ng training field, ramdam ko ang malamig na hangin ng gabi. Pinahid ko ang pawis sa aking noo gamit ang tuwalya. Sa malayo, narinig ko ang huni ng mga kuliglig—tila nagpapaalala sa akin na kahit papaano, buhay pa rin ang mundo sa kabila ng lahat ng kaguluhan. Sa totoo lang, kapag naririnig ko ang mga huni ng mga ibon, nararamdaman kong safe ako kasi ganoon ang naririnig ko palagi sa bundok nung doon pa ako naka-stay. Nakaka-miss pero hindi na ako duwag para umatras pa sa laban ngayon. Tama sila, kailangan kong ipaglaban ang dapat na sa akin. Ang mukha ko, pangalan at kayamanan namin.Isang text ang natanggap ko mula kay Marco: "Meet me at the usual place."Ang lugar na iyon ay pa
Czedric’s POV Ang init ng hapon ay unti-unti nang humuhupa habang papalubog ang araw. Ang hangin mula sa dagat ay malamig-lamig na, na tila nagpapakalma sa lahat ng kaba at tensyon sa dibdib ko. Kanina, galing ako sa ospital. Bumubuti na ang lagay niya, pero sinabihan niya ako na huwag munang magdadalaw kasi madalas gumala doon si Jonas at ang impostor ko. Delikado raw para sa akin. Napatunayan namin nila Tita Marie at Tito Everett na kakampi ko ang pinsan kong si Marco. Hanggang ngayon, wala pa rin kaalam-alam si Tiro Everett na may alam na si Everisha. Hindi rin niya alam na muntik nang mapasama si Everisha. Mabuti na lang at pinagtatakpan kami ni Tita Marie, sobrang bait niya. Nakatanggap ako ng text message kay Everisha kaya ako nandito ngayon sa tabing-sagat. Sa ganitong mga oras, paborito namin ni Everisha na magkita sa tabing dagat. Dala niya ang paborito niyang kape, samantalang ako naman ang bahala sa pastries. Ngayon, wala na akong maskara. Wala na rin ang balbas at bigot
Czedric’s POVPagdating namin sa ospital, dali-dali nilang isinugod si Marco sa emergency room. Ang mukha niya ay maputla at ang dugong tumutulo mula sa sugat niya ay tila hindi tumitigil. Kasabay ng pagpasok niya sa ER, parang sumabay din ang kaba at takot sa dibdib ko.Habang naghihintay sa labas, napansin kong hindi mapakali si Everisha. Palakad-lakad siya at paminsan-minsang sinusulyapan ang pinto ng emergency room. Sa kabila ng tensyon, naisip ko na siguro’y ito na ang tamang oras para tanungin siya tungkol sa mga bagay na bumabagabag sa akin.“Everisha,” tawag ko sa kanya.Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. “Yes?”“Alam mo na pala ang lahat, hindi ba?” tanong ko habang pilit na kinakalma ang boses ko kahit gusto kong sumabog dahil sa dami ng tanong sa isip ko.Tumango siya habang halatang nag-aalangan. “Yes, I’ve known for a while now. I know that you and CD are the same person.”Napaatras ako ng bahagya sa gulat. “Paano? Kailan mo pa nalaman?”Hinilot niya ang senti