PADASKOL NIYANG KINUHA ang paperbag ng wine at mabilis na silang tinalikuran. Subalit bago siya makapagmartsa palayo ng table nila ay naulinigan niya pa ang sinabi ni Lilia na isa pang baliw.“Huwag ka ngang walang modo, Bethany! Hindi ako naniniwalang hindi mo na mahal ang kapatid ko. Hindi ba at nangako kang palagi mo siyang tutulungan at palagi kang nariyan—”“Noon iyon, noong bulag pa ako at tanga sa kanya. Pasensya na kayo ngayon ha? Nahimasmasan na kasi ako. Nagising na ako sa katotohanang ginagamit lang ako ng talipandas mong kapatid.” mataray niyang turan na sinundan ng pagiging ngising aso nito.Tama naman si Lilia sa kanyang mga sinabi, pero hindi na ngayon. Nauntog na ang ulo niya. Natauhan na siya. At isa pa, noong na-kidnap sila ni Briel hindi ba at ang babae ang puring-puri ng mag-inang ito na animo ay naka-jackpot na sila? Bakit ngayon, siya ang nilalapitan nila at hindi ang fiance ni Albert upang ayusin ang gulong nangyayari sa kanila?“Ang purol ng utak mong pagsalita
MABILIS NA UMAYOS ng tayo si Bethany sa naging katanungan ni Gavin. Inakbayan na siya nito na bagamat nakakailang ay hindi iyon tinanggal ni Bethany na ang ginawa pa ay niyakap niya pa ang isang kamay niya sa beywang ng binata naramdaman niyang bahagyang hinigit ang hininga. Gusto niyang ipakita sa pamilya ng dati niyang karelasyon na okay na siya sa piling ng abogado ngayon; na wala ng anumang regrets na matatagpuan sa puso niya ngayon.“Talaga? Eh, anong ginawa mo pala doon sa coffee shop, hmmm?” Hindi inaasahan ni Bethany na sasabihin pa iyon ni Gavin. Ang akala niya ay palalampasin na nito ang anumang nakita niya. Mali siya, nakalimutan niya nga palang prangka ang binata. “Oh, huwag mong itanggi Thanie. Nakita kita. Ang huling natatandaan kong sinabi sa’yo ay umuwi ka agad pagkatapos mong kunin ang bote ng mga wine na iniuutos ko sa’yo.”Napanguso na roon si Bethany. Pakiramdam niya ay kino-kompronta siya ng boyfriend niya ng mga sandaling iyon sa katauhan ni Gavin. Sa halip na
NAPAHIYA NA DOON ang ina ni Albert na hindi na magawang tumingin sa kanila ng deretso. Wala na itong maapuhap na mga salita sa hindi niya inaasahang pamamrangka ng abogado na lalo pang tumaas ang dugo at unti-unting umuusok ang bunbunan sa galit na nararamdaman niya.“B-Bayaw, magpapaliwanag ako…” natataranta ng singit ni Albert gamit ang pilit pinapakalma niyang boses dahil hindi pwedeng malaman iyon ni Briel at mabulilyaso ang kanyang plano, “Maniwala ka sa akin, bayaw. Ni minsan ay hindi kami nagkaroon ng relasyon ni Bethany. Hindi ba Bethany? Magsalita ka! Sabihin mo sa kanyang magkaibigan lang tayo—”Matalim na ang tinging ipinukol ng dalaga sa kanya nang mag-angat ng tingin sa dati nitong nobyo. Tuturuan pa talaga siya nitong magsinungaling. Anong tingin ng lalaking ito sa kanya? Hanggang ngayon ay uto-uto pa rin siya at ahwak siya nito sa leeg? Nagkakamali siya. Never na niyang pagbibigyan na muli siyang gamitin ng talipandas na dating nobyo para lang sa sarili nitong kapakanan
TAHIMIK NA SINUNDAN ni Bethany si Gavin papasok ng building, pabalik ng penthouse nito matapos na layasan sila ng mag-iina na alam ng dalagang masama ang loob sa kanya. Panay ang sulyap niya sa malapad na likod ng binata. Tinatantiya kung maaari na ba siyang magtanong dahil sa kakaibang awra ng mukhang ipinapakita nito matapos na makita nila sila. Medyo natatakot siyang magtanong at baka pati siya ay barahin din ng abogadong halatang hindi maganda ang mood. Subalit habang lulan ng elevator at nilalamon ng matinding katahimikan ay hindi na nakatiis pa ang dalaga at nagkusa na siyang nagtanong kay Gavin.“May ginawa ka ba sa pamilya nila, Gavin?”Seryoso pa rin ang mukha ng abogadong hinarap siya. Sabi na nga ba niya eh, bad mood pa rin ang binata kaya mali talagang nagtanong siya. Baka mamaya kung ano pa rito ang sabihin nito.“Bakit, Thanie?” wala pa mang karugtong iyon ay nahuhulaan na ni Bethany ang namumuong sama ng loob ng binata sa kanyang mukha, “Kung sasabihin kong tama ang hul
NAGLUTO SI BETHANY ng apat na putahe ng ulam at ang isa doon ay may sabaw na sopas. Sa amoy pa lang nito ay napakasarap na. Mayroong isang putahe na maanghang ng malalaking mga alimango na ginataan kung saan ay bihasa at sanay si Bethany. Iyon ang kanyang specialty at lahat ng mga nakakain nito ay nagsasabi na walang kasingsarap iyon. Matapos na ihain sa mesa ay tinawag na niya si Gavin matapos na sulyapan ito sa sala. Nanonood pa rin ito.“Gavin? Hindi mo ba ako narinig?” muling ulit ni Bethany nang walang sagot na makuha dito.Dalawang beses pa siyang tinawag ni Bethany bago siya tamad na umahon sa pagkakaupo. Narinig naman ni Gavin ang dalaga, wala lang gusto niya lang talagang maging pabebe dito lalo na at hindi niya maiwasang magselos nang mabasa niya ang ilang sweet na message na palitan ng dalawa noong sila pa. Mali man, walang magawa si Gavin sa nararamdaman niya. Blangko ang mukha ng binata na nang makita ng dalaga ay agad na niyang nahulaan na masama na naman yata ang pakira
“Hmp, anong akala niya siya lang ang may karapatang mang-asar at magtampo? Anong akala niya? Hindi ko rin kayang gawin iyon?” habang lulan ng elevator paakyat ng penthouse ay wika ni Bethany sa sarili, nagawa na niyang ibigay ang pagkain sa mga stray animals. Ini-imagine na niya ang hitsura ng abogado oras na gantihan niya ito. “Kaya ko rin iyon! Makikita niya. Ipaparamdam ko rin ang pinaparanas niya.”Pagbalik ng dalaga sa penthouse ay hindi niya nga pinansin si Gavin kahit na magkanda-bali ang leeg nito kakatingin sa kanya. Dire-diretso siyang pumasok ng kwarto at muli siyang nag-half bath hindi pa man gaanong natutuyo ang kanyang buhok na binasa kanina. Naamoy niya kasi ang sariling pawis na medyo maasim agad. Matapos noon ay tumambay siya sa may lababo ng banyo upang asikasuhin ang skin care routine niya sa bagong products na kanyang susubukang gamitin. Products na mukhang mamahalin. Bagong kilala pa man nila ng abugado ay hindi naging pangit ang pakikitungo ni Gavin sa kanya. Bin
HINDI NA NAG-ABALANG magtanong si Bethany gaya ng bibisitahin ba siya nito sa ibang bansa oras na naroon na siya? Alam niyang imposibleng gagawin iyon ng abugado. Sino naman siya para pag-aksayahan nito ng oras. Paniguradong oras na maipadala na siya nito sa ibang bansa, iyon na ang katapusan ng lahat sa kanila. Paniguradong puputulin na rin nito ang lahat ng paraan ng kanilang communication. Kung ito ang isa sa kanyang tuntunin sa laro nilang dalawa, nakahandang sumunod si Bethany dito. Hindi naman siya taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob.“Hindi pa naman agad-agad, bibilang pa iyon ng buwan o maaaring taon. Depende. Kaya huwag ka na munang maging excited na makaalis sa puder ko. Dito na muna…”Marahil dahil mabait at masunurin si Bethany, kung kaya maganda ang mood ni Gavin. Hinagod niya paikot sa maliit na beywang ng dalaga ang isa niyang palad. Muli pang nasindihan ang init na namamagitan sa kanilang mga katawan.“Now tell me, baby. Bakit kakaiba ang bango mo ngayon? Pin
HINDI NAGALIT SI Gavin kahit pa parang tanga siyang naiwan sa loob ng banyo ni Bethany nang patakbo itong patalilis na umalis upang kausapin ang kaibigan niya. Bahagya siyang ngumiti habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa dalagang dumapa na sa ibabaw ng kama at humarap sa kabialng dereksyon. After ng ilang minuto pa saka tahimik na pumasok ang abugado sa silid para kumuha ng damit at maligo na rin. Sinulyapan lang siya ni Bethany habang ang isipan ay nasa kanyang kausap pa rin. Gayunpaman ay pinanood niyang kumuha ng damit si Gavin at pulutin nito ang kanyang roba. Sumunod pa ang mapanuri niyang mga mata sa binata hanggang makapasok na muli ito sa loob ng banyo. Saka pa lang siya bumalik sa kanyang tamang sarili nang isara na ni Gavin ang pintuan ng banyo. Ayaw na ni Bethany na pag-usapan nila ngayon ni Rina si Albert kung kaya naman minabuti niyang baguhin na lang ang kanilang topic.“Ano pa ang ibang nais mong sabihin sa akin, Rina? Hindi ba ang sabi mo ay may iba ka pang iku-k
TAHIMIK NA LUMABAS sa kusina si Bethany nang mabawi ang pustora na alam niyang ipinagtataka na ng madrasta, upang tumungo sa kanyang silid at mag-ready na. Naiwan niya sina Victoria at Gavin sa loob ng kusina. Hinugasan ni Gavin ang kanyang kamay at muli pang inayos ang nakatupi niyang manggas ng polo shirt. Komportable pa rin siya kahit na tinititigan siya ng Ginang mula ulo hanggang paa.“Mama, ibabalik ko rin po dito ang anak niyo bago ang hapunan. Sa weekend po ay iinvite ko kayo sa bahay para pag-usapan ang plano naming kasal kasama ng mga parents ko. Makikipag-communicate na lang ako kung paano.”Hindi na maitago pa ang saya sa mukha ni Victoria nang marinig niya iyon. Halata niya sa mga mata ng kaharap na abogado na desidido na talagang lumagay sila sa tahimik. Hindi na rin naman sila mga bata kaya bakit hahadlangan?“Hindi ka ba nabibigla, hijo? Hindi sa tutol ako. Ayaw mo bang patagalin muna ang relasyon niyo? Ang ibig kong sabihin ay gusto mo na ba talagang lumagay sa tahimi
BINUHAT NA NI Gavin ang juice at uhaw na uminom doon. Nakalahati niya ang laman nito. Matapos iyon ay ini-angat na niya ang mga mata sa problemado pa ‘ring si Victoria. Naiimbyerna ito sa bumabaha pa nilang kusina dahil sa tubo. “Gaano po ba kalala ang sira, Mama? Pwede ko bang makita? Baka kaya ko ng ayusin.”Nabaling na ang paningin ng tatlo sa binata. Sabay-sabay silang umiling, maging si Benjo at lalong-lalo na si Bethany.“Huwag na Gavin, tinawagan ko naman na ang management. Paniguradong papunta na sila. Mababasa ka. Baha na sa kusina namin.” harang agad ni Bethany sa nais gawin ng nobyo, ayaw niyang pati iyon ay iasa pa nila sa fiance niya.“Baha na? Naku, mas lalong kailangang ayusin na iyon agad.”Tumayo ang abogado at tinungo na ang kusina habang itinutupi ang manggas ng suot niyang polo. Napatayo na rin doon si Bethany at Victoria na may pagkataranta. Makahulugan na lang tumingin si Bethany sa ama habang naiiling. Sinundan na kasi ni Victoria si Gavin patungong kusina na a
NAGING PARANOID SI Bethany nang mga sumunod na araw hanggang sa tuluyang mapabalita na tapos na ang kasal ni Nancy sa hindi niya kilalang lalaki. Ipinaskil ang mga larawan nila ng kasal online na tanging mga larawan lang ng mga magulang ni Gavin ang nahagip na nasa kasal at nasa reception ng nasabing okasyon. Wala doon sina Briel gaya ng hinuha ng kaibigan niyang si Rina. Nang e-check ni Bethany ang social media ng kapatid ni Gavin ay napag-alaman niyang hindi naman talaga ito pumunta dahil bumalik din sila ng bansa ilang araw na ang nakakalipas base sa mga post nilang gala ng fiance nitong si Albert. “Hay naku, Rina! Makakalbo talaga kita!” bulalas ni Bethany na natatawa na sa kanyang sarili, “Pinag-overthink mo akong malala at pinalala mo pa ang mood swings ko na hindi ko alam kung saan galing!”Bago ma-bisperas ng New Year nang siya na ang kusang tumawag kay Gavin upang magtanong kung ano ang plano nila. Inaasahan niya kasing baka nakauwi na rin ng bansa ang mga magulang nito at b
PAGDATING NG MAGKASINTAHAN penthouse ay hindi inaasahan ni Bethany na nakabalik na pala doon ang kasambahay. Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong yakapin nang mahigpit na animo ay parang sobrang na-miss siyang makasama. Marahang hinagod lang ni Bethany ang likod ni Manang Esperanza.“Akala ko hindi ka na pupunta dito, Miss Bethany!” anitong mabilis na inilayo ang kanyang katawan sa dalaga na itinaas na ang dalawang kamay matapos na tumingin kay Gavin na nagulantang sa reaction ng maid niya. “Sorry po Attorney, sobrang na-miss ko lang talaga na makita si Miss Bethany.” hingi pa nito ng paumanhin na kapansin-pansin na ang hiya sa buo niyang mukha.“Ayos lang naman po, Manang Esperanza…” nakangiting sambit ni Bethany na umabot na sa mga mata. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin sa kanila ang matanda. Ngunit bago ito umalis ay inabutan ito ni Gavin ng red envelope kung saan ay may laman iyong pera. Ganun na lang ang pasasalamat ni Manang Esperanza sa kanilang dalawa. Sinuklian lang
WALANG PALIGOY-LIGOY NA ibinigay ni Rina ang cellphone niya kay Bethany. Tinawagan naman ng dalaga si Ramir gamit ang cellphone. Ang buong akala ni Ramir ay ang babae iyon kung kaya naman naging casual na siya doon. “Nasaan ka na? Akala ko ba gagamit ka lang ng banyo?” “Si Bethany ito, Ramir.” “Oh? Bethany, bakit nasa sa’yo ang cellphone ni Rina? Nasaan siya?” “Nandito sa banyo. Hindi na makalakad ng maayos si Rina. Pwede bang pakisundo na siya dito ngayon?” “Sige. Papunta na ako diyan.” Hindi nagtagal ay dumating na si Ramir sa pintuan ng women bathroom. Pilit ang naging ngiti sa kanya ni Bethany nang magtama ang kanilang mga mata. Nahihiya na nitong kinuha ang braso ni Rina upang iakbay sa balikat niya. “Ang ganda mo ngayon ah? Hindi na ako magtataka kung bakit patay na patay si River sa’yo.” Biglang hindi na naging komportable ang pakiramdam ni Bethany. Hindi niya gustong banggitin pa nito ang lalaki. “Pasensya na Ramir, pero wala na akong kaugnayan sa pinsan mo—”“Alam ko
SINUNOD NI BETHANY ang guidelines na sinabi ni Gavin sa kanya na kailangan niyang gawin kapag nasa banquet na. Pagdating niya sa venue ay tama nga ang hula niyang karamihan sa mga bisita ay nakakainom na at busog na. Kumain muna siya, nakipagbatian sa iilang mga kakilala na nasa party, usap-usap ng kaunti sa mga naroon na binabati siya. Nagpahaging na rin siya kay Miss Gen na hindi magtatagal kasi hinihintay siya ni Gavin dahil may lakad umano sila.“Bakit hindi mo pinapasok dito? Ikaw talaga, sana man lang inimbitahan mo siya dito sa loob, hija.”“I did, Miss Gen.” agad na paghuhugas ng kamay ni Bethany, “Ayaw talaga niya. Kilala mo naman iyon. Baka mang agaw-eksena lang daw siya kaya hindi na lang daw siya papasok. Feeling artista kasi ang isang iyon. Pagkakaguluhan.”Nailing na lang si Miss Gen sa biro niya na agad naman siyang pinayagan. Aniya ay kaya niya na ang mag-estima ng mga bisita. Palabas na si Bethany ng banyo nang makasalubong niya ang kaibigang si Rina na nakalimutan ni
ILANG ARAW BAGO matapos ang taong iyon nang magkaroon ng year end banquet ang music center nina Bethany sa hiling na rin ng mga employee at ng mga kasalukuyang investors nito. Si Miss Gen ang nag-asikaso ng lahat ng mga kailangan noon at dadaluhan na lang iyon ng dalaga. Ilan sa mga bisita ay mga kilalang negosyante na pilit kinukuha ni Miss Gen ang atensyon para maging investors ng center. Hindi naman sobrang rangya ng naturang party. Banquet style lang iyon at mayroong oras din hanggang kailan.“Sigurado ka na ayaw mong sumama sa banquet ng music center, Gavin? As my fiancé welcome kang dumalo at makisalamuha. Sumama ka na. Huwag ka ng mahiya. Hindi rin naman matagal iyon.”Pang-ilang aya na iyon ni Bethany sa nobyo. Syempre proud siya na i-display ang binata bilang fiancé niya at iyabang sa mga naroroon kung sasama ito. Hindi na lang kasi basta boyfriend niya ang abogado, soon to be husband niya na rin ito. Sino bang babae ang hindi mapa-proud doon? Nabingwit niya ang binata.“Hind
HALOS MAPABUNGHALIT NA ng tawa si Gavin nang muli niyang ilingon ang mukha sa may passenger seat ng kanyang sasakyan. Sa mga tingin ni Bethany ay animo papatayin na siya nito o lalamunin nang buo. Puno iyon ng pagbabanta na panay ang irap sa kanya. Nakahalukipkip pa ang dalaga upang ipakita na hindi siya natutuwa. Naiipit kasi sila ngayon sa matinding traffic na lingid sa kaalaman nila ay may aksidente sa bandang unahan kung kaya naman usad pagong sila. “Wala na, nilamon na ng malalaking bituka ko iyong maliliit. Gutom na gutom na ako!”“Thanie? Patience please? Wala namang may gusto na maipit tayo sa traffic—”“Bakit hindi mo sinabi sa aking malayo pala? Sana naghanap na lang ako ng ibang resto na mas malapit!” reklamo nitong parang kasalanan ni Gavin ang mga nangyari, “Sinadya mo bang hindi sabihin sa akin ha?”“Baby, anong sinadya?” gagap niya sa isang kamay ng dalaga ngunit matigas ito at ayaw ipahawak iyon sa kanya, “Hindi mo kasi ako pintapos na magsalita kanina. Hinila mo ako
NAGPALINGA-LINGA SA PALIGID nila si Gavin na may nahihiyang mukha habang panay ang abot ng yakap niyang tisyu sa nobya na nakaupo pa rin. Tipong wala pa itong planong tumayo mula sa kanilang kinauupuan kahit na nag-aalisan na ang mga kasabayan nilang nanood ng movie. Tapos na ang palabas, at base sa reaction ng ng dalaga ay sobra itong na-touch sa naging ending ng movie. Naiintindihan naman ni Gavin iyon dahil hindi lang naman ito ang umiyak, marami sa mga nanood pero naka-move on naman agad. Ang hindi niya maintindihan ay ang nobya na sobrang affected pa rin na animo siya iyong bida. Isa pa, happy ending naman iyon kaya walang nakakaiyak para sa kanya. Isa pa ito sa hindi niya maintindihan.“Thanie, ano bang nakakaiyak? Happy ending naman siya di ba? They live happily ever after pagkatapos ng mga pinagdaanan.”maamo ang tinig na tanong ni Gavin na bahagyang hinagod ang likod nito.Nag-angat na ng mukha niya si Bethany. Napilitan si Gavin na tulungan ito sa baha ng mga luha sa kanyang