Home / Romance / The Spoiled Wife of Attorney Dankworth / Kabanata 181 - Kabanata 190

Lahat ng Kabanata ng The Spoiled Wife of Attorney Dankworth: Kabanata 181 - Kabanata 190

399 Kabanata

Chapter 93.1

NABURO NA ANG mga mata ni Bethany sa mukha ni Gavin sa naging tanong nito. Doon niya naalala na naman ang importansya ng kwintas na iyon na galing sa kanyang yumaong ina. Lihim na ipinangako niya sa kanyang sarili na oras na mag-lugar siya after ng event ay pupuntahan niya ito sa pinagsanglaang pawnshop upang tubusin. Ganunpaman ang kanyang plano ay pinili niyang huwag na iyong sabihin sa abugado. Kakailanganin pa kasi niyang sabihin dito kung ano ang kwento ng kwintas na iyon oras na paniguradong lalamon ng maraming oras. Sa halip ay hinaplos niya ang magkabilang pisngi ng binata. “Male-late ka na kung hindi ka pa aalis ngayon. Akala ko ba ay nagmamadali ka papunta ng office?” Binasa ni Gavin ng laway ang kanyang labi at tinitigang mabuti ang mukha ni Bethany. Iba na naman sa kanya ang dating ng pagiging malambing nito. Nalimutan niya ng hinihintay niya nga pala ang magiging sagot ng dalaga sa kanyang katanungan. Lumambot na ang tingin niya dito na napuno ng pagmamahal.“Oo nga pal
Magbasa pa

Chapter 93.2

NAPAHIMALOS NA NG mukha si Bethany nang maalala na hindi pa siya nakakaligo at ngayon na nga pala ang napag-usapan nila ni Gavin. Masyado siyang nahimbing matulog. Bumawi ang kanyang katawan dahil sa puyat na kanyang inabot ng nagdaang gabi. Paglingon niya sa likod ng secretary ay may mga kasama siya kung kaya naman lalo pa siyang nahiya sa kanyang hitsura. Nalaman niya lang na stylist, make up artists, at ilang employee ng damit na binili ni Gavin na may hawak na hindi kalakihang mga box ang mga iyon nang pahapyaw na silang ipakilala ng secretary. Hindi niya natandaan ang mga pangalan ng mga ito kahit na isa dahil ang isipan niya ay naiwan na kay Gavin. Hindi pala talaga ito nagbibiro sa sinabi niya. Ang buong akala niya pa ay ang secretary lang nito ang pupunta upang i-deliver ang damit na isusuot niya. Siya na ang bahalang mag-ayos ng mukha at ng iba pang kailanga. Full package pala ang kinuha ni Gavin.“T-Tuloy kayo…pasensya na hindi pa ako nakakaligo.” Niluwagan niya na ang pint
Magbasa pa

Chapter 94.1

BASANG-BASA PA NG tubig ang buhok ni Bethany nang lumabas siya ng silid. Nagmamadali siyang matapos agad na maligo dahil nahihiya sa mga naghihintay sa kanya. Ilang minuto lang ang ginawa niya na hindi normal sa paliligo niya na kung minsan ay tumatagal ng ilang oras. Ni hindi na siya nag-abalang tuyuin pa ang buhok dahil baka kung ano ang masabi ng mga ito sa pagiging matagal niya. Sinuklian lang siya ng ngiti ng secretary na nakaupo sa sofa, ngunit nang makita ang paglabas niya ay umahon na rin ito.“Matalas at magaling talagang mamili ang mga mata mo, Miss Bethany. Marami akong nakitang pagbabago dito sa penthouse ni Attorney Dankworth. Hindi nakakagulat na nabanggit niya sa akin kaninang umaga na maganda ang iyong panlasa sa mga dekorasyon at pangbabaeng mga gamit.”Ang galing maghabi ng mga salita ng secretary n aagad nahulaan ni Bethany. In short magaling itong mangbola. Mabulaklak iyon at agad na mapapaniwala ang sinumang makakarinig. Lihim na kinilig naman doon si Bethany. Mal
Magbasa pa

Chapter 94.2

NAGKUKUMAHOG NA UMUWI si Gavin alas-siyete ng gabi. Malalaki ang mga hakbang at halos takbuhin niya na ang elevator. Kung pwede nga lang na gumamit siya ng hagdan para makarating lang agad ng penthouse ay ginawa na niya kanina pa. Ang plano niya lang ay magpapalit lang siya ng damit at aalis na rin sila agad ni Bethany ng bahay. Sa elevator pa lang ay kinalas na niya ang suot na necktie at ilang butones ng suot na polo shirt. Pagbukas niya ng pintuan at makita ang dalaga ay parang nabato-balani na doon ang abogadong napaawang ang bibig. Parang biglang nagbago ang plano niya nang makita si Bethany na sa kanya ay matamang naghihintay. Hindi niya na magawang tanggalin ang mga mata niya sa dalaga na ang laki ng pinagbago nang maayusan ito ng pangmalakasan. Parang nakatingin siya ngayon sa ibang tao. Ibang-iba ang aura ni Bethany ng mga sandaling iyon.“Wow! Ikaw na ba iyan, Thanie?!”Mabagal ang naging hakbang niya palapit sa dalaga na napatayo naman nang makita siyang pumasok ng pintuan
Magbasa pa

Chapter 95.1

MADALING-MADALI NA ANG galaw ng ni Bethany, patungo ng elevator upang makababa na ng penthouse. Panay ang punas niya ng pawis sa kanyang leeg gamit ang tisyu, ganun din sa mukha ni Gavin na panay ang tingin sa pangbisig niyang orasan. Late na sila. Iyon ang paulit-ulit na bumabagabag sa isipan ng abogado ngunit hindi kababakasan ng pag-aalala ang kanyang mukha. Taliwas iyon kay Bethany na ginagapangan na ng hiya ngayon pa lang sa may pa-piging. Kung hindi siya sobrang naging maganda sa paningin ni Gavin, hindi sana nila ito daranasin ngayon. Ganunpaman ay mariin na siyang napakagat sa labi, magiging ipokrita siya kung itatanggi niyang nasiyahan din siya.“Ayan, sabi ko sa’yo eh. Male-late na tayo!” pagsasatinig na ni Bethany habang matamang nakatingin sa binata, “Ang kulit mo naman kasi!” nguso pa niyang mas tumindi pa ang hiya habang naglalaro sa isipan ang kanilang ginawa.Mula sa pangbisig na orasan ay nag-angat si Gavin ng mukha sa kanya. Makahulugan na itong ngumisi sabay hagod m
Magbasa pa

Chapter 95.2

KAGAYA NG INAASAHANG, filipino time. Wala pa rin doon ang importanteng bisita. Nakipagkamay ang mga businessman at matataas ang pangalan sa lipunan na lumapit sa binata habang panaka-naka ang tingin sa kasama nitong babae na hindi man lang pinakilala ni Gavin. Hindi naman din iyon dinamdam ni Bethany. Hindi naalis ang paningin ng karamihan sa kanilang dalawa. Kamakailan lang, nabalitaan nila na si Attorney Dankworth ay may kinababaliwan daw na isang babae. Na-curious ang lahat ng kakilala ng binata at gusto nila itong makilala. Ngayong nakita na nila, totoo ngang maganda siya, at napakaamo ng mukha na malamang na dahilan kung bakit siya iniibig ng abogado. “Totoo pala talaga ang tsismis, maganda naman pala talaga ang babae.” “Oo nga, hindi talaga mahihiya si Attorney Dankworth na palaging i-display siya.”Nang patuloy na umikot ang dalawa sa hall upang batiin ni Gavin ang iba pa ay hindi nagpaiwan si Bethany na nakahawak pa rin nang mahigpit sa isang braso ni Gavin. Hindi naman iyon
Magbasa pa

Chapter 96.1

NANATILING WALANG KIBO si Bethany. Hindi niya rin kasi alam kung paano ico-comfort ang musician na noon lang naman niya nakita at nakilala. Baka mamaya ay masabihan pa siya nitong feeling close kung magsasalita pa siya ng mga comforting words. Tama na iyong tagapakinig na lang muna habang panaka-naka ang pagmamasid sa paligid. “Iyong anak niya ang ibig niyang sabihin.” bulong ni Gavin na mas nagpagulo sa isipan ni Bethany nang maging klaro sa isipan ang ibinulong ng abogado. Hindi naman iyon nakalagpas sa paningin ng binata. “I'll tell you everything, later.” dagdag ni Gavin na marahang ikinatango lang ng dalaga dahil ayaw naman niyang magbigay dito ng komento.Ilang sandali pang tinitigan ni Alejandrino si Bethany. Kamukha talaga siya ng mga kilay at mata ng dati niyang nobya, eksakto itong kapareho ng taong nasa alaala niya. Umiling siya at inisip na baka na-miss niya ng sobra si Beverly para mag-ilusyon at makita ito sa mukha ng ibang tao. Isa siyang public figure kung kaya hind
Magbasa pa

Chapter 96.2

BAHAGYANG NAGSALUBONG NA ang mga kilay ni Gavin dahil narinig na naman niya ang pangalan ng taong matagal na niyang kinalimutan. Hindi man niya tahasang sabihin iyon ay agad iyong napansin ng musician. Batid niyang hindi niya dapat pa iyong binanggit, ngunit wala na siyang magagawa. Nasabi na niya dito ang lahat. Nang makita ni Drino ang pagbabago ng kanyang ekspresyon, hindi na siya nagsalita pa tungkol sa anak-anakan niya nasa ibang bansa. Itinikom niya na ang bibig at nang muling magsalita ay iba na ang naging topic nila. Bumalik iyon sa anak niya.“Oras na matagpuan mo siya, ipagbigay alam mo agad sa akin. Ora-orada ay pupuntahan kita kahit nasaang lupalop pa man ako ng mundo. Nakahanda akong puntahan siya kahit na nasa kalagitnaan ako ng concert ko.” dagdag pa nito.“Makakaasa ka, Tito Drino.” NAGHINTAY si Bethany ng halos kalahating oras pero hindi pa rin siya binalikan ni Gavin kung saan siya nito iniwan. Medyo naiinip na samahan pa ng matinding hiya na dumalo siya sa ganoong
Magbasa pa

Chapter 97.1

UMIGTING NA ANG magkabilang panga ni Albert sa lantarang sinabing iyon ni Bethany sa kanya. Nasupalpal na naman siya dito ng dalaga. Ewan din ba niya sa kanyang sarili na kahit ang dami na nitong masasakit na mga salita ang binibitawan sa kanya, balewala na lang iyon sa lalaki. Nasasaktan siya oo, pero sanay na sanay na siya. Sinubukan naman niyang lumayo sa dalaga, kumbaga ay siya na ang kusang dumistansya mula ng huling usap nila pero parang may magnet ang katawan ni Bethany na paulit-ulit na humihila sa kanya palapit sa babae at hinihigop ang lakas niya. Iyong tipong kahit pa alam niyang naibigay na nito ang katawan sa ibang lalaki na hindi niya nagawang makuha noong sila pa ay wala siyang anumang pakialam doon. Hindi na iyon big deal sa kanya dahil ang tanging gusto niya ay ang muli itong makuha, mapuntang muli ang atensyon nito sa kanya at maging pag-aaring muli niya ang dalaga gaya dati.“Bethany, hindi naman iyon—”“Tama na! Bingi ka ba? Hindi mo pa rin ba maintindihan kung ano
Magbasa pa

Chapter 97.2

PAGAK NA TUMAWA lang si Gavin. Hindi na niya pinili pang magbigay ng anumang komento. Kilala na siya ng kapatid at isa pa, ayaw na rin niyang pag-usapan nila ang kanyang nakaraan. Matagal na niyang ibinaon iyon sa limot.“Syempre naman, bagay kami. Sure ka ba talagang gusto mo siya para sa akin dahil nakikita mong gusto ko siya o pinipilit mo lang?” banat ni Gavin na muli pang hinarap ang kapatid, mapang-asar na ang ngiting nakapaskil sa kanyang labi. “Ah, baka nagseselos ka sa kanya dahil kausap ngayon ng fiance mo—”“Hindi ako nagseselos, Kuya Gav! Ano ka ba?” mataray nitong irap sa kanya, hindi na gusto ang sinasabi ng kapatid. “Alam ko namang maganda ako sa paningin ni Albert kaya bakit pagdududahan ko siya? Dahil lang sa nakita ko? Hindi ako ganun kababaw Kuya Gav.” anitong muling pahapyaw na sinulyapan na ang dalawang nasa terasa pa rin at magkaharap, “Alam mo Kuya Gav, boto nga ako sa kanya para sa iyo di ba? Baka ikaw ang nagseselos sa fiance ko?”“Weh? Hindi nga?” parang bata
Magbasa pa
PREV
1
...
1718192021
...
40
DMCA.com Protection Status