SANDALING NAG-ISIP SI Gavin sa naging katanungan ni Bethany at kapagdaka ay marahan siyang umiling. Hindi niya pa rin pwedeng balewalain ang obligasyon sa kanyang trabaho kahit masama ang pakiramdam.“Pupunta pa rin ako, Thanie...” Sumeryoso ang mukha ni Bethany, gusto pa rin niyang igiit sa binata ang kanyang punto. Kalusugan naman niya iyon at hindi pipitsuging dahilan lang kung kaya niya ito pinipigilan. Saka nag-aalala siya.“Gavin naman, hindi ba talaga pwedeng ipagpaliban mo—”“Samahan mo na lang ako doon kung nag-aalala ka sa akin.” kagyat na putol ng binata sa sasabihin niya.Walang nagawa doon si Bethany kundi ang sumang-ayon dito na sasama siya dahil nag-aalala siya sa kalagayan ng binata. Nang matapos sa kanyang ginagawa sa kusina ay nagpahinga lang ang dalaga ng ilang segundo at saka nagpalit na ng damit. Subalit sa kanyang paglabas ng kwarto ay sinabi ni Gavin na hindi na raw siya pupunta. Bagay na ikinagaan agad ng pakiramdam ni Bethany kung kaya napangisi na.“Pinapasa
NAITIKOM NA NANG mariin ni Bethany ang kanyang bibig. Dama niya kasi ang pagkagulat at the same time ay pagtatampo sa tinig ng abogado. Pumasok sa isip niya na mukha yatang sumobra ang sinabi niya sa binata kung kaya naman ganun na lang ang reaction nito. Kusa rin naman kasing lumabas ang salitang iyon sa kanyang bibig. Hindi niya intensyon na muli itong tawagin ng pormal after ng mahabang panahon.“Sabagay, sa tingin ko rin ay mabuti para sa isang babae na kagaya mo na magkaroon ng sariling karera.” tanging nasambit ni Gavin nang makita ang pananahimik ng dalaga, ayaw niyang isipin nito na hadlang siya sa mga pangarap nito kung saan siya magaling. “Diyan ka magaling, diyan ka sanay eh.”Gumaan na ang pakiramdam ni Bethany nang marinig iyon dahil parang hinahayaan na siya ng binata sa kanyang mga naging desisyon sa buhay. Hindi nga siya nagkamali na ang supportive ng abogado. Sa iba, paniguradong katakot-takot na maraming katanungan ang ibabato sa kanya hanggang sa maasar na siya. “
SANDALING NATIGILAN NA ang secretary sa sinabing iyon ni Gavin. Taliwas iyon sa inaasahan niyang sasabihin ng abogado na may kinalaman sa bank statement ng nagastos noon ni Bethany Guzman.“Para saan po ang store front, Attorney Dankworth?” hindi niya mapigilang usisain ito, “Magbubukas ka po ba ng shop?” biro pang dagdag nito na hindi naman pinansin ni Gavin.Sumandal si Gavin sa likod ng leather chair. Kumislap na ang mga mata niya sa saya. “Gustong magtayo ng sariling music center ni Bethany, tinutulungan ko lang siya na maghanap ng space dahil nahihirapan siya sa part na iyon. Iyong pinapahanap ko sa'yo ang ibibigay ko sa kanya.”Noon lang naisip ng secretary na ang bank statement na pina-check nito kanina ay walang kinalaman sa pag-aaway nila. Mali ang hula niya. Oo nga naman, walang dahilan para mag-away sila na bagay na bagay sa bawat isa. Hindi iyon sumagi sa isipan ng secretary na naikiling na ang kanyang ulo habang nangingiti.“Titingnan ko po Attorney kung mayroon.” tugon
PINUNASAN NI BETHANY ang kamay sa suot na apron bago nagmamadaling tinungo na ang pintuan, kung saan nakatayo ang bulto ng isang matandang babae. Mamahalin ang suot niyang damit at halatang kagalang-galang ang postura at hitsura. Sa tabi nito ay nakatayo ang kanilang driver. May bitbit na basket ng mga prutas at paperbag ng mga herbal na vitamins. Ang taong iyon na dumating ay walang iba kung hindi ang ina ni Gavin; si Mrs. Dankworth na panay ang linga sa harapang paligid ng penthouse ng anak.“Hi, hija…” malapad ang ngiting taas ng isang kamay ng Ginang sa nagulat na mukha ni Bethany kaya naman na-estatwa siya ng ilang segundo na walang kakurap-kurap ang mga mata. “Long time no see…”Narinig ng Ginang buhat sa bunsong anak niyang si Briel na may kinakasama raw na babae ang kanyang panganay na anak na si Gavin, hindi naman nito binanggit na ang babaeng nakilala niya pala iyon sa hospital. Hindi rin siya naniniwala dito na may ka-live in na ang anak kung kaya naman minabuti niyang suma
SA TINURAN NG ina ni Gavin ay dahan-dahang pinunasan ng binata ang pawis sa kanyang mukha gamit ang maliit na bimpo na pa-simpleng ini-abot sa kanya ni Bethany. Hindi kasi matiis ng dalaga na makitang ganun ang itsura ni Gavin na nanlilimahid sa pawis sa harapan niya. Hindi naman nakaligtas iyon sa mapanuring mga mata ng Ginang na naging dahilan upang lihim na magdiwang ang kanyang kalooban. Sigurado siyang ito na ang babaeng nakatadhana sa kanyang anak. Muling tumingin si Gavin sa ina at pagkatapos ay inilipat naman niya ang mga mata kay Bethany na lubos pang binalot ng labis na kahihiyan ang buo niyang katauhan. “O-Okay, Mom…”Sa harapan ng ina ay walang pakundangan na hinawakan ni Gavin ang isang kamay ni Bethany at marahang iginiya na ito patungo ng master bedroom na kanilang inuokupa. Sinundan lang iyon ng mas kuminang na mga mata ng Ginang na kulang na lang ay mapapalakpak at sambahin ang manghuhula na kanyang nakausap tungkol sa buhay pag-ibig ng kanyang anak na ang sabi ay na
NABALOT NG KAKAIBANG paghihinala ang isipan ni Bethany nang makita niya ang envelope. Naisip niya na hindi naman siguro siya nito bibigyan ng house and lot bilang regalo dahil hindi naman din nito alam kung kailan ang kanyang birthday na natapos na. Ganunpamam ay tinanggap niya iyon at sinunod niya ang utos nito matapos na kunin ang envelope at inilabas ang mga dokumentong dito ay nakapaloob. Kontrata iyon sa paggamit ng space ng building, ang taunang upa para sa 400-square-meter na gusali ng opisina sa matao at pangunahing lokasyon ay higit na mababa sa inaasahan niya na kulang na lang ay halos ipa-renta iyon ng libre. Hindi lang iyon, may kasama rin itong ilang mga larawan ng space na sa tingin niya ay tamang-tama sa kanyang itatayong music center at saka laman din noon ang susi. Hindi mapigilan ni Bethany na mapaawang na ang bibig habang nanlalaki na ang mga mata na ini-angat na kay Gavin ang mga mata. Sa binatang aliw na aliw na sa emosyon na ipinapakita ngayon ni Bethany.“Is thi
MAKAHULUGANG NAGKATINGINAN NA sina Bethany at Gavin habang kapwa na namumula ang kanilang mukha. Hindi na sila bata para hindi maintindihan ang sinasabi ng Ginang. Inasikaso sila ng Ginang kahit pa sinabi nilang sila na ang bahalang kumuha ng kanilang pagkain para sa kanilang plato. “Mommy, sabayan mo na kaya kami…” “Naku, hindi na. Kakatapos ko pa lang kumain bago ako magtungo dito.” Sobrang naiilang sa kanya si Bethany ngunit iwinaglit na lang niya iyon sa kanyang isipan. Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Gavin na mahal na mahal ng kanyang ina ang dalaga dahil asikasong-asikaso ito to the point na medyo nag-aalangan na ang dalaga. Lihim na siya doong napangiti. Nai-imagine na niya na maging parte ng pamilya si Bethany na panigurado ‘ring walang tututol. “S-Sabay na po kayo sa aming kumain, T-Tita…” “Tita? Mapipilitan akong kumain kung tatawagin mo na akong Mommy.” biro ng Ginang na nagpasamid sa iniinom na tubig ni Gavin. “Mom?!” protesta agad ng binata na namula na ang l
MAHIGPIT NA NIYAKAP ng Ginang si Bethany na hindi na nakaumang, ginantihan na lang niya ito bilang pamamaalam na rin niya sa kanya. Pagkatapos noon ay magkasunod ng lumabas ang mag-ina. Habang lulan ng elevator ay hindi naman napigilan ng Ginang na magsalita na patungkol pa rin kay Bethany.“Gavin, sobrang natutuwa ako na nakikita kang nagpla-plano ng mag-settle down at bumuo ng sariling pamilya mo. Hindi na kailangan ng pamilya natin na maghanap pa ng babaeng ma-match sa panlasa mo. Hindi na rin namin kailangang mag-alala ng Daddy mo na baka piliin mong tumandang binata.”Proud na tumango lang sa ina si Gavin. “Sana lang ay huwag niyo na iyong patagalin pa. Nakikita ko na mabuting babae si Bethany kaya naman magiging mabuting maybahay siya sa’yo at ina ng magiging mga anak mo. Nakikita ko rin kung paano ka niya alagaan. Ganung babae ang gusto ko para sa’yo dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanya. At saka, maging mapagpaubaya ka rin sa kanya sa lahat ng bagay dahil higit na matanda
MAKULAY, MAINGAY AT naging masaya ang unang Pasko na sama-sama silang nagdiwang nito. Ganun nila ipinagdiwang ang noche buena ng taong iyon. Walang sinuman ang nagbukas ng usapan tungkol sa tunay na relasyon nina Giovanni at Briel. Maliit pa man ang kanilang pamilya ay nagkaroon sila ng parlor games per family. Ang mag-asawang Dankworth ang magkakampi. Ang mag-anak nina Bethany at Gavin. Sina Giovanni at Briel kasama si Brian na tanging palakpak lang ang ginagawa upang ipakita na excited siya. At upang mas maging masaya ang kanilang pagdiriwang doon ay sinali nila ang mga tauhan ni Giovanni at ng kanilang mga maid. Halos lahat naman sa kanila ay nakakuha ng prizes at gifts. Sa kanilang lahat, ang sobrang nag-enjoy sa mga palaro nila ay sina Brian at Gabe.“Bilisan niyo na kasing sundan ni Tito si Brian nang may kakampi ka na at hindi ka nang-aagaw ng anak ng iba.” pahaging ni Bethany nang gustong hiramin na naman ni Briel si Bry, hindi niya kasi mauto ang anak na palaging naka-karga
NANATILING NAKATAYO LANG doon si Briel. Pinapanood si Giovanni na kausapin ang kanilang anak na pulang-pula ang mukha bunga ng kanyang pag-iyak. Particular na ang ilong nito. Lumambot pa ang tingin niya sa anak na halatang naghahanap na ng kalinga ng ama niya. Bilang ina, hindi na niya mapigilan na mahabag sa ginagawa ng kanilang anak.“Brian, tama ang Daddy. Magbibihis lang siya sa kabilang silid at babalik din agad dito.” eksena na ni Briel, nagbabakasakaling pakikinggan siya ng kanyang anak tutal siya naman ang palaging kasama at siya ang nagpalaki.Parang walang narinig si Brian na hindi man lang nilingon ang ina. Isinandal pa nito ang ulo sa dibdib ni Giovanni at patuloy na ipinakita ang kanyang mga hikbi. Puno ng pagdududa ang mga mata nitong patuloy na namula pa doon.“O siya sige, sumama ka na sa Daddy mo at iwan mo na ako dito. Hindi mo naman yata ako love eh. Sige na, Gabriano…” Hindi pa rin nag-react doon si Brian kahit na pinalungkot pa ni Briel ang kanyang boses. Nasakta
MATAPOS NA MARINIG iyon ay nilingon na ni Giovanni ang anak na pinaglalaruan na ang toy cars na kanyang pasalubong. Pinapagulong iyon sa sofa malapit sa kanyang kinauupuan habang panaka-naka ang tingin sa kanya. Tumingin siya ulit sa itaas na palapag ng mansion. Ano kaya at siya na ang umakyat at magsabi kay Briel ng pinapasabi ng ina? Ang lungkot naman kung doon lang din silang tatlo sa mansion kahit pa pagod sa biyahe. Kahit pagod at gusto na rin niyang matulog, syempre gusto rin niyang pumunta ng Batangas para makita ang pamangkin at mga apo dito.“Daddy?” kuha ng atensyon ni Brian kay Giovanni nang mapansin ng bata ang dahan-dahan nitong paghakbang papuntang hagdan upang takasan siya. Puno ng pagiging inosente ang mga matang nagtatanong na iyon. “Where?”Ngumiti lang si Giovanni at namulsa na ang mga kamay. Ang akala niya ay makakatakas na siya sa anak.“Aakyat lang ako. Pupuntahan ko lang ang Mommy.” Patakbong lumapit na sa kanya ang bata at itinaas na ang dalawang kamay na anim
ANG BUONG AKALA ni Briel ay liliko na ito pero nakasunod pa rin talaga ang kotse sa taxi na kanyang sinasakyan. Pikon na napahilamos na siya ng mukha. Sa loob niya mabuti pang sumabay na lang siya sa kanya keysa naman nagmumukha itong stalker niya sa mga sandaling iyon. Pati ang driver ng taxi ay makahulugan na siyang tiningnan at nagtatanong.“Hay naku, ang kulit. Hindi niya naman ako kailangang ihatid. Sabing huwag na eh! Tigas talaga ng bungo niya!” “Stalker mo, Miss?” Hindi pinansin ni Briel ang taxi driver na patuloy siyang inuusisa kung sino ang nakasunod sa kanila hanggang sa mansion. Nagkunwari na lang siyang hindi niya iyon narinig. Hindi naman sila close para magkuwento siya ng mga nangyari. Ipinakita ni Briel ang busangot ng mukha niya pagbaba niya ng taxi pagdating ng kanilang mansion at malingunan na malakas pa talaga ang loob na bumaba ng kotse niya si Giovanni. Nag-iwas naman ito ng tingin nang humakbang na siya patungo ng gate nila matapos na paulanan siya ng nanlili
HUSTONG PAGPASOK NI Briel sa immigration ay siya namang tayo ni Giovanni upang pumasok na sa eroplano. Muntik ng ma-late si Briel sa flight nang dahil sa kaibigan niyang napakaraming tanong na kinailangan niya pang sagutin kahit na pasakay na siya sa loob ng sasakyang gagamitin niya papuntang airport. Deretso na sa pila agad ang babae papasok ng eroplano. Sa lalim ng kanyang iniisip ay hindi na niya namalayan pa na ilang pasahero lang ang pagitan nilang dalawa ni Giovanni na hindi sinasadyang nagkasabay ang pag-uwi nila ng bansa. Paupo na sana si Briel nang mapansin niya sa gilid na bahagi ng kanyang mga mata ang bulto na ang pares ng mga mata ay matamang nakatingin sa kanya. Damang-dama niya ang init noon. Nang lingunin niya naman ito ay saktong dumaan ang ibang pasahero kaya natakpan nila ang bulto ni Giovanni na tulala na naman at hindi makapaniwalang nakikita niya si Briel sa harap. Ganunpaman pa man ay ipinagkibit na lang iyon ni Giovanni ng balikat at naupo na sa designated niya
TUMAGAL PA ANG tingin ni Giovanni sa mukha ni Briel na para bang hinahanap niya kung totoo ba ang sinasabi nito. Ganundin ang babae na ilang sandali lang na ginawa iyon at nag-iwas na ng kanyang tingin. Sinundan ni Giovanni ng tingin ang galaw nito na kumuha na ng tisyu upang ilagay lang iyon sa kanyang isang kamay. Umawang ang bibig ni Giovanni upang magbigay ng kanyang reaction, ngunit hindi niya nagawang pakawalan kung ano iyon. Nagawa na lang makatayo ni Briel mula sa kanyang inuupuan at walang lingon sa likod na siyang iniwan ay nanatili pa rin si Giovanni na tahimik na nakatitig sa mukha ng babae na animo ay tulala. Sinundan nito ang likod noon na tuloy-tuloy ang hakbang papalayo sa kanyang table. Dumating ang order ni Briel na salad para sa kanya na hindi ni Giovanni pinag-ukulan ng pansin. Hanggang sa makalabas ay pinanood niya lang itong sumakay ng taxi at hindi niya man lang hinabol gaya ng unang pumasok sa kanyang isipan. Ewan ba niya kung bakit hindi niya magawang pakilosi
NAMUMUO NA ANG mga luhang napaangat na ang paningin ni Giovanni kay Briel na hindi na inaalis ang paningin sa kanya na gaya ng ginagawa nito kaninang panay ang iwas ng kanyang mga mata. Pigil na ng lalaki ang hinga dahil pakiramdam niya ay hindi na niya makakayanan na hindi pumatak ang mga luha sa harap ng babaeng mahal niya. Sa kabila ng pasakit na nagawa niya na alam niyang nasaktan niya ng labis si Briel, heto at pilit pa rin siya nitong iniintindi kahit na alam niyang sa part nito ay ang sakit na ng mga nagawa niya. Lumambot na ang mukha nito kumpara kanina na nagmamatigas na ayaw makipag-usap sa kanya at hindi niya alam kung anong gayuma ang nagawa na naman niya o marahil ay sobrang mahal pa rin siya ng isang Gabriella Dankworth kung kaya puno na naman ito ng pag-intindi..“Walang may kontrol, Giovanni, naiintindihan mo?” mas malumanay din ang boses ng mga sandaling iyon ni Briel na sa pakiramdam ni Giovanni ay mas lalo siyang nilalamon ng konsensya dahil puro pasakit ang naging
TUTAL AY NAROON na rin naman na si Briel sa sitwasyong iyon ay pinagbigyan na lang niya ang lalaking gawin ang gusto nitong pakikipag-usap umano kahit pa malaki ang duda niya sa kanya. Papakinggan na lang niya ang kung anong gusto nitong sabihin saka siya magre-react. Memoryado na niya ang kanyang isasagot kay Giovanni. Kahit anong gawin nitong luhod, hindi na siya muli pang magpapaalipin sa pag-ibig niya dito. Ilang beses na siya nitong binigo. Muli ba niyang hahay saktan at gamitin lang siya nito? Syempre hindi.“Fine, pero ayoko sa loob ng isang silid na tayong dalawa lang ang naroroon. Ayokong ihahain mo sa akin ang katawan mo na alam mong hindi ko magagawang tanggihan dahil marupok ako pagdating sa'yo. Hindi mo iyon pwedeng gawin sa akin, naiintindihan mo? Doon tayo sa isa sa public places or cafe.” Nahagip ng gilid ng mga mata ni Briel ang ginawang pag-angat ng gilid na labi ni Giovanni na halatang nahulaan niya agad ang pina-plano. Ibahin na siya ng lalaki ngayon. Hindi na siy
HINDI RIN NAGING lihim sa kaalaman ng mga tauhan ni Giovanni ang mga pangyayari sa pagitan nila ni Briel na tila bukas na libro iyon sa kanilang harapan, kung kaya naman hindi na niya sinaway pa ang tauhan sa ginagawa nitong pangingialam sa desisyon niya kahit na medyo napipikon siya. Kung tutuusin ay mayroon naman talaga itong malaking punto. Papayag ba siyang ganun na lang ang mangyari sa kanila ng babae? Matagal-tagal ng panahon na hindi sila nagkikita ni Briel. Ibig niyang sabihin ay siya lang ang nakatanaw sa malayo. Iba pa rin iyong nakakapag-usap sila. Anim na buwan na sa kanyang pakiramdam ay taon na ang lumipas at matuling dumaan. Laking pasalamat niya nga na nagawa niyang makaya iyon. Alam man niya kung nasaan ito, ganunpaman ay hindi naman nila nakuhang mag-usap sa nagdaang kalahating taong iyon kahit na madalas niyang pagmasdan ito sa malayuan. Lalo pa ngayon na binigyan siya ng mas malaking dahilan upang maghabol at tuluyang makipag-ayos dito. Kailangan niyang muling maku