NANG MAKAALIS NA ang sasakyan ng magkapatid sa labas na abot ng tanaw nila ay sinulyapan na siya ni Gavin na akmang haharapin. Tumayo na si Bethany at nagtungo ng counter upang bayaran ang additional bill nila. Hindi pinili ni Bethany na makipag-argumento kay Gavin sa harap ng maraming tao. Tahimik na sinundan naman siya ng abogado na tinatantiya ang magiging reaction ng dalaga sa magiging galaw niya. Matapos noon ay dire-diretso na silang lumabas ng resto. Ipinagbukas siya ni Gavin ng pintuan ng sasakyan, walang imik namang pumasok doon ang dalaga na may bahid pa rin ng selos ang buong katawan sa client ng binata. Hindi man nito sabihin ay ipinaparamdam niya naman ito sa pamamagitan ng pananahimik niya. Binuhay na ng binata ang makina ng sasakyan at saka pinaandar na iyon. “Bakit si Patricia ang isinama mo?” usisa ni Gavin na feeling ay kalmado na si Bethany, feeling niya lang pala iyon. Hindi pa pala ito tapos magtampo. “Ano ang malay ng batang iyon sa concert?”“Mabuti na siya key
Sa halip na kulitin pa ni Gavin ang dalaga na sa paningin niya ay may sama pa rin ng loob sa nagawa niya ay pinili na lang niya na manahimik. Hindi man siya komportable sa panlalamig na pinaparamdam nito, kailangan niya iyong tiisin. Mamaya na lang niya itutuloy ang paglalambing na ginagawa niya. Subalit hindi niya pa rin matiis ang dalaga.“Pasensya na talaga, Thanie, kung—”“No, wala kang dapat na ikahingi ng tawad. Ako ang may kasalanan. Lumagpas ako sa boundary natin. Hindi dapat ako makialam.”Sa sinabing iyon ni Bethany ay natameme si Gavin. Hindi niya na alam anong panghihinuyo pa ang kanyang gagawin dito. Nilamon na sila ng nakakabinging katahimikan. Pinabilis pa ni Gavin ang takbo ng ssakyan. Gusto na niyang makarating ng penthouse at ma-settle na nila agad lahat at maayos na ang gusot ng di pagkakaunawaan.“Thanie—”Pamartsang nagmamadaling pumasok ang dalaga ng silid. Ni walang lingon-likod sa kanya pagkapasok nila ng penthouse. Bahagya na napasabunot na sa buhok si Gavin.
DALAWAMPUNG-MINUTO NA nanatili sa loob ng banyo si Gavin. Paglabas nito ay nakatapis lang ng tuwalya sa kalahati ng kanyang katawan. Natatakpan lang noon ang maselang parte. Nanuot na sa loob ng ilong ni Bethany ang after shower gel na gamit nito. Bagay na nagpabaliw na naman sa kanya. Nang linungin niya ito ay nakita niyang malapad na ang ngiti ng binata sa kanya.‘Tsk, ano naman kung mabango na siya?’Ipinikit na ni Bethany ang kanyang mga mata. Nagpanggap na hindi siya apektado sa hitsura at amoy ng abogado. Lumakad na ito palapit sa kanya at hindi man lang nag-abala na magsuot ng kahit isang damit. Maingay na blinower ng binata ang buhok niya sa may gilid ng kama. Hindi pa rin niya kinakitaan ng galaw ang katawan ni Bethany sa kabila ng mga ginawa niya. Maya-maya pa ay nahiga na itong muli sa tabi ng dalaga. Naramdaman niya ang lamig ng buo nitong katawan nang dumantay sa kanya. Kung anong lamig nito ay siya namang init ng katawan ng dalaga na alam ni Gavin na sa mga sandaling iyo
HINDI NA HININTAY pa ni Gavin na sumagot si Bethany. Pumunta na siya sa sala upang kunin ang leather bag at ang kanyang coat na kanina ay doon niya inilapag. Nang marinig at makita iyon ay inunahan siya ng dalaga na pumunta sa entrance ng penthouse para kunin at ihanda na ang sapatos na kanyang isusuot. Ang pagiging maasikaso sa kanya ng dalaga ang isa sa pinakanagustuhan ni Gavin at maaaring maipagmamalaki niya sa ibang lalaki. Napag-isip-isip din ni Bethany na kailangan niya iyong gawin dahil sa mga nakukuha niyang suporta at pribilehiyo sa abogado. Kailangan niyang tumbasan at sulitin iyon ni Bethany nang hindi naman malugi ang binata sa suportang ginagawa sa kanya.“Siya nga pala, may business trip ako sa Davao in just two days, gusto mo bang sumama sa akin, Thanie?” maya-maya ay wika ni Gavin bago niya suotin ang sapatos na iniumang ng dalaga. “Chance na rin natin iyon para makapag-spend pa ng maraming oras na magkasama. After ng mga meeting ko pwede tayong lumibot sa palibot na
PAGKATAPOS NI BETHANY na kumain ng tanghalian ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang Tita Victoria. Ngayon lang nangyari iyon. Madalas na ang dalaga ang tumatawag sa mag-asawa. Kinabahan na siya, naisip na baka may kung ano ng nangyari sa kanyang pamilya kung kaya naman tumatawag ito.“Busy ka ba ngayon, Hija?” bungad nito sa kanya na masasabi niyang hindi naman tunog hagas.“Hindi naman po gaano, Tita Victoria.” “O sige, pwede bang sumaglit ka muna dito sa bahay?” Biglang napaisip na si Bethany. Bumalik ang kanyang kabang humupa at naglaho na roon kanina. “Bakit po, Tita? May problema po ba kayo ni Papa?” “Wala naman, hija. Basta pumunta ka na lang dito. Sumaglit ka lang.” Lingid sa kaalaman ni Bethany na araw iyon ng kanyang kapanganakan. Dahil sa pag-aaway nila ni Gavin kung kaya hindi na niya iyon naalala. Masyadong naging okupado ang kanyang isipan kaya hindi naalala. Hindi naman iyon nagawang makalimutan ng kanyang madrasta at ng kinikilala niyang ama. “Sige po Tita,
NAHULOG NA ANG MGA mata ni Bethany sa passbook na nasa kanyang kamay. Ilang minuto niya iyong tinitigan. Sa mga sandaling iyon ay hindi siya makapag-decide. Nakaka-tempt nga naman ang offer ng kanyang madrasta. Batid din naman niyang kakayanin niya ang lahat kung maniniwala lang siya sa sariling kakayahan. Ngunit may pag-aalinlangan din naman siya na baka mamaya hindi niya mapanindigan ang sinasabi ng kanyang madrasta magbukas siya ng music center. Paniguradong masasayang lang ang lahat. Pera nila at maging ang pagod niya kapag nangyari iyon. Ngunit ika nga, hindi mo malalaman ang resulta ng isang bagay kung hindi mo naman iyon susubukan. Take risk, kung gusto mong may magbago sa'yo. Kung hindi ka susugal para sa iyong kinabukasan, hindi mo malalaman na kaya mo naman palang gawin. “Grab every opportunity, Bethany, malakas ang pananalig kong magagawa mo ito ng matagumpay.”Makalipas ang ilang minutong katahimikan sa kanilang pagitan ay dinala ni Bethany iyon sa tapat ng kanyang dibdi
MAGKASUNOD NA ANG dalawa na bumaba ng parking area hila-hila ang mga maletang dadalhin ni Gavin. Nasa malayo pa rin ang isipan ni Bethany kahit naroon na sila, parang biglang gusto na niyang sumama sa binata. Ngunit nang maisip na naman na may klase siya kay Patricia, bagsak ang magkabilang balikat na nilingon niya na ang abogado sa tabi. Medyo nakaramdam na siya ng pagkakonsensya sa oras na iyon.‘Magpaalam kaya ako kay Patricia na next week na lang namin i-resume ang klase? Kaso, baka maiwan na kami ng eroplano. Dapat kanina ko pa iyon naisip eh. Kailangan na ni Gavin na magtungo ng airport. Saka mag-iimpake pa ako ng dadalhin.’May limang sasakyan si Gavin na nakaparada sa parking lot ng naturang building. Noon lang iyon napansin at nalaman ni Bethany kahit pa madalas siyang sumasakay sa sasakyan ng binata. Isang Bentley Continental na madalas niyang gamitin, at ang apat sa mga ito ay mga sports car na bihira lang niyang gamitin. Kapag naisip lang ni Gavin iyon o kapag nasa kanyang
PAYAK NA NGUMITI si Gavin at kapagdaka ay marahang tumango. Hindi alam ni Bethany kung sinadya ba nitong papungayin ang kanyang mga mata pero mas lumamlam pa iyon na nahulog na at napatitig sa kanyang namumulang labi. Tumahip na ang dibdib ni Bethany sa tanawing iyon. Nahuhulaan na niya kung ano ang susunod nitong magiging hakbang. Inaasahan niya naman iyon. Ngunit hindi iyon ang nangyari. Walang ginawa si Gavin kagaya ng kanyang ini-imagine kaya siya na doon ang nagkusa. Yumuko si Bethany at masuyo na siyang hinalikan. Banayad ang mga halik na iyon na ikinabigla na ni Gavin. Ang buong akala niya ay masama pa rin ang loob ng dalaga sa kanya, agad na niya itong tinugunan ang halik. “Palagi kang mag-iingat habang naroon ka. Huwag mong pababayaan ang sarili mo.” Parang musmos na batang tumango si Gavin bilang tugon sa kanya. Sa halip na bumaba na ay hinawakan niya pa ang likod na ulo ng dalaga. Inilapit iyon sa kanya muli pang inangkin ang labi ni Bethany na bahagyang napaawang na sa g
NATATAKOT SI GAVIN na baka kapag nalaman ito ng asawa ay makaapekto iyon nang mas malala. Hindi lang sa pagsasama nila, kundi pati na rin sa kalagayan ngayon ng asawa. Bagay na hindi niya makakayang mangyari. Kaya naman ang plano niyang dalhin iyon sa hukay ay mas nadepina pa sa araw na iyon. Hinding-hindi niya ito sasabihin. Anuman ang mangyari hindi niya ipapaalam kay Bethany iyon kahit na alam niyang sobrang unfair nito sa asawa niya.“Oo isa lang, Rina. Paano kaya gumawa ng dalawa? Iyong iba ang galing-galing. May tatlo pa nga di ba? Sana all na lang sa kanila.” Napahawak na si Bethany sa tiyan sabay ngiti nang malapad sa mga kaharap nila, mga ngiting ayaw maglaho ni Gavin oras na malaman nito ang kanyang lihim. Mabuti pa na siya na lang ang nakakaalam noon kaysa naman mas kamuhian siya ng asawa niya kung pipiliin niyang maging tapat sa kanya. Hindi iyon kalabisan ng pagmamahal niya sa asawa.“Ah, hati ang makukuha niyan sa inyo gaya ng baby namin. Hati ang mukha niya sa amin. P
PAGAK NA NATAWA si Bethany kung kaya naman medyo nilingon siya ni Gavin. Nasa paahan niya ito ng kama nila at nasa kandungan ang laptop. May tinatapos na trabaho. Napag-alaman din ni Bethany na nauna pa pala sa kanyang mabuntis ang kaibigan at wala rin siyang kaalam-alam sa bagay na iyon. Sa dami ng problema, nakaligtaan niya kaya naman naungusan siya at hindi gaanong napaghandaan ang pasabog nito. Hindi niya napansin noong libing ng kanyang ama na ang akala niya ay tumaba lang ang kaibigan at hiyang sa pag-aalaga ni Ramir, ibang taba na pala iyong nakita niya kundi baby na kaya naman heto, nang-aasar. “Oo naman. Execption na ‘yun. Ibang usapan na. Panigurado na pupunta kami ni Gavin.”“Aasahan namin iyan, Bethany. Huwag mo akong paasahin. Kami na ang pupunta kung nasaan ka ng inaanak mo kapag di kayo pumunta na mag-asawa para lang magkita.”Natawa na naman si Bethany, napasulyap na naman tuloy si Gavin sa kanya. Tumagal din iyon ng mga ilang minuto sa kanyang mukha. “Oo nga, para k
SAMANTALA, SA LOOB ng study room ni Gavin ay pinili niyang panoorin ang video nang mag-isa. Siya na lang ang magku-kuwento sa asawa kung sakaling pilitin pa rin nito na mapanood iyon. Para sa kanya ay wala naman doong mahalagang parte na umiikot lang sa paghingi ng tawad ni Nancy. Paulit-ulit na sorry na para sa abogado ay sobrang late na. Paano pa nila ito makakausap, eh wala na nga siya sa mundo? “Kung noon ka pa sana nanghingi ng tawad sa asawa ko, sana bago ka namahinga ay may bonding kayo ni Bethany kahit na papaano...” sambit niya na hindi mapigilan ang lungkot, kahit papaano naman ay may nakaraan sila.Ilang minuto lang ang video kaya naman nang matapos iyon ay sinilip ni Gavin ang asawa sa sala kung naroon ito at nakatambay. Iyon kasi ang favorite na tambayan ni Bethany madalas kapag nasa penthouse sila. Wala ito doon. Matapos na ligpiting muli ang usb ay lumabas na siya ng study room. Pwede naman niya na ipakinig sa asawa ang audio sana ng video. Huwag na lang nitong papano
LUMIPAS ANG ILANG sandali bago natauhan si Bethany na mabilis tumayo sa kanyang upuan at lumapit kay Gavin. Akmang hahawiin na niya ang katawan ng asawa sa harap ng screen nang biglang bunutin ni Gavin ang usb na nakasalpak sabay silid sa kanyang bulsa. Sinamaan siya ni Bethany ng tingin ngunit hindi alintana iyon ng abogado. Mabuti na iyong magalit ito sa kanya at magtampo, kaysa mapahamak pa sila. “Hindi niya iyan ipapadala kung hindi mahalaga. Baka may gusto siyang sabihin sa akin o sa atin kaya pinadala ito ni Mr. Conley? Hindi ka ba curious, Attorney? Kasi ako sobrang curious na curious...”Ayaw maging sarado ng isipan ni Bethany sa posibilidad na iyon. Hindi naman siguro hibang ang matanda para i-video si Nancy tapos ipapanood sa kanila. Naniniwala si Bethany na may ibang pakay ang musician. Iyon ang gusto niyang malaman at ipaintindi kay Gavin na tila ba buo ang desisyon na huwag na panoorin.“No. Hindi ako papayag na makaapekto ‘to sa’yo at sa anak natin. Iba na lang ang hili
TININGNAN LANG SIYA ng asawa at tuloy-tuloy na humakbang patungo ng parking area. Nasa loob na lang sila ng sasakyan at lahat ay hindi pa rin nagsalita si Gavin na malalim pa rin ang iniisip. Naiwan iyon sa insidenteng nangyari kanina. Bumaba ang driver at may chineck sa tagiliran ng sasakyan kung kaya naman sinamantala iyon ni Bethany. Walang hirap na hinarap niya ang asawa at ikinulong sa dalawang palad ang mukha nito at pilit na hinuli ang mga mata. “Hindi ka pa rin ba kalmado? Gavin? Ayos na kaming mag-ina. Ano ka ba? Narinig mo rin naman ang sinabi ng OB ko kanina hindi ba?” Kumurap-kurap lang si Gavin. Kitang-kita ni Bethany na sobrang guilty pa rin sa nagawa niya kanina sa kanila. Masuyo niyang hinalikan ang labi nito at kapagdaka ay tiningnan niya ang reaction. Hindi nagbago ang reaction ni Gavin na parang ang laki ng kasalanan kung makatingin sa kanya. Muli siyang hinalikan ni Bethany. Bahagya pa niyang kinagat-kagat ang pang-ibabang labi ng asawa nang sa ganun ay mahimasma
HINDI NA NAKIPAGTALO pa si Bethany kahit na gusto niya dahil paniguradong hindi rin naman siya titigilan ng asawa hangga’t hindi niya sinusunod ang gusto nitong mangyari. Gumayak na lang siya pagkatapos nilang kumain ng agahan upang pagbigyan ang hiling ng asawa na kulang na lang ay lumuhod na naman para lang pagbigyan niya sa sinasabi nitong check up. Masyado nitong seneryoso ang sinabi niya noon na sa kanya lang luluhod ang asawa. Masyado nitong isinabuhay ang bagay na iyon. Alam niya kasing hindi rin naman ito mapapalagay kung hindi siya papayag kaya para matapos na, ibigay na lang ang hilig ni Attorney Gavin Dankworth. Nais din naman niyang bigyan ito ng kapayapaan ng isip at hindi pag-alalahanin pa. Kung masaya ito, magiging masaya rin ang puso niya; nilang mag-ina.“Oo na, tara na…bago pa magbago ang isip ko…” Biglang naging masigla ang mukha ni Gavin nang marinig iyon. Niyakap na siya nito at pinaulanan ng halik. Mahinang napairit lang si Bethay. Kilig na kilig na naman ang pu
ILANG ARAW LANG ang lumipas pagkabalik ng mag-asawa nang magbalik sila sa trabaho. Gaya ng inaasahan tambak ang mga trabaho na sumalubong kay Gavin kung kaya naman panay ang kanyang overtime. Ganun pa rin naman kay Bethany na inunang mamigay ng mga souvenirs nila. At dahil panay ang overtime ng asawa, madalas na siya ang nagpupunta sa opisina niya upang sabay na silang umuwi. Nalulungkot siya kapag mag-isa siya sa penthouse. Nawili na kasi si Victoria sa Baguio. Pinili nitong doon na mamalagi. Mukhang nakalimutan na yata siya at higit sa lahat gusto na nito ang klima sa naturang lugar. Hindi naman siya pinilit ni Bethany na bumaba. Masaya nga siyang nalilibang dito ang madrasta.“Tita Victoria, miss na kita…”“Miss na rin naman kita hija, kailan ka ba aakyat dito?” “Hindi ko pa alam, busy pa kami ni Gavin sa trabaho.” “Pag-akyat mo dito sasama ako pababa at magbabakasyon diyan sa inyo.”Napanguso na si Bethany. Mukhang nabaliktad. Ang Baguio dapat ang bakasyunan nila ng Ginang, ngun
NAPAAWANG NA ANG labi ni Gavin sa balagbag na naging sagot ng asawa. Sa mga sandaling iyon ay parang gusto na lang niyang bitbitin ito at dalhin sa kwarto upang paulit-ulit na parusahan, kaso nga lang ay siya pa rin naman ang matatalo sa parusang iyon. Sa halip kasi na masaktan ang asawa, baka mas masiyahan at mas masarapan sa gagawin niya. Sa naiisip ay hindi niya tuloy mapigilang kagatin ang labi. “Ano? Bakit ganyan ka kung makatingin sa akin?” hamon ni Bethany nang makita ang ibang tingin nito. “Para kang nanghuhubad sa isipan mo ah?”Umiling si Gavin na binasa na ang labi. Nananatili pa rin siyang nakatingin sa asawa na nakangisi na. “Paparusahan mo ba ako sa paglilihim ko sa’yo?” Muling umiling si Gavin. Gusto ng humalakhak sa malakas na pang-amoy ng asawa. “Ayos lang naman sa akin—” Tinalikuran na siya ni Gavin dahil baka hindi na naman niya mapigilan ang kanyang sarili. Hinabol siya ni Bethany habang humahalay ang malakas nitong halakhak. Sinundan siya nito kung saan siya
HABANG NAKATITIG SA mukha ng asawa ay sunod-sunod na nahulog ang mga luha ni Bethany. Hindi niya mapigilan iyon. Ayan na naman siya sa bigla-biglang pagiging iyakin. Nang makita naman iyon ni Gavin ay mahigpit na siya nitong niyakap. Mabilis na humagod ang kanyang isang kamay sa likod nito at kapagdaka ay hinalikan niya ang ulo ng asawa. Tama nga ang hinala niya na nataranta lang si Bethany kanina kaya nakapag-desisyon ito ng ganun. Nauunawaan niya naman ito, pero gaya ng sinabi niya. Wala na siyang pakialam pa kay Nancy, natuto na siya sa mga nangyari noon na hinding-hindi na niya uulitin. Patuloy na humikbi si Bethany kahit na ilang beses siyang masuyong hinalikan ni Gavin sa labi upang patahanin. Kitang-kita niya na sobrang mahal talaga siya ng asawa niya sa pamamagitan ng mga titig.“Akala ko kasi…akala ko—” “Maraming nagkakamali sa maling akala, Thanie. Tahan na, tama na ang iyak, please?” nahihirapang pakiusap ni Gavin, “Kalimutan na lang nating pinag-usapan natin ngayon ang tu