ILANG MINUTONG TININGNAN ni Gavin si Bethany, aaminin niya na nainis siyang bigla nang banggitin nito ang pangalan ng ex-boyfriend. Oo na, nagseselos pa rin siya dito kahit na wala namang kaselos-selos. Kung maaari nga lang ay pagbabawalan niya itong banggitin ang pangalang iyon, ngunit hindi naman pwede dahil sa kapatid niya. Kung maaari lang ay matagal na sana niyang ginawa. Pinili na lang niya ang manahimik. Ang mahalaga ay nasa piling niya ang dalaga. Siya ang kasama. Kinabig niyang muli ang katawan ni Bethany upang muli itong yakapin nang mahigpit. Napahagikhik na doon ang dalaga nang halikan niya ito sa kanyang leeg nang dahil sa nararamdaman nitong ibayong kiliti sa kalamnan niya.“May natira pa ba? Gusto ko ring matikman kung ano ang kinain niyong dalawa ni Briel kanina.”“Wala na. Buto-buto na lang iyon. Gusto mo bang lutuan na lang kita? May natira pa kaming marinated na chicken wings sa fridge. Hindi ko inubos lutuin at baka hindi namin iyon lahat kayang ubusin.”“Sige, mag
SOBRANG BIGAT NG pakiramdam ni Bethany kinabukasan nang magising siya. Pakiramdam niya ay lalagnatin siya. Hindi lang iyon, parang tumitibok ang maselang parte ng katawan niya na matatagpuan sa pagitan ng kanyang mga hita. Napangiwi na siya nang maalala kung ilang round nga pala ang ginawa nila ni Gavin nang nagdaang gabi. Hindi naman niya ito matanggihan, dahil alam niya sa kanyang sarili na gustong-gusto rin iyon ng katawan niya. Iinot-inot na siyang bumangon. Sapo ang kanyang ulo. Wala na naman si Gavin sa tabi niya. Nahagip na ng kanyang mga mata ang kulay asul na rosas na nakalagay sa katabi niyang unan. Paniguradong kinuha iyon ng binata kanina noong mag-jogging ito. Nababalutan pa ang mga talulot noon ng panggabing hamog. Kumurba na ng kakaibang ngiti ang labi ni Bethany. Tila nawala na noon ang pananakit ng kanyang buong katawan. “Kainis, ang aga-aga niya namang magpakilig.”Sa dalawang lalaking kanyang nakarelasyon, tanging kay Gavin niya lang naramdaman iyon. Kakaibang kili
MATINDING PAGTUTOL ANG naramdaman ni Bethany sa sinabing iyon ng mag-ama, ngunit para sa kanya ay napakahirap tanggihan ng abogado lalo na sa harapan nila iyon mismo sinabi nito. Baka kung ano lang din ang isipin nito oras na tumutol siya. Tiningnan na ni Patrick ang kanyang kapatid na si Patricia. Tila may inuutos itong hindi maintindihan ni Bethany kung ano, pero sinunod ito ng student niya na nalaman niya sa sumunod nitong naging litanya.“Tara na po Teacher Bethany,” nakangiting hawak na nito sa kanyang isang kamay na naging dahilan upang ibaling na niya ang tingin sa estudyante niya, “Napaka-ganda at bango ng bagong sasakyan ngayon ni Kuya Patrick. Halika na Teacher Bethany at binyagan na natin.” Hindi na rin malaman ni Bethany kung paano niya pa ito tatanggihan lalo pa at pinalamlam na nito ang kanyang mga mata sa kanya. Minabuti na lang ni Bethany na magpadala sa gusto ng kanyang estudyante. Hahayaan na lang niya iyon na mangyari para sa araw na iyon.“Ah, sige.” tanging nasab
SA KABILANG banda ay dalawang gabing shows lang ang mayroon si Alejandrino Conley sa lugar na iyon kung kaya naman hindi na nakakapagtakang napuno ang stadium sa unang gabi pa lang nito. Punong-puno ng mga tao ang stadium kung saan gaganapin ang concert niya. Marami pang team labas na nagbabakasakali na makakuha ng ticket at makapasok pa rin sa loob o di kaya naman ay makakuha ng ticket para sa kinabukasang concert. Halo-halo ang mga dumalo doon dahil kilala siya kahit ng mga batang henerasyon. May bata, middle age at mga matatanda na hindi nalalayo sa kanyang edad. Walang pinipiling edad ang kasikatan niya sa bansa kung kaya naman inaasahan na niyang mangyayari iyon. Hindi lang naman sa bansa, sa ibang bansa rin ay ganun ang edad ng kanyang mga audience kaya hindi na siya nagtataka pa.Ayon din sa mga bulungan ng mga kapwa manonood ng concert ay sold out ang lahat ng ticket nito pati ang kinabukasang concert, na para kay Bethany ay deserve ng musician dahil sobrang galing naman niton
NAGPASYA NA LUMABAS na ng concert hall sina Bethany at Patricia nang matapos ang event na sumabay sa agos ng mga taong nanood na papalabas na ng venue. Panay ang daldal ni Patricia sa gilid ng dalaga patungkol sa concert na napanood nila. Kung paano siya nag-enjoy at sobrang laking pasasalamat niya sa maestra dahil naisip na isama siya. Mahigpit ang hawak ni Bethany sa isang kamay ng estudyante niya. Natatakot na baka mabitawan at mawala ito. Paniguradong lagot siya sa pamilya ng dalagita. Bahagyang may pagsisisi sa puso ni Bethany na lumabas sila kaagad. Hindi niya maintindihan ang sarili. Gusto niya pang manatili sa loob at kausapin si Mr. Conley. Hindi pa sapat iyong ilang minuto nitong pag-anyaya sa kanya sa itaas ng entablado. Hindi mapalagay ang loob ni Bethany mula nang mapagkamalan siyang anak ni Mr. Conley ng mga reporter at ng host ng event. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang sinasabi ng karamihan na may pagkakahawig daw silang dalawa ng matanda. Ipinilig niya ang ulo, imposi
WALANG AWAT NA doong tumayo si Gavin. Malaki na ang mga hakbang na naglakad na patungo ng table nina Bethany na hindi naman malayo. Walang paalam na umupo na siya sa tabi ng dalaga na walang paalam man lang at nagtanong gamit ang mahinang boses niya. “Bakit dito kayo kumakain? Galing na kayo ng concert ni Tito Drino?”Binaliktad ni Bethany ang menu. Plano niya sanang hindi ito pansinin pero kabastusan naman iyon kung kanyang gagawin. Isa pa may kasama silang ibang tao. Umismid siya na tanging si Gavin lang ang nakakita. Muling umangat ang gilid ng labi ng binatang tuwa na sa hitsura niya. “Anong masama kung dito kami kumain? Bawal ba? Ayoko ng kumain ng fried chicken sa bahay. Gusto ko naman ng panibagong lasa. Bumalik ka na sa table mo. Alis na!” dama ni Gavin ang asim sa pagkakabigkas ni Bethany ng huli niyang dalawang linya. “Doon ka na nga!”Pigil ang ngising bahagyang tinapik ni Gavin ang mesa at nagpaliwanag pa sa mahinang boses.“Walang ibang ibig sabihin iyon. Kliyente ko la
NABALING NA ANG buong atensyon ni Gavin kay Patrick. Ilang saglit pa ay nilingon niya ang loob ng restaurant kung nasaan sina Bethany at Patricia nang mga sandaling iyon. Doon niya lang napagtagpi-tagpi ang lahat kung bakit biglang lumitaw ito sa kanyang harapan ngayon. Malamang ay naroon ito upang sunduin ang kanyang kapatid. Iniiwas na niya ang tingin sa lalaki na nagawa na siyang makita. Inipit niya sa pagitan ng labi ang stick ng sigarilyong kinuha sa kaha. Ibinaba niya ang ulo upang sindihan na iyon at kalmahin nito ang sarili niya.“Narito ka para sunduin si Patricia?”Malakas na humalakhak si Patrick. Nakita niya lang lahat ng pangyayari. Kanina pa siya naroon. Naghahanap ng parking space. Masyadong maraming kumakain sa lugar ng gabing iyon dala ng concert na naganap kung kaya naman pila ang mga sasakyan na nais makakuha ng parking space sa tapat mismo ng resto. Naglakad si Patrick palapit kay Gavin para manghiram ng lighter o di kaya naman ay makisindi ng sigarilyo. Walang im
NANG MAKAALIS NA ang sasakyan ng magkapatid sa labas na abot ng tanaw nila ay sinulyapan na siya ni Gavin na akmang haharapin. Tumayo na si Bethany at nagtungo ng counter upang bayaran ang additional bill nila. Hindi pinili ni Bethany na makipag-argumento kay Gavin sa harap ng maraming tao. Tahimik na sinundan naman siya ng abogado na tinatantiya ang magiging reaction ng dalaga sa magiging galaw niya. Matapos noon ay dire-diretso na silang lumabas ng resto. Ipinagbukas siya ni Gavin ng pintuan ng sasakyan, walang imik namang pumasok doon ang dalaga na may bahid pa rin ng selos ang buong katawan sa client ng binata. Hindi man nito sabihin ay ipinaparamdam niya naman ito sa pamamagitan ng pananahimik niya. Binuhay na ng binata ang makina ng sasakyan at saka pinaandar na iyon. “Bakit si Patricia ang isinama mo?” usisa ni Gavin na feeling ay kalmado na si Bethany, feeling niya lang pala iyon. Hindi pa pala ito tapos magtampo. “Ano ang malay ng batang iyon sa concert?”“Mabuti na siya key
ANG BUONG AKALA ni Briel ay liliko na ito pero nakasunod pa rin talaga ang kotse sa taxi na kanyang sinasakyan. Pikon na napahilamos na siya ng mukha. Sa loob niya mabuti pang sumabay na lang siya sa kanya keysa naman nagmumukha itong stalker niya sa mga sandaling iyon. Pati ang driver ng taxi ay makahulugan na siyang tiningnan at nagtatanong.“Hay naku, ang kulit. Hindi niya naman ako kailangang ihatid. Sabing huwag na eh! Tigas talaga ng bungo niya!” “Stalker mo, Miss?” Hindi pinansin ni Briel ang taxi driver na patuloy siyang inuusisa kung sino ang nakasunod sa kanila hanggang sa mansion. Nagkunwari na lang siyang hindi niya iyon narinig. Hindi naman sila close para magkuwento siya ng mga nangyari. Ipinakita ni Briel ang busangot ng mukha niya pagbaba niya ng taxi pagdating ng kanilang mansion at malingunan na malakas pa talaga ang loob na bumaba ng kotse niya si Giovanni. Nag-iwas naman ito ng tingin nang humakbang na siya patungo ng gate nila matapos na paulanan siya ng nanlili
HUSTONG PAGPASOK NI Briel sa immigration ay siya namang tayo ni Giovanni upang pumasok na sa eroplano. Muntik ng ma-late si Briel sa flight nang dahil sa kaibigan niyang napakaraming tanong na kinailangan niya pang sagutin kahit na pasakay na siya sa loob ng sasakyang gagamitin niya papuntang airport. Deretso na sa pila agad ang babae papasok ng eroplano. Sa lalim ng kanyang iniisip ay hindi na niya namalayan pa na ilang pasahero lang ang pagitan nilang dalawa ni Giovanni na hindi sinasadyang nagkasabay ang pag-uwi nila ng bansa. Paupo na sana si Briel nang mapansin niya sa gilid na bahagi ng kanyang mga mata ang bulto na ang pares ng mga mata ay matamang nakatingin sa kanya. Damang-dama niya ang init noon. Nang lingunin niya naman ito ay saktong dumaan ang ibang pasahero kaya natakpan nila ang bulto ni Giovanni na tulala na naman at hindi makapaniwalang nakikita niya si Briel sa harap. Ganunpaman pa man ay ipinagkibit na lang iyon ni Giovanni ng balikat at naupo na sa designated niya
TUMAGAL PA ANG tingin ni Giovanni sa mukha ni Briel na para bang hinahanap niya kung totoo ba ang sinasabi nito. Ganundin ang babae na ilang sandali lang na ginawa iyon at nag-iwas na ng kanyang tingin. Sinundan ni Giovanni ng tingin ang galaw nito na kumuha na ng tisyu upang ilagay lang iyon sa kanyang isang kamay. Umawang ang bibig ni Giovanni upang magbigay ng kanyang reaction, ngunit hindi niya nagawang pakawalan kung ano iyon. Nagawa na lang makatayo ni Briel mula sa kanyang inuupuan at walang lingon sa likod na siyang iniwan ay nanatili pa rin si Giovanni na tahimik na nakatitig sa mukha ng babae na animo ay tulala. Sinundan nito ang likod noon na tuloy-tuloy ang hakbang papalayo sa kanyang table. Dumating ang order ni Briel na salad para sa kanya na hindi ni Giovanni pinag-ukulan ng pansin. Hanggang sa makalabas ay pinanood niya lang itong sumakay ng taxi at hindi niya man lang hinabol gaya ng unang pumasok sa kanyang isipan. Ewan ba niya kung bakit hindi niya magawang pakilosi
NAMUMUO NA ANG mga luhang napaangat na ang paningin ni Giovanni kay Briel na hindi na inaalis ang paningin sa kanya na gaya ng ginagawa nito kaninang panay ang iwas ng kanyang mga mata. Pigil na ng lalaki ang hinga dahil pakiramdam niya ay hindi na niya makakayanan na hindi pumatak ang mga luha sa harap ng babaeng mahal niya. Sa kabila ng pasakit na nagawa niya na alam niyang nasaktan niya ng labis si Briel, heto at pilit pa rin siya nitong iniintindi kahit na alam niyang sa part nito ay ang sakit na ng mga nagawa niya. Lumambot na ang mukha nito kumpara kanina na nagmamatigas na ayaw makipag-usap sa kanya at hindi niya alam kung anong gayuma ang nagawa na naman niya o marahil ay sobrang mahal pa rin siya ng isang Gabriella Dankworth kung kaya puno na naman ito ng pag-intindi..“Walang may kontrol, Giovanni, naiintindihan mo?” mas malumanay din ang boses ng mga sandaling iyon ni Briel na sa pakiramdam ni Giovanni ay mas lalo siyang nilalamon ng konsensya dahil puro pasakit ang naging
TUTAL AY NAROON na rin naman na si Briel sa sitwasyong iyon ay pinagbigyan na lang niya ang lalaking gawin ang gusto nitong pakikipag-usap umano kahit pa malaki ang duda niya sa kanya. Papakinggan na lang niya ang kung anong gusto nitong sabihin saka siya magre-react. Memoryado na niya ang kanyang isasagot kay Giovanni. Kahit anong gawin nitong luhod, hindi na siya muli pang magpapaalipin sa pag-ibig niya dito. Ilang beses na siya nitong binigo. Muli ba niyang hahay saktan at gamitin lang siya nito? Syempre hindi.“Fine, pero ayoko sa loob ng isang silid na tayong dalawa lang ang naroroon. Ayokong ihahain mo sa akin ang katawan mo na alam mong hindi ko magagawang tanggihan dahil marupok ako pagdating sa'yo. Hindi mo iyon pwedeng gawin sa akin, naiintindihan mo? Doon tayo sa isa sa public places or cafe.” Nahagip ng gilid ng mga mata ni Briel ang ginawang pag-angat ng gilid na labi ni Giovanni na halatang nahulaan niya agad ang pina-plano. Ibahin na siya ng lalaki ngayon. Hindi na siy
HINDI RIN NAGING lihim sa kaalaman ng mga tauhan ni Giovanni ang mga pangyayari sa pagitan nila ni Briel na tila bukas na libro iyon sa kanilang harapan, kung kaya naman hindi na niya sinaway pa ang tauhan sa ginagawa nitong pangingialam sa desisyon niya kahit na medyo napipikon siya. Kung tutuusin ay mayroon naman talaga itong malaking punto. Papayag ba siyang ganun na lang ang mangyari sa kanila ng babae? Matagal-tagal ng panahon na hindi sila nagkikita ni Briel. Ibig niyang sabihin ay siya lang ang nakatanaw sa malayo. Iba pa rin iyong nakakapag-usap sila. Anim na buwan na sa kanyang pakiramdam ay taon na ang lumipas at matuling dumaan. Laking pasalamat niya nga na nagawa niyang makaya iyon. Alam man niya kung nasaan ito, ganunpaman ay hindi naman nila nakuhang mag-usap sa nagdaang kalahating taong iyon kahit na madalas niyang pagmasdan ito sa malayuan. Lalo pa ngayon na binigyan siya ng mas malaking dahilan upang maghabol at tuluyang makipag-ayos dito. Kailangan niyang muling maku
MULI PANG UMATRAS ng ilang hakbang si Briel. Ngayon pa lang ay sobrang nasasaktan na siya. Sa halip na matuwa at magdiwang ang loob niya sa kanyang nalaman ay hindi niya mapigilan na makaramdam ng pagdaramdam. Dapat masaya siya dahil nalaman niyang ito pala ang naka-una sa kanya at hindi iba gaya ng iniisip niya, ngunit naging iba ang takbo ng isip niya sa mga nangyari nitong nakaraang buwan. Bagama’t nagawa ni Giovanni na maamin na siya ang babae sa buhay nito na alam na ng maraming tao. Hindi pa rin si Briel natutuwa. Nakukulangan siya sa effort at nananatiling masama pa rin ang loob niya kay Giovanni Bianchi. Hindi nabawasan iyon ng katotohanang nalaman niya.“Ito rin ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako magawang pakasalan? Dahil sa babaeng virgin na naka-one night stand mo habang nag-attend ka ng masked party na ito?” puno ng hinanakit ang boses ni Briel na pilit na pinipigil na pumiyok ang boses at pumatak ang mga luha, alam niyang siya naman din iyon pero hindi niya mapigilan
GULONG-GULO ANG ISIPAN ni Briel nang sabihin iyon ni Giovanni na mahigpit na mahigpit na nakayakap pa rin sa kanya. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng litanyang binitawan nito. Siya? Hinanap nito? Bakit? Ibig ba nitong sabihin ay noong nawala siya sa bansa? Hinanap niya silang dalawa ni Brian? Imposible naman na hindi nito sila makita ni Brian sa loob ng anim na buwan. Hindi niya talaga maintindihan kung ano ang ibig nitong ipahiwatig. Saka, alam naman ng kanyang hipag na si Bethany kung nasaan silang mag-ina. Ginawan ba ng kanyang pamilya na huwag siyang mahanap ng dating Gobernador? Ang dami niyang mga katanungan ngunit ni isa ay hindi niya ito mabigkas upang mabigyan ni Giovanni ng tamang kasagutan. Parang naumid na ang kanyang dila sa loob ng kanyang bibig ng oras na ito.“Ikaw pala iyon, ikaw pala…” patuloy ni Giovanni na hindi na napigigilan na bumagsak na ang mga luha sa labis na saya. Gustong mag-umalpas ni Briel. Nais niyang itulak papalayo ang katawan nito
KULANG NA LANG ay sagasaan at banggain ni Giovanni ang mga naroon upang makarating lang sa banda na sinabi ng mga tauhan niyang kausap. Hindi na siya makakapayag pa na muling mawala sa paningin niya ang babae at malaman kung sino ang babaeng nasa likod ng maskarang iyon. Samantala, kabado na pinili ni Briel na lumabas na lang ng area dahil kanina pa niya napapansin ang bulto ng isang lalaking titig na titig sa kanya na para bang may plano itong makipagkilala. Napansin niya ang mabagal nitong paglapit kanina sa kanya at maging ang matagal nitong pagtitig. Mabuti na lang at nakakuha siya ng pagkakataong makatakas dito nang yumuko ito saglit. Maiintindihan niya pa ito kung pamilyar ang suot na maskara, pero hindi naman. Hindi siya nagtungo sa party upang maghanap ng ibang lalaki na aangkin sa kanya, nagtungo siya doon upang mag-enjoy sa alak. Inalis na niya sa kanyang isipan ang makakilala ng lalaki ng maisip ang anak niyang si Brian. Marapat lang na magbagong buhay na siya. Saka, may Gi