Home / Romance / The Spoiled Wife of Attorney Dankworth / Kabanata 191 - Kabanata 200

Lahat ng Kabanata ng The Spoiled Wife of Attorney Dankworth: Kabanata 191 - Kabanata 200

399 Kabanata

Chapter 98.1

MARAHANG HINARAP NI Bethany si Briel ng marinig niya ang huling litanya nito. Nakita niya ang malapad na mga ngiti ng dalaga na puno ng pag-asang pagbibigyan sa kanyang kahilingan. Alam ni Bethany sa kanyang sarili na hindi niya ito pwedeng tahasang tanggihan sa gusto nitong mangyari lalo pa at kapatid ito ni Gavin. Batid niya sa kanyang sarili na dahil gusto niya ang kapatid nitong si Gavin kung kaya naman magiging mapagparaya siya sa anumang hihilingin ng dalaga hindi upang mapalapit dito kundi bilang respeto na rin. Ganunpaman, sa huli si Gavin pa rin naman ang masusunod sa kanilang dalawa. Ang ideyang iyon ay mas nagpahiya pa sa pakiramdam ni Bethany dahil wala siyang palag o kung papalagan niya ito na kagaya ng dati, noong na-kidnap sila malamang maba-badshot siya sa kanya. Wala siyang ibang choice kundi ang lingunin na doon si Gavin upang humingi na dito ng magiging opinyon nito. Saglit na nag-usap ang kanilang mga mata sa tahimik na paraan. Ang akala ni Bethany ay ayos na iyon,
Magbasa pa

Chapter 98.2

BLANGKO ANG MGA matang sinundan nina Gavin at Bethany ang likod ng musician. Maya-maya pa ay muli silang nagkatinginan. Naisip ng dalaga na wala naman siyang kasalanan, ganunpaman ay pipiliin pa rin niyang humingi ng pasensya kay Gavin. Baka kasi sumobra siya. Ayaw din naman niyang lumawig pa ang kanilang away. Maliit siyang ngumiti ng lumapit na si Gavin sa kanya at bahagya siyang niyakap nito. “I am sorry, Thanie. Na-misunderstood ko lang ang mga nangyari kanina.” bulong na nito sa puno ng tainga niya.Nanlalambot na doon si Bethany, bago pa man siya makahingi ng sorry dito ay nauna na ang binatang gawin iyon.“Sorry din Gavin, kung napagtaasan kita ng boses.” Doon natapos ang kanilang gusot na hindi naman talaga gusot. Naunahan lang ng matinding selos si Gavin. Nagpatuloy ang event at sinigurado ni Gavin na hindi mahihiwalay sa kanyang tabi ang dalaga. Kung saan siya pumunta ay dinadala niya ito. Ayaw niyang ma-out of place ito sa lugar. Hindi naman nagreklamo doon si Bethany na
Magbasa pa

Chapter 99

TINANGGAL NI GAVIN ang suot niyang coat at walang imik na inihagis iyon sa sofa. Saglit na tiningnan niya lang ang kapatid at future bayaw na nasa likuran nila, kapagdaka ay nilingon na niya si Bethany.“Magpapalit lang ako ng damit.”Kumibot-kibot ang bibig ni Gavin, akmang may nais na sabihin sa dalaga ngunit hindi na lang niya iyon itinuloy. Pailalim niya lang tiningnan si Bethany. Kapagdaka ay ibinaling na niya ang kanyang tingin sa dalawa nilang hindi inaasahang bisita. “Maupo kayo,” anyaya niya sa dalawa na itinuro pa ang bakanteng mga upuang sofa. Sa halip na sundin iyon ay hinila ni Briel si Albert upang libutin ang buong living room. “Kuya Gav, nagpalit ka ng mga kurtina? Natatandaan ko ang dilim dito noong huling punta ko. Ang laki ng ipinagbago ng penthouse mo ha? Parang nagkaroon ng buhay.” Ngumisi lang si Gavin na itinaas na itinupi na ang manggas ng long sleeve na suot.“Ang girlfriend ko ang may gustong palitan namin ang mga iyan.” “Wow! Kailan ka pa natutong magin
Magbasa pa

Chapter 100.1

IYON ANG UNANG beses na nakita ni Albert ang dating nobya sa ganitong scene. Harap-harapan silang nagyayakapan. Naglalambingan ni Gavin, kung kaya naman walang katumbas iyong sakit. Halos magyelo ang kanyang dugo. Napatda ang kanyang mga mata sa babaeng pag-aari niya sana kung hindi niya lang ito nagawan ng masama. Walang pakundangang nakikipaghalikan sa kusina, naisip niya na marahil kung wala silang bisita ng mga sandaling iyon ay paniguradong gumawa na sila ng kababalaghan sa lugar na iyon. Parang niyakap ng lamig ang puso ni Albert. Aaminin niya, sobrang selos na selos siya. Subalit, wala naman siyang karapatan upang ipakita iyon sa kanilang dalawa.“Hmm, p-pasensya na kung naistorbo ko kayo sa inyong ginagawa. Hihingi lang sana ako ng malamig na tubig,” hindi makatingin nang diretsong wika ni Albert sa dalawang bulto na kaharap niya. “N-Nauuhaw na kasi si Briel…”Mabilis na lumapit si Bethany sa fridge, binuksan iyon at kumuha ng dalawang bottled water. Walang imik na ini-abot ni
Magbasa pa

Chapter 100.2

SUBALIT HIGIT PA doon ang ibinigay ng maykapal sa kanya, kay Gavin pa lang ay sobra-sobra na ito sa kung anong lihim na hinihiling niya noon. Ang tanging panalangin na lang niya ng mga sandaling iyon ay sana panghabangbuhay na ang lahat ng ito dahil gustong-gusto niya talaga ang binatang makasama.“Walang anuman, Gavin. Maraming salamat din sa lahat ng ibinibigay at pinaparanas mo sa aking magagandang bagay. Sobrang thankful ako na palagi kang nandiyan para sa akin. Hindi mo ako iniiwan.” tugon niya dito dahilan upang yakapin siyang muli ni Gavin nang sobrang higpit. “Para sa lahat ng iyon ay hindi sapat ang salitang salamat lang…” “You deserve it, Baby…” bulong ni Gavin sa kanyang tainga, humigpit ang yakap sa katawan ng dalaga. “Deserve mo ang mga bagay na nakukuha mo. Deserve mo iyon, Thanie…”Sa narinig ay hindi mapigilan ni Bethany na mamula ang mga mata. Sa mga bisig lang talaga ni Gavin niya nararamdaman ang maging safe at masaya. Sa yakap lang ng abogado ito nakukuha.“Kaya h
Magbasa pa

Chapter 101.1

PAGKARAAN NG ILANG minuto ay umakyat na rin agad si Gavin sa penthouse habang iniisip ang una niyang gagawin sa dalagang maaabutan niya. Habang lulan ng elevator ay hindi niya na mapigilang mapakagat ng kanyang labi. Hinintay niya lang umalis ang sasakyan ng kanyang kapatid at ng fiance nito tapos ay tumalikod na rin doon. Muling nagbalik sa isipan niya ang gigil na nararamdaman niya dito kanina habang nasa kusina silang dalawa. Isang kakaibang ngiti ang sumilay na sa kanyang labi. Sa puntong iyon naman ay mabilis ng nadala ni Bethany ang mga hugasin sa kusina. Binasa niya lang ng tubig ang mga iyon upang kinabukasan kapag hinugasan ay hindi mahirap. Tapos na rin siyang mag-half bath, minadali niya pang gawin iyon dahil ayaw niyang maghintay sa kanya ng matagal si Gavin at baka matulog na. Hindi na rin pajama ang kanyang suot kundi isa na iyong duster na maluwag sa kanyang katawan. Ready na ang dalaga sa napipintong gagawin nila ni Gavin pag-akyat nito. “Nasaan na kaya siya? Paakyat
Magbasa pa

Chapter 101.2

KASALUKUYANG NAKAPIKIT NA ang mga mata ni Gavin. Nakatakip ang isang braso niya sa kanyang mga mata upang huwag masilaw sa ilaw ng silid. Hinahabol pa rin niya ang paghinga.“Eh, iyon ang pinakadahilan niya kung bakit siya pupunta dito tapos hindi ko pagbibigyan?” “Thanie, gaya ng sinabi ko kanina ay hindi ka niya katulong—”“Naroon na tayo, Gavin. Maano bang pagbigyan ko siya? Hindi naman siguro iyon araw-araw.” “Okay, pero iyong madali lang. Kapag masyadong komplikado ang ipapaluto niya sa’yo, sabihin mo sa akin at ako ang kakastigo sa kanya. Pagagalitan at pagbabawalang pumunta.”Marahang tumango na si Bethany. Kilig na kilig na naman sa pagiging protective ng abogado sa kanya. Napatitig na ang mga mata niya sa mukha ni Gavin na nakapikit pa rin. Walang imik na hinawakan niya ang bridge ng ilong nito at pinagapang ang hintuturo niya pababa noon.“Gavin, gusto mo bang sabihin kay Briel na ako at ang fiance niya ay—”Idinilat na ni Gavin ang kanyang mga mata nang marinig iyon. Nili
Magbasa pa

Chapter 102.1

ILANG MINUTONG TININGNAN ni Gavin si Bethany, aaminin niya na nainis siyang bigla nang banggitin nito ang pangalan ng ex-boyfriend. Oo na, nagseselos pa rin siya dito kahit na wala namang kaselos-selos. Kung maaari nga lang ay pagbabawalan niya itong banggitin ang pangalang iyon, ngunit hindi naman pwede dahil sa kapatid niya. Kung maaari lang ay matagal na sana niyang ginawa. Pinili na lang niya ang manahimik. Ang mahalaga ay nasa piling niya ang dalaga. Siya ang kasama. Kinabig niyang muli ang katawan ni Bethany upang muli itong yakapin nang mahigpit. Napahagikhik na doon ang dalaga nang halikan niya ito sa kanyang leeg nang dahil sa nararamdaman nitong ibayong kiliti sa kalamnan niya.“May natira pa ba? Gusto ko ring matikman kung ano ang kinain niyong dalawa ni Briel kanina.”“Wala na. Buto-buto na lang iyon. Gusto mo bang lutuan na lang kita? May natira pa kaming marinated na chicken wings sa fridge. Hindi ko inubos lutuin at baka hindi namin iyon lahat kayang ubusin.”“Sige, mag
Magbasa pa

Chapter 102.2

SOBRANG BIGAT NG pakiramdam ni Bethany kinabukasan nang magising siya. Pakiramdam niya ay lalagnatin siya. Hindi lang iyon, parang tumitibok ang maselang parte ng katawan niya na matatagpuan sa pagitan ng kanyang mga hita. Napangiwi na siya nang maalala kung ilang round nga pala ang ginawa nila ni Gavin nang nagdaang gabi. Hindi naman niya ito matanggihan, dahil alam niya sa kanyang sarili na gustong-gusto rin iyon ng katawan niya. Iinot-inot na siyang bumangon. Sapo ang kanyang ulo. Wala na naman si Gavin sa tabi niya. Nahagip na ng kanyang mga mata ang kulay asul na rosas na nakalagay sa katabi niyang unan. Paniguradong kinuha iyon ng binata kanina noong mag-jogging ito. Nababalutan pa ang mga talulot noon ng panggabing hamog. Kumurba na ng kakaibang ngiti ang labi ni Bethany. Tila nawala na noon ang pananakit ng kanyang buong katawan. “Kainis, ang aga-aga niya namang magpakilig.”Sa dalawang lalaking kanyang nakarelasyon, tanging kay Gavin niya lang naramdaman iyon. Kakaibang kili
Magbasa pa

Chapter 103.1

MATINDING PAGTUTOL ANG naramdaman ni Bethany sa sinabing iyon ng mag-ama, ngunit para sa kanya ay napakahirap tanggihan ng abogado lalo na sa harapan nila iyon mismo sinabi nito. Baka kung ano lang din ang isipin nito oras na tumutol siya. Tiningnan na ni Patrick ang kanyang kapatid na si Patricia. Tila may inuutos itong hindi maintindihan ni Bethany kung ano, pero sinunod ito ng student niya na nalaman niya sa sumunod nitong naging litanya.“Tara na po Teacher Bethany,” nakangiting hawak na nito sa kanyang isang kamay na naging dahilan upang ibaling na niya ang tingin sa estudyante niya, “Napaka-ganda at bango ng bagong sasakyan ngayon ni Kuya Patrick. Halika na Teacher Bethany at binyagan na natin.” Hindi na rin malaman ni Bethany kung paano niya pa ito tatanggihan lalo pa at pinalamlam na nito ang kanyang mga mata sa kanya. Minabuti na lang ni Bethany na magpadala sa gusto ng kanyang estudyante. Hahayaan na lang niya iyon na mangyari para sa araw na iyon.“Ah, sige.” tanging nasab
Magbasa pa
PREV
1
...
1819202122
...
40
DMCA.com Protection Status