HINDI PINATULAN NI Audrey ang mga may laman na pasaring sa kanya ni Bethany. Gusto niyang kunin ang loob nito nang sa ganun ay pumanig ito sa kanya. Likas na maawain ang dalaga at kapag siya ang alam nitong biktima, paniguradong makukuha niya ang simpatya nito. Baka sakali pang magbago ang pakikitungo nito sa kanya at maging magkaibigan sila. Tahimik silang hiwalay na nag-order ng kanilang kape pagkapasok ng cafe at parang magkaibigan na magkasunod na pumunta na sa bakanteng table. Pinanatili ni Bethany ang pagiging tahimik niya dahil natatakot siya sa kanyang sarili na sa sandaling ibuka ni Audrey ang kanyang bibig ay hindi niya maiwasang ibuhos ang kape sa ulo ng babae kapag nakita niyang proud na proud ito sa pananakit sa bestfriend niya. Hihintayin na lang niya ang explanation nito.“Simulan mo na, sayang ang oras ko.” wika ni Bethany na isinandal na ang likod sa kanyang upuan.Nakita ni Bethany kung paano humugot ng malalim na hininga siya Audrey na para bang hirap na hirap sa ka
GABI NA NANG sapitin ni Bethany ang penthouse, sa pintuan pa lang noon ay nakaramdam na naman siya ng kakaiba at hindi niya maipaliwanag na lungkot. Ilang buntong-hininga ang kanyang ginawa habang naglalakad patungong sala matapos niyang magtatanggal ng sapatos na suot. Miss na niya agad si Gavin hindi pa man nagtatagal na wala ito at hindi niya naikita. Iba pa rin talaga ang pakiramdam niya kapag alam niyang nasa opisina lang niya ang binata at nasa kapareho niyang lugar lang ito naglalagi. Bagsak ang balikat na iginala niya ang mga mata sa kabuohan ng bahay na agad nagliwanag nang buksan niya ang switch ng ilaw na designated sa lugaw.“Ano na kayang ginagawa niya ngayon?” tanong ni Bethany habang patungo ng silid, muli pang huminga nang malalim.Sakto namang pagkapalit niya ng damit pangbahay ay nakatanggap na siya ng tawag mula sa nami-miss na binata. Dali-dali niyang sinagot ang tawag habang kulang na lang ay lumundag ang kanyang puso sa labis na nararamdamang galak. “Hello, Than
NAGPATULOY SA PAG-IYAK si Rina sa kabilang linya na mas bumasag pa sa puso ni Bethany. Narinig iyon ng dalaga hanggang sa maulinigan ng kaibigan niya ang ugong ng gamit na sasakyan ni Bethany paalis ng penthouse. Hindi siya magkandaugaga sa pagmamadaling puntahan ang kaibigan.“Huwag mong papatayin ang tawag, kailangang naririnig kita hanggang sa makarating ako kung nasaan ka. Nasaan ka ba?” “V-Villa…” “Alright, please stay on the line Rina. Huwag mong puputulin ang call ko…” pagpapakalma niya pa rin sa kaibigang patuloy sa pagngawa na mas lumakas pa ang hagulhol ng iyak.“S-Sige…” Nang dumating si Bethany sa villa kung saan nakatira si Rina at ang kanyang asawa ay naabutan pa rin niya ang eksena na malamang ay nahantas sa mga mata ng kanyang kaibigan. Naroon din si Audrey na nakasuot pa ng super sexy na nighties na akala mo ay honeymoon ang gagawin, kulang na lang kasi ay makita ang buo niyang kaluluwa sa nipis noon. Ang kanyang buhok ay parang pugad ng ibon, may mga kalmot ang br
UMAYOS NA NG tindig si Zac. Salit-salitang tiningnan niya sina Audrey at Rina na para bang namimili siya ngayon sa dalawa. “Sorry na, Rina…” humakbang na si Zac palapit sa asawang humihikbi pa rin at masama pa rin ang loob sa kanya. Hinila niya ang kwelyo ng kanyang suot na damit upang ayusin, halatang nagusot iyon sa gulo kanina. “Hindi naman ako seryoso sa kanya, eh. Nadarang lang ako sa bugso ng damdamin. Past time ko lang naman siya, Rina.”“Past time? Ilang taon ang lumipas tapos sasabihin mo sa aking past time lang?!”Sinubukan ni Zac na yakapin si Rina ngunit hindi iyon pinagbigyan ng babaeng masama pa rin ang loob sa kanyang naabutan doon. “Halika na, huwag ka ng magmatigas.” sapilitan nitong hila sa katawan ng aswa upang yakapin nang mahigpit, hindi naman nag-react si Bethany na nang-uuyam na tiningnan si Audrey. “Tama na ang iyak. Mamamaga sobra ang mga mata mo. Pupunta pa naman tayo bukas sa bahay namin. Malamang tatanungin niya anong nangyari.”Nagpumiglas si Rina, pilit
NAPUNO NA NG pagtataka ang mukha ni Bethany nang pagbukas niya ng pintuan ng penthouse ay sinalubong siya ng sobrang liwanag na paligid. Bukas ang halos lahat ng ilaw na ang huling natatandaan. Ilang beses siyang halos matumba sa pagmamadali niyang magtanggal ng sapatos. Ang unang pumasok sa kanyang isipan ay si Gavin kahit na alam niyang imposible dahil ang paalam nito ay isang Linggo. Baka nakauwi na sa penthouse ang abogado!‘Nakauwi na ba siya?’ excited na tanong niya sa kanyang isipan. Halos magbuhol na ang mga binti niya patungo ng sala upang matagpuan lang doon ang binata. Prenting nakaupo ito sa sofa ngunit nasa tainga ang hawak na cellphone at halatang may kausap pa doon. Nasa gilid niya ang maleta nitong dala. Halatang kararating lang niya sa bahay. Kinilig na natigilan na si Bethany. Magiging ipokrita siya kung sasabihin niyang hindi niya ito na-miss. Sobrang miss na miss niya ang binata kahit na busy siya.“Gavin?” Awtomatikong lumingon na sa banda niya ang binatang mala
ILANG SULYAP ANG iginawad pa ni Bethany kay Gavin na tahimik na nakaupo sa dining table habang pinapanood siya sa kanyang ginagawa. Nakahalumbaba pa ito at titig na titig pa rin sa bulto niya. Maliit pa siyang napangiti. Ang tanawing iyon ay nagdulot na ng kakaibang ligaya sa dalaga. Feeling niya, tipikal na mag-asawa na sila ng binata at hinihintay nito ang niluluto niyang pagkain nila. Nag-init ang mukha niya. Masyado siyang ilusyunal sa parteng iyon. Lulutuan lang naman niya ito ng hinihiling na pagkain niya.“Seryoso ka na ito lang ang gusto mong kainin, Gavin?” pang-ilang beses niya ng tinanong ang binata dahil magaan lang ang lugaw sa tiyan, “Baka may iba ka pang gusto. Sabihin mo at lulutin ko para sa'yo.”“Hmm, wala akong panlasa at wala akong gana. Iyan na lang para mabilis lunukin. Marahil kapag luto mo ay paniguraddong gaganahan ako. Basta damihan mo lang ng luya para malasahan ko ang anghang.”Tumango lang si Bethany bilang tugon sa kanya at muling hinarap ang kaserola ng
SANDALING NAG-ISIP SI Gavin sa naging katanungan ni Bethany at kapagdaka ay marahan siyang umiling. Hindi niya pa rin pwedeng balewalain ang obligasyon sa kanyang trabaho kahit masama ang pakiramdam.“Pupunta pa rin ako, Thanie...” Sumeryoso ang mukha ni Bethany, gusto pa rin niyang igiit sa binata ang kanyang punto. Kalusugan naman niya iyon at hindi pipitsuging dahilan lang kung kaya niya ito pinipigilan. Saka nag-aalala siya.“Gavin naman, hindi ba talaga pwedeng ipagpaliban mo—”“Samahan mo na lang ako doon kung nag-aalala ka sa akin.” kagyat na putol ng binata sa sasabihin niya.Walang nagawa doon si Bethany kundi ang sumang-ayon dito na sasama siya dahil nag-aalala siya sa kalagayan ng binata. Nang matapos sa kanyang ginagawa sa kusina ay nagpahinga lang ang dalaga ng ilang segundo at saka nagpalit na ng damit. Subalit sa kanyang paglabas ng kwarto ay sinabi ni Gavin na hindi na raw siya pupunta. Bagay na ikinagaan agad ng pakiramdam ni Bethany kung kaya napangisi na.“Pinapasa
NAITIKOM NA NANG mariin ni Bethany ang kanyang bibig. Dama niya kasi ang pagkagulat at the same time ay pagtatampo sa tinig ng abogado. Pumasok sa isip niya na mukha yatang sumobra ang sinabi niya sa binata kung kaya naman ganun na lang ang reaction nito. Kusa rin naman kasing lumabas ang salitang iyon sa kanyang bibig. Hindi niya intensyon na muli itong tawagin ng pormal after ng mahabang panahon.“Sabagay, sa tingin ko rin ay mabuti para sa isang babae na kagaya mo na magkaroon ng sariling karera.” tanging nasambit ni Gavin nang makita ang pananahimik ng dalaga, ayaw niyang isipin nito na hadlang siya sa mga pangarap nito kung saan siya magaling. “Diyan ka magaling, diyan ka sanay eh.”Gumaan na ang pakiramdam ni Bethany nang marinig iyon dahil parang hinahayaan na siya ng binata sa kanyang mga naging desisyon sa buhay. Hindi nga siya nagkamali na ang supportive ng abogado. Sa iba, paniguradong katakot-takot na maraming katanungan ang ibabato sa kanya hanggang sa maasar na siya. “
ILANG SEGUNDO PA ang pinalipas ni Bethany bago muling bumalik sa loob ng kanilang bahay. Hindi mawala sa kanyang labi ang ngiting inilibot ang mga mata sa buong paligid na parang ang gaan ng lahat sa buhay niya ngayon. Walang pabigat. Walang masakit na iniisip. Muli niyang sinulyapan ang dalawang singsing sa kanyang daliri. Hinipo na niya iyon dahil iniisip niya na baga panaginip lang ang nangyari kanina. Itinaas niya pa ang palad na agad kuminang ang diamond sa tama ng liwanag ng ilaw sa bulwagan ng kanilang bahay. Napakurap-kurap na siyang muli. “Tagal maghatid ah? Saan mo inihatid? Sa kanila ba? Akala ko ay sa kotse mo lang ihahatid?” sunod-sunod na bungad ni Benjo sa anak habang may nanunuksong tinig at mga mata na tila may iba pa doong mga ipinapahiwatig. Napanguso na doon ang dalaga. Mahina ng natawa sa pang-iinis ng ama niya. “Kakaalis lang ba ni Gavin, Thanie?”Tumango lang si Bethany at dumiretso na sa kusina kung nasaan naman si Victoria. Nag-aasikaso ang madrasta ng mga lu
HINDI MAGAWANG MAKAPAGSALITA ni Gavin lalo na nang makita ang mukha ni Bethany na may halo-halong emosyon. Hindi na mapigilan na mangilid na ang mga luha nito sa mata. Namula pa lalo ang magkabila niyang pisngi. Ilang beses niyang binuksan ang bibig upang sagutin ang katanungan ng nobya ngunit ibang salita ang lumabas dito.“Hey, Thanie? Ayaw mo ba? Hindi mo gusto? Masyado bang maliit ang diamond?”Ilang beses na umiling si Bethany. Hindi iyon ang problema niya.“Natatakot na ako sa sobrang kasiyahan na binibigay mo, Gavin. Baka mamaya ‘yung kapalit nito ay—” “Sssh, wala kang dapat na ipag-alala.” harang na niya ng hintuturo sa bibig ng nobya upang matigilan lang itong magsalita pa, “Walang masamang mangyayari upang nakawin ang kaligayahan natin dalawa, Thanie. Huwag kang mag-isip ng ganyan at magpapaniwala sa mga walang kwentang bagay. Mga lumang kasabihan lang naman iyan.”Ikinulong na ni Gavin sa kanyang mga bisig si Bethany upang pakalmahin na ito. Basang-basa niya kasi ang takot
HUMANTONG ANG DALAWA sa penthouse na sa halip na magtungo sila sa kung saan para lang mag-date. Hanggang hapon ay nakayakap lang sa nobya si Gavin na para bang hindi nito kayang mapawi ang mga pananabik niya. Ilang beses nilang inangkin ang makulay na mundo ng pagtatalik hanggang sa makatulog nang dahil sa labis na pagod. Nang magising si Bethany ay papalubog na ang haring araw. Ang maputlang ginintuang sinag noon ay walang pakundangang pumapasok sa kabuohan ng master bedroom dahil sa nakahawing kurtina nito. Nanatiling nakahiga sa kama si Bethany. Natatamad na igalaw pa ang katawan. “Gising ka na?” untag ng malalim na boses ni Gavin na parang noon lang nagkaroon ng kausap. Napaangat ng mga mata si Bethany at hinanap kung nasaan ang nakapwesto ang nobyo. Natagpuan niya itong nakatayo sa gilid ng kama sa kabila niyang banda. Kinailangan niya pang tumagilid paharap doon upang makita na ito nang maayos. Sa hitsura ni Gavin ay nakaligo na ito at nakapagpalit na rin ng bagong damit na t-
TAHIMIK NA LUMABAS sa kusina si Bethany nang mabawi ang pustora na alam niyang ipinagtataka na ng madrasta, upang tumungo sa kanyang silid at mag-ready na. Naiwan niya sina Victoria at Gavin sa loob ng kusina. Hinugasan ni Gavin ang kanyang kamay at muli pang inayos ang nakatupi niyang manggas ng polo shirt. Komportable pa rin siya kahit na tinititigan siya ng Ginang mula ulo hanggang paa.“Mama, ibabalik ko rin po dito ang anak niyo bago ang hapunan. Sa weekend po ay iinvite ko kayo sa bahay para pag-usapan ang plano naming kasal kasama ng mga parents ko. Makikipag-communicate na lang ako kung paano.”Hindi na maitago pa ang saya sa mukha ni Victoria nang marinig niya iyon. Halata niya sa mga mata ng kaharap na abogado na desidido na talagang lumagay sila sa tahimik. Hindi na rin naman sila mga bata kaya bakit hahadlangan?“Hindi ka ba nabibigla, hijo? Hindi sa tutol ako. Ayaw mo bang patagalin muna ang relasyon niyo? Ang ibig kong sabihin ay gusto mo na ba talagang lumagay sa tahimi
BINUHAT NA NI Gavin ang juice at uhaw na uminom doon. Nakalahati niya ang laman nito. Matapos iyon ay ini-angat na niya ang mga mata sa problemado pa ‘ring si Victoria. Naiimbyerna ito sa bumabaha pa nilang kusina dahil sa tubo. “Gaano po ba kalala ang sira, Mama? Pwede ko bang makita? Baka kaya ko ng ayusin.”Nabaling na ang paningin ng tatlo sa binata. Sabay-sabay silang umiling, maging si Benjo at lalong-lalo na si Bethany.“Huwag na Gavin, tinawagan ko naman na ang management. Paniguradong papunta na sila. Mababasa ka. Baha na sa kusina namin.” harang agad ni Bethany sa nais gawin ng nobyo, ayaw niyang pati iyon ay iasa pa nila sa fiance niya.“Baha na? Naku, mas lalong kailangang ayusin na iyon agad.”Tumayo ang abogado at tinungo na ang kusina habang itinutupi ang manggas ng suot niyang polo. Napatayo na rin doon si Bethany at Victoria na may pagkataranta. Makahulugan na lang tumingin si Bethany sa ama habang naiiling. Sinundan na kasi ni Victoria si Gavin patungong kusina na a
NAGING PARANOID SI Bethany nang mga sumunod na araw hanggang sa tuluyang mapabalita na tapos na ang kasal ni Nancy sa hindi niya kilalang lalaki. Ipinaskil ang mga larawan nila ng kasal online na tanging mga larawan lang ng mga magulang ni Gavin ang nahagip na nasa kasal at nasa reception ng nasabing okasyon. Wala doon sina Briel gaya ng hinuha ng kaibigan niyang si Rina. Nang e-check ni Bethany ang social media ng kapatid ni Gavin ay napag-alaman niyang hindi naman talaga ito pumunta dahil bumalik din sila ng bansa ilang araw na ang nakakalipas base sa mga post nilang gala ng fiance nitong si Albert. “Hay naku, Rina! Makakalbo talaga kita!” bulalas ni Bethany na natatawa na sa kanyang sarili, “Pinag-overthink mo akong malala at pinalala mo pa ang mood swings ko na hindi ko alam kung saan galing!”Bago ma-bisperas ng New Year nang siya na ang kusang tumawag kay Gavin upang magtanong kung ano ang plano nila. Inaasahan niya kasing baka nakauwi na rin ng bansa ang mga magulang nito at b
PAGDATING NG MAGKASINTAHAN penthouse ay hindi inaasahan ni Bethany na nakabalik na pala doon ang kasambahay. Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong yakapin nang mahigpit na animo ay parang sobrang na-miss siyang makasama. Marahang hinagod lang ni Bethany ang likod ni Manang Esperanza.“Akala ko hindi ka na pupunta dito, Miss Bethany!” anitong mabilis na inilayo ang kanyang katawan sa dalaga na itinaas na ang dalawang kamay matapos na tumingin kay Gavin na nagulantang sa reaction ng maid niya. “Sorry po Attorney, sobrang na-miss ko lang talaga na makita si Miss Bethany.” hingi pa nito ng paumanhin na kapansin-pansin na ang hiya sa buo niyang mukha.“Ayos lang naman po, Manang Esperanza…” nakangiting sambit ni Bethany na umabot na sa mga mata. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin sa kanila ang matanda. Ngunit bago ito umalis ay inabutan ito ni Gavin ng red envelope kung saan ay may laman iyong pera. Ganun na lang ang pasasalamat ni Manang Esperanza sa kanilang dalawa. Sinuklian lang
WALANG PALIGOY-LIGOY NA ibinigay ni Rina ang cellphone niya kay Bethany. Tinawagan naman ng dalaga si Ramir gamit ang cellphone. Ang buong akala ni Ramir ay ang babae iyon kung kaya naman naging casual na siya doon. “Nasaan ka na? Akala ko ba gagamit ka lang ng banyo?” “Si Bethany ito, Ramir.” “Oh? Bethany, bakit nasa sa’yo ang cellphone ni Rina? Nasaan siya?” “Nandito sa banyo. Hindi na makalakad ng maayos si Rina. Pwede bang pakisundo na siya dito ngayon?” “Sige. Papunta na ako diyan.” Hindi nagtagal ay dumating na si Ramir sa pintuan ng women bathroom. Pilit ang naging ngiti sa kanya ni Bethany nang magtama ang kanilang mga mata. Nahihiya na nitong kinuha ang braso ni Rina upang iakbay sa balikat niya. “Ang ganda mo ngayon ah? Hindi na ako magtataka kung bakit patay na patay si River sa’yo.” Biglang hindi na naging komportable ang pakiramdam ni Bethany. Hindi niya gustong banggitin pa nito ang lalaki. “Pasensya na Ramir, pero wala na akong kaugnayan sa pinsan mo—”“Alam ko
SINUNOD NI BETHANY ang guidelines na sinabi ni Gavin sa kanya na kailangan niyang gawin kapag nasa banquet na. Pagdating niya sa venue ay tama nga ang hula niyang karamihan sa mga bisita ay nakakainom na at busog na. Kumain muna siya, nakipagbatian sa iilang mga kakilala na nasa party, usap-usap ng kaunti sa mga naroon na binabati siya. Nagpahaging na rin siya kay Miss Gen na hindi magtatagal kasi hinihintay siya ni Gavin dahil may lakad umano sila.“Bakit hindi mo pinapasok dito? Ikaw talaga, sana man lang inimbitahan mo siya dito sa loob, hija.”“I did, Miss Gen.” agad na paghuhugas ng kamay ni Bethany, “Ayaw talaga niya. Kilala mo naman iyon. Baka mang agaw-eksena lang daw siya kaya hindi na lang daw siya papasok. Feeling artista kasi ang isang iyon. Pagkakaguluhan.”Nailing na lang si Miss Gen sa biro niya na agad naman siyang pinayagan. Aniya ay kaya niya na ang mag-estima ng mga bisita. Palabas na si Bethany ng banyo nang makasalubong niya ang kaibigang si Rina na nakalimutan ni