Misha’s POVSa gitna ng lahat ng nangyayari, ramdam ko pa rin ang bigat ng pangamba sa puso ko. Habang pinagmamasdan ko ang mga bisitang patuloy sa kasiyahan, napagdesisyunan kong manatili na lang sa loob ng hotel ngayong gabi, at tila alam kong hindi ko kayang mapalayo pa sa paligid na kontrolado ko.Tinawagan ko si Everett pero ayaw nitong sumagot, mukhang busy pa kaya mamaya ko na lang siya tatawagan ulit.Lumingon ako kay Belladonna at iniabot ang isang bahagyang utos, “Bella, could you please invite Cassian to join us in the presidential suite? Mukhang hindi pa rin niya gustong umuwi,” pabiro kong sabi, kahit na may halong kaba ang intensyon ko.Nagkibit-balikat lang si Belladonna at mabilis na sinunod ang utos ko, agad lumapit kay Cassian na noo’y nag-e-enjoy pa rin sa gitna ng mga bisita. Nakita kong nagliwanag ang mukha niya nang banggitin ni Belladonna ang invitation ko, at tumango ito, mukhang masaya pa rin at walang balak umalis kahit na lagpas na sa oras ng event.Ilang mi
Misha’s POVHabang tuloy-tuloy ang inuman namin sa presidential suite, bumibigat na rin ang mga mata ko. Pero nasa paligid ko pa rin sina Cassian at Belladonna, at kahit paano, nararamdaman kong ligtas at kalmado ako sa kanilang presensya.Napansin kong medyo natameme si Belladonna habang umiinom ng wine, at ilang segundo lang, dahan-dahan siyang sumandal sa sofa, nakapikit ang mga mata at hindi na gumagalaw.“Bella?” tawag ko sa kanya habang nag-aalala sa biglaang pangyayari.Pero wala siyang sagot, at bago pa ako makapag-react, naramdaman kong tumagilid si Cassian, bumagsak ang ulo sa braso at nakasandal na rin sa sofa, parang nawalan ng ulirat. Nagulat ako, hindi ko alam ang gagawin.Lasing na ba sila o nakatulog na lang sa antok bigla?“Cassian?” Pilit ko siyang ginising pero walang sagot. Napalunok ako, sinubukang manatiling kalmado kahit na unti-unti na ring umiikot ang paligid ko. Sa tingin ko ay malakas ang tama ng huling wine na ininom ko. Sumandal ako sa sofa, ang bigat ng k
Misha’s POVPagkadating ko sa bahay, tahimik ang buong paligid. Wala ni isang kaluskos, tanging pintig lang ng puso ko ang naririnig ko—mabilis, parang may mga kabayong naghahabulan sa loob ng dibdib ko. Tila lumulubog ang mga paa ko sa bawat hakbang papunta kay Everett, na ngayon ay nasa kusina, hawak ang isang baso ng alak. Ang bigat ng kaniyang mga mata sa akin, nanunuot, parang gusto akong saktan. Pero, hindi siya kumikibo.“Everett, honey,” sinimulan ko na halatang nanginginig ang boses ko. “Please, you have to believe me... there was nothing—nothing happened.”Patuloy lang siya sa pag-inom. Kahit pilit kong ngumiti, kahit pilit kong paliwanag ang lahat, hindi niya ako tinignan. Para akong isang hangin lang na walang pumapansin. Hindi ko na napigilan; lumapit ako, nangungusap ang mga mata, hawak ang maselan kong bahagi ng katawan.“I know nothing happened. I would feel it if something... anything... happened.” Binitawan ko ang mga salitang iyon nang may halong kaba, iniisip kung p
Misha’s POVMadilim na ang kuwarto, sobrang lamig na ng buong paligid dahil sa aircon, sinabayan pa na nanlalamig ako dahil sa nangyari, pero wala akong ibang nararamdaman kundi ang bigat sa puso ko. Ang lumbay na bumabalot sa akin ay hindi na kayang takpan ng mga unan o ng kumot na nakasapin sa akin. Ramdam kong mag-isa lang ako dito sa kuwarto kahit na hindi dapat ganoon. Dapat kasama ko si Everett. Pero umalis siya, at hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Hindi ko alam kung saan siya matutulog. Sa condo, sa office o sa dating manisyon nila.Alam kong lasing siya kanina, at kitang-kita ko kung paano siya umiwas sa tingin ko bago siya tuluyang nagpaalam nang walang paliwanag. Alam kong masama ang loob niya. At alam ko rin kung bakit.Mabilis na pumatak ang luha sa mga mata ko habang iniisip ang mga huling salitang binitiwan niya. “Akala mo ba hindi ko alam? Hindi mo ako maloloko, Misha. Kaya pala sobrang lapit ninyong dalawa kasi naglalandian na kayo.” iyon ang huling sinabi niya na
Misha’s POVKinabukasan, maga pa rin ang mga mata ko nang pumasok ako sa trabaho. Malungkot pa rin kasi hanggang umaga ay walang Everett na umuwi. Hindi ko alam kung saan siya natulog.Ayokong maging paksa ng mga usapan sa hotel, kaya’t sinuot ko na lang ang itim na shades ko. Sa isip ko, siguradong magtataka na naman ang mga staff kapag nakitang ganito ang itsura ko. Napakasaya ko nung isang araw, tapos makikita nilang maga ang mga mata ko.Una kong hinanap si Belladonna, ang executive assistant ko na laging matapang at tapat sa trabaho. Kasama ko siya nung gabing iyon, kaming tatlo ni Cassian. Pero tila pati siya ay nadamay kasi napainom din siya ng alak na tila may pampatulog. Kung bakit sabay-sabay kaming tatlo na nakatulog nang gabing iyon.Bago pa man ako makapagbukas ng bibig, lumapit siya sa akin.“Good morning, Ma’am. Misha,” bati niya, pero hindi ko na napigilan ang pag-aalala sa boses ko.“Belladonna, kailangan ko ng tulong mo,” sabi ko habang pilit na hinahagod ang leeg ko
Misha’s POVNang makarating ako sa bahay, ramdam ko ang kabog ng puso ko sa kaba at saya. Pagkabukas ko ng pinto, agad kong nakita ang isa sa mga kasambahay namin, at may ngiti siya sa labi.“Ma’am Misha,” bungad niya. “Nandito po si Sir Everett, nasa guest room. Mukhang naparami yata ang nainom kaya dun natulog.”Hindi ko mapigilang mapangiti kahit kaunti. Hindi man siya sa kuwarto namin natulog, ang mahalaga, umuwi siya. Ang mahalaga, nandito siya kahit paano.“Lasing ba talaga siya, Ate?” mahina kong tanong.Tumango siya at tumitig sa akin, tila may lungkot sa mga mata niya. “Opo, Ma’am. Mukhang… mabigat ang iniisip ni Sir kasi tulalang-tulala at parang ano po eh, parang lutang na lutang o baka lasing lang ho talaga.”Huminga ako nang malalim at sa sandaling iyon, naisip ko na baka ito na ang pagkakataon kong ipakita kay Everett na hindi totoo ang mga iniisip niya tungkol sa akin. Hindi ko siya kayang makita na nahihirapan, lalo pa’t alam kong ako ang dahilan ng sakit na nararamdam
Misha’s POVNagising ako nang tumunog na ang alarm clock ko. Agad ko namang naisip si Everett. Nagbabakasakaling magigising ako na nasa tabi ko na siya pero wala. Kinuha ko ang unan at niyakap ito nang mahigpit, nagbabakasakaling maramdaman ang init ng kanyang katawan sa tabi ko. Ngunit, tulad ng dati, wala si Everett. Agad akong bumangon, habang parang may kung anong kirot sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Ipinilig ko ang ulo, pilit pinapakalma ang sarili habang iniisip na baka lumipat lang siya ng kuwarto kagabi para hindi ako maistorbo sa pagtulog. Pero alam kong hindi, alam kong galit pa siya at hindi na ata ako gustong makatabi pa sa pagtulog.Bumaba ako ng hagdan, marahang hinakbang ang bawat baitang. Ang bawat hakbang ay tila mas nagpapabigat sa dibdib ko, lalo na’t may takot akong baka hindi ko siya makita. Paglabas ko sa kuwarto, narinig ko ang tunog ng mga plato at kutsara sa kusina. Naisip ko na baka doon siya, naghahanda para sa trabaho. Ngunit habang papalapit ako, n
Misha’s POVHabang nanatili akong nakatago sa gilid ng hallway, pinanood ko ang mga kilos ni Belladonna. Isang bagay ang ipagtanggol ang boss sa harap ng iba, ngunit iba ang nakita ko sa kanya—higit pa ito sa simpleng obligasyon bilang assistant. Naroon ang tiwala, ang parang malasakit na tila itinuturing na niya akong malapit na kaibigan.Tahimik akong lumapit, masusing pinagmasdan si Belladonna na kinakausap pa rin ang mga staff, ang boses niya mahina ngunit puno ng banta.“Do you have any idea what Misha has been through? She’s done everything to get where she is now, and you think you can just spread rumors about her like she’s some kind of tabloid figure? She’s our boss, and the least you could do is respect that.”Naramdaman kong parang may bumigat sa dibdib ko. Alam ko naman na may mga inggit sa paligid, at hindi na bago sa akin ang mga tsismis, pero hindi ko inaasahan na aabot sa ganitong level ang mga paninirang kumakalat sa hotel.Muling napayuko ang tatlong staff, halatang n
Mishon POVHumahangos akong pumasok sa ospital, habang kumakabog ang dibdib ko. Para akong nawalan ng pandinig sa lahat ng ingay sa paligid, ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay si Miro. Ang anak kong si Miro na nasa loob ng isang silid, sugatan, dahil sa kagagawan ng mga taong walang awang nagpaputok ng baril sa sasakyan nila ng mama niyang Raya.Pero matagal ko nang naisip na may chance na mangyari ito dahil nga isang mafia boss itong mama ni Miro. At naisip ko rin na sobrang delikado na kasama ni Raya si Miro kapag lalabas siya. At heto na nga, nagkatotoo na ang kinakatakot kong mangyari.Pagdating ko sa reception, mabilis kong kinausap ang nurse. “Where is my son? Where is Miro Tani?’The nurse quickly scanned her clipboard and nodded. “Room 307, sir. He is stable now. The doctor has already cleaned his wound.”Hindi na ako naghintay ng kahit isang segundo. Tinakbo ko ang hallway papunta sa kuwarto ni Miro. Halos masunggo ko nga ang mga taong nakakasalubong ko, humingi na lang
Ada POVMakalipas ang isang taon, tila hindi ko na namalayan kung gaano kabilis lumipas ang panahon. Isang taon na pala ang lumipas mula nang isilang ko si Ahvi at sa loob ng panahong iyon, nagawa ko rin ang isang bagay na matagal ko nang gustong gawin, ang magtayo ng sariling pizza company.“Are you really going to be the face of your own brand?” tanong ni Verena habang nakaupo sa isang itim na leather couch sa opisina ko.I smiled, taking a sip of my espresso. “Of course. Who else would it be? If you want your brand to stand out, you have to make it personal.”“Well, you are an international supermodel. People will definitely buy anything with your face on it.” Yanna smirked as she flipped through a magazine featuring an ad for my pizza company, where I was holding a slice of pizza, my signature confident pose on full display.Sa loob ng isang taon, napalago ko ang business ko mula sa isang simpleng pizza shop patungo sa isang napakalaking pizza company. Ang sikat na pangalan ko bil
Ada POVSa wakas, makakauwi na rin kami sa mansiyon. Mabuti na lang din at last day gala na namin sa Bicol nung manganak ako. Habang yakap-yakap ko si Ahvi sa loob ng eroplano, hindi ko mapigilang mapangiti. Ang liit-liit niya, napakaganda at napakapayapa ng mukha nito habang natutulog sa bisig ko. Si Mishon naman ay nasa tabi ko, hindi pa rin makapaniwalang may anak na kami. Katabi niya rin ang anak niyang si Miro. Kung titignan tuloy ay para kaming isang buong masayang pamilya na galing sa masayang galaan.“Are you okay, love?” tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko.I smiled at him, though I still felt exhausted. “I’m more than okay. I’m finally taking our little princess home.”Pagkalapag ng eroplano, sinalubong kami agad ng private cars namin na maghahatid sa mansiyon. Wala pang isang oras, narating na namin ang bahay at halos mapaluha ako sa nakita ko. Isang napakalaking banner ang nakasabit sa harap ng mansiyon na may nakasulat na…Welcome home, Mommy Ada & Baby Ahvi. Napaka
Mishon POVSa loob ng ilang buwan, pabalik-balik ako sa Pilipinas at Paris para sa wine company ko na ngayon ay patuloy na lumalakas ang kita at patuloy na nagpapakilala sa buong mundo. Lahat ng farm ko sa Pilipinas, halos sabay-sabay at sunod-sunod na namumunga kaya naman hindi na kami nauubusan ng ubas na ginagamit para sa wine ko. Ang gandahan pala sa maraming farm, ikaw ang magsasawang gumawa ng maraming wine kasi ang dami palaging harvest. Kaya pati rito sa Pilipinas, tuloy-tuloy na rin ang paggawa ng mga wine.Napakasaya na madalas na akong mag-guest sa mga tv show na about sa business, madalas din pag-usapan sa social media ang wine ko kasi kada buwan, iba’t ibang sikat na model o artista ang kasama sa commercial, at iyon ang paraan ko para lalong pasikatin ang Tani Wine company ko.Ngayon, nasa Bicol kami kasi nag-aya si Ada na gusto niya raw makita ang bulkang mayon. Ayoko nga sana kasi takot ako sa mga kalamidad, lalo na sa mga pumuputok na bulkan. Pero imbis na ang mayon an
Ada POVPagkatapos ng engrandeng kasal namin ni Mishon, agad kaming lumipad patungong Italy para sa aming bonggang honeymoon. Isang oras lang naming pinagplanuhan ito at dahil pareho naming gustong maranasan ang pinakamagandang honeymoon sa buhay namin, pinili namin ang Italy.Kinabukasan, pagkatapos ng kasal, lumakad na agad kami. Kaya naman pagdating namin sa Rome, tumuloy kami sa isang sikat at magandang hotel na tanaw ang Colosseum. Napakalawak ng aming suite, may floor-to-ceiling windows, bonggang chandeliers at isang private terrace na may panoramic view ng city.“Woah! This view is breathtaking,” bulong ko kay Mishon habang hinahaplos ko ang braso niya.“Not as breathtaking as you, Mrs. Tani,” sagot niya bago ako hinalikan sa noo.Today, nagpahinga lang muna kami dahil napagod kami sa kasal at sa mismong paggayaka kasi ura-urada ang pag-alis namin, saka isang oras lang talaga naming pinag-usapan na dito sa Italy mag-honeymoon. Dapat nga ay wala kasi nasa Pilipinas naman kami, m
Ada POVPagkatapos ng engrandeng seremonya sa simbahan, dire-diretso na ang buong entourage patungo sa aming reception. Dalawang venue ang inihanda namin ni Mishon, isa para sa mga fans ko sa isang five-star hotel event area, at ang pangunahing pagtitipon naman ay magaganap sa napakalawak na garden ng aming mansiyon.Sa loob ng sasakyan, abala ang wedding coordinator sa pag-update sa akin. “Everything is set, Ma’am Ada. Your fans are already at the hotel, waiting for the program to start. The media is covering both venues, and the main reception at the mansion is absolutely breathtaking.”“That’s good to hear,” sagot ko habang abala ako sa pagtingin sa labas ng kotse. Mula sa tinted na bintana ng sasakyan, tanaw ko ang ilang helicopter sa ere, may mga drone at TV network choppers, nagsasahimpapawid ng live coverage ng aming kasal sa buong bansa.Bongga kasi ang mga TV network ay pinaghandaan ang kasal naming ito.**Pagdating namin sa manisyon, naghihintay na roon ang lahat ng bisita
Mishon POVNang bumukas ang malalaking pinto ng simbahan, bumilis ang tibok ng puso ko. Lahat ng tao sa loob ay napatigil at kahit ang live coverage sa TV ay tila nag-focus lang sa isang eksena, ang pagpasok ni Ada.Nakatayo ako sa harap ng altar, habang unti-unti nang napapaluha dahil sa tuwa. Grabe, parang noon lang ay tagahanga niya lang ako sa malayo, tapos ang ending, sa akin pala ikakasal ang isa sa pinakasikat na fashion model sa buong mundo.Ang simbahan ay puno ng puting bulaklak na galing sa atok, benguet, doon ito in-order ni Ada nung nakaraang araw lang. Tapos, ang bawat upuan ay may nakalagay na engraved nameplates para sa mga VIP guests. Hindi ito basta kasal lang kasi ito ay isang engrandeng seremonya na tinitingala ng buong bansa. Iyon ang sabi ni Ada at naniniwala naman ako kasi hindi lang bastang normal na tao si Ada, kilala siya ng maraming tao, kilala siya ng buong mundo.Bumukas ang pinto at doon siya lumabas.Si Ada.Ang babaeng pakakasalan ko ngayon.Suot niya
Ada POVKabado akong nakaupo sa loob ng luxury car na gawa sa company ng papa ni Mishon, ito na ‘yung napakagara at mamahaling puting kotse na napili namin ni Mishon. Nandito ako at naka-video call sa isa sa mga coordinator ng kasal ko habang sinisilip ko ang mga nangyayari sa loob ng simbahan.Habang nanunuod sa nangyayari roon, sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko sa kabila ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa excitement o normal lang talaga sa kinakasal ang kinakabahan? Baka nga.Sa screen ng phone ko, kita ko ang organizer na maingat na tinututukan ang bawat detalye ng kasal. Super gagaling ng mga staff ng kasal namin ni Mishon kasi hanggang ngayon, perfect pa rin ang lahat at wala pa ring problema.“Everything is going smoothly, Ma’am Ada,” malumanay niyang sabi. “The entourage has started walking down the aisle. The timing is perfect. Just take a deep breath and enjoy the moment po.”Napatingin ako sa bintana. Isang malawak na floral arch an
Mishon POVAlas sais ng umaga nang magising ako sa kuwarto sa third floor ng mansiyon. Ilang segundo akong nakatingin sa kisame nun habang pinoproseso ang lahat. Oh, Lord, ngayong araw na ang kasal namin ni Ada. Ngayong araw na magsisimula ang panibagong yugto ng buhay ko kasama ang mahal na mahal kong si Ada.“Good morning, Sir Mishon. Your breakfast is here.” Narinig kong sabi ng isang staff na kumatok sa pinto.Bumangon ako mula sa malambot na kama at pinagbuksan siya. Isang tray ng almusal ang inilapag nito sa maliit na mesa sa gilid ng kuwarto, croissants, scrambled eggs, smoked salmon at isang tasa ng mainit na black coffee ang almusal ko. Simple pero elegante, si Ada siguro ang nagpa-ready nito. Umagang-umaga ay pinapakilig niya ako. Saktong-sakto lang din ito kasi kailangan kong kumain ng almusal para may lakas ako sa buong maghapon.Habang kumakain ako, pumasok ang tatlong lalaki mula sa aking glam team. Ang lead stylist na si Rafael, isang sikat na fashion consultant na naka