NAGTUNGO NA SI Bethany ng kusina upang kumuha ng maiinom na tubig. Binilang niya sa isipan ang nakalipas na oras. Humigit o kumulang na iyon sa tatlong oras mula nang makauwi siya kung kaya naman paniguradong nakarating na si Gavin sa pupuntahan nito. Kinuha niya ang cellphone. Wala man lang ito ni isang message na iniwan sa kanya kagaya ng saad nito bago umalis. Napasimangot na roon si Bethany. Pakiramdam niya ay nakalimutang gawin iyon ni Gavin dala na rin marahil ng masamang pakiramdam nito. Tinanggal niya na ang pagtatampo sa binata. Iintindihin na lang niya ito at baka nakatulog ito sa kanyang biyahe sa sobrang sama ng kanyang pakiramdam. Di na dapat punahin.“Kumusta na ang pakiramdam mo? Hindi ka nag-iwan ng message sa akin.” may tono iyon ng nagtatampo nang sagutin ng binata sa kabilang linya ang kanyang tawag. Masyado ng malalim ang gabi pero gising na gising pa siya. “Ayos na, kasi nakainom na ako ng gamot.” “Good. Sinabi ko naman sa’yo na huwag mong pilitin ang sarili m
NANG ARAW ‘DING iyon pagkatapos na makipag-meet kay Miss Gen ay minabuti ni Bethany na pumunta na siya sa bilihan ng mga sasakyan dahil masyado pang maaga kung uuwi na siya ng penthouse. Wala naman siyang gagawin doon. Tutunganga at malulungkot lang siya dahil maaalala niya na nasa business trip si Gavin at matatagalan pa itong makauwi. Habang patungo doon ay nag-set na si Bethany sa isipan at expectation niya na mumurahing sasakyan lang ang kanyang bibilhin. Basta ang mahalaga ay matawag niya iyong sa kanya. Sa pangalan niya. Pag-aari niya. Hindi niya kailangang makipagsabayan o kumpetinsya sa mamahaling unit ng mga kakilala niya. Bibili siya ng kotse para gamitin at hindi para ipagyabang dahil kung pagyayabang lang ang usapan, eh ‘di iyong puting ferrari na lang sana ni Gavin ang gagawin niyang service araw-araw. Kaso hindi naman ganun ang mindset niya. Wala rin sa vocabulary niya ang salitang iyon kung hindi naman kinakailangan ng sitwasyon.‘Pero syempre hindi ko gagawin iyon, is
SAGLIT PANG NATULALA at nangunot na ang noo ni Bethany nang pag-angat niya ng mga mata ay hindi niya na matagpuan sa pwesto sina Zac at Audrey na naroon lang kanina sa harapan niya. Naikiling na niya ang kanyang ulo. Isang guni-guni lang ba ang kanyang mga nakita? Imposible. Naroon ang dalawa. Upang patunayan na hindi siya dinadaya ng kanyang mga mata ay pinasadahan niya ng tingin ang mga picture na nakunan niya at naroon naman iyon sa kanyang cellphone. Malinaw ang pagkakakuha. Isang sulyap lang ay agad itong makikilala ng titingin sa larawan. ‘Talaga naman, sinubukan pa talaga nilang takasan ako? Well, hindi nila alam may mga ebidensya naman ako.’Malamang nakita na siya nito at nagawa ng magtago sa pag-aakalang makakaligtas siya sa kanya sa paraang iyon. Napangisi na siya ng hilaw. Tawang-tawa sa pagiging tanga at gaga na naman ni Audrey sa kanyang harapan.“Miss Guzman may kailangan pa po ba kayo? I mean may mga iba pa po bang mga katanungan?” Umiling si Bethany at ibinalik niya
HINDI PINATULAN NI Audrey ang mga may laman na pasaring sa kanya ni Bethany. Gusto niyang kunin ang loob nito nang sa ganun ay pumanig ito sa kanya. Likas na maawain ang dalaga at kapag siya ang alam nitong biktima, paniguradong makukuha niya ang simpatya nito. Baka sakali pang magbago ang pakikitungo nito sa kanya at maging magkaibigan sila. Tahimik silang hiwalay na nag-order ng kanilang kape pagkapasok ng cafe at parang magkaibigan na magkasunod na pumunta na sa bakanteng table. Pinanatili ni Bethany ang pagiging tahimik niya dahil natatakot siya sa kanyang sarili na sa sandaling ibuka ni Audrey ang kanyang bibig ay hindi niya maiwasang ibuhos ang kape sa ulo ng babae kapag nakita niyang proud na proud ito sa pananakit sa bestfriend niya. Hihintayin na lang niya ang explanation nito.“Simulan mo na, sayang ang oras ko.” wika ni Bethany na isinandal na ang likod sa kanyang upuan.Nakita ni Bethany kung paano humugot ng malalim na hininga siya Audrey na para bang hirap na hirap sa ka
GABI NA NANG sapitin ni Bethany ang penthouse, sa pintuan pa lang noon ay nakaramdam na naman siya ng kakaiba at hindi niya maipaliwanag na lungkot. Ilang buntong-hininga ang kanyang ginawa habang naglalakad patungong sala matapos niyang magtatanggal ng sapatos na suot. Miss na niya agad si Gavin hindi pa man nagtatagal na wala ito at hindi niya naikita. Iba pa rin talaga ang pakiramdam niya kapag alam niyang nasa opisina lang niya ang binata at nasa kapareho niyang lugar lang ito naglalagi. Bagsak ang balikat na iginala niya ang mga mata sa kabuohan ng bahay na agad nagliwanag nang buksan niya ang switch ng ilaw na designated sa lugaw.“Ano na kayang ginagawa niya ngayon?” tanong ni Bethany habang patungo ng silid, muli pang huminga nang malalim.Sakto namang pagkapalit niya ng damit pangbahay ay nakatanggap na siya ng tawag mula sa nami-miss na binata. Dali-dali niyang sinagot ang tawag habang kulang na lang ay lumundag ang kanyang puso sa labis na nararamdamang galak. “Hello, Than
NAGPATULOY SA PAG-IYAK si Rina sa kabilang linya na mas bumasag pa sa puso ni Bethany. Narinig iyon ng dalaga hanggang sa maulinigan ng kaibigan niya ang ugong ng gamit na sasakyan ni Bethany paalis ng penthouse. Hindi siya magkandaugaga sa pagmamadaling puntahan ang kaibigan.“Huwag mong papatayin ang tawag, kailangang naririnig kita hanggang sa makarating ako kung nasaan ka. Nasaan ka ba?” “V-Villa…” “Alright, please stay on the line Rina. Huwag mong puputulin ang call ko…” pagpapakalma niya pa rin sa kaibigang patuloy sa pagngawa na mas lumakas pa ang hagulhol ng iyak.“S-Sige…” Nang dumating si Bethany sa villa kung saan nakatira si Rina at ang kanyang asawa ay naabutan pa rin niya ang eksena na malamang ay nahantas sa mga mata ng kanyang kaibigan. Naroon din si Audrey na nakasuot pa ng super sexy na nighties na akala mo ay honeymoon ang gagawin, kulang na lang kasi ay makita ang buo niyang kaluluwa sa nipis noon. Ang kanyang buhok ay parang pugad ng ibon, may mga kalmot ang br
UMAYOS NA NG tindig si Zac. Salit-salitang tiningnan niya sina Audrey at Rina na para bang namimili siya ngayon sa dalawa. “Sorry na, Rina…” humakbang na si Zac palapit sa asawang humihikbi pa rin at masama pa rin ang loob sa kanya. Hinila niya ang kwelyo ng kanyang suot na damit upang ayusin, halatang nagusot iyon sa gulo kanina. “Hindi naman ako seryoso sa kanya, eh. Nadarang lang ako sa bugso ng damdamin. Past time ko lang naman siya, Rina.”“Past time? Ilang taon ang lumipas tapos sasabihin mo sa aking past time lang?!”Sinubukan ni Zac na yakapin si Rina ngunit hindi iyon pinagbigyan ng babaeng masama pa rin ang loob sa kanyang naabutan doon. “Halika na, huwag ka ng magmatigas.” sapilitan nitong hila sa katawan ng aswa upang yakapin nang mahigpit, hindi naman nag-react si Bethany na nang-uuyam na tiningnan si Audrey. “Tama na ang iyak. Mamamaga sobra ang mga mata mo. Pupunta pa naman tayo bukas sa bahay namin. Malamang tatanungin niya anong nangyari.”Nagpumiglas si Rina, pilit
NAPUNO NA NG pagtataka ang mukha ni Bethany nang pagbukas niya ng pintuan ng penthouse ay sinalubong siya ng sobrang liwanag na paligid. Bukas ang halos lahat ng ilaw na ang huling natatandaan. Ilang beses siyang halos matumba sa pagmamadali niyang magtanggal ng sapatos. Ang unang pumasok sa kanyang isipan ay si Gavin kahit na alam niyang imposible dahil ang paalam nito ay isang Linggo. Baka nakauwi na sa penthouse ang abogado!‘Nakauwi na ba siya?’ excited na tanong niya sa kanyang isipan. Halos magbuhol na ang mga binti niya patungo ng sala upang matagpuan lang doon ang binata. Prenting nakaupo ito sa sofa ngunit nasa tainga ang hawak na cellphone at halatang may kausap pa doon. Nasa gilid niya ang maleta nitong dala. Halatang kararating lang niya sa bahay. Kinilig na natigilan na si Bethany. Magiging ipokrita siya kung sasabihin niyang hindi niya ito na-miss. Sobrang miss na miss niya ang binata kahit na busy siya.“Gavin?” Awtomatikong lumingon na sa banda niya ang binatang mala
ILANG ARAW NA lihim na pinag-isipang mabuti iyon ni Gavin na sa bandang huli ay nagpasya na sasaglit siya sa ibang bansa. Pupuntahan niya ang kliyente. Sisikapin niyang matapos ang kasong iyon sa loob lamang ng tatlong araw upang makabalik siya agad ng Pilipinas. Inaasahan na niyang hindi papayag ang asawa oras na sabihin niya ang bagay na iyon, pero ang hirap para sa kanyang talikuran ang tungkulin niya na siumpaan niya at hindi niya ito matiis na hindi gawin lalo na at may buhay na manganganib na maparusahan kung hindi siya ang haharap at makikipaglaban. Ang ipagtanggol sa batas ang mga taong walang kasalanan. Hindi siya silaw sa halagang ibabayad nito pero gusto niyang tumulong doon sa kaso. Sisiw lang iyon sa kanya kung kaya naman ang laki ng tiwala nila. Hindi niya naman sila masisisi doon.“Stable naman ang lahat ng check up sa baby natin at sa’yo kaya wala namang magiging problema, Thanie. Tatlong araw. Bigyan mo lang ako ng tatlong araw. Pagkalipas ng tatlong araw na iyon nari
NATATAKOT SI GAVIN na baka kapag nalaman ito ng asawa ay makaapekto iyon nang mas malala. Hindi lang sa pagsasama nila, kundi pati na rin sa kalagayan ngayon ng asawa. Bagay na hindi niya makakayang mangyari. Kaya naman ang plano niyang dalhin iyon sa hukay ay mas nadepina pa sa araw na iyon. Hinding-hindi niya ito sasabihin. Anuman ang mangyari hindi niya ipapaalam kay Bethany iyon kahit na alam niyang sobrang unfair nito sa asawa niya.“Oo isa lang, Rina. Paano kaya gumawa ng dalawa? Iyong iba ang galing-galing. May tatlo pa nga di ba? Sana all na lang sa kanila.” Napahawak na si Bethany sa tiyan sabay ngiti nang malapad sa mga kaharap nila, mga ngiting ayaw maglaho ni Gavin oras na malaman nito ang kanyang lihim. Mabuti pa na siya na lang ang nakakaalam noon kaysa naman mas kamuhian siya ng asawa niya kung pipiliin niyang maging tapat sa kanya. Hindi iyon kalabisan ng pagmamahal niya sa asawa.“Ah, hati ang makukuha niyan sa inyo gaya ng baby namin. Hati ang mukha niya sa amin. P
PAGAK NA NATAWA si Bethany kung kaya naman medyo nilingon siya ni Gavin. Nasa paahan niya ito ng kama nila at nasa kandungan ang laptop. May tinatapos na trabaho. Napag-alaman din ni Bethany na nauna pa pala sa kanyang mabuntis ang kaibigan at wala rin siyang kaalam-alam sa bagay na iyon. Sa dami ng problema, nakaligtaan niya kaya naman naungusan siya at hindi gaanong napaghandaan ang pasabog nito. Hindi niya napansin noong libing ng kanyang ama na ang akala niya ay tumaba lang ang kaibigan at hiyang sa pag-aalaga ni Ramir, ibang taba na pala iyong nakita niya kundi baby na kaya naman heto, nang-aasar. “Oo naman. Execption na ‘yun. Ibang usapan na. Panigurado na pupunta kami ni Gavin.”“Aasahan namin iyan, Bethany. Huwag mo akong paasahin. Kami na ang pupunta kung nasaan ka ng inaanak mo kapag di kayo pumunta na mag-asawa para lang magkita.”Natawa na naman si Bethany, napasulyap na naman tuloy si Gavin sa kanya. Tumagal din iyon ng mga ilang minuto sa kanyang mukha. “Oo nga, para k
SAMANTALA, SA LOOB ng study room ni Gavin ay pinili niyang panoorin ang video nang mag-isa. Siya na lang ang magku-kuwento sa asawa kung sakaling pilitin pa rin nito na mapanood iyon. Para sa kanya ay wala naman doong mahalagang parte na umiikot lang sa paghingi ng tawad ni Nancy. Paulit-ulit na sorry na para sa abogado ay sobrang late na. Paano pa nila ito makakausap, eh wala na nga siya sa mundo? “Kung noon ka pa sana nanghingi ng tawad sa asawa ko, sana bago ka namahinga ay may bonding kayo ni Bethany kahit na papaano...” sambit niya na hindi mapigilan ang lungkot, kahit papaano naman ay may nakaraan sila.Ilang minuto lang ang video kaya naman nang matapos iyon ay sinilip ni Gavin ang asawa sa sala kung naroon ito at nakatambay. Iyon kasi ang favorite na tambayan ni Bethany madalas kapag nasa penthouse sila. Wala ito doon. Matapos na ligpiting muli ang usb ay lumabas na siya ng study room. Pwede naman niya na ipakinig sa asawa ang audio sana ng video. Huwag na lang nitong papano
LUMIPAS ANG ILANG sandali bago natauhan si Bethany na mabilis tumayo sa kanyang upuan at lumapit kay Gavin. Akmang hahawiin na niya ang katawan ng asawa sa harap ng screen nang biglang bunutin ni Gavin ang usb na nakasalpak sabay silid sa kanyang bulsa. Sinamaan siya ni Bethany ng tingin ngunit hindi alintana iyon ng abogado. Mabuti na iyong magalit ito sa kanya at magtampo, kaysa mapahamak pa sila. “Hindi niya iyan ipapadala kung hindi mahalaga. Baka may gusto siyang sabihin sa akin o sa atin kaya pinadala ito ni Mr. Conley? Hindi ka ba curious, Attorney? Kasi ako sobrang curious na curious...”Ayaw maging sarado ng isipan ni Bethany sa posibilidad na iyon. Hindi naman siguro hibang ang matanda para i-video si Nancy tapos ipapanood sa kanila. Naniniwala si Bethany na may ibang pakay ang musician. Iyon ang gusto niyang malaman at ipaintindi kay Gavin na tila ba buo ang desisyon na huwag na panoorin.“No. Hindi ako papayag na makaapekto ‘to sa’yo at sa anak natin. Iba na lang ang hili
TININGNAN LANG SIYA ng asawa at tuloy-tuloy na humakbang patungo ng parking area. Nasa loob na lang sila ng sasakyan at lahat ay hindi pa rin nagsalita si Gavin na malalim pa rin ang iniisip. Naiwan iyon sa insidenteng nangyari kanina. Bumaba ang driver at may chineck sa tagiliran ng sasakyan kung kaya naman sinamantala iyon ni Bethany. Walang hirap na hinarap niya ang asawa at ikinulong sa dalawang palad ang mukha nito at pilit na hinuli ang mga mata. “Hindi ka pa rin ba kalmado? Gavin? Ayos na kaming mag-ina. Ano ka ba? Narinig mo rin naman ang sinabi ng OB ko kanina hindi ba?” Kumurap-kurap lang si Gavin. Kitang-kita ni Bethany na sobrang guilty pa rin sa nagawa niya kanina sa kanila. Masuyo niyang hinalikan ang labi nito at kapagdaka ay tiningnan niya ang reaction. Hindi nagbago ang reaction ni Gavin na parang ang laki ng kasalanan kung makatingin sa kanya. Muli siyang hinalikan ni Bethany. Bahagya pa niyang kinagat-kagat ang pang-ibabang labi ng asawa nang sa ganun ay mahimasma
HINDI NA NAKIPAGTALO pa si Bethany kahit na gusto niya dahil paniguradong hindi rin naman siya titigilan ng asawa hangga’t hindi niya sinusunod ang gusto nitong mangyari. Gumayak na lang siya pagkatapos nilang kumain ng agahan upang pagbigyan ang hiling ng asawa na kulang na lang ay lumuhod na naman para lang pagbigyan niya sa sinasabi nitong check up. Masyado nitong seneryoso ang sinabi niya noon na sa kanya lang luluhod ang asawa. Masyado nitong isinabuhay ang bagay na iyon. Alam niya kasing hindi rin naman ito mapapalagay kung hindi siya papayag kaya para matapos na, ibigay na lang ang hilig ni Attorney Gavin Dankworth. Nais din naman niyang bigyan ito ng kapayapaan ng isip at hindi pag-alalahanin pa. Kung masaya ito, magiging masaya rin ang puso niya; nilang mag-ina.“Oo na, tara na…bago pa magbago ang isip ko…” Biglang naging masigla ang mukha ni Gavin nang marinig iyon. Niyakap na siya nito at pinaulanan ng halik. Mahinang napairit lang si Bethay. Kilig na kilig na naman ang pu
ILANG ARAW LANG ang lumipas pagkabalik ng mag-asawa nang magbalik sila sa trabaho. Gaya ng inaasahan tambak ang mga trabaho na sumalubong kay Gavin kung kaya naman panay ang kanyang overtime. Ganun pa rin naman kay Bethany na inunang mamigay ng mga souvenirs nila. At dahil panay ang overtime ng asawa, madalas na siya ang nagpupunta sa opisina niya upang sabay na silang umuwi. Nalulungkot siya kapag mag-isa siya sa penthouse. Nawili na kasi si Victoria sa Baguio. Pinili nitong doon na mamalagi. Mukhang nakalimutan na yata siya at higit sa lahat gusto na nito ang klima sa naturang lugar. Hindi naman siya pinilit ni Bethany na bumaba. Masaya nga siyang nalilibang dito ang madrasta.“Tita Victoria, miss na kita…”“Miss na rin naman kita hija, kailan ka ba aakyat dito?” “Hindi ko pa alam, busy pa kami ni Gavin sa trabaho.” “Pag-akyat mo dito sasama ako pababa at magbabakasyon diyan sa inyo.”Napanguso na si Bethany. Mukhang nabaliktad. Ang Baguio dapat ang bakasyunan nila ng Ginang, ngun
NAPAAWANG NA ANG labi ni Gavin sa balagbag na naging sagot ng asawa. Sa mga sandaling iyon ay parang gusto na lang niyang bitbitin ito at dalhin sa kwarto upang paulit-ulit na parusahan, kaso nga lang ay siya pa rin naman ang matatalo sa parusang iyon. Sa halip kasi na masaktan ang asawa, baka mas masiyahan at mas masarapan sa gagawin niya. Sa naiisip ay hindi niya tuloy mapigilang kagatin ang labi. “Ano? Bakit ganyan ka kung makatingin sa akin?” hamon ni Bethany nang makita ang ibang tingin nito. “Para kang nanghuhubad sa isipan mo ah?”Umiling si Gavin na binasa na ang labi. Nananatili pa rin siyang nakatingin sa asawa na nakangisi na. “Paparusahan mo ba ako sa paglilihim ko sa’yo?” Muling umiling si Gavin. Gusto ng humalakhak sa malakas na pang-amoy ng asawa. “Ayos lang naman sa akin—” Tinalikuran na siya ni Gavin dahil baka hindi na naman niya mapigilan ang kanyang sarili. Hinabol siya ni Bethany habang humahalay ang malakas nitong halakhak. Sinundan siya nito kung saan siya