NAPAHIYA NA DOON ang ina ni Albert na hindi na magawang tumingin sa kanila ng deretso. Wala na itong maapuhap na mga salita sa hindi niya inaasahang pamamrangka ng abogado na lalo pang tumaas ang dugo at unti-unting umuusok ang bunbunan sa galit na nararamdaman niya.“B-Bayaw, magpapaliwanag ako…” natataranta ng singit ni Albert gamit ang pilit pinapakalma niyang boses dahil hindi pwedeng malaman iyon ni Briel at mabulilyaso ang kanyang plano, “Maniwala ka sa akin, bayaw. Ni minsan ay hindi kami nagkaroon ng relasyon ni Bethany. Hindi ba Bethany? Magsalita ka! Sabihin mo sa kanyang magkaibigan lang tayo—”Matalim na ang tinging ipinukol ng dalaga sa kanya nang mag-angat ng tingin sa dati nitong nobyo. Tuturuan pa talaga siya nitong magsinungaling. Anong tingin ng lalaking ito sa kanya? Hanggang ngayon ay uto-uto pa rin siya at ahwak siya nito sa leeg? Nagkakamali siya. Never na niyang pagbibigyan na muli siyang gamitin ng talipandas na dating nobyo para lang sa sarili nitong kapakanan
TAHIMIK NA SINUNDAN ni Bethany si Gavin papasok ng building, pabalik ng penthouse nito matapos na layasan sila ng mag-iina na alam ng dalagang masama ang loob sa kanya. Panay ang sulyap niya sa malapad na likod ng binata. Tinatantiya kung maaari na ba siyang magtanong dahil sa kakaibang awra ng mukhang ipinapakita nito matapos na makita nila sila. Medyo natatakot siyang magtanong at baka pati siya ay barahin din ng abogadong halatang hindi maganda ang mood. Subalit habang lulan ng elevator at nilalamon ng matinding katahimikan ay hindi na nakatiis pa ang dalaga at nagkusa na siyang nagtanong kay Gavin.“May ginawa ka ba sa pamilya nila, Gavin?”Seryoso pa rin ang mukha ng abogadong hinarap siya. Sabi na nga ba niya eh, bad mood pa rin ang binata kaya mali talagang nagtanong siya. Baka mamaya kung ano pa rito ang sabihin nito.“Bakit, Thanie?” wala pa mang karugtong iyon ay nahuhulaan na ni Bethany ang namumuong sama ng loob ng binata sa kanyang mukha, “Kung sasabihin kong tama ang hul
NAGLUTO SI BETHANY ng apat na putahe ng ulam at ang isa doon ay may sabaw na sopas. Sa amoy pa lang nito ay napakasarap na. Mayroong isang putahe na maanghang ng malalaking mga alimango na ginataan kung saan ay bihasa at sanay si Bethany. Iyon ang kanyang specialty at lahat ng mga nakakain nito ay nagsasabi na walang kasingsarap iyon. Matapos na ihain sa mesa ay tinawag na niya si Gavin matapos na sulyapan ito sa sala. Nanonood pa rin ito.“Gavin? Hindi mo ba ako narinig?” muling ulit ni Bethany nang walang sagot na makuha dito.Dalawang beses pa siyang tinawag ni Bethany bago siya tamad na umahon sa pagkakaupo. Narinig naman ni Gavin ang dalaga, wala lang gusto niya lang talagang maging pabebe dito lalo na at hindi niya maiwasang magselos nang mabasa niya ang ilang sweet na message na palitan ng dalawa noong sila pa. Mali man, walang magawa si Gavin sa nararamdaman niya. Blangko ang mukha ng binata na nang makita ng dalaga ay agad na niyang nahulaan na masama na naman yata ang pakira
“Hmp, anong akala niya siya lang ang may karapatang mang-asar at magtampo? Anong akala niya? Hindi ko rin kayang gawin iyon?” habang lulan ng elevator paakyat ng penthouse ay wika ni Bethany sa sarili, nagawa na niyang ibigay ang pagkain sa mga stray animals. Ini-imagine na niya ang hitsura ng abogado oras na gantihan niya ito. “Kaya ko rin iyon! Makikita niya. Ipaparamdam ko rin ang pinaparanas niya.”Pagbalik ng dalaga sa penthouse ay hindi niya nga pinansin si Gavin kahit na magkanda-bali ang leeg nito kakatingin sa kanya. Dire-diretso siyang pumasok ng kwarto at muli siyang nag-half bath hindi pa man gaanong natutuyo ang kanyang buhok na binasa kanina. Naamoy niya kasi ang sariling pawis na medyo maasim agad. Matapos noon ay tumambay siya sa may lababo ng banyo upang asikasuhin ang skin care routine niya sa bagong products na kanyang susubukang gamitin. Products na mukhang mamahalin. Bagong kilala pa man nila ng abugado ay hindi naging pangit ang pakikitungo ni Gavin sa kanya. Bin
HINDI NA NAG-ABALANG magtanong si Bethany gaya ng bibisitahin ba siya nito sa ibang bansa oras na naroon na siya? Alam niyang imposibleng gagawin iyon ng abugado. Sino naman siya para pag-aksayahan nito ng oras. Paniguradong oras na maipadala na siya nito sa ibang bansa, iyon na ang katapusan ng lahat sa kanila. Paniguradong puputulin na rin nito ang lahat ng paraan ng kanilang communication. Kung ito ang isa sa kanyang tuntunin sa laro nilang dalawa, nakahandang sumunod si Bethany dito. Hindi naman siya taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob.“Hindi pa naman agad-agad, bibilang pa iyon ng buwan o maaaring taon. Depende. Kaya huwag ka na munang maging excited na makaalis sa puder ko. Dito na muna…”Marahil dahil mabait at masunurin si Bethany, kung kaya maganda ang mood ni Gavin. Hinagod niya paikot sa maliit na beywang ng dalaga ang isa niyang palad. Muli pang nasindihan ang init na namamagitan sa kanilang mga katawan.“Now tell me, baby. Bakit kakaiba ang bango mo ngayon? Pin
HINDI NAGALIT SI Gavin kahit pa parang tanga siyang naiwan sa loob ng banyo ni Bethany nang patakbo itong patalilis na umalis upang kausapin ang kaibigan niya. Bahagya siyang ngumiti habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa dalagang dumapa na sa ibabaw ng kama at humarap sa kabialng dereksyon. After ng ilang minuto pa saka tahimik na pumasok ang abugado sa silid para kumuha ng damit at maligo na rin. Sinulyapan lang siya ni Bethany habang ang isipan ay nasa kanyang kausap pa rin. Gayunpaman ay pinanood niyang kumuha ng damit si Gavin at pulutin nito ang kanyang roba. Sumunod pa ang mapanuri niyang mga mata sa binata hanggang makapasok na muli ito sa loob ng banyo. Saka pa lang siya bumalik sa kanyang tamang sarili nang isara na ni Gavin ang pintuan ng banyo. Ayaw na ni Bethany na pag-usapan nila ngayon ni Rina si Albert kung kaya naman minabuti niyang baguhin na lang ang kanilang topic.“Ano pa ang ibang nais mong sabihin sa akin, Rina? Hindi ba ang sabi mo ay may iba ka pang iku-k
WALANG PAKUNDANGAN NA niyakap ni Bethany ang leeg ni Gavin gamit ang kanyang dalawang braso at hinila ang ulo nito palapit sa kanyang mukha. Punong-puno ng halo-halong emosyon ang kanyang mukha. Halos maduling na siya sa lapit ng mukha nito ay hindi niya magawang putulin ang malagkit nilang titigan. Ibang-iba ang pakiramdam ng dalaga ngayon habang nakatitig pa rin sa mukha ng binata. Kumpara sa dati niyang karelasyong si Albert, parang mas makabog ang dagundong niya ng puso kay Gavin.“Kung sa’yo lang ako, ibig bang sabihin noon ay sa akin ka lang din?” matalinhagang tanong ng dalaga, ngumiti pa ito habang hinihintay ang magiging sagot ng binata sa kanya.Sa halip na sumagot ay binigyan lang siya ni Gavin ng ilang segundong halik sa labi na agad din niyang tinanggal nang maramdaman na kakapusin na sila pareho ng hininga.“Ano sa tingin mo, Thanie?” malambing nitong sagot na muling idinikit ang nag-iinit na labi sa bahagyang nakabuka niyang bibig. “Natural na iyon. Pag-aari na natin an
NANATILI ANG MGA mata ni Bethany sa screen ng cellphone ni Rina. Hindi niya mapigilang magngalit ang kanyang mga ngipin. Kung kaharap niya lang sa mga sandaling iyon ang babae ay paniguradong nakatikim na ito sa kanya. Bagay ganitong hindi komportable ang pakiramdam niya tapos dadagdagan pa ng impaktang iyon? Hindi mawala ang gumagapang na galit niya sa puso para kay Audrey. Huwag lang itong magpapakita sa kanya at paniguradong magkakabangga sila. Hindi siya magpapadaig sa babaeng ito matapos nitong sirain ang reputasyon niya. Ang akala pa naman niya ay tapos na sila nito tutal nasira na nito ang kanyang pangalan sa pinagtra-trabahuhan. Hindi ito nakalagpas sa paningin ng kaibigang si Rina. Kinuha ni Rina ang isang kamay ni Bethany at marahan na niyang tinapik-tapik iyon. “Nag-iisip na ako ng paraan para ma-delete ‘yung post ng mga iyon. Huwag kang mag-alala. Ano kaya at pagtatanggalin ko sila sa GC? Ano sa tingin mo? At least mabura natin sila doon?”Mahina ng natawa si Bethany sa n
PAAKYAT NA SANA ang Gobernador, pabalik ng kanyang hotel suite nang may mahagip ang mga mata niya na pamilyar na bulto ng katawan sa lobby ng hotel kung saan siya naka-check in. Napatigil pa siya sa paghakbang nang medyo malakas na at mataas ang boses ng bultong iyon kung kaya naman naagaw nito ang wala sanang pakialam na pansin.“I am sorry Miss, we do not provide other guest details, especially if you are not expected to come by the guest.” sagot ng receptionist na pilit nakikipagtalo sa babae kung saan naburo na ang mga mata ni Giovanni ng sandaling iyon.“How many times do I have to tell you that it's okay? I want to surprise him. Why does he have to know? Is there a surprise that someone knows already?” patuloy na pakikipagtalo ng babae na iginiit ang gusto niya, “I'm his girlfriend!”Parang itinulos na si Giovanni sa kanyang kinatatayuan. Hindi malaman kung lalapitan niya ito o hindi at aakyat na lang upang puntahan sina Briel? Paano kung mapilit nito ang receptionist? Mag-aabot
HINDI NA MAPIGILAN ni Briel ang kiligin sa mga sinabi ni Giovanni. Hindi lang iyon, sa paraan ng pagtitig nito sa kanya parang siya ang mundo nito. Ganitong-ganito ang mga titig nito sa kanya noon. Punong-puno iyon ng pagmamahal.“Ako na ang mauuna.” ani pa ni Giovanni na kinuha na ang cellphone at biglang kumuha ng larawan nilang pamilya.Saglit na may kinutingting iyon sa kanyang cellphone. Nagbigay na iyon ng kakaibang kaba kay Briel na nakatitig na kay Giovanni habang higit niya ang kanyang hinga. Namilog pa ang mga mata niya nang may tumawag at sagutin iyon. “Mama?” Parang mahihimatay na si Briel sa isiping ang kinuha nitong larawan ay sinend niya sa kausap ng ina ng sandaling ito. “Hmm, kasama ko nga sila dito sa Italy.” sagot ng Gobernador na binalingan na ng tingin si Briel na biglang namutla na.Matulin na dumaan ang mga araw na negosyo ang inaasikaso ni Giovanni. Matapos nilang kumain ng unang dinner sa labas ay hindi na iyon naulit dahil na madalas na gabing-gabi na siya
HINDI NAPAPALIS ANG mga ngiting nilapitan na ni Giovanni si Briel upang yakapin lang ito at aluin. Sunod-sunod pang pumatak ang mga luha ng babae sa kanyang nalaman na hindi na matagalan ni Giovanni na makita. Buhat si Brian sa kanyang mga bisig ay pinunas na niya gamit ang laylayan ng kanyang suot na damit. Hindi magawang alisin ang mga mata kay Briel na para bang pinagmalupitan ito kung kaya naman umiiyak. Nagkatunog na ang tawa ng Gobernador na bahagyang napailing nang makitang kinagat na ni Briel ang labi upang pigilan na mas mapahikbi.“Masaya ka ba ngayon kaya ka umiiyak o malungkot dahil wala ka sa Pilipinas ng mga sandaling ito?”Hindi sumagot si Briel bagkus ay yumakap lang siya sa katawan ni Giovanni at sinubsob na ang mukha sa tagiliran nito. Masaya siya. Sa sobrang saya nga niya hindi na niya mapigilan pa ang mapaluha doon.“Mommy? Bakit ka iyak?” inosenteng tanong na ni Brian na itinuro pa ang sarili niyang mga mata.“Tahan na, Gabriella, nagtatanong na si Brian kung baki
TAHIMIK NA INIHATID ni Briel ang Gobernador sa may pintuan ng kanilang hotel room. Isang yakap at halik pa sa labi ng ilang segundo ang ginawa nito bago tuluyang umalis. Kumain na rin siya ng agahan matapos na makaalis ng lalaki upang samahan ang kanilang anak na si Brian. Hindi na mapawi ang ngiti sa labi ng babae. Dati, pangarap niya lang iyon. Nasa imahinasyon niya lang ang ganitong bagay at pagkakataon. Ni hindi sumagi sa kanyang isipan na isang araw ay matutupad na mabuo silang tatlo. Hindi niya na tuloy mahintay pa na makabalik sila sa Pilipinas at ipilit ni Giovanni ang sinabi sa kanya. Matapos nilang kumain ay wala na silang ginawa mag-ina kundi ang humilata. Nanood lang si Brian ng cartoons na palabas sa TV sa sala samantalang siya ay nakahiga naman sa sofa. Panay scroll sa social media account. Napabangon siyang bigla ng makitang tumatawag ang kapatid niyang si Gavin na marahil ay makikibalita. “Kumusta kayo diyang mag-ina?” Inayos ni Briel ang kanyang hitsura bago binuksa
NANATILING TAHIMIK AT nakatikom ang bibig ni Briel kahit pa alam niyang hinihintay ni Giovanni ang magiging sagot niya. Dahil din sa pananahimik niya ay hindi na mapigilan pa ng Gobernador na kabahan sa kilos ni Briel. Kilala niya ang babae, sasagot ito sa kanyang katanungan. Hindi nito pipiliing manahimik na gaya ng ginagawa niya ngayon.“Lilipat diyan sa tabi mo. Gusto ko yakap tayo habang nag-uusap.” ikot na ni Briel sa gilid ng kama upang magtungo na sa tabi ni Giovanni, tumayo na doon ang Gobernador upang bigyan siya ng daan na mahiga sa tabi ng kanilang anak. “Akala ko naman, lalayasan mo na ako.” natatawa pang sambit ni Giovanni na hindi nilubayan ng tingin si Briel.Tinawanan lang din siya ni Briel ngunit hindi na don nagkomento pa ng iba.“Sigurado ka na ba talaga na gusto mong mag-resign?” lingon na sa kanya ni Briel habang maayos na nahihiga sa kama, tinanggap niya ang laylayan ng comforter na binigay ni Giovanni. “Hindi ka ba na-pe-pressure lang nang dahil sa amin ni Bria
SA SINAGOT SA kanya ni Briel ay tila nagbigay iyon ng karapatan kay Giovanni na itulak pasandal ng pader ang katawan ng babae na hindi naman na siya pinahirapan pa. Inilagay na niya ang isang kamay nito sa itaas ng ulo ni Briel at isinalikop doon ang isa pa niyang palad. Habang patuloy na hinahalikan si Briel na isa’t-isa na ang hinga ay gumagalaw naman ang isa niyang palad upang hubaran ang katawan ng babae na parang isdang tinanggal sa tubig. Nang dahil iyon sa tensyon at excitement na patuloy na nararamdaman. Hindi na nagreklamo si Briel na parang nilalagnat na sa taas ng temperatura ng kanyang katawan. Maya-maya pa ay napuno na ng mahina nilang mga ungol ang loob ng pantry. Mga ungol na nasasarapan sa kung anumang ginagawa nila. Hindi na nila nagawa pang pumasok ng silid sa pag-aalalang baka magising nila si Brian. Tiyak kasing parang lumilindol na naman ang kama. Hindi lang iyon, parang dinaanan iyon ng bagyo lalo pa at pareho silang sabik na sabik ng Gobernador sa bawat isa. Hin
SINAMANTALA ANG PAGKAKATAONG iyon ni Giovanni na agad ng hinuli si Briel upang kanyang yakapin habang hindi pa ito nakakakilos sa yakap ng kanilang anak na si Brian. Sa kabila ng mga pandidilat ni Briel bilang protesta ay hindi siya pinakawalan ng Gobernador na animo ay nanalo na sa laban nilang dalawa. Kalaunan ay bumagsak silang tatlo sa ibabaw ng kama kaagapay ng munting halakhak ni Brian na tuwang-tuwa ng nasa ibabaw ni Briel habang nakayakap pa rin naman si Giovanni kay Briel. Salit-salitan ang tingin niya sa mga magulang gamit ang kumikislap na mga mata. Hindi naman magawang bulyawan ni Briel si Giovanni dahil panigurado na iisipin ng anak na siya ang kanyang sinisigawan at hindi ang ama ng anak. Madamdamin pa naman ang bata at napakaiyakin kung kaya ingat na ingat si Briel na mapaiyak na naman. “Bitaw…” mahina niyang sambit na sapat lang upang marinig ni Giovanni. Sa halip na sundin siya nito ay humigpit pa lalo ang yakap ni Giovanni sa kanya na inamoy-amoy na ang buhok niyan
HINDI NAGING MADALI para kay Briel ang naging biyahe nilang mag-ina nang dahil sa haba ng oras noon. Nandiyan ang nag-aalboroto na ang anak kahit na komportable naman sila sa upuan. Gusto na nitong bumaba o may nais gawin na hindi masabi sa kanyang ina. Para tuloy gusto niyang pagsisihan na hindi na lang sila sumabay pa kay Giovanni papunta nng Italy. Ganunpaman, bilang sanay na sa mahirap na sitwasyon, na-handle niya ang anak hanggang sa makalapag sila sa dayuhang bansa at makarating sa hotel kung saan sila naka-booked. Patang-pata ang katawan niya na para bang binugbog nang napakahabang biyaheng iyon, na kahit ang mga tawag ni Giovanni nang paulit-ulit sa kanya ay hindi niya magawang masagot dahil tulog siya at hindi man lang iyon narinig kahit malakas sa lalim ng kanyang tulog. Tulog silang dalawa ni Brian nang tunguhin ng Gobernador ang hotel kung nasaan na sila dahil hindi na nakatiis. Napuno ng kung anu-anong isipin ang utak kahit pa alam nitong nakarating sila nang maayos sa h
NAPUTOL LANG ANG kanilang usapan ng makatanggap ng message si Giovanni mula kay Briel. Dali-dali niyang pinatay ang tawag kay Margie. Noon pa lang ay kabado na siya. Alam niyang sinubukan siya ni Briel na tawagan pero in another call siya. Hindi naman ito nanghingi ng paliwanag sa kanya kung kaya hindi na lang din niya sinabi upang hindi ito bigyan ng isipin. Mamaya sumama na naman ang loob nito bago pa sila makaalis ng bansa. “Hindi ka na ba, busy?” “Hindi na. Pahiga na ako.” tugon niya kahit ang totoo ay bigla siyang napalabas ng veranda upang lumanghap ng sariwang hangin nang dahil sa sakit ng ulo na binibigay ni Margie, “Ikaw? Tapos ka na bang mag-impake?” pag-iiba niya ng usapan na binaling na kay Briel.“Hmm, nakahiga na rin kami ni Brian. Gusto mo kaming makita?” Nararamdaman ni Briel na medyo balisa ang boses ni Giovanni ngunit hindi na niya ito pinuna, baka lang kasi pagod ito sa kanyang mga inasikaso kung kaya ganun ang timbre. “Sure. Wait lang, gagamit lang ako ng banyo