All Chapters of The Spoiled Wife of Attorney Dankworth: Chapter 91 - Chapter 100

399 Chapters

Chapter 47.2

HUDYAT IYON UPANG magmadaling umalis na ang Manager sa lugar at iwan si Albert at ang babaeng ibinigay niya sa loob ng silid. Hustler na ginawa ng babae ang trabaho nito sa bar. Ilang buwan na siya sa trabaho kung kaya naman natural na alam niya kung paano paligayahin ang isang lalaki. Nagkusa na siyang yakapin ang leeg ng Albert at halikan iyon upang buhayin ang pagkalalaki ng kanilang customer na sa mga sandaling iyon ay nakabukol na. Nang maging masarap ang mga halik na iyon sa pakiramdam ni Albert ay inihiga na niya ang babae sa sofa. Walang ingat na idinagan niya ang kanyang katawan na hindi niya alam kung paano nagawang hubaran ng babaeng iyon na ang unang tingin niya ay inosente at walang alam sa ganung mga bagay. Nagkamali siya. Kamukha man ito ni Bethany, pagdating sa bagay na iyon ay wala itong nginig at pag-aalinlangan sa kanyang katawan. Maya-maya pa ay napuno na ng ilang mga halinghing at nasasarapang mga malalakas na ungol ang loob ng silid na iyon na pinabantayan pa ng
Read more

Chapter 48.1

HILAW NA NGUMITI si Albert na hindi man lang umabot sa kanyang mga mata. Mababakas ang rumehistrong takot sa kanyang mukha hindi niya man iyon tahasang sabihin sa nobya. Mabilis na umahon sa kanyang inuupuan ang lalaki na hindi na doon mapakali. Iyon lang ang naging choice niya upang pahapyaw silang iligaw. Ilang beses pa siyang napakurap ng kanyang mga mata upang kalamayin ang sarili at makaisip ng magandang palusot. Malamang pabango ng babae doon sa club ang pabangong naamoy ngayon ni Briel na dumikit sa kanyang katawan. Hinagod niya ang isang kamay sa ulo upang mag-isip ng idadahilan na bibilhin ng nobya niya.“Ah, Babe, pumunta kasi ako ng hospital kanina bago ako magtungo dito. Hindi ko pala nasabi sa’yo ‘no?” sambit niyang nilakipan pa iyon ng paawa niyang emosyon, marahang tumango si Briel. “Pinapalitan ko nga pala ng gasa iyong sugat ko sa tagiliran at pinalinisan ko na rin. S-Siguro sa nurse ang pabangong naamoy mo kasi siya lang naman ang lumapit sa akin kanina. Wala naman a
Read more

Chapter 48.2

NGUMITI LANG SI Albert sa kanya at marahang tumango. Ngunit deep inside ay iniisip niyang sana ay huwag na silang mag-abot ng future bayaw niya doon dahil paniguradong masisira na naman ang kanyang araw. Maiisip na naman niya na mas pinapaboran nito ang dati niyang nobya kumpara sa kanya. Ni hindi nito naisip ang kanyang kapakanan, talagang nasa isip na nito na tulungan si Bethany dahil paniguradong may interes ang magiging bayaw sa kanya. Ang isiping iyon ay lalo pang nagpasidhi ng kanyang namumuong galit para sa abogadong ito.“Ayos lang Briel, marami pa namang pagkakataon kung hindi iyon ngayon.”Pagkatapos ng early dinner nila at late afternoon snack na dapat ay lunch nila ay isinama ni Briel sa second floor ng kanilang bahay si Albert. Sinulyapan lang sila ng mag-asawang Dankworth na hindi sumagi na may gagawing kababalaghan ang magkasintahan. Dinala niya ang nobyo doon sa kanyang silid hindi para doon kundi dahil gusto niyang ipakita dito ang silid niya. Hindi naman tumutol si
Read more

Chapter 49.1

PAGKATAPOS NA PALIHIM na tumaas ang isang kilay ni Gavin kay Albert ay umayos na ng upo ang binata. Ilang sandapa noon ay pa-de kwatro niyang hinarap ang kapatid na babae na mukhang interesado sa bakanteng trabaho na under ng isa sa kanyang negosyo. Nahuhulaan na ng binatang may gustong hilingin si Briel na hindi niya naman tahasang personal na masabi sa kanyang harapan at sa harapan ng nobyo nito.“May kailangan ka ba sa akin, Briel?”Si Gavin na ang kusang nagbukas noon sabay sulyap ng pahapyaw kay Albert. “Kung mayroon nga Kuya Gav, pwede bang mangako kang hindi mo ako bibiguin?” tanong ni Briel sa kapatid na mas pinausli pa ang kanyang nguso habang matamang nakatingin.“Depende sa kung ano ang kailangan at hihilingin mo sa akin.” “Saan depende, Kuya Gav? Sinasabi mo ba ngayong makakaya mo akong biguin ha?”Hindi sumagot si Gavin na mahinang nagkibit lang ng kanyang balikat.“Kuya Gav?!” parang spoiled na bata na naman na bulalas ni Briel habang nakanguso pa rin ito. “Kilala kit
Read more

Chapter 49.2

MABILIS NA DINALUHAN ng Ginang si Briel na parang torong nagwawala ng mga sandaling iyon. Ilang beses na tinanong niya ang anak kung ano ang masakit sa kanya ngunit sa halip na sumagot ito ay nagdadabog itong tumakbo paakyat ng kanyang silid habang pumapalahaw na naman ng malakas na iyak. Makahulugang nagkatinginan ang mag-asawa. Doon pa lang ay alam nilang may sumpong na naman ang kanilang unica hija. Matapos na kalmahin ang sarili ay sinundan na siya ng Ginang sa loob ng kanyang silid. Kinabahan na ang babae ng maalala ang minsan nitong pagtatangka sa sariling buhay. Natigilan na siya sa may pintuan pa lang ng silid.“Briel? Anak ano bang—”“You don’t have to leave na parang tinatakasan mo ako, Albert!” sigaw nitong nagwawala na sa loob ng kanyang silid habang may kausap sa kanyang cellphone, “Sana sinabi mo ng maayos sa akin!”“I am sorry Babe, babawi ako sa’yo. Hindi ko na kasi matagalan ang sakit ng tagiliran ko.”“Niloloko mo ba ako? Kung masakit iyan hindi mo kakayaning mag-dri
Read more

Chapter 50.1

MATAPOS BAYARAN IYON ay bumalik na ng sasakyan si Gavin. Sa mga sandaling iyon naman ay kakatapos lang din ni Bethany mamili ng mga kailangan niyang personal na mga gamit. Bitbit ang mga paper bag ng mga pinamili ay bumalik na rin siya ng sasakyan. Napangiti nang maliit si Gavin nang makita ang dalaga. Para siyang nobyo nitong hinihintay itong matapos na mag-shopping. Hindi niya mapigilang masiyahan.“Anong mga binili mo?” tanong nitong ilang beses niyang sinipat ang paperbag na dala, “Akala ko ba personal na gamit lang ang kailangan mo?”“Iyon nga. Tapos may nakita akong cute na indoors sleepers kung kaya dalawang pares na ang binili ko. Tig-isa tayo. Mura lang naman eh. Saka dalawang piraso na rin ng bathrobes.”Pigil ang ngising nailing na doon si Gavin, naisip na ang mga babae nga naman talaga. Mahilig silang mamili ng iba’t-ibang mga gamit na nakita lang nila kahit na hindi naman nila kailangan. Iyong tipong takaw tingin lang sa kanilang mga mata na kahit mayroon pa at hindi nam
Read more

Chapter 50.2

MEDYO NAGULUHAN SIYANG sinundan ni Bethany. Hindi kasi nito particular na sinabi kung ano ang gusto niyang kainin sa hapunan na kailangan niyang lutuin. Kumabaga, siya na ang bahalang magdesisyon kung ano kahit pa hindi niya alam kung magugustuhan iyon ng binata. Pagkaraan ng ilang minuto ay walang patumpik-tumpik na si Bethany na nagtungo ng kusina. Minabuti na lang niya na lutuin ang tinola tutal iyon ang nakikita niyang mabilis at kumpleto ang rekado sa malinis na kusina ng abogado. Ni hindi na siya nagtanong. Sariling desisyon na lang niya ang lahat ng iyon na alam niyang hindi naman nito ikakagalit ang pakikialam niya. Ilang sandali pa ay magkaharap na ang dalawa sa dining table na parang bagong kasal na mag-asawa. Nasa pagitan nila ang umuusok pang ulam na tinola. Katabi nito ang mainit pa ‘ring kanin. Bahagyang nagsusukatan ng tingin na para bang nagkakahiyaan pa rin doon.“Wow! Paano mo nalamang favorite ko ang chicken stew, Thanie?” hindi napigilang ibulalas ng lalaki habang
Read more

Chapter 51.1

ILANG MINUTO NG nakaalis si Bethany sa harapan ni Gavin ay hindi pa rin mapalis-palis ang malapad na ngiti ng binata sa labi habang iniisip niya ang action ng dalaga bago umalis kanina. Paulit-ulit iyong nag-replay sa kanyang masayang isipan na para bang idinuduyan siya sa kalawakan. Hindi siya maaaring magkamali ng hinuha. Halata niyang may pagtingin na rin ang dalaga sa kanya hindi man nito iyon aminin. Lumaki pa ang kanyang ngiti at napahawak na sa kanyang baba nang maalala niya ang malambot nitong labi at ang paraan ng paghalik nito sa kanya na para bang sobrang mahal na mahal siya. Hindi niya na ito kailangang piliting gawin iyon. Ito na ang kusang gumagawa ng paraan at nagpaparamdam. Kakaiba pa rin talaga ang may kasama sa bahay kumpara sa mag-isa lang, at napagtanto lang ni Gavin ang mga sandaling iyon ngayon sa isiping may kasama na siya sa malaking penthouse niya magmula sa gabing iyon.“Sa pagkakataong ito, tanging masasabi ko ay mukhang tinamaan ka na nga talaga sa kanya. C
Read more

Chapter 51.2

WALANG NAGAWA DOON si Albert na napilitan ng bitawan ang babae nang dahil sa pagbabanta nito. Dumilim pa ang mukha ng lalaki habang pinagmamasdan niya ang halos patakbong paglayo ni Bethany sa kanyang kinaroroonan. Sa halip na maghintay ito ng dumaang taxi doon ay lumabas na ng ng main road ang babae upang mabilis na makahanap ng sasakyan. Ilang sandali pa ay pumara ito ng taxi at walang lingon-likod sa kanyang lumulan na doon. Tahimik na pinanood lang ni Albert ang ginawang pag-alis ng taxi kung saan nakalulan ang dalaga. Nang mawala iyon sa paningin niya ay mabigat at padabog na bumalik ng kanyang sasakyan ang lalaki. Walang bwelong sinuntok niya ang bubong ng kanyang sasakyan na nakaagaw ng atensyon ng ibang mga taong naroroon bago ito tuluyang pumasok sa loob ng kotse.“Humanda ka, Bethany! Ang akala mo ay makakatakas ka na sa akin? Hindi ako makakapayag! Makikita mo!” sambit nito na patuloy pa rin sa pagngingitngit ang kalooban, “Lintik lang ang walang ganti.”Sa hindi kalayuan n
Read more

Chapter 52

IBINABA NA NI Gavin ang baso ng wine sa gilid niya at walang pakundangan na umikot paharap kay Bethany upang tugunan ang mga yakap nito. Ikinapiksi na iyon ng dalaga dahil hindi niya inaasahan ang gagawing pagharap nito sa kanya. Napatungo na siya upang itago ang hiyang nararamdaman sa kanyang mga mata. Unang beses niya kasing ginawa iyon kung kaya naman sadyang nakakahiya. Dumampi ang mainit na hintuturo ni Gavin sa baba ni Bethany upang iangat ang mukha nito at magtama ang paningin nila. Pagkatapos ay binuhat niya na ang magaang katawan ni Bethany upang isandal lang sa pader. Sa likod nito ay ang isang buong piraso ng floor-to-ceiling glass kung saan tanaw pa rin ang ganda ng gabi. Nakadagdag pa iyon sa pagiging romantic ng paligid sa paningin ni Gavin. Lalong namula ang mukha ng dalaga sa sobrang hiya nang makita sa malapitan ang mukha ni Gavin na sa mga sandaling iyon ay biglang nag-transform ang hitsura nang makita ang magandang mukha niya. Bagamat mukha pa ‘ring moody ang lalaki
Read more
PREV
1
...
89101112
...
40
DMCA.com Protection Status