HILAW NA NGUMITI si Albert na hindi man lang umabot sa kanyang mga mata. Mababakas ang rumehistrong takot sa kanyang mukha hindi niya man iyon tahasang sabihin sa nobya. Mabilis na umahon sa kanyang inuupuan ang lalaki na hindi na doon mapakali. Iyon lang ang naging choice niya upang pahapyaw silang iligaw. Ilang beses pa siyang napakurap ng kanyang mga mata upang kalamayin ang sarili at makaisip ng magandang palusot. Malamang pabango ng babae doon sa club ang pabangong naamoy ngayon ni Briel na dumikit sa kanyang katawan. Hinagod niya ang isang kamay sa ulo upang mag-isip ng idadahilan na bibilhin ng nobya niya.“Ah, Babe, pumunta kasi ako ng hospital kanina bago ako magtungo dito. Hindi ko pala nasabi sa’yo ‘no?” sambit niyang nilakipan pa iyon ng paawa niyang emosyon, marahang tumango si Briel. “Pinapalitan ko nga pala ng gasa iyong sugat ko sa tagiliran at pinalinisan ko na rin. S-Siguro sa nurse ang pabangong naamoy mo kasi siya lang naman ang lumapit sa akin kanina. Wala naman a
NGUMITI LANG SI Albert sa kanya at marahang tumango. Ngunit deep inside ay iniisip niyang sana ay huwag na silang mag-abot ng future bayaw niya doon dahil paniguradong masisira na naman ang kanyang araw. Maiisip na naman niya na mas pinapaboran nito ang dati niyang nobya kumpara sa kanya. Ni hindi nito naisip ang kanyang kapakanan, talagang nasa isip na nito na tulungan si Bethany dahil paniguradong may interes ang magiging bayaw sa kanya. Ang isiping iyon ay lalo pang nagpasidhi ng kanyang namumuong galit para sa abogadong ito.“Ayos lang Briel, marami pa namang pagkakataon kung hindi iyon ngayon.”Pagkatapos ng early dinner nila at late afternoon snack na dapat ay lunch nila ay isinama ni Briel sa second floor ng kanilang bahay si Albert. Sinulyapan lang sila ng mag-asawang Dankworth na hindi sumagi na may gagawing kababalaghan ang magkasintahan. Dinala niya ang nobyo doon sa kanyang silid hindi para doon kundi dahil gusto niyang ipakita dito ang silid niya. Hindi naman tumutol si
PAGKATAPOS NA PALIHIM na tumaas ang isang kilay ni Gavin kay Albert ay umayos na ng upo ang binata. Ilang sandapa noon ay pa-de kwatro niyang hinarap ang kapatid na babae na mukhang interesado sa bakanteng trabaho na under ng isa sa kanyang negosyo. Nahuhulaan na ng binatang may gustong hilingin si Briel na hindi niya naman tahasang personal na masabi sa kanyang harapan at sa harapan ng nobyo nito.“May kailangan ka ba sa akin, Briel?”Si Gavin na ang kusang nagbukas noon sabay sulyap ng pahapyaw kay Albert. “Kung mayroon nga Kuya Gav, pwede bang mangako kang hindi mo ako bibiguin?” tanong ni Briel sa kapatid na mas pinausli pa ang kanyang nguso habang matamang nakatingin.“Depende sa kung ano ang kailangan at hihilingin mo sa akin.” “Saan depende, Kuya Gav? Sinasabi mo ba ngayong makakaya mo akong biguin ha?”Hindi sumagot si Gavin na mahinang nagkibit lang ng kanyang balikat.“Kuya Gav?!” parang spoiled na bata na naman na bulalas ni Briel habang nakanguso pa rin ito. “Kilala kit
MABILIS NA DINALUHAN ng Ginang si Briel na parang torong nagwawala ng mga sandaling iyon. Ilang beses na tinanong niya ang anak kung ano ang masakit sa kanya ngunit sa halip na sumagot ito ay nagdadabog itong tumakbo paakyat ng kanyang silid habang pumapalahaw na naman ng malakas na iyak. Makahulugang nagkatinginan ang mag-asawa. Doon pa lang ay alam nilang may sumpong na naman ang kanilang unica hija. Matapos na kalmahin ang sarili ay sinundan na siya ng Ginang sa loob ng kanyang silid. Kinabahan na ang babae ng maalala ang minsan nitong pagtatangka sa sariling buhay. Natigilan na siya sa may pintuan pa lang ng silid.“Briel? Anak ano bang—”“You don’t have to leave na parang tinatakasan mo ako, Albert!” sigaw nitong nagwawala na sa loob ng kanyang silid habang may kausap sa kanyang cellphone, “Sana sinabi mo ng maayos sa akin!”“I am sorry Babe, babawi ako sa’yo. Hindi ko na kasi matagalan ang sakit ng tagiliran ko.”“Niloloko mo ba ako? Kung masakit iyan hindi mo kakayaning mag-dri
MATAPOS BAYARAN IYON ay bumalik na ng sasakyan si Gavin. Sa mga sandaling iyon naman ay kakatapos lang din ni Bethany mamili ng mga kailangan niyang personal na mga gamit. Bitbit ang mga paper bag ng mga pinamili ay bumalik na rin siya ng sasakyan. Napangiti nang maliit si Gavin nang makita ang dalaga. Para siyang nobyo nitong hinihintay itong matapos na mag-shopping. Hindi niya mapigilang masiyahan.“Anong mga binili mo?” tanong nitong ilang beses niyang sinipat ang paperbag na dala, “Akala ko ba personal na gamit lang ang kailangan mo?”“Iyon nga. Tapos may nakita akong cute na indoors sleepers kung kaya dalawang pares na ang binili ko. Tig-isa tayo. Mura lang naman eh. Saka dalawang piraso na rin ng bathrobes.”Pigil ang ngising nailing na doon si Gavin, naisip na ang mga babae nga naman talaga. Mahilig silang mamili ng iba’t-ibang mga gamit na nakita lang nila kahit na hindi naman nila kailangan. Iyong tipong takaw tingin lang sa kanilang mga mata na kahit mayroon pa at hindi nam
MEDYO NAGULUHAN SIYANG sinundan ni Bethany. Hindi kasi nito particular na sinabi kung ano ang gusto niyang kainin sa hapunan na kailangan niyang lutuin. Kumabaga, siya na ang bahalang magdesisyon kung ano kahit pa hindi niya alam kung magugustuhan iyon ng binata. Pagkaraan ng ilang minuto ay walang patumpik-tumpik na si Bethany na nagtungo ng kusina. Minabuti na lang niya na lutuin ang tinola tutal iyon ang nakikita niyang mabilis at kumpleto ang rekado sa malinis na kusina ng abogado. Ni hindi na siya nagtanong. Sariling desisyon na lang niya ang lahat ng iyon na alam niyang hindi naman nito ikakagalit ang pakikialam niya. Ilang sandali pa ay magkaharap na ang dalawa sa dining table na parang bagong kasal na mag-asawa. Nasa pagitan nila ang umuusok pang ulam na tinola. Katabi nito ang mainit pa ‘ring kanin. Bahagyang nagsusukatan ng tingin na para bang nagkakahiyaan pa rin doon.“Wow! Paano mo nalamang favorite ko ang chicken stew, Thanie?” hindi napigilang ibulalas ng lalaki habang
ILANG MINUTO NG nakaalis si Bethany sa harapan ni Gavin ay hindi pa rin mapalis-palis ang malapad na ngiti ng binata sa labi habang iniisip niya ang action ng dalaga bago umalis kanina. Paulit-ulit iyong nag-replay sa kanyang masayang isipan na para bang idinuduyan siya sa kalawakan. Hindi siya maaaring magkamali ng hinuha. Halata niyang may pagtingin na rin ang dalaga sa kanya hindi man nito iyon aminin. Lumaki pa ang kanyang ngiti at napahawak na sa kanyang baba nang maalala niya ang malambot nitong labi at ang paraan ng paghalik nito sa kanya na para bang sobrang mahal na mahal siya. Hindi niya na ito kailangang piliting gawin iyon. Ito na ang kusang gumagawa ng paraan at nagpaparamdam. Kakaiba pa rin talaga ang may kasama sa bahay kumpara sa mag-isa lang, at napagtanto lang ni Gavin ang mga sandaling iyon ngayon sa isiping may kasama na siya sa malaking penthouse niya magmula sa gabing iyon.“Sa pagkakataong ito, tanging masasabi ko ay mukhang tinamaan ka na nga talaga sa kanya. C
WALANG NAGAWA DOON si Albert na napilitan ng bitawan ang babae nang dahil sa pagbabanta nito. Dumilim pa ang mukha ng lalaki habang pinagmamasdan niya ang halos patakbong paglayo ni Bethany sa kanyang kinaroroonan. Sa halip na maghintay ito ng dumaang taxi doon ay lumabas na ng ng main road ang babae upang mabilis na makahanap ng sasakyan. Ilang sandali pa ay pumara ito ng taxi at walang lingon-likod sa kanyang lumulan na doon. Tahimik na pinanood lang ni Albert ang ginawang pag-alis ng taxi kung saan nakalulan ang dalaga. Nang mawala iyon sa paningin niya ay mabigat at padabog na bumalik ng kanyang sasakyan ang lalaki. Walang bwelong sinuntok niya ang bubong ng kanyang sasakyan na nakaagaw ng atensyon ng ibang mga taong naroroon bago ito tuluyang pumasok sa loob ng kotse.“Humanda ka, Bethany! Ang akala mo ay makakatakas ka na sa akin? Hindi ako makakapayag! Makikita mo!” sambit nito na patuloy pa rin sa pagngingitngit ang kalooban, “Lintik lang ang walang ganti.”Sa hindi kalayuan n
KULANG NA LANG ay umikot ang mga mata ni Bethany sa tinuran ng biyenan na sa tono ng pananalita ay halatang pinipilit siyang gawin ang bagay na ayaw naman niya. Mabuti na lang at napigilan niya ang sarili. Lihim na nasasakal na siya dito kahit pa alam niyang ginagawa lang naman nila ang bagay na iyon para sa kanilang apo at concern lang sa kanya. Gayunpaman ay hindi siya tahasang nagreklamo, nanatiling tikom ang bibig niya bilang respeto na lang sa pamilya ng kanyang asawa. Dalawang palad na lang niya iyong tinanggap kahit pa medyo mabigat na sa kalooban niya ang namumuong inis sa kakulitan nila. Mawawala lang siya sa mood oras na maglabas siya ng saloobin at baka pa ikasama iyon ng loob ng kanyang biyenan. Naulit pa iyon ng mga sumunod na araw na tumagal ng buong Linggo na kalaunan ay nakasanayan na rin niya. Straight nilang binibisita araw-araw si Bethany sa music center na para bang hindi mapapakali ang mag-ina oras na hindi nila makita ang babae. Hinayaan lang naman sila ni Bethan
ITO ANG DAHILAN ni Gavin kung bakit ayaw niyang buksan ang usapin sa asawa tungkol doon. Malamang hindi papayag si Bethany dahil ngayon pa lang ay hindi na maipinta ang mukha niya. Ayaw nitong sa bahay lang siya. Gusto niya ang ginagawa niya na pag-aasikaso sa kanyang pangarap na music center. Ayaw din naman ni Gavin na pilitin si Bethany na mamalagi sa mansion dahil sa kagustuhan lang ng ina niya. Saka malamang ay mahihiya itong tanggihan o suwayin ang kagustuhan at kahilingan ng biyenan niya kapag nagkagipitan upang paluguran lang si Mrs. Dankworth.“Hayaan mo po muna naming pag-usapan ng asawa ko ang tungkol dito. Hintayin niyo na lang ang desisyon namin.”“Oo nga naman, hayaan mo sila kung saan nila gustong manirahan.” sabat na ng ama nina Gavin na napansin na ang disgusto sa mata ng kanilang manugang na bagama’t nakangiti ay halatang peke ito na hindi umabot sa mata niya. “Oh, okay. I am just suggesting lang naman.” ani Mrs. Dankworth na hilaw pang nagbigay ng ngiti, “Sorry, mas
NAKAANI NG MALAKAS na tawanan mula sa pamilya ni Gavin nang ikwento ni Bethany kung paano sila na-late ng ilang minuto sa usapan dahil nanguha sila ng bayabas na nadaanan. Proud niya pang inilahad kung paano umakyat doon ang asawa na panay lang ang banta sa kanya ng matatalim na mga tingin na tumigil na siya. Tapos na silang kumain ng lunch at nasa sala na sila. Ginawa niyang panghimagas ang bayabas na ang laman at balat lang naman ang kinakain niya. Binigay niya sa katabing si Briel ang buto noon na walang arteng kinain at hindi tinanggihan ng hipag.“Ginawa ko lang naman po iyon kasi gusto ng baby. Inutusan niya lang ako. Binigyan ng sign na iyon ang gusto niya.” pa-demure pa na pagmamalinis ni Bethany na tuwang-tuwa sa reaction ni Gavin na halatang pissed off na sa kanyang kadaldalan, sa mga tingin nito sa kanya ay parang sinasabi na bakit kailangan pang ikuwento? “Pakiramdam ko hindi po talaga ako makakatulog nang maayos ng ilang gabi oras na hindi ako makahingi ng bayabas at hi
NANG SUMAPIT ANG weekend ay nagtungo na sila ng mansion ng mga Dankworth upang paunlakan ang hiling ng ina ni Gavin na magtungo sila doon na itinaong weekend para narito ang lahat ng kapamilya. Ang buong akala ni Gavin ay magiging smooth na ang biyahe nila patungo ng mansion, ngunit bago nila sapitin ang gate noon ay pinatigil ni Bethany ang sasakyan sa gilid ng kalsada na ang tinutumbok ay ang mansion na nila. Blangko niyang sinundan ng tingin ang asawa na nagkukumahog na bumaba ng sasakyan na parang may tinatanaw. Tiningnan niya ang biyenan sa likod na bahagi ng sasakyan na nagtataka rin.“Thanie? Ano bang problema?” Hindi siya pinansin ni Bethany na may tinatanaw sa kabilang bakod na pader na naghihiwalay sa kalsada at property sa loob noon. Bumaba na si Gavin ng sasakyan nang hindi pa rin siya sagutin ng asawa na animo walang naririnig sa mga tawag niya.“Mrs. Dankworth—” “Gavin, tingnan mo. Ang daming hinog na bayabas. Gusto ko noon!” kumikinang ang mga matang turo ni Bethany s
TINALIKURAN NA SIYA ni Bethany na nagtalukbong na ng kumot at mas lumakas pa ang iyak. Napakamot na lang si Gavin sa kanyang ulo nang dahil sa inasal ng asawa. Napahawak na ang isang kamay sa beywang at napatingala sa kisame na para bang kinakausap ang sarili na habaan pa ang pasensya sa naglilihing asawa para hindi sila mag-away. Pinanindigan nga ni Bethany ang sinabi kung kaya naman ang ending pareho silang puyat magdamag. Kaya rin magmula noon ang lahat ng hilingin ng asawa ay walang pag-aalinlangang binibigay ni Gavin kahit na ano pa iyon. Ayaw niya ng maulit iyong nangyari noon dahil sobrang puyat na puyat siya at ang sikip din ng kanyang dibdib noon.“Oo nga, naku kunsumisyon na kunsumisyon tayo sa kanya noon.” natatawang sang-ayon ni Victoria sa manugang na naalala na rin ang gabing iyon, kinuwento kasi ni Gavin sa agahan ang nangyari na kahit na hindi ikwento naririnig ito ni Victoria na umiiyak. “Ibigay na lang natin ang hilig at nais nang hindi maligalig. Ganyan talaga hijo
MABILIS NA NIYAKAP siya ni Bethany upang takpan ang bibig nang marinig niya ang karugtong na sasabihin niya. Napangisi na si Gavin na kalaunan ay humalakhak ng malakas. Bigla siyang na-excited. Ngayon lang din kasi sila ng asawa niya nakapag-usap ng mga pinagdaanan nila lalo na kung paano sila unang nagkita. Nakita niyang ang sandaling iyon ay ayaw palang balikan na ng asawa. Tinanggal ni Gavin ang pagkakatakip ng palad ni Bethany sa bibig niya. Naroroon pa rin ang multo ng ngisi sa labi. Pinanliitan niya ng mga mata si Bethany na namumula na ang mukha.“Mrs. Dankworth, bakit ayaw mong balikan ang gabing iyon? Hmm? Aminin mo, na-love at first sight ka ba sa akin noon?” Dumuwal si Bethany na hindi niya naman sinasadya. Ikinalaki iyon ng mga mata ni Gavin na parang nasaling ang ego. Nakalimutan na buntis nga pala ang asawang kausap niya kung kaya possible na maduwal talaga ito anumang oras.“Ah, nakakasuka pala ang gabing iyon kaya pala niyakap mo ako nang mahigpit tapos—” “Napagkama
ILANG ARAW PA ang pinalipas ng mag-asawa bago sila nagpasyang muling bumalik ng kanilang mga trabaho. Tambak man ang gawain ni Gavin sa kanyang opisina at ang mga kliyente ng kaso na naghihintay sa kanyang pagbabalik ay hindi niya iyon inuna hanggang sa ang ama na mismo ni Gavin ang nakiusap na kailangan niya ng bumalik ng office. “Sapat na siguro ang pahinga mo, Gavin. Kailangan mo ng bumalik at hindi ko kayang hawakan ang kumpanya mo.”Ang tinutukoy ni Mr. Dankworth ay ang sariling kumpanya ng anak na pansamantalang ipinagkatiwala sa kanya hindi ang mismong kumpanya ng kanilang pamilya. Sinalo niya iyon nang mapag-alamang nasa Australia ang anak niya.“Dad–”“Pwede mong ayusin ang lahat ng mga kinakaharap mong problema habang nagtatrabaho ka. Hindi naman siguro mamasamain iyon ng iyong asawa. Saka, may kasama naman siya ang madrasta niya di ba? May ilang problema ang kumpanya mo at sumasakit na ang ulo ko kung paano ko ito hahanapan ng solusyon. Ikaw lang ang makakaayos nito.” Nap
SINALUBONG SILA NI Manang Esperanza na abot sa tainga ang mga ngiti sa labi. Tinulungan na silang ipasok ang dala nilang maleta sa loob ng penthouse. Dinala lang niya iyon sa may sala at kapagdaka ay muling humarap. Bakas pa rin ang giliw nito sa mukha at muling nagsalita sa mas masigla nitong tinig.“Welcome back, Attorney and Miss Bethany!”“Hi, Manang Esperanza…” yakap dito ni Bethany, pilit na winawaglit ang pagbigat ng pakiramdam.Si Manang Esperanza na rin mismo ang gumiya kay Victoria patungo sa silid na kanyang o-okupahin matapos na yumakap kay Bethany. Habang nasa Australia pa sila ay pinalinis na iyon ni Gavin sa matanda kung kaya naman pag-uwi nila ay wala na ang mga naiwang kalat dito. Naroon na rin ang ibang mga gamit ni Victoria na ipinakuha na sa bahay nila bago pa man sila makauwi ng bansa. Inabot ni Gavin ang kamay ni Bethany at mabagal nilang sinundang mag-asawa sina Victoria na patungo na ng silid. Sinulyapan lang ni Bethany ang asawa. Mapagpaubaya at tahimik na nag
NAISIN MAN NI Mrs. Dankworth na sa mansion nila padiretsuhin ang mag-asawa upang doon na lang muna mamalagi kaso ay hindi naman iyon pinahintulutan ni Gavin na mangyari dahil alam niyang mahaba ang kanilang naging byahe at kailangan nilang magpahinga ng kanyang asawa upang makabawi ng lakas. Hindi lang iyon. Bakas na sa mga mata ng asawa ang pagod at malamang ay hindi nito magagawang tanggihan ang kagustuhan ng kanyang ina kung ito ang kakausapin kung kaya naman siya na ang magde-desisyon para sa kanila. Uuwi muna sila ng penthouse. Saka na lang sila pupunta ng kanilang mansion.“Sa sunod na lang Mommy, maglalaan na lang kami ng oras at panahon ni Thanie para bumisita sa mansion. Huwag po muna ngayon. Please?” pakiusap ni Gavin na nilingon na ang asawang yakap pa rin ni Briel na animo hindi nagkaroon ng katiting na galit ang kapatid sa kanyang asawa, nakikita pa rin niya na medyo ilang si Bethany kay Briel ngunit saglit lang naman iyon. “Magpapahinga muna kami ng asawa ko.”“Ganun ba