NATATARANTA NG UMATRAS si Bethany na kulang na lang ay matumba dahil bumangga ang likod niya sa gilid ng kama ni Gavin nang makita niya ang mabilis na paglapit ng babae sa kanya. Mababakas na ang takot na rumehistro sa kanyang mukha sa takot na makita nito ang mga kiss mark niya sa leeg at banda ng balikat. Nang mapansin iyon ni Manang Esperanza ay natigilan naman ang matanda sa paglapit. Hindi niya na maipaliwanag ang takot sa kanyang mukha. Unti-unting umatras ang matanda palabas ng silid upang bigyan ng space ang dalagang napansin niya ang labis na pagkailang. Mukhang hindi pa ito sanay sa presensya niya. Masyado yata siyang naging feeling close sa dalaga to the point na naiilang na ito. “Pasensya na hija. Natakot ba kita? Akala ko kasi ay palagay na agad ang loob mo sa akin.”Ibinuka ni Bethany ang kanyang bibig upang magpaliwanag. Ayaw niyang gumawa ng eksena s maid ni Gavin sa unang araw niya palang dito. Baka ma-misunderstood siya ng matanda. “N-Naku, hindi po. Pasensya na po
AGAD NA HINARAP ni Bethany ang tasa ng kape nang ma-served na iyon sa kanila. Minsan lang siyang makatikim ng libre, syempre lulubus-lubusin niya na. Iba ang kutob niya sa pagpapakita ng mag-ina. Palagi na hindi maganda ang dating nila sa kanya. Ganunpaman ay magalang niya silang pinaunlakan pa rin. Habang umiinom naman ng kape, hindi nakaligtas sa mga mata ng Ginang ang dalawang bote ng red wine sa tabi ni Bethany. Masuyo siyang ngumiti sa dalaga. Pilit na pinapaamo ang boses at ang kanyang mukha. “Mukhang mamahalin ang dala mong alak ah? Alam mo bang hindi biro ang presyo niyan, hija?” Napa-angat na ang mga mata doon ni Bethany at sinalubong ang tingin ng Ginang. Nahuhulaan niya ng hindi na lingid sa kaalaman ng Ginang ang kaugnayan niya ngayon kay Gavin dahil hindi ito dito pupunta kung wala silang alam. Marahil ay nabanggit na iyon ni Albert at naroon ang Ginang upang makiusap sa kanya ng hindi niya alam ang dahilan. Hindi na kailangang magpanggap ng dalaga sa kanilang harapan.
PADASKOL NIYANG KINUHA ang paperbag ng wine at mabilis na silang tinalikuran. Subalit bago siya makapagmartsa palayo ng table nila ay naulinigan niya pa ang sinabi ni Lilia na isa pang baliw.“Huwag ka ngang walang modo, Bethany! Hindi ako naniniwalang hindi mo na mahal ang kapatid ko. Hindi ba at nangako kang palagi mo siyang tutulungan at palagi kang nariyan—”“Noon iyon, noong bulag pa ako at tanga sa kanya. Pasensya na kayo ngayon ha? Nahimasmasan na kasi ako. Nagising na ako sa katotohanang ginagamit lang ako ng talipandas mong kapatid.” mataray niyang turan na sinundan ng pagiging ngising aso nito.Tama naman si Lilia sa kanyang mga sinabi, pero hindi na ngayon. Nauntog na ang ulo niya. Natauhan na siya. At isa pa, noong na-kidnap sila ni Briel hindi ba at ang babae ang puring-puri ng mag-inang ito na animo ay naka-jackpot na sila? Bakit ngayon, siya ang nilalapitan nila at hindi ang fiance ni Albert upang ayusin ang gulong nangyayari sa kanila?“Ang purol ng utak mong pagsalita
MABILIS NA UMAYOS ng tayo si Bethany sa naging katanungan ni Gavin. Inakbayan na siya nito na bagamat nakakailang ay hindi iyon tinanggal ni Bethany na ang ginawa pa ay niyakap niya pa ang isang kamay niya sa beywang ng binata naramdaman niyang bahagyang hinigit ang hininga. Gusto niyang ipakita sa pamilya ng dati niyang karelasyon na okay na siya sa piling ng abogado ngayon; na wala ng anumang regrets na matatagpuan sa puso niya ngayon.“Talaga? Eh, anong ginawa mo pala doon sa coffee shop, hmmm?” Hindi inaasahan ni Bethany na sasabihin pa iyon ni Gavin. Ang akala niya ay palalampasin na nito ang anumang nakita niya. Mali siya, nakalimutan niya nga palang prangka ang binata. “Oh, huwag mong itanggi Thanie. Nakita kita. Ang huling natatandaan kong sinabi sa’yo ay umuwi ka agad pagkatapos mong kunin ang bote ng mga wine na iniuutos ko sa’yo.”Napanguso na roon si Bethany. Pakiramdam niya ay kino-kompronta siya ng boyfriend niya ng mga sandaling iyon sa katauhan ni Gavin. Sa halip na
NAPAHIYA NA DOON ang ina ni Albert na hindi na magawang tumingin sa kanila ng deretso. Wala na itong maapuhap na mga salita sa hindi niya inaasahang pamamrangka ng abogado na lalo pang tumaas ang dugo at unti-unting umuusok ang bunbunan sa galit na nararamdaman niya.“B-Bayaw, magpapaliwanag ako…” natataranta ng singit ni Albert gamit ang pilit pinapakalma niyang boses dahil hindi pwedeng malaman iyon ni Briel at mabulilyaso ang kanyang plano, “Maniwala ka sa akin, bayaw. Ni minsan ay hindi kami nagkaroon ng relasyon ni Bethany. Hindi ba Bethany? Magsalita ka! Sabihin mo sa kanyang magkaibigan lang tayo—”Matalim na ang tinging ipinukol ng dalaga sa kanya nang mag-angat ng tingin sa dati nitong nobyo. Tuturuan pa talaga siya nitong magsinungaling. Anong tingin ng lalaking ito sa kanya? Hanggang ngayon ay uto-uto pa rin siya at ahwak siya nito sa leeg? Nagkakamali siya. Never na niyang pagbibigyan na muli siyang gamitin ng talipandas na dating nobyo para lang sa sarili nitong kapakanan
TAHIMIK NA SINUNDAN ni Bethany si Gavin papasok ng building, pabalik ng penthouse nito matapos na layasan sila ng mag-iina na alam ng dalagang masama ang loob sa kanya. Panay ang sulyap niya sa malapad na likod ng binata. Tinatantiya kung maaari na ba siyang magtanong dahil sa kakaibang awra ng mukhang ipinapakita nito matapos na makita nila sila. Medyo natatakot siyang magtanong at baka pati siya ay barahin din ng abogadong halatang hindi maganda ang mood. Subalit habang lulan ng elevator at nilalamon ng matinding katahimikan ay hindi na nakatiis pa ang dalaga at nagkusa na siyang nagtanong kay Gavin.“May ginawa ka ba sa pamilya nila, Gavin?”Seryoso pa rin ang mukha ng abogadong hinarap siya. Sabi na nga ba niya eh, bad mood pa rin ang binata kaya mali talagang nagtanong siya. Baka mamaya kung ano pa rito ang sabihin nito.“Bakit, Thanie?” wala pa mang karugtong iyon ay nahuhulaan na ni Bethany ang namumuong sama ng loob ng binata sa kanyang mukha, “Kung sasabihin kong tama ang hul
NAGLUTO SI BETHANY ng apat na putahe ng ulam at ang isa doon ay may sabaw na sopas. Sa amoy pa lang nito ay napakasarap na. Mayroong isang putahe na maanghang ng malalaking mga alimango na ginataan kung saan ay bihasa at sanay si Bethany. Iyon ang kanyang specialty at lahat ng mga nakakain nito ay nagsasabi na walang kasingsarap iyon. Matapos na ihain sa mesa ay tinawag na niya si Gavin matapos na sulyapan ito sa sala. Nanonood pa rin ito.“Gavin? Hindi mo ba ako narinig?” muling ulit ni Bethany nang walang sagot na makuha dito.Dalawang beses pa siyang tinawag ni Bethany bago siya tamad na umahon sa pagkakaupo. Narinig naman ni Gavin ang dalaga, wala lang gusto niya lang talagang maging pabebe dito lalo na at hindi niya maiwasang magselos nang mabasa niya ang ilang sweet na message na palitan ng dalawa noong sila pa. Mali man, walang magawa si Gavin sa nararamdaman niya. Blangko ang mukha ng binata na nang makita ng dalaga ay agad na niyang nahulaan na masama na naman yata ang pakira
“Hmp, anong akala niya siya lang ang may karapatang mang-asar at magtampo? Anong akala niya? Hindi ko rin kayang gawin iyon?” habang lulan ng elevator paakyat ng penthouse ay wika ni Bethany sa sarili, nagawa na niyang ibigay ang pagkain sa mga stray animals. Ini-imagine na niya ang hitsura ng abogado oras na gantihan niya ito. “Kaya ko rin iyon! Makikita niya. Ipaparamdam ko rin ang pinaparanas niya.”Pagbalik ng dalaga sa penthouse ay hindi niya nga pinansin si Gavin kahit na magkanda-bali ang leeg nito kakatingin sa kanya. Dire-diretso siyang pumasok ng kwarto at muli siyang nag-half bath hindi pa man gaanong natutuyo ang kanyang buhok na binasa kanina. Naamoy niya kasi ang sariling pawis na medyo maasim agad. Matapos noon ay tumambay siya sa may lababo ng banyo upang asikasuhin ang skin care routine niya sa bagong products na kanyang susubukang gamitin. Products na mukhang mamahalin. Bagong kilala pa man nila ng abugado ay hindi naging pangit ang pakikitungo ni Gavin sa kanya. Bin
MULI PANG NAPALUNOK ng laway niya doon si Bethany. Kung malalaman iyon ng kanyang mga magulang, paniguradong maninibugho ang mga ito lalo na ang kanyang ama. Isa pa ito sa prino-problema ng dalaga. Hindi naman pwedeng mag-alibi siya sa kanila. Magagalit sila kay Gavin. Nasisiguro niya ang bagay na iyon. Ayaw naman niyang magkaroon ng lamat ang kanilang magandang relasyon. Okay na eh, botong-boto na sila na maging sila nito..“Itutuloy pa rin natin.” kumpiyansang sagot ni Mr. Dankworth na ikinakunot ng noo ni Gavin.Paano nila gagawin iyon? Ang nobya na niya ang nagtuloy ng tanong na gusto niya ‘ring malaman ang sagot ng ama.“Paano ho matutuloy kung magiging busy siya sa kasong hahawakan niya? Hindi sa nangunguna ako kung ano ang mangyayari, pero iyon na ang aasahan ko oras na piliin ni Gavin na tulungan sila.” pabalagbag na sagot ni Bethany na diskumpiyado na sa mga sinasabi ni Mr. Dankworth, wala siyang panghahawakan dito. Puro lang ito pangako. Tapos kapag may problema, wala ng mag
HINDI NAGSALITA SI Gorio na ang mga mata ay nasa kay Bethany pa rin nakatingin. Gusto niyang makuha ang opinyon ng dalaga. Gusto niyang malaman ang tumatakbo ngayon sa kanyang isipan. Kanina pa ito tahimik. Mana sa kanyang ina kung si Beverly nga ang tunay nitong nanay. Hindi kagaya ni Drino na talentadong tao nga pero napakaligalig. Naiintindihan niya naman na mahal niya ang ampon na tinuring na nilang anak, pero sobra-sobra naman na ito. Humanga pa si Gorio kay Bethany na base sa mga kilos nito ay halatang educated at willing lang makinig bago magpahayag ng kanyang opinyon. Bukod sa maganda ay napakalayo ng ugali nito kay Nancy na eskandalosa na nga ay iba pa ang pitik ng utak. Hindi malaman kung ano talaga ang motibo sa gulong nililikha na naman. Aminin niya man o hindi, gusto niya ito para sa kanyang anak na si Gavin dahil nakikita niyang nakakaya nitong pasunurin ang anak na matigas ang ulo at sunod sa kanilang layaw na mag-asawa. Mapapabuti dito ang anak niyang abogado. “Ano sa
NABALOT NG KATAHIMIKAN ang sala ng mansion ng mga Dankworth sa pag-alis na iyon ni Mr. Conley. Walang sinuman sa kanila ang gustong magsalita. Panay ang salitan ng tingin ng mag-asawa na para bang kailangan na isa sa kanila ang mauna upang mag-explain ng sitwasyon. Napahawak na ang Ginang sa kanyang dibdib na halatang na-highblood sa biglaang pagsulpot doon ng kaibigan ng kanyang asawa nang walang pasabi. Sa totoo lang ay ayaw nitong umattend ng kasal ni Nancy noon, pinilit lang siya ni Mr. Dankworth para sa pagtanaw ng utang na loob kuno. Mula ng hiwalayan kasi nito at baliwin ang anak niyang si Gavin, naging ekis na ang babae sa Ginang. Si Briel naman ay panay ang ikot ng mga mata na halatang hindi pa rin maka-get over sa eskandalong nangyari kanina. Hindi niya expected iyon kung kaya naman lumabas na rin ang pagiging bastos ng ugali niya. Palagi na lang kasing ganun sila. Habang si Albert naman ay manghang-mangha sa kaguluhang iyon pangyayari na iyon. Samantalang si Gavin ay nakati
NAPATAYO NA ANG Ginang sa kinauupuan at maging si Gorio habang napahilot na sa kanilang mga sentido. Hindi na alam ang tamang reaction sa pasabog na dala ng kaibigan na mukhang pati ang kanilang pamilya ay madadamay pa sa problema nila. Hindi naman nila magawang itaboy ito dahil hindi naman na iba. Parang kapatid na ni Gorio si Drino.“Ayon na nga, ang masaklap. Hindi pa sila tapos sa phase ng kanilang honeymoon tapos ganito na.” tugon ni Mr. Conley na halatang sising-sisi kung bakit pinilit niyang makasal doon ang anak, “Binugbog kasi ng asawa niya si Nancy dala ng matindi nilang pagtatalo. Itinulak siya sa hagdan at nabalian ng dalawang tadyang. Hindi rin maayos ang mental health niya ngayon. Nag-decide kami ni Estellita na umuwi ng bansa at baka dito mas bumuti-buti siya…” “E ‘di dapat kasuhan ang dating asawa niya. Nananakit pala eh.” muli pang sambit ni Briel na halatang iritado na.Lumingon siya sa banda ni Gavin na ganun na lang ang naging pag-iling. Nahuhulaan na ng binata an
NAPA-ANGAT PA ANG tingin ni Bethany sa nobyo nang maramdaman niya ang marahan nitong paghaplos sa isang hita niya sa ilalim ng mesa. Puno ng pagbabanta ang kanyang mga mata na tigilan iyon ng abogado pero mas lalo niyang hindi tinanggal. Sa mga tingin ni Bethany na iyon ay agad nahulaan ni Albert kung ano ang nangyayari sa dalawa. Pasimple niyang inihulog ang telang nakalagay sa kanyang kandungan at nang pulutin niya iyon ay nakita niya ang kamay ni Gavin sa hita ng dati niyang nobya. Wala sa panahong napaigting ang panga ni Albert na hindi nakaligtas sa mga mata ni Briel. Nilunok muna ng babae ang kanyang kinakain bago siya nagsalita upang sitahin na ang fiance niya.“What’s wrong, Babe?” walang kamalay-malay niyang tanong na nakakuha na ng atensyon ng ibang kasama nila. “Hmm?” pa-inosenteng tanong ni Albert na nagawa pang pekeng ngumiti sa kanila. Ilang minutong tinitigan siya ni Briel kapagdaka ay iniiling ang ulo. “Nevermind, namamalikmata lang yata ako kanina.”Pasimpleng pina
HUMAKBANG NA ANG mag-ama palapit sa kinaroroonan ni Bethany. Bilang pagbibigay ng respeto ay sinalubong naman sila ng dalaga. Humigpit ang hawak niya sa paperbag ng inuming regalo niya sa padre de pamilya ng nobyo. Nakangiting umikot si Gavin at humarap sa ama niyang bahagyang natatakpan niya ang katawan na abala sa phone.“Daddy, si Bethany nga po pala. Fiancee ko. Nagpunta na siya dito dati noong birthday ni Briel.” pakilala ni Gavin na inakbayan pa ang nobya upang maayos na ipresenta sa kanyang ama. Umaasa na magugustuhan nito ang kasintahan.Ibinigay ni Bethany ang pinakamalaki niyang ngiti sa lalaki na naburo na ang mga mga mata sa kanya. Sa tantiya ng dalaga ay nasa 50 years old na ang lalaki na halos kasing-tanda ng kanyang ama. Sa feature ng hitsura nito, ay walang dudang sa kanya nagmana ang anak na si Gavin. Humigpit pang lalo ang hawak ni Bethany sa paper bag. Hindi niya alam kung alin ang uunahin niya. Magmamano ba sa matanda o i-aabot ang kanyang regalo. Hindi siya makapi
MAPANG-ASAR NA TININGNAN siya ni Gavin na para bang sinasabi nitong proud ang binata sa kanya ngunit iba ang dating nito sa dalaga. Nakaramdam tuloy nang bahagyang pagkainis doon si Bethany. Dapat talaga kapag may ganito silang pupuntahan, nauna na siyang mamimili ng mga pangbigay. Hindi niya na sinasama ang nobyo para lang doon.“Bakit ganyan ang mukha mo?” pagkalulan ay mapang-asar pa rin ang tonong tanong ni Gavin. “Nakakainis ka kasi eh.” “Bakit naiinis ka sa akin? Wala naman akong sinabing masama.”“Sa sunod, kapag mamimili ako hindi na kita isasama. Ako na lang mag-isa.” halukipkip pa ni Bethany matapos paikutin ang mga mata sa nobyong mas malakas lang siyang pinagtawanan, “Nang-aasar iyang mga tingin mo eh!”Natawa na naman si Gavin. Kawangis kasi ang nobya ng isang batang nagta-tantrums dahil may hindi nakuha. Hinayaan naman niyang siya na ang magbayad ng mga pinamili nito, ayon nga lang nag-transfer siya sa bank account nito ng katumbas na halaga ng ginastos ng nobya. Iyon
NANG MAGISING KINAUMAGAHAN si Bethany ay nagulat siya nang makita niyang nakaupong nag-aabang sa may bandang paahan niya si Gavin. Nasa harap nito ang maliit na bed table kung saan may nakalagay na almusal niya. “Breakfast is ready, Thanie!” Mabilis na napabangon si Bethany nang maamoy niya ang malakas na amoy ng pritong itlog at tocino na nanunuot sa kasuluk-sulukan ng kanyang ilong. Nang sulyapan niya iyon ay parang gusto niyang mapabunghalit ng tawa dahil medyo sunog ang gilid ng mga iyon. Hindi niya alam kung inihaw ba o prito sila, pero sa kinang ng mantika alam niyang prito iyon. Mariing tinikom niya pa ang bibig nang mapasulyap sa mukha ni Gavin. Sobrang proud kasi ng mga mata nito na animo ay may malaking kasong naipanalo. Hindi lang iyon, malalaki rin ang hiwa ng mga bawang ng fried rice na hindi man lang naging kulay brown. Sa tingin pa lang dito ni Bethany ay parang hindi na iyon masarap.“Ikaw ang nagluto?” “Oo, sino pa ba? Pinag-day off ko si Manang Esperanza.”Hindi n
EKSAKTONG ALAS-DOSE NG gabi nang makatanggap ng tawag si Bethany mula kay Gavin. Kinikilig na napahilig siya sa gilid ng bintana ng kanyang silid. Naka-glue ang kanyang mga mata sa iba’t-ibang kulay ng mga paputok na nasa himpapawid. Dinig niya sa kabilang linya ang sigaw ni Briel at Albert. Hindi pinansin iyon ng dalaga na ang buong sistem ay naka-focus sa malambing na boses ng kanyang nobyo. “Happy New Year, Thanie!” “Sa iyo rin, Attorney Gavin ko…” Lumapad na ang ngisi ni Gavin na lumayo pa sa banda ng maingay na kapatid at fiance nito. Hindi niya mapigilang lumaki ang ulo sa taas at ibaba sa kilig na hatid ng kanyang nobya na nasa kabilang linya. Nai-imagine na niya ang hitsura nito habang sinasabi iyon sa kanya. Nakagat na niya ang labi. Kung hindi lang gabing-gabi na, pinuntahan niya ito ng mga sandaling iyon ay iniuwi na sa penthouse. Kaya lang baka mapagalitan siya ng mga magulang oras na gawin niya iyon. May respeto naman siya sa kanila kahit gustong-gusto na niyang tumawi