Home / Romance / The Spoiled Wife of Attorney Dankworth / Kabanata 201 - Kabanata 210

Lahat ng Kabanata ng The Spoiled Wife of Attorney Dankworth: Kabanata 201 - Kabanata 210

399 Kabanata

Chapter 103.2

SA KABILANG banda ay dalawang gabing shows lang ang mayroon si Alejandrino Conley sa lugar na iyon kung kaya naman hindi na nakakapagtakang napuno ang stadium sa unang gabi pa lang nito. Punong-puno ng mga tao ang stadium kung saan gaganapin ang concert niya. Marami pang team labas na nagbabakasakali na makakuha ng ticket at makapasok pa rin sa loob o di kaya naman ay makakuha ng ticket para sa kinabukasang concert. Halo-halo ang mga dumalo doon dahil kilala siya kahit ng mga batang henerasyon. May bata, middle age at mga matatanda na hindi nalalayo sa kanyang edad. Walang pinipiling edad ang kasikatan niya sa bansa kung kaya naman inaasahan na niyang mangyayari iyon. Hindi lang naman sa bansa, sa ibang bansa rin ay ganun ang edad ng kanyang mga audience kaya hindi na siya nagtataka pa.Ayon din sa mga bulungan ng mga kapwa manonood ng concert ay sold out ang lahat ng ticket nito pati ang kinabukasang concert, na para kay Bethany ay deserve ng musician dahil sobrang galing naman niton
Magbasa pa

Chapter 104.1

NAGPASYA NA LUMABAS na ng concert hall sina Bethany at Patricia nang matapos ang event na sumabay sa agos ng mga taong nanood na papalabas na ng venue. Panay ang daldal ni Patricia sa gilid ng dalaga patungkol sa concert na napanood nila. Kung paano siya nag-enjoy at sobrang laking pasasalamat niya sa maestra dahil naisip na isama siya. Mahigpit ang hawak ni Bethany sa isang kamay ng estudyante niya. Natatakot na baka mabitawan at mawala ito. Paniguradong lagot siya sa pamilya ng dalagita. Bahagyang may pagsisisi sa puso ni Bethany na lumabas sila kaagad. Hindi niya maintindihan ang sarili. Gusto niya pang manatili sa loob at kausapin si Mr. Conley. Hindi pa sapat iyong ilang minuto nitong pag-anyaya sa kanya sa itaas ng entablado. Hindi mapalagay ang loob ni Bethany mula nang mapagkamalan siyang anak ni Mr. Conley ng mga reporter at ng host ng event. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang sinasabi ng karamihan na may pagkakahawig daw silang dalawa ng matanda. Ipinilig niya ang ulo, imposi
Magbasa pa

Chapter 104.2

WALANG AWAT NA doong tumayo si Gavin. Malaki na ang mga hakbang na naglakad na patungo ng table nina Bethany na hindi naman malayo. Walang paalam na umupo na siya sa tabi ng dalaga na walang paalam man lang at nagtanong gamit ang mahinang boses niya. “Bakit dito kayo kumakain? Galing na kayo ng concert ni Tito Drino?”Binaliktad ni Bethany ang menu. Plano niya sanang hindi ito pansinin pero kabastusan naman iyon kung kanyang gagawin. Isa pa may kasama silang ibang tao. Umismid siya na tanging si Gavin lang ang nakakita. Muling umangat ang gilid ng labi ng binatang tuwa na sa hitsura niya. “Anong masama kung dito kami kumain? Bawal ba? Ayoko ng kumain ng fried chicken sa bahay. Gusto ko naman ng panibagong lasa. Bumalik ka na sa table mo. Alis na!” dama ni Gavin ang asim sa pagkakabigkas ni Bethany ng huli niyang dalawang linya. “Doon ka na nga!”Pigil ang ngising bahagyang tinapik ni Gavin ang mesa at nagpaliwanag pa sa mahinang boses.“Walang ibang ibig sabihin iyon. Kliyente ko la
Magbasa pa

Chapter 105.1

NABALING NA ANG buong atensyon ni Gavin kay Patrick. Ilang saglit pa ay nilingon niya ang loob ng restaurant kung nasaan sina Bethany at Patricia nang mga sandaling iyon. Doon niya lang napagtagpi-tagpi ang lahat kung bakit biglang lumitaw ito sa kanyang harapan ngayon. Malamang ay naroon ito upang sunduin ang kanyang kapatid. Iniiwas na niya ang tingin sa lalaki na nagawa na siyang makita. Inipit niya sa pagitan ng labi ang stick ng sigarilyong kinuha sa kaha. Ibinaba niya ang ulo upang sindihan na iyon at kalmahin nito ang sarili niya.“Narito ka para sunduin si Patricia?”Malakas na humalakhak si Patrick. Nakita niya lang lahat ng pangyayari. Kanina pa siya naroon. Naghahanap ng parking space. Masyadong maraming kumakain sa lugar ng gabing iyon dala ng concert na naganap kung kaya naman pila ang mga sasakyan na nais makakuha ng parking space sa tapat mismo ng resto. Naglakad si Patrick palapit kay Gavin para manghiram ng lighter o di kaya naman ay makisindi ng sigarilyo. Walang im
Magbasa pa

Chapter 105.2

NANG MAKAALIS NA ang sasakyan ng magkapatid sa labas na abot ng tanaw nila ay sinulyapan na siya ni Gavin na akmang haharapin. Tumayo na si Bethany at nagtungo ng counter upang bayaran ang additional bill nila. Hindi pinili ni Bethany na makipag-argumento kay Gavin sa harap ng maraming tao. Tahimik na sinundan naman siya ng abogado na tinatantiya ang magiging reaction ng dalaga sa magiging galaw niya. Matapos noon ay dire-diretso na silang lumabas ng resto. Ipinagbukas siya ni Gavin ng pintuan ng sasakyan, walang imik namang pumasok doon ang dalaga na may bahid pa rin ng selos ang buong katawan sa client ng binata. Hindi man nito sabihin ay ipinaparamdam niya naman ito sa pamamagitan ng pananahimik niya. Binuhay na ng binata ang makina ng sasakyan at saka pinaandar na iyon. “Bakit si Patricia ang isinama mo?” usisa ni Gavin na feeling ay kalmado na si Bethany, feeling niya lang pala iyon. Hindi pa pala ito tapos magtampo. “Ano ang malay ng batang iyon sa concert?”“Mabuti na siya key
Magbasa pa

Chapter 105.3

Sa halip na kulitin pa ni Gavin ang dalaga na sa paningin niya ay may sama pa rin ng loob sa nagawa niya ay pinili na lang niya na manahimik. Hindi man siya komportable sa panlalamig na pinaparamdam nito, kailangan niya iyong tiisin. Mamaya na lang niya itutuloy ang paglalambing na ginagawa niya. Subalit hindi niya pa rin matiis ang dalaga.“Pasensya na talaga, Thanie, kung—”“No, wala kang dapat na ikahingi ng tawad. Ako ang may kasalanan. Lumagpas ako sa boundary natin. Hindi dapat ako makialam.”Sa sinabing iyon ni Bethany ay natameme si Gavin. Hindi niya na alam anong panghihinuyo pa ang kanyang gagawin dito. Nilamon na sila ng nakakabinging katahimikan. Pinabilis pa ni Gavin ang takbo ng ssakyan. Gusto na niyang makarating ng penthouse at ma-settle na nila agad lahat at maayos na ang gusot ng di pagkakaunawaan.“Thanie—”Pamartsang nagmamadaling pumasok ang dalaga ng silid. Ni walang lingon-likod sa kanya pagkapasok nila ng penthouse. Bahagya na napasabunot na sa buhok si Gavin.
Magbasa pa

Chapter 106.1

DALAWAMPUNG-MINUTO NA nanatili sa loob ng banyo si Gavin. Paglabas nito ay nakatapis lang ng tuwalya sa kalahati ng kanyang katawan. Natatakpan lang noon ang maselang parte. Nanuot na sa loob ng ilong ni Bethany ang after shower gel na gamit nito. Bagay na nagpabaliw na naman sa kanya. Nang linungin niya ito ay nakita niyang malapad na ang ngiti ng binata sa kanya.‘Tsk, ano naman kung mabango na siya?’Ipinikit na ni Bethany ang kanyang mga mata. Nagpanggap na hindi siya apektado sa hitsura at amoy ng abogado. Lumakad na ito palapit sa kanya at hindi man lang nag-abala na magsuot ng kahit isang damit. Maingay na blinower ng binata ang buhok niya sa may gilid ng kama. Hindi pa rin niya kinakitaan ng galaw ang katawan ni Bethany sa kabila ng mga ginawa niya. Maya-maya pa ay nahiga na itong muli sa tabi ng dalaga. Naramdaman niya ang lamig ng buo nitong katawan nang dumantay sa kanya. Kung anong lamig nito ay siya namang init ng katawan ng dalaga na alam ni Gavin na sa mga sandaling iyo
Magbasa pa

Chapter 106.2

HINDI NA HININTAY pa ni Gavin na sumagot si Bethany. Pumunta na siya sa sala upang kunin ang leather bag at ang kanyang coat na kanina ay doon niya inilapag. Nang marinig at makita iyon ay inunahan siya ng dalaga na pumunta sa entrance ng penthouse para kunin at ihanda na ang sapatos na kanyang isusuot. Ang pagiging maasikaso sa kanya ng dalaga ang isa sa pinakanagustuhan ni Gavin at maaaring maipagmamalaki niya sa ibang lalaki. Napag-isip-isip din ni Bethany na kailangan niya iyong gawin dahil sa mga nakukuha niyang suporta at pribilehiyo sa abogado. Kailangan niyang tumbasan at sulitin iyon ni Bethany nang hindi naman malugi ang binata sa suportang ginagawa sa kanya.“Siya nga pala, may business trip ako sa Davao in just two days, gusto mo bang sumama sa akin, Thanie?” maya-maya ay wika ni Gavin bago niya suotin ang sapatos na iniumang ng dalaga. “Chance na rin natin iyon para makapag-spend pa ng maraming oras na magkasama. After ng mga meeting ko pwede tayong lumibot sa palibot na
Magbasa pa

Chapter 106.3

PAGKATAPOS NI BETHANY na kumain ng tanghalian ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang Tita Victoria. Ngayon lang nangyari iyon. Madalas na ang dalaga ang tumatawag sa mag-asawa. Kinabahan na siya, naisip na baka may kung ano ng nangyari sa kanyang pamilya kung kaya naman tumatawag ito.“Busy ka ba ngayon, Hija?” bungad nito sa kanya na masasabi niyang hindi naman tunog hagas.“Hindi naman po gaano, Tita Victoria.” “O sige, pwede bang sumaglit ka muna dito sa bahay?” Biglang napaisip na si Bethany. Bumalik ang kanyang kabang humupa at naglaho na roon kanina. “Bakit po, Tita? May problema po ba kayo ni Papa?” “Wala naman, hija. Basta pumunta ka na lang dito. Sumaglit ka lang.” Lingid sa kaalaman ni Bethany na araw iyon ng kanyang kapanganakan. Dahil sa pag-aaway nila ni Gavin kung kaya hindi na niya iyon naalala. Masyadong naging okupado ang kanyang isipan kaya hindi naalala. Hindi naman iyon nagawang makalimutan ng kanyang madrasta at ng kinikilala niyang ama. “Sige po Tita,
Magbasa pa

Chapter 107.1

NAHULOG NA ANG MGA mata ni Bethany sa passbook na nasa kanyang kamay. Ilang minuto niya iyong tinitigan. Sa mga sandaling iyon ay hindi siya makapag-decide. Nakaka-tempt nga naman ang offer ng kanyang madrasta. Batid din naman niyang kakayanin niya ang lahat kung maniniwala lang siya sa sariling kakayahan. Ngunit may pag-aalinlangan din naman siya na baka mamaya hindi niya mapanindigan ang sinasabi ng kanyang madrasta magbukas siya ng music center. Paniguradong masasayang lang ang lahat. Pera nila at maging ang pagod niya kapag nangyari iyon. Ngunit ika nga, hindi mo malalaman ang resulta ng isang bagay kung hindi mo naman iyon susubukan. Take risk, kung gusto mong may magbago sa'yo. Kung hindi ka susugal para sa iyong kinabukasan, hindi mo malalaman na kaya mo naman palang gawin. “Grab every opportunity, Bethany, malakas ang pananalig kong magagawa mo ito ng matagumpay.”Makalipas ang ilang minutong katahimikan sa kanilang pagitan ay dinala ni Bethany iyon sa tapat ng kanyang dibdi
Magbasa pa
PREV
1
...
1920212223
...
40
DMCA.com Protection Status