NANIGAS ANG KATAWAN ni Bethany nang dumampi ang palad nito sa kanyang balat na parang naramdaman niyang may dumaloy na kuryente patawid sa kanya. Ang buong akala nito ay galit sa kanya si Gavin kung kaya naman kung anu-ano na ang pumapasok sa kanyang isipan dahil pinili niyang lumaklak keysa umuwi ng maaga at lutuan ito ng pagkain niya. Ngunit nagulat siya nang bigla na lang siya nitong yakapin nang mahigpit na sa mata ng ibang makakakita ay para siyang nilalambing. Nakagat na niya ang pang-ibabang labi. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang maisip na niyayakap nga siya ng abogado at hindi niya guni-guni ang lahat ng mga nangyayari. Tuluyan na doong nagising ang kanyang diwa. Gusto niyang tanungin ito kung ano ang ginagawa nito ngunit napuno ng pag-aalinlangan ang damdamin niya kung kaya pinili niya na lang ang manahimik. Baka sagutin pa siya nito ng pabalagbag. Humigpit pa ang yakap ni Gavin sa kanya na para bang miss na miss na siya. Ilang sandali pa ay humagod na ang isang
ALAM NI BETHANY na mahalaga kay Gavin ang tinatawag na privacy pagdating sa gabi. Kung naroon ang katulong nito, malamang doon na rin ito matutulog dahil alangan namang pauwiin pa nila ang matanda kung gabi na? Nahihiya rin naman siyang may ibang taong kasama sila sa penthouse pagsapit ng gabi. Naiilang siya na hindi niya maipaliwanag ang dahilan kung bakit. Isa pa, ayaw ni Gavin na maistorbo siya sa kanyang trabaho na sa tingin niya ay mangyayari oras na naroon si Manang Esperanza dahil hindi nito mapipigilan ang sariling daldalin siya at makipagkuwentuhan. Ano na lang ang mukhang maihaharap niya sa binata kung pakiramdam niya ay ito ang madalas na nagsasakripisyo upang maging panatag lang ang loob niya at maging magaan siya sa magiging kilos niya? Hindi dapat palaging ang abogado ang magsasa-alang-alang nito. Kailangan din nitong isipin ang kanyang sarili. Iyong kung minsan ay maging makasarili.“Oo, kaya ko namang magluto ng hapunan. Kahapon lang talaga ako hindi nakatupad ng panga
BATID NI BETHANY na gusto niya si Gavin, ngunit ayaw niyang maging padalos-dalos na umamin ng nararamdaman. Maaari kasing gusto niya ito bilang pasasalamat lang at pagtanaw ng utang na loob sa ginawa nitong pagtulong sa kanya at pagsagip noong mga panahon na kailangan niya ng masasandalan. Isa pa, hindi rin siya naniniwala na kusang nagustuhan siya ng binata nang walang paliwanag kagaya ng love at first sight na tinatawag ng karamihan. Ang hirap nitong paniwalaan lalo pa at nakita niya kung paano siya nito pagpantasyahan noong unang beses na nagkita sila na walang karga ng alak ang kanilang katawan at isipan. Hindi iyon matatawag na pagmamahal kundi pagnanasa. Paniguradong katawan niya lang ang habol nito kung kaya naman sinasabi nitong gusto siya. Gusto nito ang katawan niya, hindi mismong siya at ang katauhan niya. At saka pinatuloy lang naman siya nito sa kanyang bahay bilang kabayaran sa pagtulong na ginagawa nito at hindi dahil gusto nilang tumira sa iisang bahay dahil mahal nila
SA HABA NG naging litanya ni Gavin ay walang masagot doon si Bethany. Bukod sa hindi niya alam ang dapat na sabihin at reaction, hindi pa rin siya makapaniwala na ang seryoso ni Gavin habang sinasabi iyon. Ang lawak din ng pang-unawa nito kumpara sa iba. Marahil ay dahil sa agwat ng kanilang edad kung kaya ganun ang pagtrato nito sa kanya at mga nagiging problema niya.“Bakit ang bait mo sa akin, Gavin?” “Kailangan pa bang itanong iyan?” balik-tanong nito na bahagyang pinisil ang tungki ng kanyang ilong, hindi pa rin napapawi ang ngiti sa labi niya. “Ilang beses mo pa ba gustong marinig na gusto kita?”Bilang sagot ay niyakap na lang ng dalaga ang beywang nito at sumandal sa katawan ni Gavin. Ibinigay niya dito ang buong lakas niya na walang arteng tinanggap naman at sinalo ng binatang amaze na amaze pa rin sa mukha nito. Mukhang hindi na niya magagawang makawala pa sa pagkagusto niya sa dalaga.“Antok ka na ba?” “Hmm, slight…”Kulang na lang ay mapairit sa kilig ang dalaga nang wal
HAWAK ANG ISANG kamay ay inihatid siya ni Bethany sa may pintuan ng penthouse nang paalis na siya matapos nilang kumain ng agahan. Nang muli siyang halikan ni Gavin sa labi ay walang kiyemeng pinulupot na ng dalaga ang dalawang kamay niya sa leeg nito upang mangunyapit doon ng ilang minuto. Ang aksyong iyon ay mahinang ikinatawa ni Gavin. Sobrang namamangha pa siya sa dalaga.“Mag-iingat ka, Gavin.” “Hmm, salamat…”Bago tuluyang umalis ay isang madiing halik pa ang iniwan ni Gavin sa labi ng dalaga na hindi na maintindihan ang sobrang pamumula ng mukha. Hiyang-hiya na siya sa mga sandaling iyon. Alam niya kasing lihim na pinapanood sila ni Manang Esperanza mula sa malayo at paniguradong at katakot-takot na namang pang-aasar ang aabutin niya dito oras na makaalis na ang binata. Parang gusto na lang niya tuloy magkulong sa silid buong araw upang maiwasan niya ang panunukso ng babae.“Sige na, aalis na talaga ako. Kung pwede lang hindi ako pumasok ngayon para makasama ka ay gagawin ko,
BUMALIK SIYA NG swivel chair, panay ang buntong-hininga na naupo at magaang isinandal ang likod sa backrest noon upang subukang e-relax ang sarili. Ipinikit niya ang mga mata upang makapag-isip ng tama. Nasa balintataw niya pa rin ang mukha ni Bethany. Ngayong wala na ito sa kanyang tabi, parang nais niyang ibalik na lang ang panahon na siya pa ang laman ng puso ng babae. Sa mundo pa niya umiikot ang lahat. Siya pa ang mahal nitong lalaki. Iyong tipong hindi niy Bethany makakayang wala siya sa kanyang tabi. Kung pwede niya lang ibalik ang oras ay gagawin niya.“Kung pwede lang sana…” mahinang usal niya habang nakapikit pa rin ang mga mata.Naistorbo siya ng mahinang katok sa pintuan na ilang sandali pa ay agad na bumukas. Iniluwa noon ang secretary niya na pagdilat ng mga mata niya ay ang problemadong mukha agad nito ang bumungad.“Sir, sorry po sa istorbo pero mayroon po ngayong problema sa isa sa mga shopping mall na binili niyo sa panimula ng taong ito.” anitong nag-aalangan ang ti
BUMALING SA KABILANG direksyon ng kama si Albert. Kinuha niya ang mobile phone at binuksan ang private album doon na tanging siya lang ang makakapagbukas dahil sa naka-lock. May natira pa siyang nag-iisang larawan ni Bethany na hindi niya magawang burahin kahit na ilang beses niyang tinangka. Nangyari ito dalawa o tatlong taon na ang nakakaraan. Hindi niya makalimutan ang gabing iyon kung saan ay nag-overtime siya hanggang hatinggabi. Ilan lamang iyon sa mga gabing late na siyang umuuwi. Palagi siyang ipinaghahanda ni Bethany ng pagkain para pagbalik niya ay kakain na lang siya. Ganun siya nito kamahal kahit pagod ang dalaga sa kanyang trabaho. Nagagawa pa nitong gawin iyon. Nang gabing iyon, kahit na ang tagal niyang umuwi ay hinintay pa rin siya ng dalaga. Nakatulog na lang ito at lahat sa paghihintay ay hindi siya umalis hangga't wala siya. Umuwi man siyang pagod na pagod ng gabing iyon, lumambot ang kanyang puso nang maabutan niya ang nobyang nakatulog na sa paghihintay sa kanya.
SINUBUKAN NI BETHANY na makabalik ng penthouse ni Gavin bago mag-alas-singko ng hapon. Alas-siyete pa naman ang kadalasang uwi ng binata mula sa kanyang trabaho kung kaya naman minabuti ng dalagang magluto na siya ng hapunan nila matapos niyang makapagpahinga ng ilang minuto. Kagaya ng nakasanayan niya, matapos magluto ay nag-shower na siya para mamaya ay hindi na niya gagawin. Dahil good mood ang babae ng araw na iyon ay isinalang niya ang mga pinamili niyang damit sa washing upang labhan nang hindi makati oras na gamitin. Hindi naman siya ignorante sa bagay na iyon. Nang matapos na iyon ay inilagay niya na ito sa hanger matapos na plantsahin. Marami na siyang nagawa at hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras. Pakanta-kanta pa ng mahina ang dalaga habang inilalagay iyon sa malaking wardrobe ni Gavin. Halos lumuwa na doon ang mga mata ni Bethany nang makita na naman niya ang marami nitong damit na naka-hanger lang doon at hindi pa halos nito nagagamit. Napanguso pa siya nang maal
MAHINANG NATAWA NA noon si Giovanni na masuyong hinaplos ang buhok ng dalagang nakaunan sa isa sa mga bisig niya. Sabi rin ng binata sa kanyang sarili noon na hindi na siya maghahanap ng iba magmula noong makilala niya ang isang dalaga sa Hongkong at nakuha niya ang pagka-birhen nito nang hindi niya nasisilayan ang mukha. Bagay na hanggang sa sandaling iyon ay pinapahanap niya pa.“Saka hindi lang kayo masarap magmahal, masarap talaga kayo—” Kinailangan ni Giovanni na halikan ang labi ni Briel dahil kapag ganun ang sinasabi nito, labis siyang natu-turn on na naman sa kanya kahit na kakatapos pa lang nila na para bang may magic sa mga salita nito na nagdidikta sa kanyang isipan at naka-direkta sa bahaging iyon ng kanyang katawan. Hindi niya alam kung guni-guni niya lang, pero may kutob siya na baka si Briel ang babaeng nakuha niya. Though, imposible ang bagay na iyon kahit parang ka-edad niya lang din ang malabong imahe babae sa isipan.“Have you been in Hongkong, Briel?”“Many times.
DAHAN-DAHANG NAUPO SI Briel habang mabilis na ang ragasa ng kanilang nakaraang dalawa sa kanyang isipan na para bang replay ng isang magandang pelikula na malinaw niyang natatandaan. Ang buong akala niya ay hindi na mauulit pa ang mainit na tagpong pinagsaluhan nila noon sa Baguio pagkatapos ng kasal ng kanyang kapatid kay Bethany. Iyon na ang una at huling tikim niya sa katawan ng Gobernador. Hindi niya makakalimutan ang bawat haplos nito sa kanyang katawan na puno ng nag-aalab na pagsamba. Alam niya sa kanyang sarili na purong pagnanasa lang naman iyon, kung kaya hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit mas nahulog pa siyang lalo sa charm ng lalaki.“Why are you so good?” anas ni Giovanni habang nakasubsob ang mukha nito sa kanyang dibdib at salit-salitan iyong sinisipsip, nasa ibabaw siya ng Governor upang bigyan ito ng hindi makakalimutang pagniniig na ang goal ni Briel ay hanap-hanapin iyon ng binata. “You are making me lose my sanity.” “Because you are so good too.
NANG MABAKALIK NG mansion mula sa mall sina Briel ay hindi na rin doon nagtagal pa ang pamilya ni Gavin at nagpaalam na aalis na rin sila upang umuwi ng villa. Pinigilan sila ng kanilang mga magulang ngunit sinabi nilang papasyal na lang ulit sila doon kung kinakailangan. Isang mahigpit na yakap ang iniwan ni Bethany kay Briel nang ihatid nila ito sa may pintuan. Matapos na mawala sa kanilang paningin ay pumasok na sila sa loob ng mansion. Hinayaan ni Briel na asikasuhin ng mga magulang ang anak na si Brian na wiling-wili rin naman sa dalawang matanda na mas priority na ang anak niya. “Huwag mong alalahanin ang anak mo, kami na ang bahala sa kanya. Just do what you want. Huwag ka lang lalabas ng mansion upang mag-bar at iinom ng alak.” makahulugang biro na rin ng ama niya.Mahinang natawa si Briel. Wala na sa loob niya ang bagay na iyon. Kumbaga ay graduate na siya sa bagay na iyon. Si Brian na ang top priority niya. Kung sakaling iinom man siya, sa mansion na lang niya iyon gagawin.
BUMALIK NA SA sala ang mag-ama matapos ng ilang minutong lamunin sila ng katahimikan. Wala ng sinuman sa kanila ang nais na magdagdag pa ng topic ng kanilang usapan. Iba na ang expression ng mukha ni Mr. Dankworth kumpara kanina. Maaliwalas na iyon na tila ba natanggap na niya ang kapalaran ng bunsong anak. Naliwanagan na rin siya sa ibig iparating ng panganay niyang anak. Naisip niya na may punto nga ito. Kailangan nilang hanapan ng solusyon ang problema at iyon ay ang harapin ang panig ng pamilya Bianchi. Hindi ang lumikha ng panibagong suliranin at gulo na magpapalala ng kanilang sitwasyon. Sinubukan niyang lumapit kay Brian na ayaw namang lumapit dahil sa trauma nito kanina.“Ayan, Gorio. Ayaw ng sumama sa’yo, paano ba naman ang lakas ng boses mo kanina.” ang Ginang na mahinang natawa sa reaction ni Brian na ganun na lang ang tanggi sa Lolo nito.Ginugol ng pamilya ang kwentuhan ng mga nangyari sa buhay ni Briel. Walang gatol na inamin niya kung ano ang nangyari sa kanya. Kung paa
NATIGILAN NG ILANG sandali doon si Mr. Dankworth upang mag-isip. Muli pa siyang nagpatuloy sa paroo’t-parito na para bang kapag ginawa niya ang bagay na iyon ay maiibsan ang problemang kanyang iniisip sa bunsong anak.“Tayo ngang pamilya niya ay hindi siya nakita. Siya pa kaya? Mali nilang pareho at sa tingin ko kailangan nilang mag-usap tungkol sa bata. Kahit para na lang sa bata at hindi sa kanila. Pwede nilang gawin ang bagay na iyon, di ba? Magkasundo na lang sila kung ano ang mabuti nilang gawin sa binuo nilang responsibilidad na magkasama.”“Hindi. Hindi ako papayag na makikipag-usap pa si Briel sa kanya. Halata namang wala siyang interest sa kapatid mo! Bakit ipagtutulakan pa natin siya sa kanya? Kaya natin buhayin ang kapatid mo at ang anak niya. Ibig sabihin lang noon sa loob ng dalawang taong iyon, ni piso o kaunting suporta ay walang nakuha ang kapatid mo sa kanya.” matigas na katwiran ni Mr. Dankworth na nagpaiba ng hilatsa ng mukha ni Gavin, parang ang unfair naman ng ama
ILANG SANDALI PANG pinagmasdan ni Briel ang mukha ng kanyang ama na nakatingin sa kanya nang mataman. Tinatantiya kung ang ipinapakita ba nito sa kanya ay ang tunay nitong nararamdaman o nagbabalat-kayo lang. Habang magkahinang ang kanilang mga mata ay napakaraming gustong ipaliwanag ni Briel sa ama kaya lang ay hindi niya magawang isatinig iyon. Tila ba mayroong pwersang pumipigil sa kanya. Naisip na rin ni Briel na hindi iyon ang tamang panahon para doon. Kahit na gusto niyang magsalita, umuurong ang dila niya kapag gagawin na.“Maiwan ko muna kayo. Pupunta lang ako ng study room.” paalam ni Mr. Dankworth na bakas ang bigat na pakiramdam sa kanyang magkabilang balikat bagamat hindi na galit ang emosyong nakabalandra sa mukha niya.Sinundan lang ng pares ng kanilang mga mata ang likod ng padre de pamilya na lingid sa kaalaman ng lahat na sobrang bagsak at gulo ng kanyang isipan ng mga sandaling iyon nang dahil sa nangyari sa bunsong anak. Nang mawala na ito sa kanilang paningin ay mu
NAMAYANI ANG LABIS na katahimikan sa kanilang pagitan pagkatapos na seryosong sabihin ang litanyang iyon ni Mr. Dankworth. Natuod na si Briel sa kanyang kinauupuan. Habang lulan kanina ng sasakyan ay ilang beses na niyang prinaktis sa kanyang isipan ang isasagot sa mga posibleng katanungan ng kanyang mga magulang. Ngunit ngayong nasa pagkakataon na silang iyon, para bang naglaho ang kanyang mga hinabing salita ng explanation. Wala siyang nagawa kundi ang mapatungo at mahulog ang mga mata sa kanyang dalawang palad na para bang kapag ginawa niya iyon ay makikita niya ang kasagutan sa tanong ng kanyang ama. Hindi siya takot, pero nahihiya siya.“Sana man lang ay isinama mo siya dito, Gabriella.” dagdag pa ng amang inip na hinihintay ang sagot ng anak. Ilang beses niyang nilingon si Gavin, ang asawa at maging ang manugang niyang si Bethany na para bang alam nila ang sagot ng bunso niyang anak. Ngunit nanatiling tikom ang bibig nila na tila ba naghihintay din ng explanation. Nabaling na
BAGO PA MAN makapag-react ang Ginang ay tinalikuran na sila ng malamig pa rin ang tingin na si Mr. Dankworth. Bakas na bakas sa gawi nito ang pagiging dismayado sa naging kapalaran at desisyon ng kanilang anak na bunso. Nagpatiuna na itong pumasok sa loob ng mansion na walang lingon sa mga nakatungangang anak. Natataranta namang sinundan siya agad ng Ginang upang masinsinang kausapin matapos na lingunin na rin ang tahimik pa rin na mga anak na nakatayo sa parking lot na para bang nagpapakiramdaman kung ano ang susunod na gagawing hakbang. Kanina pa gustong i-comfort at yakapin ng Ginang nang mahigpit ang bunsong anak, ngunit hindi niya iyon magawa. Ang kailangan niya munang pag-ukulan ng pansin ay ang kanyang asawa na alam niyang labis na nasaktan sa nalaman niya.“Sumunod kayo sa amin ng Daddy niyo. Sa loob tayo mag-usap. Unawain niyo rin sana ang reaction niya. Maging responsable tayo sa mga desisyon natin at huwag maging balat-sibuyas. Ginusto natin ito, matuto tayong tanggapin ang
NAPALINGON NA SI Briel sa may pintuan ng silid nang maramdaman na may mga yabag na lumalapit doon. Ang nakangiting mukha ni Bethany ang tumambad sa kanya pagkaraan ng ilang segundo. Ginantihan niya ito ng magaang ngiti. Kapagdaka ay muling ibinaling na ang kanyang mga mata sa anak na nakahiga pa at kakatapos lang na bihisan.“Ready na kayo? Nasa ibaba na si Gavin. Huwag kang mag-alala, sasama naman ako papuntang mansion. Magiging back up mo ako doon just in case lang. Nasa likod mo lang ako.” anito na humakbang na papalapit sa kanila ni Brian. Kinarga na ni Bethany ang kanyang anak na hindi naman umiyak. Dinampot na ni Briel ang mga gamit nilang mag-ina. Sumunod na siya sa ginawang paglabas ni Bethany sa silid habang karga pa rin nito ang kanyang anak.“Tingin mo Bethany, saglit lang ang magiging galit nina Mommy at Daddy sa akin? Pwede naman kasing hindi na lang kami pumunta ni Brian at—”Natigil na si Briel sa sasabihin pa sana nang humarap na sa kanya si Bethany. Ilang segundo siy