PAGKATAPOS NA PALIHIM na tumaas ang isang kilay ni Gavin kay Albert ay umayos na ng upo ang binata. Ilang sandapa noon ay pa-de kwatro niyang hinarap ang kapatid na babae na mukhang interesado sa bakanteng trabaho na under ng isa sa kanyang negosyo. Nahuhulaan na ng binatang may gustong hilingin si Briel na hindi niya naman tahasang personal na masabi sa kanyang harapan at sa harapan ng nobyo nito.“May kailangan ka ba sa akin, Briel?”Si Gavin na ang kusang nagbukas noon sabay sulyap ng pahapyaw kay Albert. “Kung mayroon nga Kuya Gav, pwede bang mangako kang hindi mo ako bibiguin?” tanong ni Briel sa kapatid na mas pinausli pa ang kanyang nguso habang matamang nakatingin.“Depende sa kung ano ang kailangan at hihilingin mo sa akin.” “Saan depende, Kuya Gav? Sinasabi mo ba ngayong makakaya mo akong biguin ha?”Hindi sumagot si Gavin na mahinang nagkibit lang ng kanyang balikat.“Kuya Gav?!” parang spoiled na bata na naman na bulalas ni Briel habang nakanguso pa rin ito. “Kilala kit
MABILIS NA DINALUHAN ng Ginang si Briel na parang torong nagwawala ng mga sandaling iyon. Ilang beses na tinanong niya ang anak kung ano ang masakit sa kanya ngunit sa halip na sumagot ito ay nagdadabog itong tumakbo paakyat ng kanyang silid habang pumapalahaw na naman ng malakas na iyak. Makahulugang nagkatinginan ang mag-asawa. Doon pa lang ay alam nilang may sumpong na naman ang kanilang unica hija. Matapos na kalmahin ang sarili ay sinundan na siya ng Ginang sa loob ng kanyang silid. Kinabahan na ang babae ng maalala ang minsan nitong pagtatangka sa sariling buhay. Natigilan na siya sa may pintuan pa lang ng silid.“Briel? Anak ano bang—”“You don’t have to leave na parang tinatakasan mo ako, Albert!” sigaw nitong nagwawala na sa loob ng kanyang silid habang may kausap sa kanyang cellphone, “Sana sinabi mo ng maayos sa akin!”“I am sorry Babe, babawi ako sa’yo. Hindi ko na kasi matagalan ang sakit ng tagiliran ko.”“Niloloko mo ba ako? Kung masakit iyan hindi mo kakayaning mag-dri
MATAPOS BAYARAN IYON ay bumalik na ng sasakyan si Gavin. Sa mga sandaling iyon naman ay kakatapos lang din ni Bethany mamili ng mga kailangan niyang personal na mga gamit. Bitbit ang mga paper bag ng mga pinamili ay bumalik na rin siya ng sasakyan. Napangiti nang maliit si Gavin nang makita ang dalaga. Para siyang nobyo nitong hinihintay itong matapos na mag-shopping. Hindi niya mapigilang masiyahan.“Anong mga binili mo?” tanong nitong ilang beses niyang sinipat ang paperbag na dala, “Akala ko ba personal na gamit lang ang kailangan mo?”“Iyon nga. Tapos may nakita akong cute na indoors sleepers kung kaya dalawang pares na ang binili ko. Tig-isa tayo. Mura lang naman eh. Saka dalawang piraso na rin ng bathrobes.”Pigil ang ngising nailing na doon si Gavin, naisip na ang mga babae nga naman talaga. Mahilig silang mamili ng iba’t-ibang mga gamit na nakita lang nila kahit na hindi naman nila kailangan. Iyong tipong takaw tingin lang sa kanilang mga mata na kahit mayroon pa at hindi nam
MEDYO NAGULUHAN SIYANG sinundan ni Bethany. Hindi kasi nito particular na sinabi kung ano ang gusto niyang kainin sa hapunan na kailangan niyang lutuin. Kumabaga, siya na ang bahalang magdesisyon kung ano kahit pa hindi niya alam kung magugustuhan iyon ng binata. Pagkaraan ng ilang minuto ay walang patumpik-tumpik na si Bethany na nagtungo ng kusina. Minabuti na lang niya na lutuin ang tinola tutal iyon ang nakikita niyang mabilis at kumpleto ang rekado sa malinis na kusina ng abogado. Ni hindi na siya nagtanong. Sariling desisyon na lang niya ang lahat ng iyon na alam niyang hindi naman nito ikakagalit ang pakikialam niya. Ilang sandali pa ay magkaharap na ang dalawa sa dining table na parang bagong kasal na mag-asawa. Nasa pagitan nila ang umuusok pang ulam na tinola. Katabi nito ang mainit pa ‘ring kanin. Bahagyang nagsusukatan ng tingin na para bang nagkakahiyaan pa rin doon.“Wow! Paano mo nalamang favorite ko ang chicken stew, Thanie?” hindi napigilang ibulalas ng lalaki habang
ILANG MINUTO NG nakaalis si Bethany sa harapan ni Gavin ay hindi pa rin mapalis-palis ang malapad na ngiti ng binata sa labi habang iniisip niya ang action ng dalaga bago umalis kanina. Paulit-ulit iyong nag-replay sa kanyang masayang isipan na para bang idinuduyan siya sa kalawakan. Hindi siya maaaring magkamali ng hinuha. Halata niyang may pagtingin na rin ang dalaga sa kanya hindi man nito iyon aminin. Lumaki pa ang kanyang ngiti at napahawak na sa kanyang baba nang maalala niya ang malambot nitong labi at ang paraan ng paghalik nito sa kanya na para bang sobrang mahal na mahal siya. Hindi niya na ito kailangang piliting gawin iyon. Ito na ang kusang gumagawa ng paraan at nagpaparamdam. Kakaiba pa rin talaga ang may kasama sa bahay kumpara sa mag-isa lang, at napagtanto lang ni Gavin ang mga sandaling iyon ngayon sa isiping may kasama na siya sa malaking penthouse niya magmula sa gabing iyon.“Sa pagkakataong ito, tanging masasabi ko ay mukhang tinamaan ka na nga talaga sa kanya. C
WALANG NAGAWA DOON si Albert na napilitan ng bitawan ang babae nang dahil sa pagbabanta nito. Dumilim pa ang mukha ng lalaki habang pinagmamasdan niya ang halos patakbong paglayo ni Bethany sa kanyang kinaroroonan. Sa halip na maghintay ito ng dumaang taxi doon ay lumabas na ng ng main road ang babae upang mabilis na makahanap ng sasakyan. Ilang sandali pa ay pumara ito ng taxi at walang lingon-likod sa kanyang lumulan na doon. Tahimik na pinanood lang ni Albert ang ginawang pag-alis ng taxi kung saan nakalulan ang dalaga. Nang mawala iyon sa paningin niya ay mabigat at padabog na bumalik ng kanyang sasakyan ang lalaki. Walang bwelong sinuntok niya ang bubong ng kanyang sasakyan na nakaagaw ng atensyon ng ibang mga taong naroroon bago ito tuluyang pumasok sa loob ng kotse.“Humanda ka, Bethany! Ang akala mo ay makakatakas ka na sa akin? Hindi ako makakapayag! Makikita mo!” sambit nito na patuloy pa rin sa pagngingitngit ang kalooban, “Lintik lang ang walang ganti.”Sa hindi kalayuan n
IBINABA NA NI Gavin ang baso ng wine sa gilid niya at walang pakundangan na umikot paharap kay Bethany upang tugunan ang mga yakap nito. Ikinapiksi na iyon ng dalaga dahil hindi niya inaasahan ang gagawing pagharap nito sa kanya. Napatungo na siya upang itago ang hiyang nararamdaman sa kanyang mga mata. Unang beses niya kasing ginawa iyon kung kaya naman sadyang nakakahiya. Dumampi ang mainit na hintuturo ni Gavin sa baba ni Bethany upang iangat ang mukha nito at magtama ang paningin nila. Pagkatapos ay binuhat niya na ang magaang katawan ni Bethany upang isandal lang sa pader. Sa likod nito ay ang isang buong piraso ng floor-to-ceiling glass kung saan tanaw pa rin ang ganda ng gabi. Nakadagdag pa iyon sa pagiging romantic ng paligid sa paningin ni Gavin. Lalong namula ang mukha ng dalaga sa sobrang hiya nang makita sa malapitan ang mukha ni Gavin na sa mga sandaling iyon ay biglang nag-transform ang hitsura nang makita ang magandang mukha niya. Bagamat mukha pa ‘ring moody ang lalaki
KINABUKASAN AY MAAGANG lumabas ng silid si Gavin na halos hindi magawang makatulog ng nagdaang gabing iyon. Tutal may alak na nananalaytay sa kanyang katawan kung kaya naman hindi niya mapigilang mag-init kada madidikit iyon sa mainit na balat ng dalagang si Bethany. Ang dalagang agad na nakatulog pagpasok niya. Ilang beses na sumagi sa isipan ni Gavin na halikan ang dalaga, ngunit paniguradong kapag ginawa niya iyon ay hindi na siya makakapagpigil, baka tuluyang magalaw niya ang katawan nitong labag sa kanyang kalooban.“Hindi pwede ang gusto mong gawin, Gavin.” kastigo niya sa pinipigilan niyang sarili.Minabuti na lang niyang lumabas ng silid at tapusin na ang pagtitig ng matagal sa mukha ng dalaga. Kung nakakatunaw lang ang kanyang mga titig baka kanina pa nawala ng mukha nito.“Ang aga naman yata niyang gumising.” mahinang anas ng dalaga na luminga sa tabi niya.Kakalipat pa lang doon ni Bethany kaya naman medyo hindi pa rin siya komportable sa ibang design ng silid pagdilat ng k
“Hindi mo ako mauuto, Gabriella. Oras na pumayag ako at iwan kita dito ngayon, malamang pagbalik ko dito ay lumayas ka na. Saan na naman kita hahanapin noon? Hindi mo alam na sa dami ng problema ko, nitong mga nakaraan na sinabayan mo pa talaga—”“Kaya nga sinasabihan kita na huwag ng makialam sa problema ko di ba? Kayo lang naman ng asawa mo ang mahilig pakialaman ang buhay ko. Tahimik na ako dito eh. Huwag niyo ng guluhin. Ayos lang ako. Hindi mo ba maintindihan na ayos lang ako?!”Bago pa makasagot si Gavin ay narinig na nila ang malakas na iyak ni Brian. Sabay silang napatinging dalawa sa kwarto na para bang nakalimutan nilang may bata silang kasama at tulog dahil sa lakas at wagas na mga sigawan nilang magkapatid. Walang pagpipilian ay mabilis ng lumapit si Briel sa kama na nasa loob ng maliit na silid na kurtina lang ang sara ng pinto. Walang sariling dahon ng pintuan iyon na lalong ikinalaki ng mga mata ni Gavin. Sinundan siya doon ni Gavin. Natagpuan na lang nito na tinatapik
HINDI LANG SA puso niya tumatagos ang mga sinabi ng kanyang Kuya Gav lalo na at usapan iyon tungkol sa kanilang mga anak. Marahil nga ay duwag siya at makasarili siya sa paningin ng ibang taong nakakakita sa kanya, pero mahal niya ang anak. Kung gaano kamahal ng kanyang Kuya ang anak nitong si Gabe, ganundin ang katumbas na pagmamahal niya para kay Brian. Magkaiba lang sila ng paraan na pinaparanas na pagmamahal sa kani-kanilang mga supling. Iniisip lang din naman niya ang kapakanan nito sa hinaharap dahil alam niya sa sarili niya na siya lang din naman ang mag-isang magtataguyod dito. Walang katuwang.Mali bang pangarapin niya ang simpleng buhay? Malayo sa gulo. Malayo sa lahat. Hindi naman siguro kalabisan kung ganun ang piliin niyang buhay nila.“Ano bang mali na narito kami? Hindi porket lumaki ako sa mayamang pamilya ay dapat na ganundin siya Kuya Gav. Ang mahalaga ay hindi ko naman—”“Makasarili ka kung ganun! Makasarili ang mindset mo! Bilang magulang hindi dapat ganyan Gabrie
PUNO NG AWANG humagod na ang mga mata ni Gavin sa nakatayo sa harapan niyang bulto ng kapatid na si Briel. Namutla pa doon ang babae na sa mga sandaling iyon ay alam niyang wala na siyang ligtas. Kung tatakbo siya o makikipagtitigan sa kapatid. Hindi niya malaman alinman sa dalawa. Ang tanging sigurado siya ay kailangan niyang magpaliwanag. Kung madaling kausap ang hipag niyang si Bethany, mahirap makipag-deal sa kapatid niyang dating abogado. Kahit alam niyang mahal na mahal siya nito at lahat ng gusto niya ay binibigay nito, iba iyong ngayon. Ang isipin iyon ay lalo para na doong itinulos ang babae lalo pa nang suyurin na ng nag-iisang kapatid niya ang hitsurang mayroon siya ngayon na base sa reaction ni Gavin ay alam ni Briel na hindi ito gusto ng kanyang kapatid. Ilang beses na ibinuka ni Briel ang kanyang bibig ngunit sa huli ay hindi niya magawang makapagsalita. Dumaan kasi sa mga mata ni Gavin ang pinaghalong sakit at awa na hindi nakaligtas sa mga mata ni Briel. Makailang bes
NAPAHILOT NA SA kanyang sentido si Gavin matapos na umigting ang kanyang panga.“Sino ang ama ng anak niya? Nakita mo? Babaliin ko talaga ang lahat ng buto ng lalaking iyon na hindi kayang pauwiin ang kapatid ko para panagutan. Tarantado siya! Dalawang taon? Tapos hindi niya nagawang makumbinsi si Briel na magpakita?!” “Hindi ko rin alam. Hindi niya sinabi. Wala kaming nakita doon. Sila lang mag-ina ang nakita namin.” “Iyang kalandian niya! Hindi muna siya nagpakasal bago nag-anak! Talagang magagalit kami! Saka baka mas malala pa sa ex-boyfriend niyong dalawa ang nakuha niya? Dapat pinakilatis niya muna sa amin! Basta na lang siyang bumigay? Oo, liberated siya at halos lumaki sa bansang hindi conservative pero hindi iyon sapat na dahilan para magtago!” Marahas na ginulo na niya ang ulo. Lalo pang naging desidido na malaman ang address ng kapatid niya.“Tingnan mo na. Ngayon pa lang highblood ka na. Paano kapag kaharap mo na siya? Mag-aalboroto ka? Walang kinalaman ang bata sa gulo,
LUMABAS NA MULI si Bethany ng kusina upang sunduin ang kanyang mag-ama. Kinabahan na siya nang makita niyang parang may seryoso silang pinag-uusapan ng kanilang anak. Na-conscious na siya doon dahil sa paninitig na binibigay ng asawa sa kanya ngayon, paniguradong nag-aakusa iyon ng kung ano na hindi niya magawang isatinig. Naiilang na si Bethany. Mukhang may mali. Parang nagsumbong na yata sa ama ang anak kahit na malinaw ang kanilang usapang mag-ina na hindi dapat makarating sa ama niya ang tungkol kay Briel.“Tara na sa kusina nang makakain na tayo ng hapunan.” anyaya ni Bethany sa mag-ama, hindi na gusto ang binibigay na tingin ng kanyang asawa sa kanya. Napakamot siya ng ulo, mukhang may sinumbong na nga ang anak niya sa kay Gavin. “Nakahain na…” dugtong niyang pilit hinagilap ang mata ng anak na biglang naging mailap sa kanya.Hindi nga doon nagkamali si Bethany dahil nang makatulog na ang anak, nagtanong na ang asawa.“Thanie, totoo ba ang sinasabi ng anak mong umiyak ka daw kan
MUNTIK NG MAKALIMUTAN ng dalawa ang tungkol sa mga batang kasama na parehong nakatingin sa kanilang banda dahil sa pag-iyak. Problemado ang mukha ni Gabe na namumula na rin ang mga mata habang nakatingin sa kanilang dalawa. Nakatayo na ito at nakababa sa sofa na inuupuan niya kanina.“Gabe, hindi kami nag-aaway ng Tita Briel. Happy lang kami na muling nagkita. Okay? Happy kami.”“Pero umiiyak kayo ni Tita Briel, Mommy. Lumuluha. Happy pa rin po ba kapag umiiyak?”Sabay silang nagpunas ng luha habang natatawa sa tanong ni Gabe. Bumalik si Bethany sa sofa at kinarga na ang anak. Hinaplos naman sa ulo ang anak ni Briel na ilang sandali pa ay nilapitan na rin ng kanyang ina upang kargahin na rin. Sa bandang huli ay hindi pa rin si Briel nakumbinsi ng hipag na sumama sa kanilang mag-ina pauwi ng villa. Pinanindigan ni Briel na hindi sila sasama sa kanila.“Pangako, hindi ko sasabihin sa Kuya mo na nakita kita. Kayong mag-ina dito. Pero ibigay mo sa akin ang phone number mo para kapag nagaw
HUMIGPIT PA ANG hawak ni Briel sa tangkay ng eco bag kung saan natanggal niya na ang lahat ng mga pinamili sa narinig niyang kuryusong tanong ng hipag. Iyong iba nga doon ay inaayos na lang niya sa tamang mga lalagyan nila nang paulit-ulit upang magkunwari na busy siya at hindi na matanong. Useless lang kung itatanggi pa niya sa hipag ang lahat-lahat gayong buking na rin naman siya nito. Ano pang itatago niya? “Hmm, nalaman ko lang na buntis ako pagkatapos naming maghiwalay. Hindi niya rin alam na may isang Brian sa buhay namin at wala akong planong ipaalam dahil hindi niya rin naman ako pakakasalan. Okay na ako na kaming mag-ina lang, Bethany. Ayos na rin ako sa ganitong set up namin.”Saglit na natahimik ang hipag ni Briel sa sagot niya. Ni hindi na ito nagsalita na tumagal ng ilang minuto. Nag-iisip marahil ng sasabihin sa kanya. Nahiling niya rin na sana huwag na itong umalma. Ngunit mali siya nang muli itong magpahayag ng saloobin na hindi na nagugustuhan pa rito ni Briel.“Bri
HINDI PINANSIN NI Briel ang nakita niyang sakit na dumaan na naman sa mata ng hipag. Awa? Lungkot? Pagkagulat na ganun na siya? Hindi niya mahulaan at wala siyang pakialam pansinin. Another nakakagulat nga naman iyon ulit. Dati wala siyang pakialam sa mga leftover na pagkain, pero ngayon para makatipid ay inuulam pa nila ang tira-tira lang kasi okay pa naman at para hindi na rin masayang. Nababawasan ang savings niya tapos ay walang pumapasok.“Sige, sama na lang kami ni Gabe sa tinutuluyan niyo ngayon.”Kinuha ni Briel ang anak sa hipag at binitbit ng muli ang kanyang mga dala. Sinubukan pa ni Bethany na tulungan si Briel na ganun na lang ang pagtanggi. Dumaan pa ang sakit sa mukha ng hipag sa ginawang iyon ni Briel na ang tanging gusto lang naman ay ang tulungan siyang pagaanin ang dala niyang mga pinamili sa palengke kanina.“Kaya ko, dalawang taon ko ng ginagawa ito.” tawa niya pa upang pagaanin ang kanilang pagitan ni Bethany.“Briel…”“Please, Bethany. Hindi mo kailangang maawa
NAPAPALATAK NA SI Briel nang makitang napapahiya na ang hipag sa inaasta ng pamangkin niya ngayon, napakamaldita talaga. Ang isipin na mana ito sa kanyang Kuya Gav ay parang gusto niya ng pagtaasan ang mag-ina ng kilay. Kumibot-kibot naman ang bibig ni Bethany sa tanong ng anak, halatang pilit kinakalma ang sarili. Para bang ilang minuto pa itong nawala sa kanyang sarili na napatingin na ulit sa mukha ni Briel na nakatingin sa kanya.“Saka ko na sa’yo ipapaliwanag, Gabe. Basta Tita mo siya kaya dapat Tita ang tawag mo sa kanya anak.” malumanay pa nitong saad, pilit na kinokonekta ang mga mata sa batang parang malaki pa rin ang pagdududa.“Kapatid mo ba siya Mommy o kapatid siya ni Daddy para maging Tita ko? Yes or no lang naman, Mommy.” Bahagyang natawa si Briel na salit-salitan na ang tingin sa mag-ina. Positibo nga siyang mana ang pamangkin sa kanyang Kuya Gav sa kagaspangan ng ugali. Galing talaga ito sa genes ng kapatid. Hindi ba sila magkamukha ng Kuya niya? Walang makikitang si