NGUMITI LANG NG mapait doon si Bethany. Wala siyang pakialam sa mga nasa paligid niya. Ang inaalala niya rin ay kung paano siya haharap kay Gavin gayong may nangyari sa kanila? Hindi niya alam kung anong approach ang gagawin sa binata. Iniisip pa lang niya na tutuksuhin siya nitong walang ay nae-stress na siya agad. Paano siya magiging nasa mood noon kung baha ang mga iniisip niyang mga bagay na kagaya nito ngayon? Ilang beses lang siyang umiling doon.“Tigilan mo nga ako, Rina. Akala ko ba tumigil ka ng manigarilyo? Eh ano iyan?”“Kapag may mga iniisip lang naman ako—”“Hindi ka pa rin tumigil kaya huwag mong sabihin sa akin na totally tumigil ka na roon.” Walang naging sagot doon si Rina. Tinanggap na ni Bethany ang wine glass at sinimulang inumin. Sa sobrang takot ni Rina na malasing si Bethany ay hinablot niya rin ang wine glass nito na nakalahati na agad ang laman. Iyong tipong problemadong-problemado ang kaibigan.“Oh, dahan-dahan lang. Ano bang problema? Madali lang naman bigy
ILANG BESES PA na sinulyapan ni Rina ang kaibigang si Bethany na sa mga sandaling iyon ay nakasubsob pa rin sa kanyang braso at kasalukuyang mahimbing na natutulog pa rin. Iyong tipong kahit na anong lakas ng ingay sa buong paligid ay hindi nito magawang magising ang dalagang nasa dreamland na. Bagkus ay lalo pa itong nahimbing na parang ang maingay na paligid na tila ba parang normal na iyon sa kanyang pandinig. Marahan niyang hinagod ang dibdib dahil sa sobrang kalabog noon. Idagdag pa ang nanunuyo na niyang lalamunan. Pinaliit niya ang boses nang sagutin na niya ang tawag ng abugadong kanina pa kunot na kunot ang noo nang dahil sa tagal sumagot ng dalagang wala sa bahay niya sa pag-uwi niya galing work. “Nasaan ka? Bakit wala ka sa bahay? Bakit hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka pala?” sunod-sunod na tanong ni Gavin na halos hindi na humihinga habang nagtatanong sa kanya.Napatakip pa sa kanyang nakabukang bibig si Rina nang marinig na ang boses ni Gavin mula sa kabilang liny
MAKAILANG BESES NA pinisil-pisil pa at hinila-hila ni Rina ang magkabilang pisngi ni Bethany hanggang sa tuluyang kurutin niya na iyon ng maramdaman niyang manggigil. Ganunpaman, wala pa ‘ring epekto ito. Nanatiling nakayukayok ang ulo ni Bethany na animo nasa malalim pa rin ito ng mahimbing na pagtulog. Ni hindi nga ito dumilat man lang kahit na saglit ilang saglit.“Hay naku, tutal may Gavin Dankworth ka naman na pala ngayon, ano pa ang ikinakatakot mo na pumunta ng class reunion natin? Pumunta tayo girl! May lalaking maipagmamalaki ka na sa kanila. Hindi lang basta normal na gwapong lalaki kundi makapangyarihan at sikat pa siyang abugado. Bukod sa ubod na ng yaman nila ay tiyak na kakainggitan ka ng lahat kapag nakita at nalaman nilang isa pa siyang sikat na abugado.” malakas na wika ni Rina habang nakakaloka ang tingin ng mga mata niya sa mukha ni Bethany. Naglalaro na sa isipan ang mga kalokohan at reaction ng kanilang mga dating kaklase. “Hindi mo kailangang maging tanga at magm
LINGID SA KAALAMAN ni Gavin na sobrang nagiging prangka at matapang ang kaluluwa ni Bethany oras na may alak na nananalaytay sa kanyang katawan. Hindi kakabakasan ng anumang takot iyon na para bang ang lahat ng iuutos niya dito ay mamakaya niyang gawin. Isiniksik pa ng dalaga ang mukha niya sa leeg ni Gavin kung saan ay naaamoy niya ang pamilyar nitong pabago, hindi pa siya doon nakuntento hinalikan na niya ang balat ng leeg ni Gavin kung saan ay ikinagulantang iyon ng abuogado. Upang pagtakpan ang kakaibang kanyang pakiramdam ay malapad ng ngumiti ang binata dahil sa kalabog ng kanyang puso. Napapadalas na ang ganitong pangyayari sa kanya. Iniisip niya ngang magpatingin na sa doctor at baka may sakit na siya sa puso. Ngunit ang ipinagtataka niya ay kada nasa paligid lang naman si Bethany nangyayari ang mga ganung bagay sa kanya kung kaya sigurado siyang healthy siya. At dahil matured na rin siya, paniguradong hindi heart desease iyon kundi baka sobrang hulog na hulog lang siya sa dal
SINUBUKAN NI BETHANY na abutin ang handle ng pintuan upang buksan na iyon ngunit mabilis naman iyong hinawakan ng nanlalamig na kamay ni Gavin. Napaangat na ang mga matang nanlalabo ng dalaga sa kanya. Ang kalmadong mukha ni Gavin ang sumalubong sa kanya na kakaiba ang ipinupukol na mga tingin sa kanya. Hindi niya maintindihan ang halo-halo nitong emosyon na sa tingin niya ay dinadaya lang siya ng kanyang mga mata. Pinaglalaruan dahil may alak sa kanyang dugo kung kaya naman kung anu-ano ang nakikita niya. Hindi siya umiwas dito ng tingin. Nilabanan niya ang paninitig nitong binibigay kahit pa pakiramdam ng dalaga ay binabalatan siya nito ng kasuotan. Maya-maya pa ay napansin ni Bethany kung paano mandilim ang dalawang pares ng mga mata ng abogadong nanatiling nakatuon sa kanya. Humigpit pa ang hawak nito sa kanyang braso na kung hindi niya naramdaman kanina ang lakas ng pagkakahawak sa kanya, sa mga oras na iyon ay siguradong nasa labas na siya ng sasakyan. Ang ginawang iyon ni Gavin
NANIGAS ANG KATAWAN ni Bethany nang dumampi ang palad nito sa kanyang balat na parang naramdaman niyang may dumaloy na kuryente patawid sa kanya. Ang buong akala nito ay galit sa kanya si Gavin kung kaya naman kung anu-ano na ang pumapasok sa kanyang isipan dahil pinili niyang lumaklak keysa umuwi ng maaga at lutuan ito ng pagkain niya. Ngunit nagulat siya nang bigla na lang siya nitong yakapin nang mahigpit na sa mata ng ibang makakakita ay para siyang nilalambing. Nakagat na niya ang pang-ibabang labi. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang maisip na niyayakap nga siya ng abogado at hindi niya guni-guni ang lahat ng mga nangyayari. Tuluyan na doong nagising ang kanyang diwa. Gusto niyang tanungin ito kung ano ang ginagawa nito ngunit napuno ng pag-aalinlangan ang damdamin niya kung kaya pinili niya na lang ang manahimik. Baka sagutin pa siya nito ng pabalagbag. Humigpit pa ang yakap ni Gavin sa kanya na para bang miss na miss na siya. Ilang sandali pa ay humagod na ang isang
ALAM NI BETHANY na mahalaga kay Gavin ang tinatawag na privacy pagdating sa gabi. Kung naroon ang katulong nito, malamang doon na rin ito matutulog dahil alangan namang pauwiin pa nila ang matanda kung gabi na? Nahihiya rin naman siyang may ibang taong kasama sila sa penthouse pagsapit ng gabi. Naiilang siya na hindi niya maipaliwanag ang dahilan kung bakit. Isa pa, ayaw ni Gavin na maistorbo siya sa kanyang trabaho na sa tingin niya ay mangyayari oras na naroon si Manang Esperanza dahil hindi nito mapipigilan ang sariling daldalin siya at makipagkuwentuhan. Ano na lang ang mukhang maihaharap niya sa binata kung pakiramdam niya ay ito ang madalas na nagsasakripisyo upang maging panatag lang ang loob niya at maging magaan siya sa magiging kilos niya? Hindi dapat palaging ang abogado ang magsasa-alang-alang nito. Kailangan din nitong isipin ang kanyang sarili. Iyong kung minsan ay maging makasarili.“Oo, kaya ko namang magluto ng hapunan. Kahapon lang talaga ako hindi nakatupad ng panga
BATID NI BETHANY na gusto niya si Gavin, ngunit ayaw niyang maging padalos-dalos na umamin ng nararamdaman. Maaari kasing gusto niya ito bilang pasasalamat lang at pagtanaw ng utang na loob sa ginawa nitong pagtulong sa kanya at pagsagip noong mga panahon na kailangan niya ng masasandalan. Isa pa, hindi rin siya naniniwala na kusang nagustuhan siya ng binata nang walang paliwanag kagaya ng love at first sight na tinatawag ng karamihan. Ang hirap nitong paniwalaan lalo pa at nakita niya kung paano siya nito pagpantasyahan noong unang beses na nagkita sila na walang karga ng alak ang kanilang katawan at isipan. Hindi iyon matatawag na pagmamahal kundi pagnanasa. Paniguradong katawan niya lang ang habol nito kung kaya naman sinasabi nitong gusto siya. Gusto nito ang katawan niya, hindi mismong siya at ang katauhan niya. At saka pinatuloy lang naman siya nito sa kanyang bahay bilang kabayaran sa pagtulong na ginagawa nito at hindi dahil gusto nilang tumira sa iisang bahay dahil mahal nila
NAMEYWANG PA ANG Donya na nakalarawan na sa kanyang mukha ang labis na pagkadismaya sa anak. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang parang nawalan ito ng pakialam, lakas at kapangyarihan. Kung noon mabilis pa sa alas-kwatro ang pag-deny niya sa mga lumalabas na mga rumor patungkol sa kanya, ngunit ngayon para bang kinakailangan niyang pag-isipan iyong mabuti kung ano ang magiging hakbang.“Huwag mong hayaang mas paniwalaan nila na totoo ang online articles. Maglabas ka ng statement mo. Ano bang ginagawa mo? Bakit ka nakatunganga lang dito? Kailangang kontrahin mo iyong sinabi ni Margie, unless plano mong pakasalan nga talaga siya?” puno ng tabang na turan ng kanyang ina dito. “Mama hindi, humahanap lang naman akong pagkakataon—”“Anong humahanap ng pagkakataon? Kung hindi ka kikilos ngayon, hindi ka talaga makakahanap ng pagkakataong sinasabi mo! Mag-release ka ng statement. Sabihin mong hindi totoo ang kumakalat na balita. Anong mahirap doon? Hindi mo ba iniisip ang bunso ng mga
MARAHAN NG HINAGOD ni Bethany ang likod ni Gavin na halatang nagtitimpi lang na makialam sa sitwasyon ng kanyang tiyuhin at kapatid nito. Kung tutuusin ay kaya naman ng abogadong tumulong, kung lalapit si Giovanni sa kanya dahil batid niyang ito lang ang makakapagbigay ng kasiyahan kay Briel. Ngunit sa tingin niya ay hindi ito makikipag-usap sa kanya dahil paniguradong mahihiya ang Gobernador na humingi ng favor dahil pinaiyak niya na naman ang kanyang kapatid. Ganunpaman pa man ay nakahanda pa rin naman siyang tumulong sa kanila kung hihingiin nila pero hindi siya ang kusang mag-o-offer nito.“Kaya nila iyan Gavin, tayo nga nakaya natin ang lahat ng pagsubok noon sa atin sila pa kaya? Nasa tamang daan sila patungo sa magandang katapusan. Ang kailangan lang nilang gawin ay maging matatag gaya natin, di ba? Iyon lang ang kailangan nilang panghawakan at gawin.” patuloy na alo ni Bethany sa asawa. “Thanie, iba naman tayo sa kanila—” “Tama ka, iba nga tayo at iyong mga pagsubok nila ay
SAPILITANG KINALMA ANG sarili ni Briel dahil kung magiging demanding siya at sisigawan niya si Giovanni ay wala sa kanilang mangyayari. Ayaw niyang marinig ng Gobernador ang kanyang mga iyak dahil baka lalo pa itong panghinaan ng loob dahil ganun siya. Kailangan niyang ayusin ang pakikipag-usap. Kailangan niya na kumbinsihin ito. Kailangan niyang mapapayag si Giovanni na umakyat sila ng Baguio. Saka pa lang siya doon mapapanatag. Saka pa lang kakalma ang daluyong na nasa loob ng dibdib niya ng sandaling iyon. “Tamang-tama, hindi ko pa natatanggal iyong mga gamit namin sa maleta ni Brian. Hmm? Aakyat kami—” “Hindi na. Diyan na lang kayong mag-ina. Aayusin ko ng mabilis ang isyu at bababa ako diyan para makipag-usap ng maayos sa pamilya mo, Briel. Isyu ko 'to, kaya ako ang aayos. Mas magiging panatag ako kung nandiyan lang kayo at kasama ang pamilya mo. Hindi niyo kailangang magtungong dalawa dito. Ayos lang naman ako. Kilala mo ako. Kaya kong ayusin ito, bigyan mo lang ako ng ilang p
WALANG PASABING PINATAY na ni Briel ang tawag ng kaibigan. Hindi niya maintindihan kung bakit parang may lumamukos na malaking palad sa kanyang puso ng mga sandaling iyon hindi niya pa man nalalaman. Hindi kaya wala lang ang kanyang pangalan sa announcement nito at gusto siyang e-surprise? Basta sinabi lang ni Giovanni na ikakasal siya? Naipilig na ni Briel ang kanyang ulo. Imposible iyon. Lahat ng magiging plano nito ay sinasabi sa kanya. Hindi magiging ganun ka-petty ng Gobernador. Kung magsasabi man sila ng kasal, ipapaalam nito iyon sa kanya. Saka, bakit sinasabi ng kanyang kaibigan na huwag siyang iiyak? Hindi kaya may ibang babae na tinutukoy ito sa kasal? Kailangan niyang malaman iyon. Aalamin niya ito. “H-Huwag kang magkakamali, Giovanni…” mahinang hiling niya na dumudungaw na ang mga luha, humahapdi na ang sulok ng kanyang mga mata. “Hindi mo pwedeng gawin sa amin ito ng anak mo...”Sapo ang noong nanghihina ang katawan niyang napaupo na sa gilid ng kama. Hawak niya pa rin a
MAHINANG NATAWA NA doon si Briel. Iyon ang kanyang initial na reaction. Hindi na niya binigyan pa ng ibang kahulugan ang ginagawa at pinagsasabi ng kanyang ina. Kung tutuusin ay na-miss na niyang asikasuhin ng ina kung kaya ay feel na feel niya ang bagay na ginagawa nito. Pakiramdam niya ay para pa rin siyang bata sa paningin ng ina.“Mamayat? I’m not on diet, Mommy. Wala na rin naman akong pakialam sa shape ko o kahit pa ang tumaba ako.” ngisi pa ni Briel na nilantakan na ang pagkaing ibinigay ng kanyang ina, “Well, na-miss ko ang ganitong trato mo sa akin.”“Basta, makinig ka na lang sa akin Gabriella…” anito pang malalim na ang tingin sabay hugot ng hingang malalim na patuloy pa rin sa paglalagay ng pagkain sa kanyang pinggan at hindi pinansin ang huling sinabi niya sa kanya.Ilang oras ang ginugol nila sa pagkain na kahit tapos na ay hindi pa rin doon umalis dahil nag-uusap-usap pa sila tungkol sa mga bagay-bagay na tungkol sa kanilang buhay. Nang magsawa na doon ay lumabas na rin
EXCITED PA RIN na hinarap na ni Briel ang bagong pamangkin sa kanyang mukha. Kuminang pa ang kanyang mga mata nang makita ang kainosentehan ng batang kanyang karga. Bahagyang napaawang na ang bibig niya. Nakikita niya ang imahe ni Brian dito noong unang beses niya itong kinarga pagkatapos na manganak. Hindi niya mapigilan na ma-miss ang mga sandaling iyon. Kinagat na niya ang labi upang huwag maging emosyonal. Dinaan na lang ito sa ngiti. “Hi, Bryson? Ang pogi mo naman. Kilala mo ba kung sino ako? It’s me ang magandang Tita Briel niyo ng iyong Ate Gabe. Ang gwapo naman talaga niyan. Kamukha mo si Brian noong baby pa siya. Achuchuchu. Ang cute naman niyan. Kapag nakita kaya ako ni Brian ngayon na karga ka, magselos kaya siya?” tanong pa ni Briel na aliw na aliw na sa pamangkin. “Magseselos iyon, pati si Gabe.” sagot ni Bethany na nakatingin na rin sa reaction ng mukha ni Briel sa anak niya.“Hanggang ilan ang plano niyong anak, Bethany?” baling na ni Briel sa hipag na napakurap-kurap
UMIIGTING ANG PANGANG tinawagan na niya si Margie. Ring lang nang ring ang cellphone nito. Halatang sinasadyang ayaw siyang sagutin. Lingid sa kaalaman ni Giovanni ay pinagtatawanan na siya ni Margie noon na may tangang glass ng wine ang kamay. Maagang nagce-celebrate na sa kanyang ginawanang kalokohan. Inaasahan na niyang tatawagan siya nito, ngunit nungkang kausapin niya ang Gobernador. Kung hindi niya makuha ang lalaki sa paraang gusto niya, idadamay niya ang reputasyon at pangalan nito. Sa ginawa niyang iyon, imposible rin na hindi lumutang ang babae nitong matagal na niyang inaalam kung sino. May hint siya, ngunit wala naman siyang makalap na ebidensya. Oras na totoo ang kutob niya, paniguradong mas masisira ang Gobernador. Isa pa, malamang upang protektahan ang babaeng iyon, hindi na papalag si Giovanni sa kanyang hihilingin kapalit nito. Mabuti na lang din at hindi siya tatanga-tanga.“Ngayon gusto mo na akong makausap? Sinabihan na kita. Huwag mo akong subukan. Sinagad mo ako,
MALAKI ANG NAGING pasasalamat ni Giovanni na nakinig sa kanya ang ina na lumabas na ng silid keysa ang patuloy itong makiusisa sa bagay na hindi niya rin naman alam kung ano ang kanyang masasabi. Nang mapag-isa siya ay kinuha na muli ang cellphone upang mas malinawan kung ano ang nangyayari. Gulo pa ang buhok na palakad-lakad na siya sa harap ng bintana ng silid habang tinatawagan ang secretary. Nakangiti ang haring araw sa labas na maganda ang sikat ngunit para sa Gobernador, isang bangungot ang panimula ng araw na iyon sa kanyang buhay. Pinili niya pa rin maging kalmado kahit na sa mga sandaling iyon ay gusto na niyang sumabog ang ulo at maghanap ng masisisi dito.“Hello, Governor Bianchi…” sagot ng kanyang secretary na halatang problemado na ang tono ng boses, pahinga rin sana nito sa trabaho ngunit sa kumalat na isyu kinailangan niyang magtungo ng opisina dahil sa dami ng tawag sa kanya ng mga media upang makibalita kung totoo ba ang kumalat. “Nasa office niyo po ako ngayon sa ka
MAKAILANG BESES NG napamura si Giovanni na nanghihinang pabagsak ng napaupo sa kanyang swivel chair. Lutang na ang utak sa dami ng kanyang mga iniisip. Kinapa na niya ang bulsa, naghahanap ng sigarilyo ngunit wala naman siyang makuha. Sa halip na maghanap noon at tawagin ang kanyang secretary upang utusan na bilhan siya, minabuti na lang niyang uminom ng tubig upang kumalma na ang katawan niya. Biglang nanakit ang batok niya sa dalang stress ng biglaang pagsulpot sa harapan niya ng dating kasintahan niyang si Margie. Hindi kalaunan ay pumasok na ang kanyang secretary na sa halip na makapahinga na rin ay gaya niyang hindi pa magawang makauwi sa kanila dahil inaantabayanan din ang pag-uwi niya muna sa kanilang mansion.“Governor Bianchi, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong nito nang mapansing hawak niya ng kanyang isang kamay ang batok na para bang masakit iyon, “Kailangan mo bang madala ngayon sa hospital?” nag-aalala pa ang boses nito dahil sa ipinapakita niyang sobrang pagod na hi