PINUNASAN NI BETHANY ang kamay sa suot na apron bago nagmamadaling tinungo na ang pintuan, kung saan nakatayo ang bulto ng isang matandang babae. Mamahalin ang suot niyang damit at halatang kagalang-galang ang postura at hitsura. Sa tabi nito ay nakatayo ang kanilang driver. May bitbit na basket ng mga prutas at paperbag ng mga herbal na vitamins. Ang taong iyon na dumating ay walang iba kung hindi ang ina ni Gavin; si Mrs. Dankworth na panay ang linga sa harapang paligid ng penthouse ng anak.“Hi, hija…” malapad ang ngiting taas ng isang kamay ng Ginang sa nagulat na mukha ni Bethany kaya naman na-estatwa siya ng ilang segundo na walang kakurap-kurap ang mga mata. “Long time no see…”Narinig ng Ginang buhat sa bunsong anak niyang si Briel na may kinakasama raw na babae ang kanyang panganay na anak na si Gavin, hindi naman nito binanggit na ang babaeng nakilala niya pala iyon sa hospital. Hindi rin siya naniniwala dito na may ka-live in na ang anak kung kaya naman minabuti niyang suma
SA TINURAN NG ina ni Gavin ay dahan-dahang pinunasan ng binata ang pawis sa kanyang mukha gamit ang maliit na bimpo na pa-simpleng ini-abot sa kanya ni Bethany. Hindi kasi matiis ng dalaga na makitang ganun ang itsura ni Gavin na nanlilimahid sa pawis sa harapan niya. Hindi naman nakaligtas iyon sa mapanuring mga mata ng Ginang na naging dahilan upang lihim na magdiwang ang kanyang kalooban. Sigurado siyang ito na ang babaeng nakatadhana sa kanyang anak. Muling tumingin si Gavin sa ina at pagkatapos ay inilipat naman niya ang mga mata kay Bethany na lubos pang binalot ng labis na kahihiyan ang buo niyang katauhan. “O-Okay, Mom…”Sa harapan ng ina ay walang pakundangan na hinawakan ni Gavin ang isang kamay ni Bethany at marahang iginiya na ito patungo ng master bedroom na kanilang inuokupa. Sinundan lang iyon ng mas kuminang na mga mata ng Ginang na kulang na lang ay mapapalakpak at sambahin ang manghuhula na kanyang nakausap tungkol sa buhay pag-ibig ng kanyang anak na ang sabi ay na
NABALOT NG KAKAIBANG paghihinala ang isipan ni Bethany nang makita niya ang envelope. Naisip niya na hindi naman siguro siya nito bibigyan ng house and lot bilang regalo dahil hindi naman din nito alam kung kailan ang kanyang birthday na natapos na. Ganunpamam ay tinanggap niya iyon at sinunod niya ang utos nito matapos na kunin ang envelope at inilabas ang mga dokumentong dito ay nakapaloob. Kontrata iyon sa paggamit ng space ng building, ang taunang upa para sa 400-square-meter na gusali ng opisina sa matao at pangunahing lokasyon ay higit na mababa sa inaasahan niya na kulang na lang ay halos ipa-renta iyon ng libre. Hindi lang iyon, may kasama rin itong ilang mga larawan ng space na sa tingin niya ay tamang-tama sa kanyang itatayong music center at saka laman din noon ang susi. Hindi mapigilan ni Bethany na mapaawang na ang bibig habang nanlalaki na ang mga mata na ini-angat na kay Gavin ang mga mata. Sa binatang aliw na aliw na sa emosyon na ipinapakita ngayon ni Bethany.“Is thi
MAKAHULUGANG NAGKATINGINAN NA sina Bethany at Gavin habang kapwa na namumula ang kanilang mukha. Hindi na sila bata para hindi maintindihan ang sinasabi ng Ginang. Inasikaso sila ng Ginang kahit pa sinabi nilang sila na ang bahalang kumuha ng kanilang pagkain para sa kanilang plato. “Mommy, sabayan mo na kaya kami…” “Naku, hindi na. Kakatapos ko pa lang kumain bago ako magtungo dito.” Sobrang naiilang sa kanya si Bethany ngunit iwinaglit na lang niya iyon sa kanyang isipan. Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Gavin na mahal na mahal ng kanyang ina ang dalaga dahil asikasong-asikaso ito to the point na medyo nag-aalangan na ang dalaga. Lihim na siya doong napangiti. Nai-imagine na niya na maging parte ng pamilya si Bethany na panigurado ‘ring walang tututol. “S-Sabay na po kayo sa aming kumain, T-Tita…” “Tita? Mapipilitan akong kumain kung tatawagin mo na akong Mommy.” biro ng Ginang na nagpasamid sa iniinom na tubig ni Gavin. “Mom?!” protesta agad ng binata na namula na ang l
MAHIGPIT NA NIYAKAP ng Ginang si Bethany na hindi na nakaumang, ginantihan na lang niya ito bilang pamamaalam na rin niya sa kanya. Pagkatapos noon ay magkasunod ng lumabas ang mag-ina. Habang lulan ng elevator ay hindi naman napigilan ng Ginang na magsalita na patungkol pa rin kay Bethany.“Gavin, sobrang natutuwa ako na nakikita kang nagpla-plano ng mag-settle down at bumuo ng sariling pamilya mo. Hindi na kailangan ng pamilya natin na maghanap pa ng babaeng ma-match sa panlasa mo. Hindi na rin namin kailangang mag-alala ng Daddy mo na baka piliin mong tumandang binata.”Proud na tumango lang sa ina si Gavin. “Sana lang ay huwag niyo na iyong patagalin pa. Nakikita ko na mabuting babae si Bethany kaya naman magiging mabuting maybahay siya sa’yo at ina ng magiging mga anak mo. Nakikita ko rin kung paano ka niya alagaan. Ganung babae ang gusto ko para sa’yo dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanya. At saka, maging mapagpaubaya ka rin sa kanya sa lahat ng bagay dahil higit na matanda
NANG MAUBOS NI Gavin ang isang stick ng sigarilyo na sinindihan ay pumasok na rin siya sa loob ng building upang umakyat na sa itaas ng penthouse at balikan ang naghihintay na si Bethany. Bagsak ang magkabilang balikat nang pumasok siya ng pintuan nang dahil sa nalaman sa kanyang ina at sa saglit na paggunita niya ng kanilang nakaraan. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Bethany ang hitsura ng binatang parang hindi ito masaya. Tipong parang pinagsakluban ng langit at lupa ang hilatsa ng kanyang mukha. “Anong problema, Gavin? May sinabi bang hindi maganda sa’yo ang Mommy mo nang dahil sa pagtira ko dito sa bahay mo?” alanganing tanong ng dalaga na nabalot na ng pag-aalala ang kanyang mukha.Napatitig na si Gavin sa mukha ni Bethany na punong-puno ng emosyon ng pag-aalala. Umiling at ngumiti ang binata ngunit hindi man lang iyon umabot sa kanyang mga mata. Noon lang napansin ng abogado na ang simple lang ng suot na damit ni Bethany. Hindi niya mapigilan ang sarili na pagkumparahin si Betha
HABANG PATUNGO NG law firm ay walang nagsalita sa kanilang dalawa. Diretso ang tingin ni Bethany sa kalsada habang si Gavin naman ay nasa labas lang ng bintana. Narating na lang nila at lahat ang harap ng building ay hindi man lang sila nag-usap.“Siya nga pala, Thanie, magiging busy ako pansamantla sa mga susunod na araw.” saad ni Gavin bago tuluyang bumaba ng loob ng sasakyan, nakabukas na ang pintuan. “Ano pa bang bago? Palagi ka namang busy.” pabirong sagot ni Bethany na mahina pang humalakhak, “Sige na baba na, late ka na.” utos pa ni Bethany nang tingnan siya ng abogado ng masama na para bang napikon ito sa kung ano ang kanyang sinabi. Binitawan ni Gavin ang pintuan at dumukwang palapit kay Bethany. Marahas ng pinisil nito ang kanyang isang pisngi na agad namang ikinangiwi ng dalaga sa lakas. “Aray ko naman!” daing niyang inirapan pa ng mga mata si Gavin na tumawa lang. “Masyado kang pilosopo, humanda ka sa akin mamaya pag-uwi ko!” Kumibot-kibot na ang bibig ni Bethany na
UMIGTING NA ANG panga ni Bethany, nanggigigil na naman siya sa asawa ng kanyang kaibigan. Hindi lang iyon. Gigil na gigil na naman siya kay Audrey na walang pinagkatandaan. Pinagsabihan niya na ito, ayaw niya pa ‘ring makinig. Hindi na talaga naawa sa kanyang sarili.‘Punyeta talaga ang lalaking iyon, hindi na nagtanda!’ palihim na mura na ni Bethany sa lalaki, ‘At ang lintik namang si Audrey, ayaw niya talagang pakinggan ang mga payo ko? Ayos ah!’Kakilala man niya si Miss Gen ay hindi pa rin naman lubos ang tiwala ni Bethany sa kanya. Hindi niya na kinuwento pa ang buong detalye tungkol sa kanila kahit pa alam niyang mukhang alam na iyon ng babae kahit na hindi niya sabihin, dahil kung hindi ay hindi nito ibabalita sa kanya ang tungkol doon. Pinili na lang niyang itikom na ang kanyang bibig. Ganunpaman ay labis ng nag-aalala si Bethany kay Rina, baka kapag nalaman niya iyon ay ano na naman ang gawin nito sa kanyang sarili. Ang buong akala pa naman niya ay okay na talaga.“Naku, mukh